Bullets and Justice [complete...

By Michael-Camino

5.7K 297 6

Matapos mamatay ng ama ni Severina, gumuho ang kaniyang mundo. Ang spoiled brat na katulad niya ay napilitang... More

Bullets and Justice
Disclaimer
Dedication
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Epilogue
Acknowledgement
About The Author
THANK YOU
FIRST DRAFT (RAW & UNEDITED)

Chapter Six

227 14 0
By Michael-Camino

“LILY, salamat sa pagpapahiram sa akin ng damit mo.” Kaagad na tiningnan ni Severina ang sarili sa salamin habang suot-suot ang damit na ipinahiram sa kaniya ng kapatid ni Gunner.


“Bagay sa ’yo, Ate. ’Di ba, Kuya?”

Napatingin siya kay Gunner na nakaupo sa likuran. Tahimik lamang siyang pinagmamasdan nito.

“Anyways, Ate, may boyfriend ka na ba?”

Natawa si Severina roon. “W-Wala, b-bakit?” She gave Lily a puzzled look. Nakita niya ang biglaang pagngisi sa mukha ni Lily. “Si Kuya rin, wala!” At kaagad itong tumawa nang malakas na para bang tinutukso nito ang kuya.

Natawa na lang din si Severina roon. Marami silang pinag-usapan ni Lily. Actually, ang sarap nitong kasama, hindi niya tuloy maiwasang maalala ang mga kaibigan niya sa city. Hindi alam ng mga ito na nanganganib na ang buhay niya. Hindi niya rin naman ito puwedeng sabihin sa kanila, dahil baka mag-Shake Rattle and Roll pa ang mga iyon, lalo na si Alexis na medyo OA.

“May problema ba, Ate?”

Muling nginitian ni Severina si Lily. “Wala, naalala ko lang mga kaibigan ko roon sa city,” sagot niya naman dito.

“Maganda  ba roon, Ate? Hindi pa kasi ako nakakapunta roon, e. Si Kuya kasi medyo OA, hindi ako pinasama ro’n.” Sinimangutan ni Lily si Gunner. Kaagad naman siyang nakarinig ng buntonghininga galing sa kuya nito.

‘Mukhang magkakasundo kami ni Lily patungkol kay Gunner, ah?’

“Ate, swerte n’yo kasi ngayong Biyernes, fiesta rito, maraming mga palaro.”

“Talaga?”

“Oo, Ate, bibisita nga yata rito ‘yung mga kaibigan ko.”

“Bakit, taga-saan ba sila?” tanong niya rito.

“Taga-Maynila po. Pumupunta lang sila rito once a month, magkakasama rin kasi kami sa isang organization.”

Napatango si Severina. “Anong organization ba?”

“Para siyang foundation, Ate. Kami ‘yung tumutulong sa mga batang hindi makapag-aral dahil sa kahirapan. Layunin po ng organization namin na kahit papaano ay matulungan namin sila para matuto sa pagbilang at pagbasa.”

“Mabuti ‘yan, Lily,” sabi niya rito.

“Kaso maliit lang funds namin.” Biglang humina ang boses nito kaya hinagod ni Severina ang likod nito. Ang nakangiti niyang mukha ay kaagad napalitan ng lungkot. “Alam mo, may alam akong paraan para magkaroon kayo ng funds.”

Nabuhayan naman ang loob ni Lily sa mga sinabi ni Severina. “Talaga? Paano, Ate?”

Pasimple niyang tiningnan si Gunner sa unahan na paminsan-minsan ay sumusulyap sa gawi nila. Nagtama naman ang kanilang mga mata. Nakaramdam siya ng kaba roon na hindi niya alam kung bakit .“’Pag nakauwi na ako at naayos na ang problema, tutulungan ko kayo sa funds. Ako ang may ari ng isa sa pinakasikat na corporation sa city. Matutulungan ko kayong mag-raise ng funds.”

MAAGANG nagising si Severina, hindi pa sumisikat ang araw, pero nakita niya na lang ang sarili na nakaupo sa isang upuan sa labas ng bahay nina Gunner. Gawa sa bato at kahoy ang bahay ng mga ito. Hindi ito masyadong malaki, normal lang. Halos lahat naman ng bahay ng mga tao rito sa kanilang probinsya ay ganoon din ang estruktura ng bahay.

“Ang aga mo yatang nagising?”

Hindi  siya lumingon dito at pinabayaan na lang si Gunner na lapitan siya. “Na-miss ko lang mga kaibigan ko. Tapos absent pa ako ngayon,” natatawa niyang sabi habang nakatingin sa kalangitan. Naghahalo ang kulay nito, golden yellow na may pagka-reddish ang kalangitan, siguro dahil pasikat pa lang ang araw.

“Hindi naman tayo magtatagal dito.” Naramdaman ni Severina ang presensya ni Gunner na nasa tabi na niya pala. Gaya niya ay nakaupo na rin ito sa inuupuan niya. “No, ayos lang sa akin. Gusto ko ring mapasyal ang lugar ninyo.” Nilingon niya ito saka nginitian. Ganoon pa rin ang mukha nito, walang kaemo-emosyon, lalo na ang heterochromatic na mga mata nito. Actually, mas nakaka-attract pa lalo itong kakaiba niyang mga mata. Parang ang sexy lang kasi.

“Mamaya, sumama ka kina Lily, mamamalengke sila.”

Kaagad siyang napangisi roon. “Really?”

Hindi sumagot si Gunner, iniwasan lang siya nito ng tingin kaya napasimangot si Severina. Dumating ang alas-siyete ng umaga. Matapos kumain ay sumama si Severina kina Lily at sa mama nina Gunner papuntang palengke.

Kakaiba ang palenke nila rito, hindi masyadong crowded. Siguro dahil probinsya. Marami silang piniling gulay na hindi niya pa nata-try since bata pa siya.

“Singkwenta, pero dahil may kasama po kayong dalawang magaganda, trenta na lang,” sabi ng lalaki sabay balot ng mga gulay. Napangiti si Severina roon, nanatili lamang siyang nakatayo sa likuran habang pinagmamasdan sina Lily na pumipili ng gulay. Hindi naman kasi siya marunong mamalengke. Roon kasi sa bahay nila, ang mga katulong ang namamalengke at naggo-grocery.

“Ngayon, tururuan kitang magluto ng adobong manok.” Napangiti si Severina nang mag-ayos na ng mesa ang mama ni Gunner.

“Po?” tanong niya rito.

“Tuturuan kita. Alam ko namang hindi ka marunong, hija, katulong n’yo lang naman kasi ang gumagawa ng gawain doon sa inyo.” Natawa siya roon habang pinagmamasdan ang ina ni Gunner na maghihiwa ng mga pampalasa.

“Ito, ikaw ang maghiwa nito.” Inabot ng mama ni Gunner kay Severina ang ilang piraso ng bawang.

Tumango siya saka kinuha ang isang malinis na chopping board para sana hiwain na ang bawang, pero mabilis siyang pinigilan ni Lily.

“Ate, babalatan muna ‘yan, ta’s kailangan mo munang dikdikin bago hiwain.”

Tiningnan niya si Lily saka nginitian. “Ah, gano’n ba?”

“Oo, tulungan na kita, Ate.”

Mabuti na lang at nandito si Lily. Marami itong itinuro sa kaniya na technique sa paghiwa para daw hindi siya masugatan at kung ano-ano pa. Ilang minuto pa ang nakakalipas ay nakaupo na siya sa upuan habang pinagmamasdan ang apoy sa kalan. “Pasensya na, hindi kasi talaga ako marunong gumawa ng mga ganito. Nasanay na kasi akong paggising pa lang, may pagkain na sa mesa,” sabi niya.

“Naku, hija. Kung doon, nagagawa mo ang mga ganiyan, dito, tururuan kita kung paano magluto.”

Tumango si Severina. “Talaga po?”

“Oo naman, para sa susunod, mapagsisilbihan mo ang anak ko.”

Bahagya siyang natigilan doon. What the? Kita niya ang pagngisi ng mag-ina habang nakatingin sa kaniya. ‘Are they teasing me?’

“Ate, may gusto ka kay Kuya?” Ngumisi si Lily sa kaniya dahilan para mapakunot-noo siya.

“Ano ba ‘yang sinasabi mo?” sabi ni Severina. “Maluluto na po?” pag-iiba niya sa usapan, pero palagi pa ring nag-e-end ang usapan tungkol kay Gunner at sa kaniya.

“Alam mo, hija, wala pang naging girlfriend ‘yang si Gunner.”

Napataas siya ng kilay roon saka napatingin sa sala nila, wala roon si Gunner. Siguro unalis o nagpahangin.

“Talaga po? Bakit naman?”

“Masyado kasi ‘yang pihikan sa babae.”

‘Wow, ah?’

“Saka simula kasi noong namatay ang asawa ko, naging ganiyan na ‘yang si Gunner. Trabaho na lang palagi ang nasa isipan.”

Napatango si Severina. “Nakikita ko nga po, eh,” sagot niya.

“Oo, papa’s boy kasi ‘yan. Kung saan pupunta ang asawa ko, dapat kasama rin ‘yan. Mukhang hindi nga mapaghiwalay, eh.”

Naalala niya tuloy ang sarili kay Gunner. “Yeah, I know the feeling of losing a father. Lately lang po kasi, namatay ang daddy ko,” kuwento ni Severina.

“Bakit, ano’ng sakit? Bakit siya namatay?”

“Hindi po sakit ang ikinamatay niya, may lumason po sa daddy ko. At parang alam ko na kung sino ang may gawa niyon,” sabi niya ulit.

“Eh, sino?”

“Kapatid po niya, si Tito Franco.”

UMALINGAWNGAW ang mahinang tawa sa loob ng opisina ng namayapang ama ni Severina. Iba na ang nakaupo sa swivel chair doon. Hindi na ang ama ni Severina, kundi ang kaniyang tito. Napahinto ito sa pagtawa saka dahan-dahang inilapag ang hawak na wine glass. Nakarinig kasi ito ng katok mula sa pinto. Pinapasok niya ito at nakita agad ang tauhan na may dalang impormasyon. “Boss, hindi na po namin ma-track sina Miss Severina at bodyguard niya. Siguro po, wala na sila rito sa city.”

Dahan-dahang tumango si Franco. “Don’t worry, mahahanap at mahahanap din natin ang mga ‘yan. Ang gusto ko munang gawin ninyo, bantayan n’yo ang dalawang kaibigan ni Severina. Hindi ‘yun makatitiis na hindi tawagan ang mga kaibigan.” Ininom niya muna ang wine bago muling nagsalita, “At kapag may alam na ang dalawang ’yun, dakpin ninyo at ipaturo kung saan nagtatago ang dalawa.”

Ayos na sana ang plano niya, pero dahil sa bodyguard ni Severina, nasira ang lahat ng iyon.

“Make sure na nakabantay rin ang mga mata ninyo kay Attorney. Hindi niya dapat malaman ang mga ipinaplano natin.”

Tumango ang lalaking nakasuot ng full-black na damit saka muli na itong lumabas ng opisina. Napatingin si Franco sa isang picture frame na nakalagay sa desk ng kaniyang kapatid. Larawan iyon ni Severina at ng kaniyang namayapang kapatid.

Kinuha niya iyon saka tiningnan.

Nanlilisik ang mga mata ni Franco sa galit habang pinagmamasdan ang mga nakangiting mag-ama sa litrato.

“Kung ibinigay mo lang sa akin nang kusa ang kompanya, hindi na sana ’to mangyayari sa ’yo. Magkasama pa sana kayo ng unica hija mo ngayon.” Muli niyang ibinaba ang picture frame. “But you made the wrong choice, brother.”

MAS lalong napangisi si Sean habang nakikita niya ang secretary niyang nasasarapan sa mga ginagawa niya. He kissed her neck passionately, naglakbay ang mga halik niya pababa.

“B-Baka may makakita s-sa atin dito . . .”

“No, honey,” sabi niya rito sabay hubad ng suot niyang black suit. Dahan-dahan niya ring inalis ang necktie niya. Nakatingin pa rin si Sean dito. Itinaas nito ang kamay nang hilahin niya ang swivel chair kung saan ito nakaupo. Itinulak ni Sean iyon hanggang sa bumangga ito sa wall ng opisina.

Mas nag-init pa ang katawan ni Sean habang pinagmamasdan ang sekretarya niyang inaakit siya.

“Come here,” she said while biting her lower lip. Mas lumawak ang ngiti ni Sean. Papunta na sana siya rito nang mapahinto siya. Someone was knocking on the door.

Binalewala niya iyon at tuluyang lumapit sa sekretarya. Dali-dali niyang hinalikan muli ang malambot na labi nito. Wala itong ibang ginawa kundi ang mapaungol na lang. Parang hindi niya nararamdaman ang lamig ng aircon ngayon, all Sean felt was heat. Body heat.

“Bwisit naman,” bulalas ni Sean nang makarinig muli ng katok sa pinto. Inis siyang naglakad papunta roon saka binuksan iyon.

“What now, Colby? Make sure na maganda ‘yang mga sasabihin mo.” Tiningnan niya ito nang masama, pero bahagya lang itong natawa.

“Tell me, Sean, are you up to something?” Akma itong papasok sa loob ng opisina, pero pinigilan niya ito. “Wala ka na ro’n. What now?” muli niyang tanong kay Colby.

“Any minute right now, Mr. Baldemore is coming.”

Tumaas ang kilay ni Sean. “At bakit siya pupunta rito?”

“You’ve set an appointment to him, right? Don’t tell me nakalimutan mo?”

Napabuntonghininga siya roon. “Cancel it,” maikli niyang sagot dito sabay sara ng pinto. Muli itong kumatok kaya binuksan niya ito ulit.

“What?”

“Too late, Sean. He’s here. So I guess mabibitin ka ngayon.” Humalakhak si Colby dahilan para mainis si Sean. Muli niyang isinara ang pinto saka tumalikod.

“We’ll continue this later. I have something to do.” Mabilis siyang naglakad papunta sa desk para kunin ang hinubad niyang suit. Kita ni Sean ang inis sa mga mata ng secretary sa mga sinabi niya. Sino rin kaya ang hindi maiinis doon?

Inayos nila ang mga sarili saka sabay na lumabas sa opisina. They separated ways, pumunta si Sean sa conference room para salubungin si Mr. Baldemore.

“Mga secretary talaga target mo, ah?” pilyong sabi ni Colby nang salubungin siya nito. “Fuck you!” malutong niyang mura dito sabay pasok sa loob. Mabilis niyang nginitian si Mr. Baldemore.

“Mr. Sean, you’re late.”

“I’m sorry, Mr. Baldemore, may ginawa lang ako. Take a seat.” Itinuro niya ang isang upuan sa likuran nito.

Umupo rin naman si Sean sa isa sa mga upuan ng conference room.

“Now, pinapunta ko kayo rito, because of some reason . . .”

“SO, casino?”

Umiling agad si Sean. “Uuwi na ako, I’m tired,” sagot niya kay Colby habang nasa biyahe sila.

“Wow? At anong rason naman bakit ka napagod? Dahil ba sa secretary mo? Magaling ba—”

Mabilis niyang tinapakan ang preno. “Just get out,” malamig niyang sabi rito. “Okay?” Binuksan nito ang pinto ng kotse. “Ayaw mo talaga?” tanong sa kaniya ni Colby habang papalabas sa kotse niya. Huminga si Sean nang malalim. “I made up my mind. I’m going home.” Hindi niya ito hinintay na sumagot, tuluyan niya nang pinaandar ang kotse at iniwan si Colby sa labas ng casino.

Sa pag-uwi niya ay binati agad siya ng mga maid nila. Lahat sila ay bata, wala kang makikitang twenty-two years old pataas ang edad.

“Hi, sir. Good evening,” bati pa ng isa sa kaniya sabay kindat kaya napangiti si Sean doon.

“Eleven sharp,” sagot niya rito.

“Yes, sir!”

Mabilis niyang tinungo ang dining room at nakita roon ang daddy niyang kumakain na.

“Good evening, Dad,” bati ni Sean sabay upo.

“Ang aga mo yatang umuwi ngayon, Sean?”

Tiningnan ni Sean ang ama. “Bawal po bang umuwi nang maaga?” pilosopo niyang tanong dito.

“Nagtataka lang ako,” sabi nito habang patuloy sa pagkain.

Kumain na rin si Sean. Sila na lang ng daddy niya ang nakatira dito sa bahay along with their ten, beautiful maids. “By the way, Dad, namatay na po si Mr. GoodMan, ’di ba? ‘Yung ka-partner ninyo?” tanong niya rito dahilan para mapahinto ang daddy niya pagkain saka mabilis siyang tiningnan.

“Oo,” malungkot nitong sagot sa kaniya.

“Kawawa naman po. ’Di ba, may anak ‘yun na babae? Ibig sabihin ba no’n, siya na magiging ka-business partner natin?”

Tumango nang dahan-dahan ang daddy niya.

“Maganda ba ‘yun Dad?” pilyong tanong ni Sean sa ama.

“Na-kidnap si Severina,” mahinang sabi nito.

Kumunot ang noo ni Sean. “Po? Na-kidnap? Ang malas naman pala ng pamilya nila. Sino raw kumuha?”

“Her bodyguard, ‘yun ang sabi sa akin ni Franco GoodMan, tito niya. Siya na muna ngayon ang nagpapatakbo ng kompanya nila.”

“Nakaka-awa naman pala ang pamilya nila , no?”  komento ni Sean.

“Uhm, Sean, Anak?

“Hmm?”

“May sasabihin sana ako sa ’yo, tungkol ito sa tunay mong pagkatao . . .”

Mabilis na nabitawan ni Sean ang hawak na kutsara saka mabilis na napatingin sa daddy niya.

‘Ito ba ang rason kung bakit parang kanina pa siya hindi mapakali?’

MABILIS na naglalakad ang attorney sa hallway. Dala-dala niya ang sariling briefcase.

“Sorry po, Attorney!”

“Ayos lang,” sabi niya rito. May bigla kasing bumangga sa kaniya kaya nabitiwan niya ang briefcase. Mabilis namang nagkalat lahat ng documents sa sahig ng hallway. Isa-isa niya iyong pinulot, pero bigla siyang napahinto. Bigla rin siyang nakaramdam ng kaba.

Mabilis niyang pinulot lahat ng dokumento saka pumasok sa opisina. Umupo siya sa upuan habang tinitingnan ang hawak niyang papel na napulot kanina. Nagkamali siya ng binasang testament, hindi iyon ang totoo. Naalala niya na bumalik pala si Rober GoodMan sa opisina para ipabago sa kaniya ang testamento.

I give, devise and bequeath all of the remaining and residual property I have owned in at the time of my death, whether real property, personal property or both, of whatever kind and wherever situated to my Daughter, Severina GoodMan and to my son, Sean September GoodMan. Upon my death, I direct that my remains: the company, the mansion and my other properties to my children. But in one condition, Severina and Sean must be reunited first before attorney Pete Davidson give their shares. If this won’t happen, I’ll give my properties to my brother, Franco GoodMan and to my niece, Diana GoodMan.

Matapos mabasa iyon ay dali-dali niyang tinawagan si Franco.

“Franco, may kailangan kang malaman.”








Continue Reading

You'll Also Like

9.2K 273 39
" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that...
6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...