I Think I'm Falling (ongoing)

Por decemberbabyy

4.9K 99 48

Nagpapanggap si Kara at Jeffrey na "sila" para pagselosin at makipagbalikan si Bianca, ang ex-girlfriend ni J... Mais

Chapter 1 (No Prologue)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 27 Chapter 27
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 13

196 4 5
Por decemberbabyy

QUEENIE'S POV

 

"Manong, para."

Nandito na ako sa mall.

Pagpasok ko ng mall, bigla akong may namataang pamilyar na mukha.

Teka, kilala ko 'yun ah!

"Kean!"

Pero 'di niya ako narinig at patuloy lang na naglalakad kaya tinawag ko siya ulit, "Kean!"

This time, narinig na niya kaya napalingon siya sa 'kin sabay lapit ko sa kanya.

 

"Uy, Queenie." sabay ngiti niya sa 'kin.

"Anong ginagawa mo dito?"

 

 

"Gala lang. Wala akong magawa eh. Ikaw?"

 

 

"May bibilhin lang ako."

 

 

"Ahh." sabay nod niya. "Anong bibilhin mo?"

 

"Makeup." binigyan niya lang ako ng talaga-look. "Oy! 'Di para sa 'kin 'to noh. Inutos lang sa 'kin ng mama ko."

He chuckled, "Joke lang. Gusto mo samahan na kita?"

 

"Okay lang?"

 

Binigyan niya lang ako ng oo-naman look. "Syempre naman!"

Habang nasa Watsons kami at hinahanap ko na yung makeup na pinabili sa 'kin, tawa ng tawa ang mga saleslady sa 'min kasi ang kulit ni Kean. Pinapakialaman niya kasi yung mga blush on at lipstick at minakeupan niya ang sarili niya!

"Bagay ba sa 'kin?" tanong niya habang naka "beautiful eyes" pa.

"HAHAHAHAHA! BAGAY! MUKHA KANG BAKLA!"

 

"Che!" nagbabakla-baklaan pa siya.

Pinipilit nga niya 'kong lagyan pero umaayaw ako. Tinanggal niya din naman yung makeup sa mukha. Andami nga niyang nagamit na makeup remover. Ang kapal kasi niya maglagay! Haha!

I really find him so adorable.

"Hoy, Kean! Tama na nga 'yan!" at hinila ko na siya palabas ng Watsons.

"Ang kati naman nitong blush on na 'to!" sabay bura bura niya sa may pisngi niya.

 

"Ayan, kulit mo kasi! HAHAHA!"

 

"Queenie? Kean?" bigla kaming may narinig na tumawag sa mga pangalan namin kaya napalingon kami.

 

"Kara?" nakita kong biglang nagbago ang expression sa mukha ni Kean. Kung kanina nakatawa, ngayon parang nakasimangot.

"Hi, Kara!" bigla akong lumapit kay Kara at bineso siya. Lumingon ako sa kasama niya, "Hi, Jeff!" ngumiti lang siya as his response.

"Teka, ba't magkasama kayo?" tanong ni Kara na kami ni Kean ang tinutukoy at binigyan niya lang ako ng nanunuksong tingin.

"Oy oy! Nagkita lang kami sa may entrance noh at sinamahan niya lang akong bilhin 'to." sabay taas ko ng supot na dala ko. "Eh kayo, ba't kayo magkasama?" pabulong na tanong ko kay Kara habang tinitingnan si Jeffrey.

Nakita kong namula si Kara kaya napatawa nalang ako.

 

"Hi, Kara." biglang bati ni Kean sabay lapit sa 'min.

Nag wave lang si Kara at binigyan siya ng cheerful na ngiti.

Napatingin ako kay Jeffrey at nakita ko siyang nakatitig ng masama kay Kean.

OMG! Is he jealous? Is he already falling in love with my best friend? Ayeeee! Sabi ko na eh!

"Saan kayo pupunta?" tanong ko sa kanila. Nagtinginan lang sina Kara at Jeffrey at sabay na nagkibit-balikat.

"Kain muna tayo!" pagsa-suggest ko. "KFC?" sumang-ayon naman silang lahat.

Sa KFC...

"Tara, order muna tayo." sabi ko sabay tayo.

Tatayo na sana si Kara nang bigla siyang pigilan ni Jeffrey.

"Don't bother to stand up. Ako na mago-order." tumango lang si Kara. "What do you want to eat? 1pc. chicken and krushers, gusto mo?" tumango lang ulit si Kara. "Anong flavor? Rocky road?"

 

Magsasalita na sana si Kara nang biglang may sumabat.

 

"Mas gusto niya yung cookies n' cream." biglang sabat ni Kean.

 

"Am I asking you?" cold na tanong ni Jeffrey kay Kean.

I can feel the tension between these two guys here.

"Sina---"

 

 

"Oop op! Tama na 'yan!" pagpipigil ko sa kanila sabay hila kay Kean papuntang counter. Mahirap na, baka magkagulo pa.

Habang kumakain kami, daldal kami ng daldal ni Kara habang tahimik lang sina Jeffrey at Kean.

"Kara, may gravy ka dito oh." sabi ni Kean habang tinuturo ang sarili niyang lips sa may gilid.

Kukuha na sana ng tissue si Kara pero bigla nalang itong pinunasan ni Jeffrey gamit ang sarili niyang panyo.

"Yeeee! Ang sweeeeet!" 'di ko tuloy napigilan ang sarili kong magsalita. Ang kyooot kasi nila!

Nagtataka ako dahil ang tahimik ni Kean kaya napalingon ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatungo lang at parang...

nasasaktan?

Dati pa, nararamdaman ko nang may gusto siya kay Kara at ngayon ko na mas lalong napatuyan simula nung palagi ng magkasama sina Kara at Jeffrey. Nasasaktan siya.

Dug. Dug. Dug. Dug.

And I hate seeing him this way.

---

"Queenie, sure kang ayaw mong sumabay sa 'min?" tanong ni Kara.

 

"Wag na. Makakaabala pa 'ko kay Jeffrey eh out of the way naman 'yung sa 'min."

 

Nag-i-insist pa rin si Kara, "Okay lang naman siguro kay Jeffrey---"

 

'Di ko na siya pinatapos, "Okay ang talaga ako, Kara. Don't worry about me."

"At sasamahan ko naman siya pauwi eh." biglang sabat ni Kean.

Nabigla ako nung una pero naka catch up din naman ako agad.

Lumingon ako kay Kara at ngumiti, "Oh, may kasama na 'ko."

 

"O-kayyyy!" sabi ni Kara sa malakas na boses habang abot-tenga pa kung ngumiti.

Hinug ko na siya at nagbabye na sa kanilang dalawa ni Jeffrey.

Habang papunta kami ng terminal ni Kean, napapansin kong tahimik pa rin siya.

Ang kulit niya lang kanina nung nasa Watsons kami tapos ngayon, ang tahimik niya.

Sumakay na kami ng jeep papunta sa 'min at dun kami naupo sa dulo malapit sa driver at ako yung nasa pinakamalapit sa driver.

Ang tahimik pa rin ni Kean. Ta-try ko nalang kayang kausapin 'to.

"Oyy!" panunukso ko sa kanya sabay tusok sa tagiliran niya.

"Huh?"

 

"May tatanong sana ako sa'yo at sana, sagutin mo 'ko honestly."

 

"Ano yun?"

 

"Promise, sasagutin mo ng totoo?"

 

"Haha!" sa wakas, tumawa na siya! "Oo na. Ano ba yun?"

 

"Just answer me with yes or no, may gusto ka ba kay Kara?"

Biglang nagbago yung mood niya at bumalik na naman sa tahimik.

"I see." napalingon siya sa 'kin at binigyan ako ng anong-ibig-mong-sabihin look. "Eh di ba sabi nila, silence means yes? Wag kang mag-alala, your secret is safe with me." sabay ngiti ko sa kanya ng assurance smile.

"Paano mo naman nasabi yan?"

"Halata naman eh. Alam ko caring ka talaga pero extra caring ka sa kanya at... basta! Marami pa. Tapos kanina nung nakita mo silang magkasama ni Jeffrey, biglang sumimangot 'yang mukha mo. Nagseselos ka noh? Ayee!"

Kung meron mang labag sa kalooban ko dun sa mga sinabi ko, yun yung nag "ayee" ako. Kunwari kinikilig ako pero ang totoo, nasasaktan na 'ko.

*SCREEEEEEEECH*

Biglang huminto yung jeep kaya nabagok ang ulo ko sa may wall dahil nga ako ang nasa gilid, "ARAY!"

 

"Ay ano ba yan!"

"Aray ko!"

"Ano ba 'tong si Manong, biglang humihinto!"

 

"Manong, dahan dahan naman po!" sigaw ni Kean sa driver at lumingon sa 'kin, "Okay ka lang??" habang hinahawakan niya ang magkabila 'kong balikat.

Tumango lang ako habang hinihipo ang side ng ulo kong nabagok.

"Sure ka??" tumango lang ulit ako. "Palit nalang kaya tayo ng pwesto? Baka mamaya eh mabagok ka na naman." lumingon siya sa isang katabi niyang mukhang adik sa kanto. "Wag nalang pala."

Bigla niyang ginaya ang ulo ko pasandal sa balikat niya. "Ganyan nalang." tinanggal niya ang kamay kong hinihipo ang side ng ulo kong nabagok at siya ang humihipo nito.

Malamang wala lang malisya para sa kanya 'to kasi magkaibigan naman kami. Mag best friends nga kaming apat di ba?

Pero ako, masaya na 'ko.

He's really thoughtful and caring.

I feel so safe in his arms.

Sana ako nalang ang nakita mo, Kean.

------------------------------------------------------------------------------

 

*to be continued

Continuar a ler

Também vai Gostar

31.8K 1.6K 28
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
1.6M 71.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
177K 3.3K 74
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
592K 15.2K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...