Bullets and Justice [complete...

By Michael-Camino

5.8K 297 6

Matapos mamatay ng ama ni Severina, gumuho ang kaniyang mundo. Ang spoiled brat na katulad niya ay napilitang... More

Bullets and Justice
Disclaimer
Dedication
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Epilogue
Acknowledgement
About The Author
THANK YOU
FIRST DRAFT (RAW & UNEDITED)

Chapter Three

242 16 0
By Michael-Camino

MABILIS nilang dinala ang daddy ni Severina sa hospital. Doon nila nalaman na mayroon palang lason ang wine na nainom nito. “I hope Dad’s okay,” bulong ni Severina habang nakaupo sa isa sa mga bench ng hospital.


“Magiging okay naman siya, ’cuz. Don’t worry.” Diana patted her shoulders.

Alas-diyes na ng gabi at hindi pa rin sila pinapapasok ng doctor sa loob ng kwarto kung nasaan ang daddy niya. Ayaw niya rin naman itong iwan dito. Napaangat siya ng tingin nang makita niya si Gunner na nakatayo sa harapan niya. “What’s that?” tanong ni Severina habang tinitingnan ang hawak nitong coffee.

“Coffee,” obvious nitong sagot.

“I mean, what’s that for?” She crossed her shoulders habang nakatingin pa rin dito. “Isn’t it obvious? I’m giving you coffee so you won’t feel sleepy,” pilosopo nitong sagot. Napairap si Severina saka kaagad na tinanggap ang kape.

“Nagtanong pa ako.”

“Uhm, Severina?”

“Yes, Tito?” tanong niya saka tiningnan ang Tito Franco niyang nakatayo sa bandang likuran ni Gunner.

“Uuwi muna kami ni Diana. Your dad’s okay naman kaya aalis na kami. Ayos lang ba?”

Mapait siyang napangiti. “Sure,” mahina niyang sagot.

“Come on, Diana.”

Tumayo na si Diana at nilapitan ang Tito Franco niya. “Sige, ’cuz. Bye!” Kinawayan muna siya nito at doon, sabay ang mga itong tumalikod.

Nang makaalis na ang Tito Franco niya at Diana ay iyon din ang oras na tinawag si Severina ng doctor. Gising na raw ang daddy niya. Mabuti nga at naagapan agad ang daddy niya, sabi ng doctor. Mabuti raw at mabilis nilang naisugod sa hospital ang daddy dahil kung hindi, baka namatay na ito.

Si Severina lamang ang pumasok sa loob ng room ng daddy niya habang si Gunner ay naiwan sa labas.

“D-Dad?”

Isinara niya ang pinto saka naglakad papunta sa kama kung saan nakahiga ang daddy niya.

“D-Darling . . .” Ngumiti ito sa kaniya. “Ayos ka na po ba?” alalang tanong niya rito.

Tumango ito saka nginitian siya. “Yes, pero sabi ng doctor, dito raw muna ako pansamantala. Kukuhanan pa nila ako ng test.”

Napangiti si Severina roon. “Mabuti naman kung ganoon, Dad.” Mas lumapit pa siya sa ama saka niyakap ito nang mahigpit.

“Nagpasalamat ako na ikaw ang naging anak ko, Severina.” Kaaagad siyang kumalas sa pagkayakap niya sa daddy niya. Umupo siya sa isang upuan na nasa tabi lamang ng higaan nito. “Nasabi ko na bang kamukhang-kamukha mo ang mommy mo?”

Hindi niya alam na umiiyak na pala siya. Hindi niya napansin iyon, basta ang alam niya na lang ay mahina na siyang humahagulhol habang nakatingin sa daddy niya.

“Kamukhang-kamukha mo si Serina.”

Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti. “I’m thankful, too, that you’re my dad. I know it’s hard for you to run the company, tapos nandito pa ako na sakit  sa ulo mo.”

“No, hindi ‘yan totoo. Hindi ka sakit sa ulo, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Severina.”

Naging masarap ang pagkukuwentuhan nila ng daddy niya. Natigil lang ang pag-uusap nila nang biglang bumukas ang pinto. Nakita naman ni Severina ang nurse na nakatayo roon at nakatingin sa kanila.

“Uhm, miss? Kailangan na pong matulog ng pasyente?” Napatango siya saka muling napatingin sa ama.

“Sige, Anak, umuwi na kayo ni Gunner.”

Ngumiti si Severina saka napatango. “Sige po, Dad.” Muli niyang nilapitan ang daddy niya saka niyakap ito sa huling pagkakataon. Naglakad na siya saka nilampasan ang nurse. Bigla naman siyang nakaramdam ng kaba nang magtama ang mga mata nila.

Ewan niya ba, basta bigla na lang siyang kinabahan.

“Let’s go home,” sabi ni Severina kay Gunner nang salubungin siya nito sa labas ng room ng daddy niya. Natawa naman siya nang mapansin niya na ang damit nila ay iyong suot pa nila kanina sa party. Tumango si Gunner at naglakad na sila palabas ng hospital at umuwi.

Hindi alam ni Severina na iyon na pala ang huling pagkakataon na makikita niyang buhay ang daddy niya na nakangiti.

Damn! If she had only known right away that it would be the last moment that she would see him alive, sana mas hinigpitan niya pa ang pagkayakap dito.

Namatay ang daddy niya dahil sa cardiac arrest.

Natagpuan ni Severina ang sarili na nakatayo sa sementeryo habang pinanonood niyang inililibing na ang daddy niya. Todo ang iyak niya noon, sino ba ang hindi iiyak kapag nawalan ka ng ama?

“Sevs, tahan na.” Hinagod ni Mayumi ang likuran niya, pero hindi siya nito napatahan, mas lalo pa tuloy lumakas ang pag-iyak niya. “Sevs, nandito naman kami,” sabi naman ni Alexis.

“Sana hindi na lang ako umalis sa hospital na ‘yun, sana—”

“Don’t blame yourself, Sevs.”

“Pero, Yums, wala na si Daddy,” naiiyak niyang sabi habang pinupunasan ang mga mata niya ng tissue.

“You can get over this.”

They kept on comforting her, pero hindi sila nag-succeed na patahanin siya. Wala na ang kaniyang daddy, paano na siya ngayon? Right now, Severina felt like she was a castle slowly falling into pieces. Hindi niya naman inakala na ganoon lang pala kabilis ang pangyayari sa buhay niya. Mabilis na magbabago.

Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan pero kahit basang-basa na si Severina ay hindi pa rin siya umalis. Nakatayo pa rin siya sa harapan ng puntod ng daddy niya. Tapos na ang ceremony at umuwi na ang lahat maliban sa kaniya. Yakap-yakap niya pa rin ang larawan ng ama habang umiiyak.

“Dad, I’m sorry . . . sorry kung hindi ako naging mabuting anak sa inyo.” Mas humahulhol pa si Severina.

“Hanggang kailan ka ba iiyak diyan?”

Natigilan si Severina. Napansin niya ring hindi na siya nababasa ng ulan, napatingala siya at nakita na pinayungan na pala siya ni Gunner. “Iwanan mo muna ako rito,” masungit niyang sabi kay Gunner. “Gusto ko munang samahan si Daddy,” dagdag niya pa.

“But it’s cold, baka magkasakit ka.”

Napairap si Severina roon. “Can you please leave me?” Tiningnan niya ito nang masama.

“Sev—”

”Miss, call me miss, boss mo ‘ko. Hindi tayo magkaibigan,” pagtatama niya. “Leave me, Gunner. Give me some space.”

Nagulat si Severina nang isuot ni Gunner sa magkabila niyang balikat ang suot nitong tux, bago ito umalis na suot lamang ang puting long-sleeved polo. Pasikreto niya itong pinagmasdan habang pabalik na ito kotse.

Dahan-dahan naman siyang napangiti.

“WHAT are we doing here?” Seryoso siyang tiningnan ni Gunner nang pumasok sila ng bar.

Pumupunta sila ng mga kaibigan niya rito minsan.

“Let’s go home,” dagdag pa nito.

“Gunner?” Sumama ang pagkakatitig niya rito. “Pinasama kita rito hindi para pagalitan at pauwiin ako, but to have a company.”

“Okay, fine, just promise me na hindi ka maglalasing,” nag-aalala nitong sabi kaya napangiti naman si Severina.

Naglakad na sila sa loob. Maraming mga tao rito ngayon, some were dancing on the dance floor habang ang iba ay tahimik na umiinom sa kani-kanilang mga mesa.

“Any order, ma’am?” Nilapitan agad sila ng isang waiter nang umupo sila sa bakanteng mesa.

“Two Chardonnay wine, please.”

“Right away, ma’am!”

Napangiti siya saka tiningnan si Gunner. Kita niya ang inis sa mukha nito kaya bahagya siyang natawa. “Just calm down,” wika ni Severina rito para hindi ito mag-alala. Ang OA pala ng taong ito.

Madilim sa loob ng bar na pinasukan nila. Nakabibingi rin ang tugtog galing sa DJ.  Nakakarinig din si Severina ng mga tawanan ng mga magbabarkada. Doon, bahagya siyang napasulyap sa tabi niya kung saan nakaupo si Gunner. Gaya ng dati, ganoon pa rin ang suot nitong damit. Isang black dining suit. Hindi ba ito naiinitan sa suot na ‘yon?

“Here’s your order, ma’am.” Napansin niya naman ang waiter na kumuha ng order nila na may dalang tray kung saan nakalagay iyong in-order nilang wine.

“Hi, miss?”

Napatingin si Severina sa gilid niya nang may lumapit na lalaki. Kumindat pa ito sa kaniya na bigla niya namang ikinainis. “Want some company?” tanong nito. “Company? Sorry, I have my boyfriend,” pagsisinungaling niya sabay tingin kay Gunner.

“I see,” sabi naman ng lalaki saka tuluyan nang umalis sa tabi niya.

“Gagong ‘yun,” sabi ni Severina sabay inom ng wine. “That’s why I don’t want you to come here. Maraming bastos dito,” narinig niyang wika ni Gunner.

“Kaya nga isinama kita rito, ’di ba? To protect me.”

Tumango si Gunner.

LATE siyang nagising kinaumagahan. Medyo masakit din ang ulo niya, maybe because of what happened last night. Actually, naglasing si Severina para makalimutan ang problema niya at sa nangyari sa daddy niya. Pero nang makauwi sila kagabi ni Gunner, ni hindi siya nakatulog nang maayos. Her mind kept flying, iniisip niya ang mga nangyari.

Nakarinig siya ng katok sa pinto kaya mabilis siyang napabangon.

“Miss?”

“Yes?”

“Your uncle’s here, nasa baba po siya kasama po ang pinsan n’yo.”

Nanlaki ang mga mata ni Severina roon. At ano naman ang gagawin ng Tito Franco niya at ni Diana rito sa bahay?

Dali-dali siyang lumabas ng kwarto kahit hindi pa siya nakakapag-ayos. “Tito? Diana!” kaagad niyang bati sa mga ito habang pabababa siya ng hagdan.

“Nagising ka ba namin, Severina?”

Mabilis siyang umiling-iling. “No, kagigising ko lang po.”

Inanyayahan niya ang dalawa na maupo sa sofa saka tinanong kung ano ang ginagawa ng mga ito rito. Napansin niya rin kasing may dalang gamit ang mga ito.

“Nandito kami para samahan ka. Rito muna kami titira ng pinsan mo. I know it’s hard for you to accept na wala na si Robert, but—”

“Thanks for the concern, Tito, but you don’t need to do this,” sabi ni Severina. ”I’m fine, I have my maids to take care of me. Nandito rin si Gunner for my security.”

“But, Severina, mas maayos pa rin talagang may kasama ka rito.”

“Thank you, Tito, but—”

“Ayaw mo ba sa amin, Severina?”

Nagulat si Severina sa mga tinuran ng Tito Franco niya dahilan para matahimik siya. “No, it’s not like that. I mean, ayos lang naman ako rito. But if you insist, why not? Para naman maka-bonding ko rin si Diana,” sabi niya sabay ngiti. It was a fake smile, of course.

“Really, ’Cuz?” Masayang sabi ni Diana.

Ngumiti si Severina saka tumango.

“By the way, where’s Gunner? ‘Yung hot mong bodyguard?”

“Oh, maybe he’s in the garage or something,” sagot niya sa malandi niyang pinsan. Kung hindi niya lang ‘to pinsan matagal na niya itong sinapak, naiinis kasi siya pag nagtatanong ito patungkol kay Gunner.

“By the way, kumain na po ba kayo?” tanong niya sa mga ito. Hindi niya na sila hinintay na makasagot pa. “Samahan n’yo po ako.” Mabilis niyang sabi.

Dinala niya ang mga ito sa dining room saka sila kumain. Marami silang pinag-usapan ng Tito niya, mostly tungkol sa daddy niya at sa kompanya.

“So, you’ll run the business left by your father, right?”

Kaagad siyang umiling. “No, I don’t like businesses. Nakatatanda ‘yun,” natatawa niyang sagot.

“Then, sino ang magpapatakbo?”

“Kayo po, Tito?”

“Me? Are you serious, Severina?”

Tumango si Severina. “Yeah, why?”

Ngumiti si Franco saka ininom ang juice nito. Dahan-dahan rin nitong pinunasan ng panyo ang bibig niya saka nagsalita. “Sure, kung ‘yan ang gusto mo. Actually, kahit hindi mo sabihin, I’ll volunteer myself. Alam kong hindi kami talaga nagkabati ng kapatid ko, but I’ll try my best.” Napangiti si Severina matapos marinig ang mga sinabi ng tito niya. “Thank you, Tito.”

Nang gabing iyon ay tumawag ang attorney ng daddy niya. Sabi nito ay pupunta raw ito rito sa bahay bukas to discuss about some stuff, at lalo na rin sa naiwan na last will and testament ng daddy niya.

“WHAT? You mean, the seventy percent shares of the company is mine?” hindi makapaniwalang tanong ni Severina kay Attorney habang binabasa nito ang naiwang testament ng daddy niya. Hindi niya alam na nakagawa na pala ang dad niya ng testament nito. Siguro pinaghandaan na talaga nito ang araw na ito.

Naalala niya ang sinabi nito dati.

“It’s better to be ready, Severina.”

“Yes, Severina. Ikaw ang kaisa-isang anak, so, of course, sa ’yo ipamamana ang company. While Franco and Diana Goodman, the brother and niece of Robert, have twenty percent shares each.”

Tumango ang kaniyang Tito matapos marinig ‘yun..

“And even this mansion ay inilagay sa pangalan mo, Severina.”

“What about our hacienda in Davao?” narinig niyang tanong ng tito niya.

“Nakapangalan pa rin ‘yun kay Severina.” Tiningnan siya ni Attorney.  “Your dad really loves you, that’s why.”

Tumango si Severina saka ngumiti. Actually, if siya ang magdedesisyon, ibibigay niya ang shares niya sa Tito Franco niya, lalo na at ito naman ang makapagpapalago ng company. Sinabi niya nga sa dad niya na she had no idea about businesses at wala siyang balak pumasok sa business, pero parang mapipilitan siya.

‘Dad, bakit naman ang laki ng iniwan mong responsibility sa akin?’

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
14.4M 360K 83
"Come on wifey. Ngumiti ka na diyan." Zach said to cheer me up pero walang effect e. "Sige na. I love you. I love you. I love you." "I love you too...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...