After the Chains (Costa Leona...

By jonaxx

18.4M 748K 1.1M

O More

After the Chains (Costa Leona Series #13)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30

Kabanata 6

454K 24.7K 43.4K
By jonaxx

Kabanata 6

Winner


Dumating ang mga Lopez sa hapong iyon. Nasa bulwagan kami ni Senyora at sinusundo ang dalawa nang pababa pa lang si Uriel galing sa pagtatago sa pangit kong painting.

Nilingon ko siya. Ngumisi sa akin habang sinisimangutan ko. Nagulat tuloy ako nang niyakap ako ni Reynaldo bilang pagbati.

"It's nice to see you again," si Reynaldo.

"Nice to see you again, too!"

"Salamat po sa pag-iimbita, Senyora. Wala ang dalawang kapatid ko dahil hindi pa tapos ang eskwela nila," si Franco.

"Nasabi nga ng inyong ama," si Senyora. "Nasabi rin niya na may lakad daw kayo by the end of the week?"

"Opo. Pero mababagot kami kahihintay sa weekend para sa lakad namin," si Franco ulit.

They greeted Uriel, too. Biniro pa ni Reynaldo kasi nabanggit nga naman ni Uriel na hindi tatanggap ng bisita ang mansiyon.

"Ah! Just forget about it. Nababagot kasi si Lucianna rito kaya gusto kong narito kayo."

Tumawa si Franco at bumaling kay Uriel. Reynaldo then smiled at me.

"Hindi naman," I explained because Senyora is exaggerating it. "Ayos naman ako rito pero okay din na nandito kayo."

Franco is the eldest of the four Lopez brothers. Kung hindi sila magkaedad ni Uriel, siguro'y magkaedad sila ni Anton. Reynaldo is a few years younger than him. Mas hindi kami nagkakalayo ng agwat ni Reynaldo kaya mas nakakarelate ako sa kanya.

Maingay sa hapunan dahil lima na kaming nakaupo. The Lopez boys are rowdy and Uriel mixes with them well. Natutuwa naman ako sa pakikinig lang pero hindi yata palalagpasin ng mga ito ang katahimikan ko.

"Maaga pala natapos ang school year n'yo, Lucianna."

"Ah. Oo. Marami kasing aalis kaya nagrequest ang parents na agahan na ang pagtatapos," sagot ko.

"Si Wesley ba iyong nanliligaw sa'yo na Samaniego?" si Reynaldo.

Namilog ang mga mata ko. Napasulyap ako kay Senyora na nabitin ang pag-iinom ng tubig ngayon. I watched Uriel eating his meal seriously.

"Ah hindi. Si... Simon 'yon."

"Ah. Ang pinsan pala nila. Akala ko si Wesley," sabay tawa ni Reynaldo. "Nakuwento nga ni Renato na ang kaibigan niya raw, natatakot kay Lucho."

Tumawa lang ako at umirap. "Kapag kasi naririnig ni Kuya na may manliligaw ako, siya ang sumusundo sa akin, hindi ang driver. Kaya napapaurong ang iba."

"I really bet you have many many suitors, hija. Ang ganda mo. At tama lang ang mga Kuya mo na nagiging protective sa'yo," si Senyora naman.

"Oo. Nakuwento nga po ng ilang kilala namin na mahirap ligawan dahil laging kasama ang dalawang kapatid."

"Lucho Almodovar?" si Uriel na sumapaw sa usapan. "I met him a couple of times in a business meeting. Not someone who could scare anyone, unless if her suitors were little boys."

This arrogant bastard...

"Well, yes, my suitors are boys my age. Not your age," iritado kong sinabi.

Franco laughed. Napainom naman ng tubig si Reynaldo at si Senyora agad na nanaway.

"Oh, tama na 'yan! Hay naku!"

Nagpatuloy ang tawanan. Uriel's sharp eyes were directed at me. I ignored him and continued my meal.

"This is why I had to bring you boys so they won't kill each other when they are alone in the house."

"Hindi pa naman po kami buong summer nandito. Sayang," si Franco na natatawa pa rin.

"That's alright. Make the most of it, boys. Ano bang gusto n'yong gawin bukas?"

Parehong gusto raw ni Franco at Reynaldo mamasyal. I realized that whenever they do that, they use the horse to go around. May lupain pala ang mga Mercadejas sa kabila ng kalsada at doon sila madalas pumupunta.

"Maganda rin sana na pumunta sa mga Hidalgo at Riego. Madalas kami roon noong nakaraang summer."

"Tamang tama at gusto ring mamasyal ni Cian!" si Senyora.

"Ah, dito na lang po ako sa bahay. Hindi kasi ako marunong mangabayo."

"Hindi ka marunong?" si Senyora.

"Sumakay ka na lang sa akin, Cian," si Reynaldo.

"You weren't taught? Hindi ba nagpo-polo ang mga Kuya mo?"

"Sinubukan po akong turuan pero hanggang basics lang. Kung medyo lubak lubak na terrain, hindi ko na gaanong kuha. More so if I join them."

"Kung ganoon, sumakay ka na nga lang sa akin!" si Reynaldo ulit.

"Hmm. You can do that some other time hijo. Bukas, dito na lang muna kayo sa grounds."

"Puwede rin po," si Franco.

Nanahimik si Senyora at tinitigan niya ako. Ilang sandali ay ngumisi siya.

"May ideya ako."

Payapa naman akong natulog sa gabi. Si Uriel at ang magkapatid na Lopez ay nagkakatuwaan pa nang umakyat ako. Nag-uusap din si Franco at Uriel tungkol sa business kaya hindi na ako nakisali.

Nagising ako kinaumagahan sa ingay ng mga kabayo sa labas. Dumungaw agad ako sa bintana at nakitang nagmamadaling umalis ang tatlo. Nakita ko ring may ilang tauhan sinaa Senyora sa bakuran na pinagtutulungan ang iilang pole.

"Cian?" sabay katok ni Senyora.

Nahihiya dahil tinanghali na naman, pinagbuksan ko ang pintuan. May dala siyang whisk ngayon.

"Po?"

"Magbihis ka na para sa breakfast mo. Tapos ay gumawa tayo ng brownies!" anyaya niya.

I hate cooking. Or maybe because I don't really cook at home. I don't appreciate it. At ilang beses kong sinubukan na matuto pero hindi nito nahila ang interes ko.

"Sige po, susunod na ako."

Naligo at nagbihis ako bago bumaba. Tapos na pala silang mag breakfast siguro dahil maaga magising ang mga lalaki kaya mag-isa akong kumain.

Ibinilin ni Senyora na sumunod ako sa kitchen pagkatapos kaya ginawa ko naman.

Their kitchen is huge. Kombinasyon ng makabagong teknolohiya sa pagluluto at ang tradisyonal. Nakita kong may abuhan sila ng oven pero mayroon ding hightech.

"Mahilig po pala kayong mag bake, Senyora," puna ko nang natanaw na alam niya ang ginagawa niya.

I don't know how to bake and I can't tell from her skills. Pero sa paraan ng bilis niya, nararamdaman kong marunong nga siya.

"Hija, sa ilang taon ko na rito, wala gaanong ginagawa, pati ang pagluluto na ayaw ko ay inaral ko na. Sa pagkakabagot."

I chuckled. "I also hate cooking. Or baking. But you're right po. Kung siguro bored na ako baka maisipan ko rin kalaunan."

I realized she's too young to be a mother of two adults now. Pero naalala ko rin na maaga naman ding nag-asawa si Mama at Papa. Sa panahon nila, ayos lang na ganoon. Maybe that's why she's still so young today.

"You should start yours now."

Napakurap-kurap ako sa gulat. Akala ko manonood lang ako o 'di kaya'y tutulong lang na taga pasa ng sangkap.

"You'll bake the basic brownies. Maliit lang. Tuturuan kita."

I swallowed hard. I was unwilling but also bored.

"I will host an equestrian match after lunch, later. Ihahanda natin ang merienda para roon."

"Equestrian match?" I asked.

"Yes. For the boys. Manonood tayong dalawa para malibang. Magpapa set up na ako ng circuit sa labas."

So that explains the poles outside. Nagkibit ako ng balikat at nagpasya na maganda naman iyon.

Tinuruan ako ni Senyora sa mga sangkap sa brownies. Nakakahiya pa dahil ilang beses siyang muntik nang mairita dahil medyo wala talaga akong alam sa kusina.

However, after almost an hour of that, I finally settled three sets of brownies.

Nauna na kaming maglunch ni Senyora para matingnan ang mga b-in-ake. I was excited. Hindi man ako mahilig sa ganoon, excited pa rin dahil first time.

Dumating na sina Uriel at ang magkapatid na Lopez, nakabalik na kami ni Senyora sa kitchen.

She was now busy dressing up her desserts. Ibinilin niya na naman sa akin kung anong oras ko dapat kuhanin ang brownies ko kaya lang ngayong hinayaan niya na ako, hindi na ako sigurado.

Tinanaw ko galing sa labas ang isa sa mga brownies at nakitang medyo basa pa iyon. I should extend, huh?

Nalibang na rin ako nang tumulong kay Senyora ang mga kasambahay. They decorated her desserts and they were good at it. Naamoy ko ng kaunti ang brownies kaya inayos ko na ang oven na in-extend ko kanina. I opened it. Naamoy agad ng buong kitchen iyon.

"What's that smell? Is it done?" si Senyora na lumapit sa akin.

Maingat kong nilabas ang naunang maliit na brownies. Namimilog ang mga mata ko nang nakitang kakaiba ang pagka-brown nito. Something's telling me that it's not good.

"Oh no!" si Senyora.

Nasa maliit na lalagyanan lang iyon. Only nine slices, when sliced, said Senyora. Tatlo naman ang ginawa kaya ayos na sana iyon kaso mukhang pumalpak pa.

"Oh no! I'm sorry," sabi ko.

Kinuha ng ilang kasambahay ang dalawa pang brownies ko at nakita naming isa lang ang maayos doon. Kinagat ko ang labi ko at sinulyapan si Senyora. Kinabahan ako bigla dahil pumalpak ako.

Iritado ang tingin niya sa mga ito. Kinabahan tuloy akong magsalita. Baka akala niya, wala talaga akong kuwenta.

"Magbi-bake na lang po ulit ako, Senyora."

Hindi siya nagsalita. Naisip ko ang oras. She set the equestrian circuit's time at malapit na iyon magsimula. Nilalabas na ang ibang gawa niya.

"Uh... Etong isa lang yata ang maayos ayos. Iwan na lang natin itong dalawa rito."

Slowly, her eyes leveled on me. Akala ko talaga magagalit siya lalo na dahil nakasimangot. Laking gulat ko nang ngumiti siya.

"I know what to do..." she said slowly, her eyes sparkling.

"Po?"

"We'll take this perfect set of yours and declare this as the price for the winner!"

"Po?!"

Uminit ang pisngi ko. Para namang hindi magandang price iyon. Nakakahiya. Ni hindi pa namin alam kung masarap ba iyon o hindi.

"Pero senyora, nakakahiya po-"

"It's alright. Nakita ko namang sinunod mo ang mga kailangang gawin. Ang pumalpak lang ay sa oven kaya hayaan mo na 'yang dalawa. Itong isa, nasisiguro kong masarap. Amoy pa lang..."

Inamoy ni Senyora ang brownies.

"Masarap na at walang amoy ng pagkasunog!" sigurado niyang sinabi.

"Pero po... kung price lang din naman, e, walang espesyal diyan."

"Walang espesyal?!" she looked offended now. "This is your first perfect brownies! And for a princess like you, this is a big achievement. I'm sure the Lopezes knows that kaya masisiyahan sila na malaman iyon!"

Siguradong-sigurado si Senyora sa sinabi niya. Ako naman, hiyang hiya. Kaya lang, wala na akong magagawa.

Sumunod ako kay Senyora sa labas. Naroon na sina Uriel. Nakalabas na rin ang tatlong kabayo na gagamitin. Bumaling ang mga lalaki nang lumabas kami ni Senyora.

"Here it is! The price of the winner!" maligayang presinta ni Senyora at nilagay pa sa gitna ng lamesa iyon.

"Yes!" sigaw ni Reynaldo na halatang excited lang sa gagawin.

Nakalatag na sa bakuran ang mga pole na tatalunan ng mga kabayo. Ilan na lang ang inaayos pa at namangha ako na sa lawak nito'y puwede pala talaga paglaruan ng equestrian.

"This is special because this is the first brownies made by none other than!!!" mayabang na sinabi ni Senyora.

Uminit ang pisngi ko at bumagsak ang balikat sa kahihiyan.

"Cian!"

"Wow!" ngayon, pati na si Franco ang namangha.

"Marunong ka palang mag bake?" si Reynaldo.

Umiling ako pero hindi na kailangan kasi si Senyora na ang sumagot.

"Hindi siya marunong. Ngayon pa lang natuto. She did other two but those were a disaster! This one is perfectly baked, though!"

Nilapitan na ng magkapatid iyon at dinungaw na parang may nakakamanghang hatid ito. Uriel only snorted and remained calm with his horse. Nakatingin si Senyora sa anak habang pinagpapatuloy ang papuri sa akin.

"Cooking is a basic thing so what's special?" si Uriel.

He's right, though, but that doesn't mean that he's not an asshole! Damn him!

"Pinaghirapan niya iyan! You know a princess like her doesn't want to deal with the kitchen so much! This moment is special because it's her first bake! Right, Cian?"

"Ah..." I chuckled. "Opo."

I just agreed so Senyora wouldn't get mad.

"Alam n'yo ba? Siya rin ang bumili ng ingredients niyan sa Caticlan noong isang araw!"

"Whoa!" nangingiting baling ni Franco sa akin. I smiled at him.

"At maganda ang ingredients niyan! Tinuruan ko siya pero hinayaan ko siyang gawin ang mga itinuro ko kaya siya lang talaga ang gumawa niyan! It's remarkable to have her bake that in a perfect way! For her first time!"

Nagpatuloy pa si Senyora. Nang sumampa si Uriel sa kabayo, 'tsaka pa lang siya tumigil. Napansin kong tapos nang inayos ang circuit.

"Shall we start? I do the scoring?"

Uriel maneuvered his horse to face us. Nagtagal ang tinggin ko sa kanya at napansing bagay sa kanya iyon.

The horses were all hybrid or imported, not the local type that are usually smaller in size. Kaya naisip kong lalong hindi ko alam kung paano sumakay sa ganoon.

His horse was a dark brown one with black legs down the horseshoe. His head tilted a bit while listening to his mother's words about their contest.

Kung hindi ko lang siya kilala, maiisip kong ang guwapo niya. He looked incredible riding a horse. Not princely but I guess... more like a warrior.

Sumampa na rin si Franco at Reynaldo sa kanilang mga kabayo. Umatras ako at nakita ang nakahandang upuan para sa amin ni Senyora. May lamesa rin doon at may papel at lapis pa para siguro sa scores ni Senyora.

I don't know how this is scored but Senyora declared that she will simply have her own rules. Hindi rin kasi siya propesyunal para mag judge.

"Basta may kaunting mali, bawas sa points iyon. If it's a glaring mistake, then the whole round is forfeited."

Naupo ako at naghintay. Hinayaan ni Senyora na mag-ensayo ang tatlo. Tuwang tuwa naman sila at hindi ko rin naman mapigilan ang pagkakatuwa.

When Senyora was done withy her paper, she declared for the game to start.

Hindi ako marunong manood ng equestrian pero dahil sa modified scoring ni Senyora, medyo nakuha ko iyon.

Makapigil hininga pala iyon. Lalo na noong nakita ko ang mga stance ni Franco kada talon ng kanyang kabayo. He is the first contestant of thar round and he barely made it.

Si Uriel ang susunod. Mas lalo akong kinabahan. But he was graceful and skilled. Muntik ko nang makalimutan na iritado ako sa kanya noong napapapalakpak ako sa huling parte dahil sa hirap noon.

Nakita pa ng unggoy kaya mayabang niya akong tiningnan bago pinatigil ang kabayo.

Next was Reynaldo who had two wrong hops.

"Anong nangyari sa'yo? Ikaw ang magaling sa ganito, ah?" sabay tawa ni Franco.

Tumawa rin si Reynaldo. "Kinakabahan ako, e."

They did it again. Franco was then short of his hop on the second round. Natanggal ang pole. At kay Uriel naman, idineklara ni Senyora na masyadong pangit ang landing ng kabayo kaya nagkaroon siya ng minu points. Then Reynaldo was perfect.

Binago ang circuit at uminom muna sila ng tubig. Ako rin parang kinabahan at na stress sa laro kaya napakain ako.

The third round was more difficult. Nilingon ko si Senyora nang nakitang dalawang magkasunod ang palpak ni Uriel. Akala ko madi-disappoint siya. Nagulat ako nang nakangiti siya habang nanliliit ang mga mata.

"Senyora?" I whispered.

"Yes, dear..." she said as she watched her son.

Parang masaya pa siya na binibigyan ng minus points ito. Mas malaki naman ang minus ni Franco kay Uriel. Si Reynaldo naman, mas kaunti sa dalawa.

"Nakakahabol na pala si Reynaldo," puna ko dahil kanina ay lamang si Uriel sa dalawa.

"Oo..." aniya at nag coconcentrate pa sa scores niya.

Natahimik na lang ako at pinagmasdan muli ang next round. Franco did more things wrong.

He sighed afterwards.

"Hindi naman siguro mauubos ng isang tao ang brownies!" deklara niya sabay tawa.

"Don't give up just yet, Franco!" si Senyora naman.

"Kung ako ang mananalo, mauubos ko 'yan sa pagod at gutom!" deklara ni Reynaldo.

Uriel was on the circuit now. Mas bumuti ang performance niya pero ayon kay Senyora, pangit daw halos lahat ng landing ng kabayo nito.

Medyo malaki tuloy ang minus niya.

Siguro pagod na si Reynaldo at ang kabayo niya, nahirapan siya sa sunod na round. May dalawa siyang mali.

Inulit pa ulit nila iyon. Bumuti si Franco. Si Uriel, maintain naman. Si Reynaldo, ganoon din.

The sixth circuit was the last. Medyo kanina pa pala kami pero hindi ako nabagot. Hindi ko napansin ang oras.

This will set the match, according to Senyora. Maliit daw ang circuit na iyon kumpara sa opisyal na laro kaya dapat ay pagbutihan nila.

Franco did well but his landings were obviousloy bad. Uriel did well. Wala akong masabi pero may ilang minus pa rin siya. Si Reynaldo naman may ilang pagkakamali.

Nagpahinga ang tatlo sa hinandang upuan para sa kanila. Ako ang pinabilang ni Senyora sa scores habang patuloy ang pangangaral niya sa tatlo.

"You all did well but only one must win! Lalo na dahil isa lang ang price natin!"

"Sana po pala tatlo ang ginawa ni Lucianna. Nag effort naman kaming tatlo!" sabay tawa ni Franco.

"Actually, tatlo 'yan pero pumalpak ang dalawa kaya iniwan na namin sa kusina."

"Oh?! Is it that bad, Senyora?"

"The first one, yes. The second wa passable. Pero sunog pa rin. This one is perfect. Kaya nga sinabi kong pinaghirapan ni Cian ito!" mayabang na sinabi ni Senyora.

Natigilan ako pagkatapos mag calculate ng scores. I double checked it and finalized everything. The winner is Uriel.

"Tapos na ba, Lucianna?"

"Yes, Senyora... Heto po..." sabi ko sabay pakita sa papel.

Lumapit siya sa lamesa ko at tinanggap ang papel. She looked down on it with dark sparkling eyes.

Ngumiti ako.

"Are you sure about this?"

"Nagdouble check po ako..." sabi ko.

What's wrong with her? It seems like she didn't like the result. Hindi ba dapat matuwa siya na anak niya ang nanalo? Ilang points lang ang lamang ni Uriel kay Reynaldo.

I hate him but personally, I think he should have more points. Kaunti lang ang mali niya. Pero what do I know, right? I don't know the rules of this game.

Dumiin ang tingin niya sa papel na para bang binabago niya ang score sa pamamagitan ng pagtitig dito.

"May problema ba, Senyora?"

Slowly, her face relaxed and then she looked at me. "Nothing, hija. Thank you for the hard work."

Nilingon niya ang tatlo. Tumawa si Reynaldo at medyo excited na. Tumayo ako at sumunod kay Senyora.

"Hija, pakikuha ang brownies mo!" she declared.

Uminit ang pisngi ko at naisip na si Uriel ang pagbibigyan mamaya. Parang nakakahiya. Kinakabahan ako bigla. I don't like him but it feels... weird.

Kinuha ko ang brownies habang nagsasalita na si Senyora.

"Pero!" she exclaimed after her long inspiring words.

Nasa likod niya na ako, dala ang brownies.

"I will grant handicapped points for both the Lopezes! Dahil ginamit nila ang kabayo ni Anton, at ng kanyang ama! That means, you're not very familiar with them and Uriel is familiar with his horse! So!"

What?

"I will grant five more points for both Reynaldo and Franco!"

"Yes!" si Reynaldo na tuwang tuwa.

Tumawa si Franco. Uriel shook his head and drank his own water, walang pakialam sa sinabi ni Senyora.

"The winner is Reynaldo Lopez!"

That was shocking pero lumapit na ako at ibinigay na kay Reynaldo ang brownies. Nagbibirong manghihingi si Franco sa kanya pero iniwas niya iyon.

"I'm hungry! I can eat this whole thing!"

"Ang damot mo! Buti marami naman merienda rito!" si Franco at lumapit na sa lamesa.

Lumapit na rin si Uriel doon at nagsalin pa ng tubig. Tumawa si Senyora.

"Enjoy eating, boys!" she said and went to the table to check the food.

Lalapit na rin sana ako roon pero tinawag ako ni Reynaldo.

"Ang sarap! Wow! Is this really your first time, Lucianna?"

"Ah. Oo," nahihiya kong sinabi at lumapit sa kanya. "Hindi kasi ako pinapagluto sa bahay."

"Ang suwerte mo pala at ikaw pa anbg unang nakatikim niyan!" si Franco habang kumakain ng merienda.

"Oo nga. Hindi halatang first time. It very yummy, Lucianna!"

"T-Thank you," medyo nakakahiya ang papuri nila.

Tumawa si Senyora. "I knew it! Sa amoy pa lang perfectly made 'yan!"

"Buti na lang may plus points at baka si Uriel 'yong nanalo."

Uriel sneered. "I don't mind, though."

"Naiintindihan niya 'yan. He likes to be fair always and he knows that giving you handicapped points is just fair! Mukhang mauubos mo 'yan, hijo," si Senyora habang tinitingnan si Reynaldo.

"They say that a way to a man's heart is through his stomach. Baka ikaw naman ang manligaw kay Lucianna pagkatapos nito, ah?"

Nagtawanan si Senyora, Franco, at Reynaldo. Uriel was silent, though, minding his own business.

"Masarap ba talaga?" pagdududa ko.

"Oo. Halika. Ikaw lang ang papayagan kong tumikim."

Lumapit naman ako dahil sa pagiging kuryoso. Akala ko ibibigay ni Reynaldo sa akin pero iniwas niya iyon.

"I'll put it on your mouth," he said.

A bit embarrassed, I still let him do it. Inasar na siya ni Franco dahil sa ginawa. Si Senyora naman ay humahalakhak lang.

I opened my mouth a bit and Rey put a piece on my mouth. Masarap nga iyon. Hindi ako makapaniwala na masarap ang gawa ko. I have no talent in the kitchen. It's surprising.

"Uriel, saan ka?" si Senyora.

"I'll get more water," he answered and left.

Nginunguya ko pa ang brownies at nakikitawa sa magkapatid. Lumapit naman si Senyora sa lamesa bago niya ako tinawag.

"Cian..."

"Po?" sabay lunok agad sa kinakain.

"Can you please get me some water. Wala na palang tubig dito..."

"Okay po," sagot ko.

I heard the housemaid say something but Senyora gave her another job. Tumuloy na ako sa mansiyon at dumiretso sa kitchen.

Tuloy-tuloy ang pasok ko. Nakita ko si Uriel at iignorahin ko sana pero nahagip ng mga mata ko ang kinakain niya.

I opened the large fridge's door then closed it again without getting the water.

"What are you doing?" I asked then turned to him again.

Nakahilig sa lababo, nasa harap niya ang brownies na sunog. Pag pasok ko kanina, kumakain siya ng isang piraso.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. Hindi man lang natinag na nahuli ko siyang kumakain noong sunog na brownies.

"Tastes very bad," he said.

I swallowed hard. My blood pressure is rising again. Lumapit ako at tiningnan ang kinainan niya. Naka dalawang piraso siya.

"Obviously dahil 'yan ang hindi pumasa kay Senyora. Sunog 'yan!"

"Hindi naman 'to, ah?" sabay turo sa pangalawa na kinainan niya.

"Oo pero amoy sunog pa rin. Sunog ang ilaim niyan."

"It's not yummy," lait niya.

Humalukipkip ako. Nagsalin siya ng tubig sa baso at parang wala lang sa kanya na nahuli ko siyang pinagtiyatiyagaan iyon.

"Eh, ba't ka pumasok dito at kinain 'yan? Iyong kay Reynaldo ang masarap na gawa ko."

"Pareho lang 'yon."

"Hindi! Sunog ang dalawang 'to. Natikman ko ang kinakain ni Reynaldo. Masarap 'yon. Hindi tulad ng dalawang 'to."

Walang pakialam sa sinasabi ko, kumuha pa siya ng isa pang piraso. Uminit ang pisngi ko at nagpasyang ilayo na sa kanya ang dalawang iyon.

"What the hell are you doing?" sabay hawak niya sa palapulsuhan ko nang nakitang tinapon ko sa basurahan ang isa.

"Hindi masarap pero ba't tuloy tuloy ang kain mo?!"

"You baked it. Tell me, which one was baked first. This one, or his?"

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang sinabi niya. Binawi ko ang kamay ko pero pinilit niya iyon at kinuha ang brownies sa kamay ko.

"Ano ba, Uriel!"

"Ang sabi ko kakainin ko 'to!"

"Huh?!" hindi ko talaga maintindihan!

"Alin ang mas nauna, ang kinain ni Reynaldo o ito? Answer!" he demanded.

"What the heck is wrong with you?!"

"Just answer, Cian!"

"Iyan! Iyong sunog na sunog ang pinakauna bago 'yan at 'yong kay Reynaldo."

He then smirked and put the whole piece in his mouth that he can't talk.

I stared at him in shock and... annoyance.

"Ay, hijo de puta," I heard Senyora.

Sabay kaming bumaling ni Uriel sa pintuan. Inayos ni Senyora ang isang cabinet na medyo gumalaw kanina kaya siya napamura. She then looked at us and smiled.

"I'm sorry. Go on... I'll just get some... more water," she said and opened the fridge.

"Ah, hindi po ako nakakuha," lalapit na sana ako pero hinawakan ni Uriel ang palapulsuhan ko.

Nilingon ko siya at nakitang dahan-dahang nginunguya ang brownies. Napabaling si Senyora at nakita kong sa pagpapanic niya, medyo natapon ang isang pitsel ng tubig.

She laughed awkwardly as she wiped away the water on her dress with a table napkin.

"Ako na ang bahala..." she told me and immediately stormed out of the kitchen leaving me and Uriel alone.

Bumaling ako kay Uriel, ngayon nalunok na ang kinakain.

"Hindi masarap," aniya at nagtaas ng kilay.

I glared at him, hindi naiintindihan. Kumuha siya ng isa pang piraso at umambang kakainin.

"Perhaps you should practice and bake me more?"

Continue Reading

You'll Also Like

576K 23K 69
Lilly found an egg on a hiking trip. Nothing abnormal on that, right? Except the egg was four times bigger than supposedly the biggest egg in the wor...
4.8M 107K 45
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Haze De Luca is the scariest, heartless, most popular boy in the school. Every-time he sees he...
2.5M 213K 94
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
214K 26.4K 15
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...