Bullets and Justice [complete...

By Michael-Camino

5.8K 297 6

Matapos mamatay ng ama ni Severina, gumuho ang kaniyang mundo. Ang spoiled brat na katulad niya ay napilitang... More

Bullets and Justice
Disclaimer
Dedication
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Epilogue
Acknowledgement
About The Author
THANK YOU
FIRST DRAFT (RAW & UNEDITED)

Chapter Nine

205 14 0
By Michael-Camino

LUNES na ngayon, at ito na ang araw na magpapaalam sina Severina at Gunner sa pamilya at probinsya nito. Sa gabi kasi ng Sabado ay napagdesisyunan nila ni Gunner na bumalik na sa city at harapin ang tito niya. Nagplano na rin silang pumunta kay Attorney Pete Davidson para masabihan nila ito, lalo na rin si Chief Tyson para maipakulong niya ang tito niya.

“Sure na ba talaga kayong aalis?” tanong ni Lily kay Severina habang nag-aayos siya ng sarili sa harapan ng salamin. “Aba, oo naman. Hinihintay ko talaga ang araw na ’to. Don’t worry, babalik naman kami ng kuya mo ’pag natapos na ang problemang ’to.” Nginitian niya si Lily para mapawi ang lungkot nito. Nagtagumpay naman siya roon nang bigyan siya nito ng isang napakagandang ngiti.

“Basta, Ate, promise me babalik ka rito.” Lily pouted her lips that made Severina smile. Hinawakan niya ang kamay ni Lily. “Promise,” wika niya rito.

Nakarinig si Severina ng pagtawag ni Gunner galing sa labas. Mga alas-sais pa yata ng umaga at sinabi nitong kailangan daw nilang magmadali para maaga silang makararating doon.

Magkasabay sila ni Lily na lumabas ng bahay. Kaagad niyang tinungo ang kotse. Napatingin si Severina sa suot ni Gunner, iyon ang suot na nakasanayan ng mga mata niyang makita ito: fitted dinner suit, slacks, black shoes, and waxed hair.

Nginitian niya ito bago siya pumasok sa backseat ng kotse. Habang nasa loob ay pinanood niya si Gunner na magpaalam sa ina nito at kapatid. Nang matapos ay tinungo na nito ang driver’s seat saka dahan-dahang pinaandar ang engine nito.

Huminga siya nang malalim. Ilang sandali ay dahan-dahan nang umandar ang kotse. Umatras muna ito saka muling umabante. Kinawayan ni Severina sina Lily sa huling pagkakataon.

Nang makalayo na sila ay inayos niya muli ang pagkakaupo. Pinindot  niya ang stereo saka nagpatugtog. Hindi siya pinansin ni Gunner, nakatuon lang ito sa harapan. Napangisi naman si Severina at napatingin kay Gunner nang marinig ang kanta. Parang bumagay kasi ang kanta sa sitwasyon nila. Ang pinagkaiba lang, they were not lovers.

Bumalik sa isipan ni Severina ang kaniyang nasaksihan last Friday night.

Matapos kasi nilang kumain ay tinungo niya ang kwarto na ni Lily para makapag-ayos, iniwan niya sina Gunner at Lily sa kusina. At nang bumalik siya ay napahinto siya nang marinig niyang nag-uusap ang dalawa. Parang seryoso ang usapan. Hindi niya namang sinasadyang marinig iyon.

“Pero, Kuya, hindi mo ba gusto si Ate Severina?”

Nanlaki ang mga mata ni Severina nang marinig niya ang sinabi ni Lily. Tiningnan niya si Gunner, nakatalikod ito sa kaniya ngayon, hinintay niya ang sagot nito. ‘Gusto niya rin ba ako?’

Matagal ito bago nakasagot.

“I don’t know,” ani Gunner dahilan para manghina ang mga tuhod ni Severina. Parang bigla siyang nawalan ng enerhiya sa mga sinabi ni Gunner. Nawala ang ngiti niya sa labi at dahil ayaw niya nang marinig ang mga susunod nitong sasabihin ay kaagad siyang bumalik sa loob ng kwarto.

Ni hindi niya ito pinansin kinabukasan, pero dahil sadyang marupok siya, ginawa niya na lang. Bakit nga naman siya masasaktan, ’di ba? Ang trato lang sa kaniya ng taong ito ay wala iba kundi amo. Iyon lang ‘yon, wala ng iba.

Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa dumaan sila sa highway, sa dulo niyon ay ang city, pero sa hindi kalayuan ay nakakarinig na sila ni Gunner ng sunod-sunod na putok ng baril. At dahil sila lang ang taong dumadaan sa highway ay hindi nila mapigilang kabahan.

Hindi sinasadyang hawakan ni Severina ang kamay ni Gunner.

“What’s wrong?” tanong nito. Hindi niya ito tiningnan dahil sa harapan nakatuon ang atensiyon niya. “Alam ba nila na pabalik na tayo?” tanong ni Severina.

Naningkit ang mga mata niya nang ilang sandali pa ay may sumulpot na isang kotse sa unahan. Matulin ang takbo nito na papalapit sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Severina nang makita niya ang nasa likuran nito.

May sumusunod sa mga ito. Isang truck na may mga . . . armadong lalaki?!

HALOS mga mura lang ang maririnig sa kotse nina Sean ngayon. Napatakip ang mga babae sa kanilang tainga nang maramdaman nilang binabaril ang likurang parte ng kotse. “Tangina naman, bakit ngayon pa tayo naubusan ng gas?” Mabilis na tinapakan ni Sean ang preno, na halos naman mapasubsob sa unahan ang mga kasamahan niya.

Kaagad silang apat na lumabas ng kotse at mabilis na tumakbo sa harapang parte ng sasakyan para magtago. Wala naman sigurong may gusto sa kanila na matamaan ng baril, hindi ba? Napansin naman ni Alexis na may paparating na kotse. Huminto ito sa harapan nila at nagulat silang dalawa ni Mayumi nang makita nila kung sino ang nakasakay roon.

“What’s happening here?” kaagad na tanong ni Gunner nang makalabas sila ni Severina sa kotse.

“Pinagbabaril kami ng tauhan ng tito ni Sevy,” sagot ni Alexis dito.

Mabuti na lang ay may dala si Gunner na mga baril sa loob kaya sinabihan niya ang dalawang lalaki na kunin iyon. Si Severina naman ay pinalayo ang mga kaibigan niya.

Huminto ang truck kung saan nakasakay ang mga lalaki na humahabol sa kanilang apat. Kaagad sila nitong pinaputukan ng baril, pero sadyang maliksi sina Gunner para maiwasan iyon. Dali-daling lumapit si Gunner sa kotse na nakaharang sa harapan at kaagad na umupo sa sementong parte ng kalsada.

Tatlo rin ang lalaking humahabol sa kanila kaya parang alam niya na kahit papano ay patas lang ang laban.

Nagpakawala si Sean ng ilang putok ng baril, pero nakailag lang ang tatlong kalaban nila, madali rin kasi itong nakapagtago sa bakal na parte ng truck kaya nagmarka lang sa bakal ang tama ng baril.

Pinanonood lamang nina Mayumi, Alexis, at Severina ang tatlo na makipagbarilan sa harapan. Hindi naman nila mapigilang manginig sa takot. Gusto ni Severina na tumulong, pero hindi niya alam kung paano, hindi rin naman siya marunong humawak ng baril.

“Tulungan natin sila,” sabi ni Alexis saka akmang lalapit sana. “’Wag na, baka mapahamak pa sila dahil sa ‘tin,” sagot ni Severina rito habang pinipigilan na makalapit si Alexis doon

PALITAN lamang ng putok ng baril ang maririnig sa buong paligid sa labas ng borderline ng siyudad. Nagpakawala ng putok si Gunner dahilan para matamaan ang isa sa mga lalaki. Kaagad itong natumba sa harapan ng kasamahan, dahilan para mabigyan pa ito ng motibasyon na patayin sila.

“Tangina! Tulungan mo ‘ko rito!” sigaw ng lalaking nakasuot ng kulay itim na damit sa kasamahan nitong nasa loob ng truck.

“Tangina mo rin! Hindi ako marunong humawak ng baril!” sigaw pabalik ng lalaking nasa driver’s seat. Kaagad siyang bumaba saka lumapit sa kasamahan niya. Ibinigay ng lalaki ang extra pang baril sa kanilang driver.

“Ano’ng gagawin ko rito?” Tiningnan ng driver ang kasamahan niya. Wala talaga siyang kaalam-alam sa mga ganitong sitwasyon. “Barilin mo lang sila,” ani ng kasamahan nito saka muling nagpakawala ng putok sa kabila.

“Nanggigil na talaga ako ro’n!” inis na sabi ni Sean habang nakasandal sa harapan ng kotse. Nakatago sila ngayong tatlo para hindi sila matamaan, habang ang mga babae naman ay nasa kotse nina magtatago.

Ilang sandali pa ay muling nagpakita si Gunner sa mga goon dahilan para pagbabarilin muli siya ng mga ito, pero sadyang napakagaling niya. Hindi naman siguro ito bibigyan ng mataas na parangal sa department nila kung hindi ito ganito kagaling.

Kaagad natamaan ni Gunner ang isa sa dalawang lalaki na nagtatago sa itim na truck, natamaan niya ito sa ulo kaya kaagad itong bumagsak. Mas bumilis naman ang tibok ng puso ng driver, mas humigpit ang pagkahawak nito sa baril, pero kaagad niya itong nabitiwan.

“’Wag po!” Kaagad nitong itinaas ang dalawang kamay sa ere nang tutukan siya ni Gunner ng baril. “Gunner! Don’t kill him! Maawa ka naman!” saway ni Severina sa likuran. Kaagad na tumayo ang lalaki habang nakataas pa rin ang mga kamay. Tiningnan nito ang malamig na mga mata ni Gunner. Bahagya siyang nagulat nang makita niya kung bakit ganoon ‘yon, iba kasi ang kulay ng mga ito.

“Sino’ng nag-utos sa inyo para gawin n’yo ‘to?” Mas inilapit ni Gunner ang baril sa mukha ng lalaki kaya kaagad itong sumagot.

“Si Boss Franco po.” Nanginginig ang boses nito habang nakatingin kay Gunner. “Inutusan niya lang po kaming gawin ’to, pero h–hindi po ako m–masama, n–napasama lang ako sa dalawa kanina,” pagpapaliwanag nito.

Tumaas ang kilay ni Gunner doon. “Bakit niya kayo inutusang pagbabarilin kami?” Naglakad palapit si Sean sa direksiyon kung nasaan si Gunner at ang lalaki. Lumihis ang mga mata nito saka tiningnan si Sean. “Nalaman po kasi ni boss na mali ang testamentong binasa ni Attorney—”

“Mali?” Si Severina naman ngayon ang naglakad palapit doon.

“Nalaman po kasi ni Attorney at ng tito ninyo na may kapatid kayo,” sagot ng lalaki kay Severina na ikinagulat naman ng dalaga. Totoo ba itong narinig niya? May kapatid siya? Napatingin si Sean sa tabi niya kung saan nakatayo si Severina. Gusto niyang magsalita, pero pinabayaan niya na lang muna itong matanggap ang nangyayari.

“Kailangan na nating bumalik sa bahay—”

“No!” Napatingin ang lahat kay Sean nang bigla itong sumigaw. “At bakit hindi?” Tinaasan ni Severina ng kilay si Sean.

“I mean, baka mapahamak lang kayo, gaya ng sinabi ng taong ’yan. Desidido ang tito mo na ipapatay ka,” sagot ni Sean kay Severina. “Mabuti pa’t doon na lang muna kayo sa bahay tumuloy,” dagdag pa ni Sean dito.

Napaisip si Severina roon. Kung sa bagay, parang hindi naman kakayanin nina Gunner na kalabanin ang napakaraming goons ng tito niya kung magmamatigas pa silang tumuloy roon, kaya pumayag na lang siya na kina Sean sila tutuloy pansamantala.

“Sige. Tara na, Gunner. ’Wag mo nang patayin ‘yan, pabayaan mo na lang,” sabi ni Severina kay Gunner. Tumango naman ang binata saka kaagad ibinaba ang baril. Tumalikod na ito at iniwan ang lalaki. Ngumisi-ngisi pa ito dahil sa saya na hindi siya papatayin.

Naglakad na ang tatlo papunta sana sa kotse nila, pero bigla namang kinuha ng lalaki ang baril na nabitiwan nito kanina at dali-dali siyang  nagpakawala ng ilang putok dahilan para matamaan si Gunner. Kaagad itong natumba kaya napalingon sina Sean at Severina roon. Dahil sa galit ay binaril ni Sean ang lalaki gamit ang nabitiwang baril ni Gunner. Bumulagta ang katawan ng lalaki sa tabi ng mga kasamahan nito.

“Gunner?” Niyugyog ni Severina si Gunner na ngayon ay naghihingalo na. “Dalhin natin siya sa hospital,” halos maiyak-iyak na si Severina habang pinagmamasdan si Gunner na nahihirapan ng huminga sa kanilang harapan.

Dalawa ang tama nito sa likuran, maraming dugo ang nawawala kay Gunner kaya nagmadali sina Sean at Colby na pagtulungang buhatin si Gunner para isakay sa kotse at madala sa bahay nina Sean.

“HE’S okay now, kailangan niya munang magpahinga,” wika ng doctor na gumamot kay Gunner. Akala ni Severina ay dadalhin nila si Gunner sa hospital, pero nagulat na lang siya nang dalhin sila ni Sean dito sa bahay nila.

Lumabas sila sa kwarto para maiwan si Gunner. “Salamat nga pala.” Nginitian niya si Sean.

“That’s nothing, sis.”

Naningkit ang mga mata ni Severina. ‘Sis? Bakla ba siya?’

“Sean?”

Napatingin sila sa lalaki na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Kilala ni Severina ang taong ito. Ito si Rolando Primstar, isa siya sa mga ka-partner ng daddy niya sa business. Nakikita niya kasi ito minsan sa opisina ng daddy niya tuwing bumibisita siya. ‘So it means na si Sean ay anak ng taong ito?’ sabi niya sa isipan.

“Ikaw si Severina?” tanong nito sabay tingin sa kaniya. Ngumiti siya saka tumango. “Hija, nakikiramay ako sa pagkawala ng dad mo.” Ngumiti siya roon saka sumagot, “Salamat po. Salamat din na pinatuloy n’yo kami rito sa bahay ninyo.”

“Oo nga po. Akala ko nga, last hour ko na ‘yun kanina,” sagot ni Alexis sa likuran ni Severina kasama si Mayumi.

“Halina kayong lahat, may pag-uusapan tayo.” Tumalikod sa kanila si Rolando Primstar saka naglakad sa mahabang pasilyo ng kanilang bahay. Nagkatinginan silang lahat. Ano naman kaya ang dapat nilang pag-usapan?

Wala naman silang nagawa kundi ang sumunod na lang hanggang sa makarating sila sa living room ng bahay.

Umupo sila sa couch, magkatabi sina Severina, Alex, at Yums. Si Sean naman ay katabi ang isa pang lalaki, Colby yata ang pangalan niyon kung hindi siya nagkakamali.

“Kailangan nating pag-usapan ang tungkol sa kapatid mo, Severina.”

Naningkit ang mga mata ni Severina roon. Naalala niya ang sinabi ng lalaki kanina na may kapatid raw iya. “Po?” tanong niya rito.

“November 2002 nang magkausap kami ng daddy mo. Sinabi niya sa akin na ako muna ang mag-aalaga sa kapatid mong lalaki.” Sumulyap ang lalaki sa direksiyon kung saan nakaupo si Sean. “Sabi niya kasi, may isang organisasyon ang naghahanap sa kaniya, ayaw niya raw namang madamay ang bata. Dinala kanaman ng mommy mo sa States para magtago rin doon.”

Naningkit ang mga mata ni Severina. “I don’t get it. Bakit hindi na lang isinama ang kapatid ko sa States?” tanong niya agad rito.

“Hindi alam ng mama mo na may kakambal ka pala. Tama ang narinig mo, hindi lang basta kapatid na lalaki, kundi may kakambal kang lalaki.”

Kaagad siya nakaramdam ng kaba at kung ano sa tiyan niya. “Po?”

“Lumipas ang ilang taon, kinausap ko ulit ang daddy mo na kung sana, ako na lang ang aako sa responsibilidad ng kapatid mong lalaki kasi dahil sa tagal rin ng panahon ay napamahal na ito sa akin, lalo na sa namayapa kong asawa. Hindi kami magkaanak kaya nahanap ng asawa ko sa kapatid mo ang pagmamahal ng isang anak.”

Hindi niya mapigilang mapaiyak sa kaniyang mga naririnig.

“Sino po ang kapatid ko?” tanong niya rito. Nakita niyang tumayo si Sean na basang-basa na ang mukha ngayon dahil sa luhang umaagos galing sa mga mata nito.

“Ikaw kapatid ko?” Nanginig ang mga labi ni Severina. Kaagad rin siyang napatayo.

“Gosh?” natatawang sabi ni Mayumi sa tabi niya.

Naglakad palapit si Sean sa kaniya saka kaagad siyang niyakap nang napakahigpit. Niyakap niya rin ito.

Napahagulhol si Sean dahilan para hagudin niya ang likuran nito. “Shhh, tahan na.”

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
2.1K 56 32
How many times does Everleigh have to accept that she has no right to be angry and jealous because they have no relationship with Lorenzo but only fr...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
790 166 37
lrish Diaz is a party girl and a brat, she always does what she wants without thinking of others. When she got involved in trouble at a club her pare...