Bullets and Justice [complete...

By Michael-Camino

5.8K 297 6

Matapos mamatay ng ama ni Severina, gumuho ang kaniyang mundo. Ang spoiled brat na katulad niya ay napilitang... More

Bullets and Justice
Disclaimer
Dedication
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Epilogue
Acknowledgement
About The Author
THANK YOU
FIRST DRAFT (RAW & UNEDITED)

Chapter Eight

208 14 0
By Michael-Camino

SIMULA nang dumating si Severina sa probinsya nina Gunner ay nag-iba ang pananaw niya sa buhay. Napagtanto niyang hindi pala ganoon kadali ang mga ginagawa ng mga katulong nila sa mansyon. Ang pinakamagandang natutuhan niya habang nasa probinsya ay ang kahalagahan ng pagiging masaya. Hindi pala nasusukat ang kasiyahan sa pera. Dati, para sa kaniya, money can buy everything, pero hindi pala. Kasi money can’t buy true happiness.


Gaya ng dati, simula nang tumira siya sa bahay nina Gunner ay maaga nang nagigising si Severina. Ang saya-saya niya pa sa tuwing nagigising siya, ’yong gising pa lang ay todo na agad ang ngiti sa mga labi niya.

Bumangon siya sa kama, hindi lang siya ang naroon. Nandoon din ang kapatid ni Gunner na si Lily, magkatabi sila sa kama. Nahihiya na nga si Severina, kwarto kasi ito ni Lily at nagawa pa nitong mag-adjust para lang sa kaniya.

Hindi niya alam kung paano siya magpasalamat sa pamilyang ito. Gunner’s mother was so kind to her, isali mo na rin ang kapatid nito. At si Gunner naman, siguro kung wala ang taong ito, matagal na niya sigurong nakakasama ang daddy niya sa langit—kung sa langit nga siya mapupunta.

Lumabas si Sevy sa kwarto ni Lily. Kakaiba ang araw na ito ngayon. Maaga pa lang ay marami na siyang nakikitang mga tao na busy sa labas. Naglakad siya sa munting sala ng bahay at bahagyang napatingin sa kalendaryo na nakasabit sa dingding.

“Biyernes,” bulong niya sa sarili.

Ang araw nga palang ito ay espesyal sa mga taong nakatira sa bayang ito. Fiesta ngayon at kung may fiesta, ibig sabihin niyon ay maraming kasiyahan. “Good morning po,” kaagad binati ni Severina ang ina ni Gunner na busy ngayon sa kusina. Nagluluto ito ngayon kaya napangiti siya nang maamoy ang mabangong aroma ng niluluto nitong kaldereta.

“Good morning din sa ’yo, Severina.” Hindi na ito nakalingon sa kaniya dahil sa sobrang busy sa pagluluto.

“Tulungan ko na po kayo.” Naglakad palapit si Severina sa gawing likuran ng ina ni Gunner para sana tumulong, pero ayaw siya nitong patulungin, kesyo bisita raw siya kaya ang dapat niya lang gawin ay maghintay na lang.

“Si Gunner po?” tanong ni Severina habang umuupo sa isa sa mga silya sa kusina.

“Maagang umalis, inutusan kong bumili ng mga gulay at kung ano-ano pa sa palengke,” sagot naman nito habang busy sa paghihiwa ng mga gulay.

“Ah, gano’n po ba?”

WALA siyang ibang maririnig dito sa plaza ngayon kundi ang ingay ng mga tao. Nagkakatuwaan ang mga ito, idagdag mo pa ang tugtog sa parade na pinangungunahan ng mga estudyante. Maraming tao ngayon. Kahit saan ka lumingon ay may mga palaro. Kung ano-ano ang mga ito, iyon ang mga palaro dati pa, since ancestor pa yata nila gaya ng paunahan sa pag-akyat sa puno ng kawayan na may langis para kunin ang kulay putting flag sa itaas nito.

Hindi mapigilan ni Severina ang mapangiti habang naglalakad sila sa plaza ngayon. Kasama niya sina Gunner at Lily.

“Ang ganda naman pala rito,” manghang wika ni Severina habang palingon-lingon sa paligid. Marami siyang nakikitang mga tao, siguro nga kung tatanga-tanga ka ay mawawala ka sa sobrang dami ng tao.

Iba ang nararamdaman ni Severina ngayon, first-time kasi niyang maka-saksi ng mga ganito. ‘Yong fiesta, mga palaro at kahit ang parade ay hindi niya pa talaga naranasang maging parte niyon. Nabuhay kasi siyang nakakulong at napaliligiran lang ng napakataas na bakod.

“Sino pa ang gustong sumubok?”

Napatingin sila sa unahan kung saan pinagkakaguluhan ito ng mga tao. Lumapit silang tatlo kasama si Lily at nakita nila ang parang isang maliit na bakod at sa loob noon ay putikan at mayroon din itong isang maliit na baboy.

“Ano po ‘yan?” tanong ni Severina sa lalaki na kanina pa nagsasalita.

“Ang gagawin mo lang, hija, ay hulihin mo ang biik. Kapag nadakip mo ‘yun sa loob ng limang minuto, meron kang makukuhang premyo galing sa akin.”

Napangisi si Severina. “Parang ‘yun lang pala,” sagot ni Severina sa lalaki.

“Ano? Sasali ka?”

Ngumiti si Sevy rito at tumango. Napatingin siya kina Gunner at Lily sa likuran niya. Napansin niyang kakaiba ang reaksiyon ni Gunner ngayon, parang gusto nitong matawa, pero pinipigilan lang.  ‘Ano ba’ng masama ’pag susubukan?’ sabi ng dalaga sa isipan.

After a couple of minutes of giving Severina an instruction ay kaagad na siyang pinapasok sa loob.

“Teka, Kuya, kailangan po ba talagang magpaa?” tanong ni Severina rito.

“Depende sa ‘yo, hija,” sagot ng lalaki sa kaniya.

Kaagad namang pumuwesto si Severina sa harapan kung nasaan ang biik. “Ang dali lang naman nito. For sure, wala pang five minutes, nakuha ko na ‘tong baboy na ‘to,” bulong ni Severina habang seryosong nakatingin sa biik.

Nang tumunog ang bell na nangangahulugang simula na ng pagtakbo ng timer, doon mabilis na tumakbo si Severina para sana dakpin ang biik, pero nagulat na lang siya nang ganoon kabilis tumakbo ang biik at nagpaikot-ikot ito sa loob ng bakod.

Nagsihiyawan ang mga tao habang pinanonood si Severina. Muling tumakbo palapit si Sevy sa biik, pero mabilis siyang nadulas dahil sa sobrang dulas nang tinatapakan. Hindi niya alam na ganito pala kahirap na hulihin ang biik na iyon. Nakailang habol siya sa biik, pero sadyang napakaliksi talaga nito, kaya palaging nadudulas si Severina. Madumi na ang kaniyang damit at mukha dahil sa putik tuwing nasusubsob sa putikan tuwing akma niyang huhulihin ang biik.

KANINA pa pinipigilan ni Gunner ang sarili na matawa nang magpresenta si Severina para hulihin ang biik. Hindi kasi nito alam kung gaano kahirap gawin iyon.

Habang pinagmamasdan ni Gunner ang dalaga mula sa malayo ay hindi niya mapigilang matawa na lang. Hindi niya inaasahan na ang babaeng iyon na sobrang maldita, brat, at mayaman, ay may itinatago palang ganoon na ugali.

Iyong ugaling gustong-gusto niya. Iyong inosente, naïve, at ignorante sa ibang mga bbagay Kung si Gunner ang papipiliin ngayon, mas gusto niyang dito na lang tumira si Severina at kalimutan na lang ang nangyari sa city. Dito kasi, kakaibang Severina ang nakikita niya. At gusto niya iyon.  Hindi lang ang ugali nito kundi ang nagmamay-ari na mismo ng ugali, si Severina. Hindi niya alam kung bakit, basta nagising na lang siyang isang araw, nasanay na siya sa presensya nito.

Nasanay na siyang makita ito mula paggising hanggang sa pagtulog. Hindi naman mahirap mahalin si Severina. Kahit kakaiba ang ugali nito ay nagustuhan ito ng binata. Siguro, nagustuhan niya ito sa kakaibang ugali mismo ng dalaga. Bihira ka lang kasing makakita ng babaeng fully-packaged na kumbaga. Maganda, matalino, mayaman, mabait, medyo isip-bata, madaldal, at medyo clingy.

Dumating ang gabi at nandoon siya sa kusina, nagliligpit ng mga pinagkainan kasama ang kapatid niyang si Lily. “Alam mo, Kuya? Sana hindi na lang umalis si Ate Sevs dito. Mas gusto kong dito na lang siya tumira,” sabi ng kapatid niya habang naghugugas ng mga pinggan.

“Hindi naman puwede ‘yun, Lily. May sariling buhay rin siya,” mahinang sagot ni Gunner habang umuupo sa silya.

“Pero, Kuya, mas gusto kong dito lang si Ate Sevy. Ayos namang kalimutan niya na lang buhay niya sa city at dito na siya tumira.”

Ganoon din ang naiisip ng binata, pero parang napaka-selfish niya naman yata kung ganoon. “We can’t force her. Kung ayaw niya rito at mas gusto niya roon, wala tayong magagawa,” sagot ni Gunner habang pinanonood ang kapatid nitong babae.

“Pero, Kuya, hindi mo ba gusto si Ate Severina?” Huminto si Lily sa paghugas ng mga pinggan at bahagyang tiningnan ang kuya niyang nakaupo sa silya. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. Napabuntonghininga ang binata roon. “I don’t know,” sagot nito.

“Anong I don’t know?” natatawang tanong naman ni Lily.

“Maybe? I don’t really know,” sagot pa ng kuya niya.

“Naku, Kuya, kahit hindi mo sabihin, mata mo na mismo nagsasalita.” Muling ibinaling ni Lily ang atensyon sa mga plato.

“Ano ba’ng sinasabi ng mga mata ko?” tanong ng kapatid niya sa likuran. Bahagyang napangiti si Lily nang marinig iyon kay Gunner. Parang seryoso itong malaman kung ano ang sinasabi ng heterochromatic nitong mga mata.

“You are in love,” simpleng sagot ni Lily.

“SEAN, where you going?”

Napahinto si Sean sa paglalakad nang marinig ang boses ng daddy niya sa likuran. Kaagad niya itong nilingon.

“Mukhang may pupuntahan ka yata ngayon?”

Ngumiti si Sean sa ama saka inayos ang sarili. “Aalis lang po ako, Dad. Hahanapin ko lang kapatid ko, I’ll try to ask her unc—I mean, our uncle if ever may bagong lead na ang pag-iimbestiga sa pagkawala niya.”

“Gano’n ba?” Biglang humina ang boses nito saka dahan-dahang napayuko. Kita niya ang pagkawa sa ngiti ng kaniya ama kaya ang ginawa niya ay lumapit siya  dito. “Dad, I told you. Ikaw pa rin ang daddy ko. Kailangan ko lang talagang matulungan si Severina.” He patted his dad’s shoulder kaya bahagya itong napangiti.

“Sige, mag-ingat ka, Sean—Anak.”

Nang makalabas si Sean ng bahay ay tinawagan niya agad si Colby para magpatulong dito.

“SAAN tayo pupunta ngayon?”

Mabilis pumasok si Sean sa loob ng kotse niya at pinaandar agad ito. “Punta tayo sa bahay,” kaagad niyang sabi.

“Bro, alam kong kapatid mo si Severina at bahay n’yo ’yun, pero hindi naman yata puwedeng pumunta ka agad roon and claim yourself as the lost son of—”

Hindi na pinatapos ni Sean si Colby. Alam niya naman kung saan ito aabot, eh. “What I mean is, kailangan nating pumunta roon para makapagtanong if ever may bago nang lead, kung natagpuan na nila si Severina.”

Bata pa siya ay aware na siyang ampon lang siya. Sinabi sa kaniya iyon ng daddy noong mag-twelve siya. Hindi kasi ito mahilig magtago ng sikreto kaya sinabi nito sa kaniya na ampon lang siya ng mga ito. Sean asked his dad if sino ang real parents niya, ang isinagot lang nito sa kaniya ay kailangan pa raw nitong maghintay at malalaman niya rin sa tamang panahon.

At ngayong alam na ni Sean, desidido siyang puntahan ang kapatid na babae. K-in-idnap daw kasi ito ng bodyguard nito, pero ang nakapagtataka na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito humihingi ng ransom money. Something was not right. Baka naman kasi hindi k-in-idnap si Severina, kundi sumama talaga ito sa bodyguard nito.

Pero ano namang rason para sumama si Severina sa bodyguard niya? Para magtanan?

Kilala ang mga GoodMan sa business industry. Ang daddy nila kasi ang isa sa pinakamayaman sa Pilipinas.

“SERYOSO ka ba sa gagawin natin, Sean?” tanong ni Colby sa tabi ni Sean habang nakatingin sila sa harapan ng mansion ng mga Goodman. “Oo naman. Ngayon pa tayo aatras, eh nandito na tayo?” Naglakad si Sean palapit saka pinindot 'yong doorbell. Walang response kaya pinindot niya itong muli.

“Uhm, hi?”

Napalingon si Sean nang may isang babaeng nagsalita sa likuran nila ni Colby. Napatingin siya rito, dalawa silang babae. Nakasuot ang mga ito ng uniform pang-eskwela. “Hello?” tanong niya sa mga ito.

“Bibisita rin kayo?” tanong ng isang babae. Medyo maikli ang buhok nito. Maganda, pero mukhang maldita. Ang kasamahan niya naman ay maganda rin. Mataas ang buhok nito at mukhang bata kung mag-ayos. Naka-ponytail kasi ang buhok nito, tapos ang kapal ng pulang lipstick sa labi.

“Ah, oo.” Ngumiti siya rito. “Kayo?”

“Ako si Mayumi, ito si Alexis. Kaibigan kami ni Sevy, kayo?” tanong ni Mayumi.

“Ako ang—”

“Kaibigan din,” si Colby ang sumagot dahilan para tingnan niya ito nang masama. “Kaibigan? Hindi ko alam na may kaibigan palang lalaki si Sevy maliban kay Gunner,” natatawang sabi ni Alexis na nasa likuran. Ito iyong babaeng parang bata kung makapag-ayos. Well, maganda siya.

“Gunner?” tanong niya sa mga ito.

“Oo, siya ‘yung bodyguard ni Sevs,” sagot muli ni Alexis.

“Kaibigan? Pero ba’t k-in-idnap ni Gunner si Sev—”

“Hindi kami naniniwala roon, may kakaibang nangyayari sa bahay nina Sevy. Pakiramdam namin ni Alex, ang tito nito ang may pakana.”

Napatingin si Sean kay Mayumi. Naningkit ang mga mata niya dahil sa narinig. “Tito? You mean ’yung Franco?” curious na niya tanong rito. “Bakit naman gagawin ng tito nam—niya ‘yun?”

“Nang mamatay daddy ni Sevy, ipinamana sa kaniya mga share nito. Nabanggit pa ni Sevs na kaunti lang matatanggap na share ng tito at pinsan niyang demonyita kaya siguro ’to nangyayari.”

Napalunok siya ng laway. ‘Bakit ganito ang nangyayari sa pamilyang ito?’

“Pero theories lang namin ‘yun, baka naman isumbong n’yo kami?” natatawang sabi ni Mayumi. Ngumiti siya rito. “Don’t worry, your secret is safe with us.”

“Miss Mayumi!” Napatingin sila sa gate nang makita nila ang isang katulong. “May kasama po pala kayo, pasok po.”

Pinapasok sila nito. Naglakad na sila papunta sa mansion. Hindi namang mapigilan ni Sean ang mapahangha na lang sa laki ng bahay nila. ‘Ganito pala kalaki ang bahay namin.’ Napakalaki rin ng yard. Sa dulo rin ay nakikita niya anh isang malaki at malawak na pool. Huminto sila sa tapat ng veranda nang makita nila ang isang lalaki. May kasama itong dalawa pang lalaki na nakasunod lang sa likuran nito habang may hawak-hawak ang mga ito na baril.

“Sino kayo?” tanong ng lalaki. Nakasuot ito ng business suit. Nagpaalam agad ang maid kaya sila na lang apat nalang ang naiwan sa harapan. Hindi naman ito ganoon katanda, kung titingnan, parang mga nasa early forties pa lang ito.

“Kaibigan po kami ni Severina—”

“She’s not here. Nawawala nga siya, ’di ba?” sabi agad ng lalaki kaya natahimik ang mga babae na kasamahan nila. Napatingin naman ito sa kay Sean at kinunutan lang siya ng noo. “Ikaw, sino ka?” tanong nito. Nakaramdam naman si Sean ng kaba roon. “Sean September,” sagot niya rito. Kita niya ang paglaki ng mga mata nito na para bang nakakita ng multo.

“Sean September, ikaw nga.”

Kumunot ang noo ni Sean doon. “W-What do you mean?” tanong niya rito na bahagyang natatawa. ‘Ano’ng ibig niyang sabihin?’ Napatingin naman siya sa kasamahan niya. Tahimik lamang ang mga ito habang pinagmamasdan din siya.

Tumayo ang lalaki galing sa pagkaupo niya. “Ako si Franco, ang tito mo.”

Nanlaki ang mga mata niya roon. ‘Teka, alam niya?’

“Tito?” narinig niyang tanong ni Mayumi sa likuran.

“My lost nephew’s back,” natatawang sabi nito kay Sean habang dahan-dahang naglalakad palapit sa kaniya. Mas matangkad ito kay Sean dahilan para mapaangat siya ng tingin dito. “Tell me, ba’t bumalik ka pa?” natatawang tanong nito sa kaniya. Hindi siya sumagot habang pinagmamasdan lang ito.

“Gusto mo rin yatang magaya sa kapatid mo,” pasimpleng sabi pa nito sabay talikod. Muli itong naglakad pabalik kinaupuan kanina.

Nakaramdam naman si Sean ng kaba. His heart was pounding so hard. Ano’ng nangyayari? Something was not right.

Nanlaki ang mga mata ni Sean nang harapin siya nito. Kaagad siyang napatingin sa kamay nito na may hawak-hawak na baril.

“Dapa!” mabilis niyang sigaw sa lahat. Dali-dali siyang dumapa bago pumutok ang baril.

Tumakbo silang apat papunta sa gate, pero muli silang pinaulanan ng bala galing sa likuran. Mabuti na lang din at hindi sila natamaan.

Kaagad silang nakalabas sa mansion.

“What the fuck, abno yata ‘yung tito ni Sevy!” sigaw ni Alexis.

“Pasok kayo sa loob!” utos ni Sean sa lahat habang itinuturo ang kotse. Mabilis silang lahat pumasok sa loob. Si Sean naman ang nagmamaneho ng sasakyan. “Bakit tayo pinagbababaril?” tanong ni Mayumi sa kay Sean, pero hindi siya sumagot. Napatingin si Sean sa salamin ng kotse at nakita niyang may nakasunod sa kanila na isang truck at may sakay-sakag itong mga armadong lalaki.

Dahil doon ay mas binilisan niya pa ang pagpapatakbo ng kotse.

“Bro! Baka matamaan ‘tong kotse! Patay ako kay Dad!”

“Tumigil nga kayo!” asik niya rito. “Kailangan nating makalayo rito,” dagdag niya pa.

“Mommy, ayaw ko pang mamatay!”

“Alex, ang OA na!”

“Sorry naman, Yums!”

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
2.8M 73.5K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...