Bullets and Justice [complete...

By Michael-Camino

5.8K 297 6

Matapos mamatay ng ama ni Severina, gumuho ang kaniyang mundo. Ang spoiled brat na katulad niya ay napilitang... More

Bullets and Justice
Disclaimer
Dedication
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Epilogue
Acknowledgement
About The Author
THANK YOU
FIRST DRAFT (RAW & UNEDITED)

Chapter Two

349 19 0
By Michael-Camino

“DAD, uwi ka agad, ah?” Sabi niya saka mas hinigpitan niya ang pagyakap sa daddy niya.


He patted her head consolingly. “Don’t worry, darling, uuwi agad ako kapag na-close ko lang agad itong deal.” Nawala ang lungkot na nararamdaman niya nang marinig 'yun. Ngumiti siya saka kumalas sa pagkayakap sa daddy niya. “Basta, Dad, make sure makakauwi ka on time, ah?”

Tumango ito bago kinuha ang briefcase na puno ng mga document. “I will, darling.” Nilingon ng daddy niya si Gunner na nakatayo sa likuran niya. Kahit saan siya magpunta ay naroroon ito kaya naiinis si Severina.

“Ikaw na ang bahala sa anak ko,” mahinang sabi ng daddy niya. Napatango naman si Gunner. Muli siyang tiningnan ng daddy niya sa huling pagkakataon kaya napilitan siyang ngumiti. “Sige.” Doon, lumabas na ito habang silang dalawa ni Gunner ay naiwan sa living room ng mansion.

Hinarap ni Severina si Gunner saka inirapan. Ang nakakainis lang ngayon ay Sabado. Walang pasok kaya for sure, mabubulok lang siya rito sa bahay. Gaya noong first meeting nila ng taong ito, Gunner was wearing a dining suit, kulay black iyon na talaga namang bumagay kutis nito. Ang tangkad rin ng taong 'to kaya medyo inaangat niya ang ulo kapag kinakausap ang lalaki.

“Go to your room,” maawtoridad nitong utos sa kaniya. “Why would I?” mataray niyang sagot. “I am your boss, gagawin ko ang gusto kong gawin, kuha mo?” aniya kay Gunner saka nilampasan ito. Naglakad siya papunta sa sofa para kunin ang handbag niya. “Where do you think you’re going?” malamig na tanong ni Gunner mula sa likuran niya.

“Shopping,” sabi niya rito sabay ngisi.

“No.”

Kumunot ang noo ni Severina. “Pardon?”

“I said no, you’re not allowed to go shopping. Understand?”

Napataas naman siya ng kilay roon. “Wow, ah? Don’t be so bossy!” inis kong sabi rito. “I’m not.” Tinalikuran siya ni Gunner saka naglakad palayo. Bigla naman siyang napasimangot doon. ‘Aba, ang kapal nito, tinalikuran ako?’ bulong niya sa sarili.

Dahil sa inis ay hinabol ito niya si Gunner at hinampas ang likuran nito gamit ang handbag niya. Natigilan si Gunner sa paglalakad saka nilingon siya. “Ang kapal mo, ah? Ikaw pa ang may ganang manalikod!” sigaw niya rito. Tiningnan siya ni Gunner nang walang kaemo-emosyon sa mukha. Even his heterochromatic eyes. Parang nakatingin lamang ito sa walang kwentang bagay. Parang bored na bored ang mga mata nito.

“Sa ayaw at sa gusto mo, I’ll go shopping!”

Severina won. Nanalo siya sa sarili niyang laro. Walang ibang nagawa si Gunner kundi ang samahan siya sa mall. Sayang nga lang din at hindi makakasama ang mga kaibigan niya. Actually, hindi alam ng mga ito pupunta siya ng mall. Pahihirapan niya si Gunner, dahil tuwing sina Alex at Yums ang kasama niya, ang mga ito ang pinagbubuhat niya sa mga gamit. Now, it was Gunner’s turn.

Marami siyang biniling mga gamit; damit, sapatos, alahas, at kung ano-ano pa. Hindi naman siguro mauubos sa isang linggo ang one million allowance niya, hindi ba? Habang naglalakad, hindi mapigilan ni Severina na matawa dahil nakikita niyang nahihirapan si Gunner sa pagdala ng mga bags. “Ano, kaya pa?” she teased while laughing at him. Tiningnan lang siya nito nang masama, hindi ito sumagot, at binilisan lang ang paglalakad para mahabol siya nito.

Napahinto si Severina sa harapan ng bookstore. Nakaisip siya ng magandang paraan para makatakas kay Gunner. Liligawin niya ito sa loob. So ayon, niyaya niya itong pumasok sa store, kunwaring may hinahanap na libro at kung ano-ano pa.

“Just stay close to me, ayaw kong mawala ka.”

Natawa si Severina sa mga sinabi ng kaniyang guard habang nasa romance section sila. Habang nakatingin sa mga stall ay naglakbay ang mga mata niya papunta kay Gunner. “Stay close to you?” natatawa niyang tanong. “Ano ka, hilo?” dagdag niya rito habang pilit na pinipigilan ang tawa.

‘Hmm, paano ko kaya siya mailigaw rito?’

Parang biglang may lumitaw na bombilya sa ulo ni Severina saka tiningnan si Gunner. Napangisi naman siya dahil doon. “Uhm, Gunner?” tawag niya rito na busy ngayon sa pagtingin-tingin ng mga libro.

“Hanapin mo nga ‘yung libro na Fifty Shades, hindi ko mahanap, eh,” utos  niya rito na todo pa ang pag-pout ng lips niya.

“Fifty Shades?”

“Oo. Basta parang nandoon yata ‘yun, eh.” Itinuro niya ang dulong stall. “Tinatamad akong maglakad. I’ll just wait you here,” sabi niya kay Gunner habang todo ang ngiti. Nagpapa-cute pa siya rito. Tingnan natin kung hindi ito madadala sa charm niya!

Nagsimulang maglakad si Gunner papunta sa dulo. Todo na ang ngisi ni Severina, pero muli itong tumigil at humarap sa kaniya.

“Who’s the author?” tanong ni Gunner.

“A-Author?”

“Ewan! Hindi ko alam, basta hanapin mo nalang diyan!”

Tumango si Gunner saka nagpatuloy na sa paglakad. Mabilis naman siyang umalis sa romance section at lumabas ng bookstore. Tumakbo siya nang tumakbo para lamang makalayo sa taong iyon. She found herself walking in the underground parking lot of the mall. Kaonti lamang ang mga dumadaan na tao rito kaya medyo tahimik.

Palinga-linga siya habang naglalakad. Actually, hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon.

Napahinto si Severina sa paglalakad nang may humarang sa kaniya na isang lalaki. Mukha itong rapist, promise. Ang pangit ng mukha! Todong ngisi pa si gago.

“Hi, miss,” nakangisi nitong tawag sa kaniya.

Napaatras naman si Severina nang lumapit ito sa kaniya nang dahan-dahan. “Sino ka?” tanong niya rito habang patuloy pa ring umaatras.

Napahinto siya nang makaramdam na may nasandalan siya sa likuran. Pagkalingon ay napasigaw si Severina nang makita niya kung ano ang nasandalan.

“Holdap ‘to.” Agad na sabi ng taong nasandalan niya. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita na may hawak pala itong patalim. Napalunok siya ng laway. ‘Gosh! Sana hindi na lang ako umalis sa bookstore!’

Napasigaw si Severina nang hablutin noong pangit ang hawak niyang handbag. Nakipaghilahan siya dito, ayaw niyang ibigay iyon dahil nandoon ang cellphone niya. Nagpupumilit ang lalaki kaya nainis na siya. “Sige, sa ’yo na ‘yan, lamunin mo!” sigaw ni Severina rito sabay sampal dito ng handbag niya.

“Aba, loko ‘to, ah!”

Napasigaw siya ulit nang akma siyang saksakin ng isa ng kutsilyo, pero mas nagulat siya nang bigla itong natumba sa harapan niya nang may sumuntok dito galing sa likuran nito.

Napatingin si Severina roon. Nakita niya si Gunner. Pawis na pawis ito at hingal na hingal. “Let her go!” madiin nitong sabi. Hindi niya rin napansin na hawak-hawak na pala siya noong pangit na sinampal niya kanina ng handbag.

“Sige! Lumapit ka rito at papatayin ko ang babaeng ‘to!” pagbabanta ng pangit.

“’Wag kang lumapit dito! Narinig mo ‘yun?” sigaw niya kay Gunner nang akmang lalakad ito palapit sa kanila. Napangiwi si Severina nang maamoy ang baho ng hininga nitong pangit. Dahil sa inis, kinagat niya ang kamay nitong naka-cross malapit sa leeg niya. Nabitiwan siya nito nang masaktan ‘yun.

Dali-dali siyang tumakbo palapit kay Gunner.

Paglingon niya ay nakita niya kung paano mabilisang nakalapit si Gunner na lalaki saka nakipagsuntukan. Ngayon lang siya naka-kita ng live na action scene sa harapan. At kakaiba ang pakiramdam na ‘yon..

Mabilis nitong napatumba ang lalaki. Parang wala lang kay Gunner iyon, ni hindi nagusot ang suot nitong suit.

“Sa susunod, kapag sinabi kong dito ka lang sa tabi ko, rito ka lang sa tabi ko. Understand?” may pagka-possessive nitong sabi sa kaniya. Napatingin naman si Severina sa  mga mata ni Gunner. Iba ang ekspresyon niyon.

“Sorry . . . eh kasi nama—”

Hindi niya natapos ang pagsasalita nang maglakad ito palayo sa kaniya. “Iiwan mo talaga ako rito?” tanong niya kay Gunner habang pinagmamasdan ang dalawang lalaki na nakahandusay sa sahig.

“Tara na.” Tawag nito sa kaniya, bumalik na rin ang malamig nitong boses.

Tumango si Severina saka pinulot ang handbag na nahulog sa sahig kanina. “Saglit lang,” sabi niya and immediately kicked their balls.

“Now I’m fine.”

TAHIMIK lamang si Severina habang nasa biyahe. Nakaupo siya sa passenger’s seat ng kotse. Nasa malayo ang tingin niya habang umaandar ang sasakyan. Minsan ay napapasulyap siya kay Gunner. Gusto niyang magpasalamat dito, kaso nahihiya siya.

“Uhm, G-Gunner?” Hindi ito sumagot at nagpatuloy lamang sa pagmamaneho. Napangiwi tuloy siya dahil doon. “M-May sasabihin lang sana ako s-sa ’yo.”

Nagulat si Severina nang may kuhanin ito sa backseat. Ilang sandali ay ibinigay nito sa kaniya ang isang supot. “Ano ‘to?” Dali-dali niyang tiningnan kung ano ang nasa loob ng supot. Doon niya nakita ang Fifty Shades trilogy na ipinahanap niya rito kanina.

“Binayaran ko na ‘yan, don’t worry.”

Ibinalik niya sa loob ang tatlong libro. “Gusto lang sanang sabihin na . . . salamat,” ani Severina rito. Napasulyap si Gunner sa kaniya dahilan para mag-init ang mukha ni Severina. “Ginawa ko lang ang trabaho ko.”

Simula noong araw na iyon, parang naging mas close sila ni Gunner. Siya na mismo ang lumalapit sa lalaki para naman makabawi sa mga pang-iinsulto niya rito noong mga nakaraang araw.

“YOU mean, close na kayo, Sevs?”

Tumango si Severina. “Parang ganoon na nga. Saka, mabait naman siya. Kaso parang a man of few words,” kuwento niya habang kumakain sila ng ice cream. Nandito silang tatlo ngayon sa isang ice cream parlor. Habang si Gunner naman ay nasa labas, naghihintay sa kanila.

“Ah, hindi siya palasalita?” tanong ni Mayumi. “Oo,” sagot niya naman. “Even though he’s little bit eccentric, I can still sense how nice he is.” Dagdag ng dalaga.

“Naku, Sevs, baka magaya ka sa mga nababasa kong kuwento na ang amo, nagkagusto sa bodyguard nila.” Napatingin si Severina nang masama kay Alexis. “Duh? Hindi ako magkakagusto ro’n. Ayaw ko sa weirdo.”

“Masyado ka naman yatang defensive, Sevs?” natatawang sabi ni Alexis. Napairap siya roon. Kapag siya ang bumara sa babaeng ito, naku, tingnan natin kung hindi ito masaktan.

“Awieee, lumalandi na Sevs natin,” sabi pa ulit nito sabay sundot-sundot sa tagiliran niya.  “Tama na nga, Alex!” away niya rito.

LUMIPAS ang ilang araw at nakauwi na rin ang daddy niya. Masaya si Severina nang makauwi ito dahil na-close raw nila ang deal sa isa sa mga investment nila. Dahil din doon, nagpa-celebrate ito para sa success ng company nila. Sa nangyari noong nakaraang araw, nagpasalamat ang daddy niya kay Gunner dahil iniligtas raw nito ang kaisa-isa niyang anak.

“I’m just doing my job, sir.” Iyon lang ang sagot ni Gunner sa daddy niya, kahit sa kaniya rin tuwing nagpapasalamat siya rito.

“’CUZ!”

Napangiwi si Severina nang makita niyang papalapit si Diana sa kaniya. Bongga ang dress na suot nito, para itong magde-debut, eh tungkol lang naman ito sa celebration ng company.

‘Over ka, teh!'

Napakalaki at masyadong sosyal ang dress na suot ni Diana. While Severina? She was just wearing an Empire Line dress, it was a high waist dress that had fitting bodice till just under the bust and then a flowy silhouette. Nakipagbeso-beso si Diana sakaniya kahit labag sa kalooban niyang gawin ‘yon. Diana was nothing but trouble. Mukha pa lang nito. Well, Severina admit that Diana was pretty, ‘yong mukha na bentang-benta sa club. Basta ganoon, iyong pangkabit na mukha.

“Kanina pa kayo?” tanong niya sa pinsan.  “Actually, kalalabas ko lang sa kotse ko.” Tumawa ito nang mahinhin. She mentally cursed Diana. ‘The fuck? I was just asking if kanina pa sila nakarating, hindi ko naman tinanong kung ano ang sinakyan niya. Gaga ‘to.’

“By the way, ’cuz, who’s that guy?”

Napatingin si Severina sa likuran kung saan nakatayo si Gunner. Marami naman ang bisita na naririto ngayon, sa yard sila ng mansion nag-celebrate ng party para kumasya ang mga tao. Karamihan sa mga bisita ay hindi niya kilala, siguro mga partner lang ‘yun ng daddy niya sa business at kung ano-ano pa.

“Ah, s-siya ba?” tanong niya sabay turo kay Gunner.

“Yes, he’s kinda hot, ha.” 

Napairap si Severina nang mabilis sa kaniyang nga narinig.

“Tito!” Nang makita ni Diana ang daddy ni Severina ay agad itong naglakad palapit sa daddy niya at niyakap ito. Lumapit din naman siya roon. Ang gara din ng ayos ng daddy niya, black suit paired with black ties. “Nasaan ang daddy mo?” kaagad na tanong ng daddy ni Severina kay Diana.

“Papunta na po,” magalang naman na sagot ni Diana. “Tito, sino po siya?” Turo ulit ni Diana kay Gunner dahilan para mabwesit si Severina. “Gusto mo siyang makilala?” tanong ng daddy ni Severina kaya agad namang tumango si Diana.

Tinawag naman nito si Gunner saka pinalapit sa kanila. “This is Gunner—”

Hindi niya na pinatapos sa pagsalita ang daddy niya. Kaagad niyang hinawakan ang chest ni Gunner at naglandas  ang kamay niya papunta sa balikat nito. Tiningnan niya muna si Diana bago nagsalita. “He’s my personal bodyguard.” Diniin niya talaga ang pagkasabi ng personal para malaman ng babaeng ito na siya ang nagmamay-ari kay Gunner.

“Wow?” manghang sabi nito. “Gosh, Tito, saan po kayo nakahanap ng ganyang kasarap—este ka-hot na guard?”

Natawa si Severina nang makita niya kung paano dinilaan ni Diana ang labi nito. What a bitch.

“Gusto ko ring magkaganyan.” Muli pa nitong sabi kaya tinaasan niya lang ng kilay si Diana. “’Cuz, nakakainggit ka!” gigil nitong sabi sabay lapit kay Gunner. Dahan-dahang hinila ni Severina si Gunner para hindi ito malapitan ni Diana.

“Sige, Tito, roon muna ako.”

Tumango ang daddy ni Severina at ganoon din si siya. Pinabayaan nilang umalis si Diana sa harapan. Nagpaalam na rin ang daddy niya sa kanila hanggang sa maiwan sila ni Gunner na ganoon pa rin ang posisyon. Dali-dali niyang inilayo ang kamay sa balikat nito. Bahagya ring namula ang kaniyang pisngi dahil sa hiya.

“What’s that for?” tanong nito sa kasagot Agad siyang umiling. “N-Nothing,” maikli niyang sagot.

Biglang nawala ang musika kaya napahinto ang lahat ng tao. Kahit si Severina mismo ay natigilan din. Nakuha ang atensyon nila sa gitna kung saan nakatayo ngayon ang daddy niya. May hawak itong microphone sa kanang kamay habang sa kaliwa naman ay isang wine glass. Marami itong sinabi. Nagpasalamat ito sa mga dumalo at kung ano-ano pa.

“For the success of the company.” Itinaas ng daddy niya ang hawak na wine glass. Ganoon din ang ginawa ng mga tao maliban kay Severina. Matapos ‘yon ay sabay nilang ininom nila ‘yung wine. “Just continue,” sabi ng daddy niya sa DJ. Tumango ang DJ saka nag-scratch. Ilang sandali ay nagpatugtog na ito. Napangisi naman si Severina nang marinig iyon. Tinungo niya ang mesa nila ng kaniyang daddy, wala pa ito roon, busy pa kasi ito sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nito. There, Severina saw her Uncle Franco, papalapit ito sa direksiyon ng daddy niya. Kita niya ang tuwa sa mukha ng kaniyang daddy nang makita ang nakababata nitong kapatid.

“Ayaw mo bang kumain?”  tanong niya kay Gunner nang makita itong naglakad palapit sa kaniya.

“I’m full. Ikaw? Ba’t hindi ka kumain?”

Napangiti si Severina saka pasimple niya itong tiningnan sa mga mata. Those heterochromatic eyes were so beautiful. Ayos lang sa kaniya na boung araw niya ‘yung tignan.

Kita niya rin naman ang pagkunot ng noo nito. “What’s with that look?” malamig nitong tanong sa kamiya. “W-Wala.” Kaagad siyang umiwas ng tingin kay Gunner. “Nagagandahan lang ako sa mga mata mo,” dagdag niya pa. “First time ko lang kasing makakita ng ganyang mga mata.”

Naramdaman ni Severina na lumapit ito sa kaniya saka umupo sa upuan sa tabi niya lamang. “Is that so?” pilyo nitong tanong. “Then look at my eyes again,” he added. Napalunok siya ng laway. Ano’ng trip ng taong ‘to?

So ayon, siya namang si gaga na sadyang marupok kaya napatingin ulit siya sa mga mata nito. Para siyang hinihigop ng mga iyon.

“Ma’am Severina!” Mabilis siyang natigilan nang marinig ang boses ng isa sa mga maid nila. “Si sir po!”

Nataranta siya roon. “Teka, ano’ng nangyari?”

Napatingin siya sa daddy niya sa unahan, pinagkakaguluhan na ito ng mga tao. Dali-dali silang lumapit ni Gunner doon at nakita niya ang ama na nakahandusay na.

“Dad!”

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 329K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
25.1M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...