Bullets and Justice [complete...

By Michael-Camino

5.8K 297 6

Matapos mamatay ng ama ni Severina, gumuho ang kaniyang mundo. Ang spoiled brat na katulad niya ay napilitang... More

Bullets and Justice
Disclaimer
Dedication
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Epilogue
Acknowledgement
About The Author
THANK YOU
FIRST DRAFT (RAW & UNEDITED)

Chapter Four

249 16 0
By Michael-Camino

“WHAT the heck, Sevs? You mean, ikaw ang magpapatakbo ng company ninyo?”


Kaagad na umiling si Severina “Si Tito, pero kahit gano’n, kailangan ko ring matutuhan kung paano ang takbo ng business world,” sagot niya kay Mayumi habang naglalakad sila sa hallway. “Naku, alam mo ba si Ate? Sabi niya, nakaka-stress daw talaga magpatakbo ng business,” kuwento ni Alexis sa gilid niya. “Alex, ’wag mo namang takutin kaibigan natin,” saway ni Mayumi kay Alex.

“Eh ‘di naman sa pananakot ‘yun. I’m just spitting facts here, lalo na no’ng bumisita ako sa office ni Dad, gosh, there are too many things to do,” dagdag pa nito.

“Daming pipirmahan na documents, mga kailangang i-approve na papeles, mga gano’n?”

“So, Sevs, sure na ba ‘yan? Magiging businesswoman ka na?” natatawang tanong ni Mayumi. Tumango si Severina habang patuloy pa rin sila sa paglalakad sa mahabang pasilyo ng paaralan nila.

“Girls, don’t worry, Tito Franco will help me.”

“Mabuti naman kung gano’n, at least, ’di ba? Your uncle will help you. Mabuti na lang talaga at may kapatid daddy mo.”

Umupo sila sa bakanteng bench ng hallway. Free time nila ngayon kaya ang gagawin nila ay magtsismisan buong magdamag. “Ibahin mo ‘tong kaibigan natin, Yums, milyonarya na!” natatawang sabi ni Alexis.

“Hindi naman,” pa-humble niyang sagot. “I don’t care about the money, I care about the company. Baka kasi malugi kami dahil sa ‘kin.”dagdag ng dalaga.

“Don’t say that, Sevs—teka, ’di ba, pinsan mo ‘yun?”

Kaagad siyang napalingon sa itinuro ni Mayumi. Ang pinsan niyang si Diana iyon. What was she doing here? Pinagkakaguluhan ito ng mga lalaki sa harapan. Eh sino naman ang hindi lalapit sa kaniya, eh ang ikli ng suot niyang palda? Tapos ang kulay puti nilang uniform na suot nito ay nakabukas ang tatlong button sa itaas, tapos parang  ginawang ribbon ‘yung laylayan ng damit. Para itong pornstar sa sout. Idagdag mo pa ang naka-ponytail nitong buhok.

“Wait muna, boys.” Naglakad si Diana papunta sa kanila nang mapansin nitong nakatingin silang tatlo sa kaniya. Kaagad siyang tumayo. “Diana, what are you doing here?” tanong ni Severina sa pinsan.

“Well, as you can see, ’Cuz. I’m a transferee student,” sabi nito sa kaniya.

Napangiwi siya nang maamoy ang bubblegum na nginunguya ni Diana. Pokpok talaga!

“Transferee student? Akala ko transferred PS?” sabi ni Alexis sa tabi niya.

“PS?” Tiningnan siya nang masama ni Diana. “What is PS?”  Tumawa si Alexis. Mahilig si Alexis gumawa ng acronyms na talaga namang naiinis si Severina pag siya sinasabihan ng mga gano’n..

“Possessive ba ‘yan? ‘Yung Possessive Series na isinulat ni Inang C.C?”

“Hala, may mas bobo pa pala sa akin,” natatawang sabi ni Alexis.

“What?”

“What I am saying, PS is pornstar, hihi.”

Kita ni Severina ang paglaki ng mata ni Diana. “Hell no! This is . . .” Umikot ito sa harapan nila. “. . . called fashion.” Sabay awra.

“I hate her!” Severina shouted in frustration.

“Sevs, YNTCD,” wika ni Alexis habang nakasandal sa pader ng powder room.

“YNTCD?” kunot-noo niyang tanong sa kaibigan.

“You need to calm down,” natatawa nitong sabi ulit. “You’re being too loud,” pagkanta naman ni Mayumi sa likuran ni Severina. Kaagad siyang humarap sa salamin ng sink saka naghilamos siya roon.

“Basta, ayaw ko talaga sa pinsan kong ‘yun. She’s a devil. Pasikreto siyang demonyo,” sabi niya habang tinitingnan ang sarili sa salamin ng powder room. Nakarinig sila ng katok sa pinto. “Matagal pa ba ‘yan? Ihing-ihi na ako!”

Napairap si Severina. Hindi niya namalayan na isang oras na pala silang nandito sa loob ng powder room at para hindi sila madisturbong tatlo ay ni-lock nila ang pinto.

“Come on, girls,” yaya ni Severina sa mga kaibigan papunta sa pinto. Huminto siya sa paglalakad, ganoon din ang mga ito sa likuran niya.

“Pindutin mo lang ‘yung lock,” utos ni Alexis sa likuran niya. Hindi pa rin siya kumibo. Bigla niya kasing naalala iyong nurse sa hospital.

“Just press it,” sabi ulit ni Alexis.

Siguro, ito ang dahilan kung bakit namatay ang daddy niya. Ewan niya lang. Nahihiwagaan si Severina sa nurse na iyon, lalo na noong magtama ang mga mata nila.

“Yums, don’t tell me hindi marunong magbukas si Sevs ng pinto?”

“Ampota!” asik niya rito sabay pindot ng lock.

“UHM, Gunner?”

“Hmm?” Tiningnan niya si Gunner. Nakapokus lamang ito sa pagmamaneho. Hapon na ngayon at pauwi na sila sa bahay.

“What if hindi muna tayo umuwi sa bahay?” tanong ni Severina rito.

“Saan tayo pupunta, aber?”

“We need to go to the hospital, I feel something suspicious. There’s something wrong,” sabi niya rito.

“Wrong? About what?”

Nanatili pa rin si Severina na nakatitig kay Gunner. Hindi na siguro maaalis ang signature look nito: waxed hair; fitted, black dinner suit, and his smell. Ang bango.

Actually, para itong Filipino version ni Jason Statham, iyong guy na nag-portray sa The Transporter.

“There’s something wrong about the nurse. Ewan ko lang, pero feeling ko, siya ’yung dahilan kung bakit namatay si Daddy,” sabi niya rito. Sandaling napatingin si Gunner sa kaniya saka kaagad nag-cross ang makapal na kilay. “What?” Muli itong tumingin sa harapan.

“Basta, parang may mali. I can’t determine, but there’s something wrong. Malay mo, sinadya na patayin si Dad?”

“At bakit naman nila gagawin ‘yun?” tanong nitong muli kaya napairap si Severina. Palatanong din pala ang animal na ‘to!

“Maybe about business?” sabi niya. “Alam mo naman, isa sa pinakamayaman dito sa Pinas ay si Daddy. Kaya for sure, marami siyang kalaban sa world ng business,” kuwento niya.

Napatingin si Severina sa harapan. Nakaramdam naman siya ng kaba. Ewan niya, basta bigla na lang tumibok ang puso niya nang abnormal na beat. Ito iyong naramdaman niya noong magtama ang mga mata nila ng babaeng nurse.

“Or maybe because of money?”

Nakarinig sila ng malakas na pagsabog sa unahan dahilan para mahinto ni Gunner ang kotse.

“What the heck!”

“Severina, fasten your seatbelt.”

Mas tumibok nang mabilis ang puso ni Severina. Muling pinaandar ni Gunner ang kotse, pero mas mabilis iyon kaysa kanina. Nakarinig sila ng putok ng baril sa likuran nila kaya napatingin siya roon. May nakasunod sa kanila na dalawang kotse.

Napayuko si Severina at napasigaw nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.

“Gunner, bilisan mo!” natataranta niyang sigaw sa bodyguard habang mahigpit ang hawak sa sleeves nito.

“Get off me! Hindi ako makapag-concentrate!”

Patuloy pa rin silang hinahabol at pinagbababaril. “Gunner, ’pag namatay tayo rito, papatayin talaga kita!” sigaw niya kay Gunner habang mangiyak-ngiyak na.

‘Tangina, ang malas ng araw ko ngayon!’

PATULOY pa rin silang nakaririnig ng putok ng baril mula sa likuran. “Gunner! Maawa ka na! Ilayo mo ’ko sa lugar na ’to! Ayaw ko pang mamatay!” Kulang na lang ay umiyak si Severina sa harapan nito. “Fuck!” Gunner cussed. Mabilis naman siyang napahawak nang mahigpit sa upuan nang bigla nitong ihinto ang sasakyan.

“Tangina mo, ba’t mo hininto?” sigaw niya rito. Hindi ito nakinig, sa halip ay bumunot ito ng baril na hindi niya alam kung saan nito nakuha.

“Wait, don’t tell me you’re going to leave me here?” seryoso niyang tanong kay Gunner nang makita niya itong lumabas. Hindi ito sumagot, bagkus ay isinara lang nito ang pinto. Naiwan si Severina sa loob ng kotse. Nakita niya sa labas kung paano nakipagbarilan si Gunner.

Hindi niya napansin na nasa highway na pala sila ngayon, nasa labas na pala sila ng city.

“Gunner!” tawag niya rito. Busy ito sa pakikipagbarilan. Nakita niya rin na bumaba ang mga lalaki galing sa kotseng sinasakyan ng mga ito. Parang goon ang mga ito katulad ng sa mga action movie na napanood niya. “Mag-ingat ka!” dagdag niya pa rito. Ilang sandali ay tumakbo pabalik si Gunner saka pumasok sa loob at pinaharurot ang kotse.

“What the fuck is happening?” tanong ni Severina rito. Napatingin siya sa likuran, may nakikita siyang mga katawan na nakahandusay sa daan.

“ lang ba sila ng pinagbabaril?”

“Actually, no. They’re right after you,” sabi ni Gunner sa kaniya.

“Bakit naman sa akin?”

Hindi na ito sumagot at nagpatuloy sa pagpapaharurot ng sasakyan. Dumaan sila sa kabilang border ng city.

“Gunner, let’s go home. Kailangang malaman ‘to ni Tito,” utos ni Severina rito. Napatingin siya sa tabi ni Gunner at doon niya nakita ang baril na ginamit nito kanina.

Hindi niya alam ang model nun. Kinuha niya iyon at nagulat na lang siya kung gaano kabigat ‘yung baril.

“Put it down, hindi ka marunong gumamit niyan,” malamig nitong sabi. Sinimangutan niya ito. As if susunod siya rito. Kahit mabigat ay kinuha pa rin ni Severina iyon saka tiningnan-tingnan nang bigla niya na lang makalabit ang gatilyo dahilan para pumutok ang baril. Nagpalabas ito ng nakabibinging tunog. Mabuti na lang at sa labas ng kotse niya naitutok ang baril at walang natamaan sa kanilang dalawa.

“What the fuck!” Mabilis na tinapakan ni Gunner ang preno dahilan para huminto ang kotse. Nagbigay iyon ng binging na ingay. Mabilis pa sa kidlat na umupo si Severina sa likuran ng kotse. Baka kasi bigla siya nitong barilin dahil sa inis.

“I told you to put it down! You’re really a stubborn woman!”

Nanlaki ang mga mata niya roon. “Wow, ah? Malay ko bang puputok ‘yun!” pasigaw niyang balik kay Gunner.

“MABUTI na lang talaga, Tito, nandito si Gunner,” kuwento ni Severina.

Tiningnan ni Franco si Gunner sa tabi niya at muli siya nitong tiningnan. “Mas hihigpitan pa natin ang security rito sa bahay,” sabi ng tito niya na sinang-ayunan niya naman.

“Mabuti naman, ’Cuz at hindi ka nasaktan,” wika naman ni Diana.

“Sige, room ka muna sa kwarto mo,” utos ng Tito Franco sa kaniya kaya sumunod siya. Tinungo ni Severina ang kwarto niya na nababalot pa rin ng kaba, hindi pa rin maalis sa isipan niya ‘yung nakaka-trauma na pangyayari kanina.. Maybe Gunner was right, siya ang pakay ng mga iyon. ‘But why? Ano’ng kailangan nila sa ‘kin?’ bulong ng dalaga.

“THE detectives are now investigating and they’re chasing new leads. Babalik kami rito ’pag may nakuha na kaming bago.”

Tinanguan ni Franco ang police.

“Pero, hija, may alam ka bang puwedeng maging rason para mangyari ito?”

Muli siyang tiningnan ng police, pero kaagad siyang umiling. “W-Wala akong alam, ni hindi ko nga rin alam na mangyayari ’to. First-time lang naman kasi sa aking mangyari ang ganito, mabuti at nandito si Gunner.” Tiningnan ni Severina si Gunner na nakatayo sa unahan na tahimik lamang na nakatingin sa kaniya.

“I see.” Sumulyap  ang police saka tiningnan si Gunner.

“He’s one of the best police in their department. Siguro magaling lang talaga pumili ang ama mo ng magiging bodyguard mo, Severina.”

Bahagya siyang natawa roon. “Siguro nga po,” sagot niya rito.

“O siya, babalitaan na namin kayo. At kung lalabas ka man, make sure Gunner is at your back.” Tumango si Severina saka ngumiti. Nagpaalam na ang grupo ng mga police at lumabas na ng bahay, inihatid pa sila ni Gunner sa labas.

“GOSH, Sevs. Sunod-sunod naman yata mga kakaibang nangyayari sa ‘yo ngayon?”

Hindi niya na lang pinansin iyon at nagpatuloy sa paglakad. Nandito sila sa isang theme park ngayon, hindi niya rin alam kung bakit sumama siya sa dalawang ’to, eh.

“At buti na lang nandiyan, si Gunner.” Tiningnan ni Mayumi si Gunner na sumusunod sa kanila. Nasa likuran lang nila ito at tahimik na nakatingin sa kay Severina. “Kung wala ‘yan, baka kasama mo na daddy mo ngayon,” dagdag pa uli ni Mayumi.

“Yums? Pumunta tayo rito to forget, not to reminisce,”  singhal ni Severina rito.

“Reminisce? Hindi naman reminisce ‘yun, Sevs. ’Di ba, meaning niyan ay pag-recollect ng happy memories?” Napatingin agad si Severina kay Alexis. “And it’s not a happy memory, nakaka-trauma kaya,” dagdag pa nito.

“Aba, nag-aaral ka na pala, Alex?” natatawang tanong ni Mayumi rito.

“Duh? Hindi naman ako gano’n kabobo, Yums.”

“Malay ko ba,” natatawang sabi ni Mayumi sa tabi niya.

Huminto si Severina sa paglalakad. “Ano ba talagang ginagawa natin dito?”

“Magsaya?”

“That’s the point, sakay tayo ng mga ride! Who’s with me?” Hinarap niya ang dalawa. “Uhm, Sevs? ’Di ba, kasasakay lang natin ng roller coaster?” tanong ni Yums sa kaniya. Napatango naman siya dahil doon. “Eh, ano’ng problema kung sasakay ulit?”

“Hindi ka ba nahihilo? Nakakahilo kaya!” Sumimangot si Alexis sa kaniya dahilan para mapairap siya.

“Pinasama n’yo ko rito, tapos ang KJ ninyo,” reklamo ni Severina.

“Sorry naman kasi, ’no? Maya na, kain kaya muna tayo?”

“Puro ka naman pagkain, Alexis, eh!”

“MABUTI naman at walang sumalubong sa atin ngayon at pagbabarilin tayo,” natatawa niyang sabi sabay sara ng pinto ng kotse. Ibang kotse na ang ginamit nila ngayon dahil malaki rin ang na-damage sa kotse ni Gunner. Pero babayaran niya naman iyon kapag siningil na siya nito.

“At talagang umaasa ka na may haharang sa atin?” Tiningnan siya ng malamig nitong mga mata. Natawa si Severina roon. Naglakad siya paakyat sa sementong hagdan papunta sa mansion. “Hindi naman sa gano’n. For sure kasi, may binabalak na naman ang mga ‘yun lalo na’t they failed to kill me last time.”

“Just forget about it. As long as you’re with me, hindi ka mapapahamak.”

Nagulat siya nang ngitian siya ni Gunner. It was her first time seeing him smiling. Napatingin siyang muli sa mga mata nito. Although Gunner was smiling, his eyes didn’t do the same. Gaya lang ito dati, para lang itong nakatingin sa isang walang kwentang bagay. Ginawa ba nito iyon para hindi siya mag-aalala?

“Sana nga,” bulong niya rito.

Hapon na nang dumating sila ng bahay kaya nakita niya si Diana galing sa kusina.

“What are you doing?” tanong niya sa pinsan.

“Baking?”

Tumaas ang kanang kilay ni Severina. “At kailan ka pa natutong mag-bake?”

“Ngayon lang?”

Hindi na siya nagsalita at umakyat na sa hagdan papuntang kwarto.

“You want muffins, ’Cuz?”

“Nah. I don’t like muffins.”

“Okay—”

She shut the door.

Huminga siya nang malalim sabay pindot ng switch ng ilaw sa loob ng kwarto. Bumungad kay Severina ang malaki at malambot niyang kama. Tiningnan niya ang buong kwarto, pink themed wallpaper, may study table sa tabi ng bintana. Sa kanan niya naman ang isang shelf, doon nakalagay ang libro na mga binili niya, nandoon din ‘yong Fifty Shades na ipinabili niya kay Gunner. Actually, hindi niya inaasahang bilhin ni Gunner iyon. It was just a trap para makatakas siya rito.

Naglakad siya roon saka kinuha ang isa sa tatlong libro nito. Napangiti siya. This book reminded her of him.

“Teka? Hindi ko pa nga pala nababayaran ’to sa kaniya,” bulong ni Severina sa sarili habang tinitingnan ang libro. Kailangan niyang bayaran si Gunner para dito. Naglakad siya papunta sa drawer para kunin ang pera na natatago niya minsan. Kumuha siya ng isang libo roon saka lumabas na ng kwarto.

Naglakad siya pababa ng hagdan, tahimik sa living room ngayon, kaya ang ginawa ni Severina ay sumilip siya sa kusina para tingnan si Diana na nagbe-bake ng muffins. Wala na ito roon. Lumabas na siya ng kusina.

“Nasaan kaya ang babaeng ‘yun? Akala ko ba, magbe-bake siya?”

Bahagya siyang napahinto sa paglalakad nang marinig ni Severina ang boses nina Diana at Tito Franco niya na nag-uusap sa doon sa isang sulok. Actually, lalabas na sa talaga siya, pero hindi niya naman sinasadyang mapakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito.

“Daddy naman, eh,” narinig niyang sabi ni Diana sa unahan. Nakikita niya ang mga ito, pero hindi nila siya nakikita. Napansin niya na kararating lang ng tito niya dahil suot-suot pa nito ang damit pang-opisina. “Diana, kailangan mong gawin ‘to,” sagot naman ng kaniyang Tito Franco kay Diana habang hawak-hawak ang magkabilang-balikat ng anak.

“Pero, Dad, nakakapagod nang makipagplastikan sa babaeng ‘yun. Alam mo naman since bata pa ako, ayaw na ayaw ko talaga kay Severina.”

Nanlaki ang mga mata ni Severina roon.

“Alam mo naman na malaki ang share niya sa company,” sabi muli ng Tito niya. “But, Dad, ’di ba, nakausap mo na si Attorney na puwede pang mapabago testament ni Tito?” Nabitiwan ni Franco ang magkabilang balikat ni Diana. “Yes, but I failed to kill her. Kahit ang mga bata ko.” Para siyang nawalan ng lakas nang marinig ang mga ‘yon. ‘Was this real? Si Tito ang nag-utos na ipapatay ako?’

“Before we kill Severina, papatayin muna natin ang hadlang sa mga plano natin. And that’s Gunner, her bodyguard.”

Napaatras si Severina. Biglang namuo ang luha sa mga mata niya. Her heart was pounding furiously.

“And if mamatay ang pinsan ko, mapapasa’kin na rin ba mga minana niya?” Ngumisi si Diana kay Franco.

“Yes, baby. Kaya ngayon, deal with her. Kung kailangan mong makipagplastikan, gawin mo. And I’ll do the rest. I’ll get rid of Gunner first before Severina.”

Napaatras si Severina nang napaatras hanggang sa hindi niya sinasadyang mabangga ang isa sa mga vase nila na nakapatong sa mesa at tuluyan itong nahulog.

Umalingawngaw naman ang ingay sa buong living room.

“Sino’ng nandiyan?”

Nagulat na lang siya nang may humila sa kaniya. Muntik na siyang mapasigaw,  pero kaagad nitong tinakpan ang kaniyang bibig.

“Shhh.” Tiningnan niya si Gunner. Dahan-dahan nitong inalis ang kamay sa bibig niya.  “G-Gunner?” mangiyak-ngiyak niyang sabi rito. Hindi niya na ito hinintay na magsalita, kaagad niya itong niyakap nang mahigpit. “I’m . . . scared.”

Continue Reading

You'll Also Like

288K 17.7K 39
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
10.2M 140K 24
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
1.2M 36.5K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...