Why Does it Matter?

Por Menggguy

26.2K 1.3K 203

Halaga? Arya always believes in a quote "Everything does matter" and that's how she lives her life as she inc... Más

Prologue
Chapter 1: Matter
Chapter 2: DNU not DNA
Chapter 3: Law of Conservation of Mass
Chapter 4: Gravity
Chapter 5: Carbon
Chapter 7: Concentration
Chapter 8: Catalyst
Chapter 9: Balancing Equations
Chapter 10: Chemical Reaction
Chapter 11: Repulsion
Chapter 12: Collide
Chapter 13: Solution
Chapter 14: Pressure
Chapter 15: Boiling Point
Chapter 16: Melting Point
Chapter 17: Freezing Point
Chapter 18: System
Chapter 19: Heat Capacity
Chapter 20: Specific Heat
Chapter 21: Neutral Charges
Chapter 22: Non Polar and Polar
Chapter 23: Cohesive Force
Chapter 24: Fusion
Chapter 25: Force
Chapter 26: Reversible
Chapter 27: Sollubility
Chapter 28: Stabilize
Chapter 29: Bond
Chapter 30: Chemistry
Epilogue
Author's Note

Chapter 6: Origin

813 38 0
Por Menggguy

For everytime na uupo o tatambay talaga ako dito sa oval, I never missed the opportunity to at least compliment the world.

The outrageous and enormous building right in front of reflects the sun beautifully exposing the beauty of the whole oval itself.

The large trees are standing mighty to shed me from the light of the sun and its effect will always be beautifully fascinating. I love how I see everything as an important aspect of life.

How the sun is essential to the life of all lifeforms in earth. How the air is not purified oxygen, and how all this thing is interconnected to each other.

This is my own definition of the idea of a small world, because everything that we do, greatly affect others as well.

Kaya sa tuwing naiisip ko, what if we reach the end of the line, I always think and believes on the idea of oscillating universe, na after the episode of the Big Bang on us, we will soon face the Big Crunch. And to that I always believe na kung saan nagsisimula, doon nagtatapos, doon magbabalik.

The end is the beginning, as the beginning is the end. 

"Arya, pinapatawag ka sa court, si Coach Rem hinahanap ka daw." Agad akong napatayo sa sinabi ni Eunice. Ako? Ipapatawag ni Coach Rem?

"Bakit daw?" Tanong ko naman kay Eunice, agad kong tinanaw ang court mula sa lilim kung nasaan ako nakaupo ngayon. Agad kong sinarado ang libro ko ng organic chemistry at tumayo na.

"Sorry, hindi ko natanong eh. Pinasuyo niya lang din naman." Tinanguan ko naman na si Eunice dahil nagpaalam na siya.

I look at my wrist watch upang tignan kung may klase na ba ako, and almost 2 hours' pa bago ung susunod kong schedule kaya kinuha ko na ang shoulder bag ko at pinasok doon ang libro ko at naghanda ng pumunta sa court.

Ng pagpasok ko palang ng court, ang bawat tugnog ng pag hampas sa bola agad ang narinig ko. The girls of our volleyball team is on currently in training kaya agad ko namang hinanap si Coach Rem.

"Girls! Focus!" rinig kong sigaw ng team captain nila. Rinig na rinig ang sound ng friction ng sahig sa mga mamahalin nilang sapatos at hindi maganda sa pandinig iyon. 

I try to walk on the side line of the court at sa bleacher kung asan si Coach Rem nakatayo, binati niya kong isa ng simpleng ngiti hanggang sa makalapit ako sa kanya.

"Aryanna andito ka!" Natatawa pang sabi ni Coach at ibinababa ang board na hawak. Agad ko siyang nginitian.

"Good morning Coach, pinatawag niyo daw po ako?" tanong ko at agad naman siyang natawa. I look at the players at tapos na yata ang game practice nila dahil halos lahat sila ay naka-upo na at nakatingin sa amin ni Coach.

"Magpapatulong sana kami sayo, alam mo naman malaki tiwala ko sayo, kaya ikaw ang napili ko dito." Agad naman akong napangiti sa papuri ni Coach.

"Ayaw mo ba talaga magvolleyball?" Agad akong natawa sa tanong ni Coach na ikinatawa niya rin naman.

Since freshman year ko yata niyaya na ako ni Coach sa team pero magalang ko lang siyang tinanggihan dahil hindi naman ako into sports, marunong lang naman ako but it's not in the heart.

"Coach, alam mo naman ang sagot ko diyan. "natatawa at nahihiya ko pang sagot sa kanya. Agad naman siyang natawa.

"Wala pa rin ba kong epekto sayo? Sayang naman ang charms ko. Kakausapin ko na si Arturo." Sabi niya pa kaya natawa naman ako sa biro niya. Napaisip din ako kung gusto nga ba ni Dad na pumasok ako into sports, pero wala talaga akong hilig eh.

"Kidding aside, magpapatulong ako sayo gumawa ng statistical data ng mga players ko, dependent sa biomechs nila." Agad akong napatingin sa mga players niya dahil sa sinabi niya.

"Mechanics? Whole movement po ba? From muscles, bones, tendons and ligaments po ba?" Tanong ko naman kaya agad siyang natawa.

Now some of the players are really looking at us, basically looking at me. Naramdaman ko pa ang mabigat na titig ng team captain nila kaya agad akong umiwas ng tingin at tinuon ang buong atensyon ko kay Coach.

"Nadali mo! Di talaga ako nagkamali ng pinili!" He hissed at bakas ang tuwa sa mukha. Hindi man ako biomech major, I know something naman kahit papaano.

"Ah sige po coach, kelan niyo po ba kailangan?" I ask, mukhang inisip niya pa kung kelan baa ng pasahan.

"Since magstastart na ang season, siguro after season ng UAAP this year, gusto ko sana while in training sila at while on the game ka kukuha ng data para sana updated and accurate. Okay lang bang umattend ka every training? Hindi naman kailangan buong oras andoon ka. "He explains kaya tinanguan ko na lamang siya. Wala rin naman akong masyadong ginagawa so it's not a lost in me lalo pa't busy ang mga kaibigan ko. 

"Sure Coach, wala naman pong problema sa akin." I said kaya naman mas lalong nagliwanag ang mukha niya sa tuwa. Agad namamn siyang  humarap sa playes.

"LS, tara dito." The player immediately come to us, puno sila ng pawis at halatang nabawi pa ng lakas galling sa training.

Napahakbang ako patalikod dahil sa gulat ng tumapat sa akin ang team captain nila. She's just in her third year pero napromote na siyang team captain last year, she's really good I admit.

With those beautiful deep set of eyes and lousy hair, her tan skin is gold on the outside, beautifully elegant to look at with those toned body and a very intimidating aura.

"So this si Aryanna Gayle Alcantara, I know you heard a lot about her. So, siya ang inatasan kong i-conduct ang Biomech statistics niyo, she'll be here in some of your practices and on the game, huwag kayong mailang sa kanya and please guide her accordingly." Coach said at nginitian naman ako pagkatapos.

"Yes, coach!' Sabay na sabay ng mga players, I really admire their dedications, sobrang batak kasi talaga nila sa training and the way na mag-act sila on game, very professionals.

"Veriane, personally kong iiwan si Aryanna sayo. Please assist her." Bilin ni Coach sa team captain, kaya agad akong napatingin ulit kay Veriane, she just nods at their coach at bahagyang tinitigan pa ko.

"And also Veriane, send her the details of our practices para updated siya." Tumango lang ulit si Veriane. Pinasadahan ko ng tingin ang mga players and they are looking brightly at me, bukod sa team captain nila na wala man lang rekasyon, kaya nginitian ko naman din sila.

"Thank you po, Coach. Maraming Salamat din." I said and smile at them, agad nila akong sinuklian ng ngiti kaya gumaan na naman ang pakiramdam ko, I hope I won't have a hard time with them.

"Magsabi ka lang daw kay Kierra, Aryanna!" Sigaw noong isang player, the libero yata since siya ang maliit at may kulot na buhok na lagging iba ang uniform every game. Agad naman akong natawa ng i-headlock siya ng katabi niyang babae na mukhang si Kiera.

"Hoy! Tigil-tigilan ni si Aryanna! Girls! May manliligaw na yan!" Pang-asar naman ni Coach Rem kaya agad akong nahiya sa sinabi niya.

"Nanliligaw palang naman, Coach eh." Banat naman nung isang player. Kaya natawa naman ako sa sinabi niya, Caleb will not be please while hearing this.

"Hard to please 'tong si Aryanna." Mas lalo lang akong napangiti sa sinabi ni Coach pero agad din iyong nawala ng makita kong nakataas ang isang kilay ni Veriane sa akin.

"Kim, hard to please daw. Wala ligwak na kayong tatlo!" Sigaw naman nung isa kaya nagtawanan naman sila, kahit ako napangiti sa biruan nila. They seem to have a strong bond between each other at kitang-kita yun sa mga kulitan nila.

"Oh, siya! Balik training na! Tama na ang pag-porma kay Aryanna! Straight yan!" Kaya agad naman akong nahiya sa sinabi ni Coach. Nagtawanan naman din ang mga players niya sa sinabi niya.

"Ganyan din sinabi ni Kim dati Coach eh, tignan mo, mas straight pa ung kulot na buhok ni Dwayne sa kanya." At muli na naman silang nagtawanan dahil sa siniabi nung isa. Agad  naman siyang pabirong sinapak noong Kim.

"Balik na sa training!" Natatawang sigaw pa ni Coach na mukha natutuwa din sa biruan ng mga players niya. 

The players went back to the court at ang pinakahuling umalis ay si Veriane na nakatutok lamang sa aking, I feel a slight chill in my spines ng bahagya siyang ngumiti na may bahid ng pang-aasar kaya naman napaiwas ako ng tingin. 

"Pasensya ka na sa mga players ko ah, ganyan talaga yan kapag nakakakita ng maganda." I immediately laugh on Coach's remark kaya kahit siya ay napangiti na lang din.

"Okay lang Coach, sanay na ko." I said sarcastically at nakuha naman niya ang humor doon kaya naman tumawa din agad siya.

"Oh, siya, ibibigay na lang ni Veriane ang schedule naming sayo ah. Hope to see you!" He said kaya nagpaalam na rin ako sa kanya, I immediately exited the court at tumungo na rin sa next class ko.

The day went on as a normal routine, after the talk with coach, wala na rin namang bagong nangyari sa araw ko. Though were here at the McDonalds sa loob ng campus, agad akong sumimsim sa iced coffee ko habang tinitignan si Aica na punong-puno ng papel sa harapan.

"No, no, I'm quite sure about this Fibonacci sequence, but is it an anagram or a secret code? Wait!" She's talking to herself alone, sakop niya na ang isang table just to herself, ng dumating na si Monique with her orders of shake-shake fries and a burger for Annica, agad niya akong tinitigan.

"She won't let us disturb her, hayaan mo na." I just said at humigop na ulit ng kape at pinagpatuloy ang dradrawing ng heart anatomy ni Monique.

"Annica, aahh." Saad ni Monique while handling Annica's burger para makakagat siya. Annica took a bite ng hindi man lang tumitingin dito.

"Hey, thank you talaga, Arya. Alam mo namang palpak ako sa mga drawing and all. Hulog ka ng langit." Monique said habang sinusubuan pa din si Annica that is still busy figuring out her work.

"Just so know, may kapalit 'to. Gopro, A'right?" I said. Agad naman siyang tumango at kumain na ng shake-shake fries niya. I enjoy drawing, siguro as past time but not all the time.

"Finally!" Annica shouts kaya naman agad kaming napatingin sa kanya. She grabs the last bits of her burger from Monique's hands at buong-buong kinain yun. She glows radiantly dahil sa tuwa. Tinitigan lang naming siya ni Monique because she's always like that.

"Tama nga ako! It's Fibonacci, address sequence to the anagram itself, hindi lang iyon, significant digits of the whole trail, eto ung sequence ng timeline!" Annica na tuwang-tuwa, agad naman siyang inabutan ng inumin ni Monique na pinapakalma siya.

"Okay, Annica, try to calm down." Monique said kaya naman kumalma na si Annica paupo sa upuan niya.

"Nakakaasar kasi si Gerome eh, kanina niya pa iniinsist na mali ako!" She said in a high tone kaya naman halata ang inis sa kanya.

"Ipamukha mo sa kanya bukas na tama ka!" I said kaya agad naman tumawa ng malakas si Annica.

"You bet! Isasampal ko sa kanya ang hidden encryption na kanina niya pa pinopoint-out. Backward readings on the alphabet, punyeta!" Gigil na gigil na bigkas niya kaya kahit si Monique natawa na lang diin.

"Hoy, by the way! Ba't ka asa court kanina?! Sinong pinuntahan mo doon? Ikaw ah!" Sita sa akin ni Annica with wiggly brows na agad ko namang kinairap dahil sa kahulugan niya.

"Siraulo, pinatawag ako ni Coach Rem, nagpapatulong sa Biomechanics ng women's volleyball para sa end ng season, gusto daw niya ng statistical reference of improvement." Sagot ko habang patuloy na kinukulayan ang realistic heart anatomy sa grid notebook ni Monique.

"Eh? Bakit ikaw? Chemistry major ka? Feeling Einstein ka, girl?" Asar ni Annica kaya agad naman siyang hinampas ni Monique.

"Alam mo naman na kaya ni Arya yan, anything related sa science." Natatawang turan ni Monique.

"Huwag mong bolahin yang kaibigan natin dahil nagpapdrawing ka sa kanya." Pang-aasar naman ni Annica kaya agad siyang hinampas ni Monique.

"Ikaw ah, may type ka sa players no?" She hissed kaya nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Huy! They are girls for Christ's sake!" I said kaya naman tumawa na siya ng malakas.

"Diring-diri? I know a lot of girls na bumaluktok kasi na-wet." Jusko! Napapikit ako sa sinabi niyang kahiya-hiya, even Monique finds it hard to absorb!

"Uy! Straight yan! Isusumbong kita kay Caleb!" Singit ni Moique kaya inirapan naman siya ni Annica.

"Samahan pa kita, eh. I'm just saying something possible. Hindi k aba nagtataka sa kaibigan natin? Never siyang na-aattract sa lalaki, the only thing na hinayaan niyang manligaw si Caleb ay dahil long time not-so-friend natin siya." Paliwanag naman ni Annica, napairap naman ako sa katwiran niya about sa gender preference ko when it comes to relationship.

Is it my fault if I see most guys weak?

"Shut up, Annica! Are you crazy? Mukha ba kong papatol sa babae?" parang ini-scan niya pa ang buong mukha ko na parang binabalanse kung ano ang isasagot niya.

"Oo!" She said at tumawa naman, agad ko siyang binato ng nilukot na tissue kaya mas lalo lamang siyang natawa.

"Annica, wag mo namang ibugay sa mga babae." Monique told her kaya nag make-face lang si Annica.

"You know; I'm just stating the fact! I know, kilala kita Arya. You don't like Caleb the way he sees you. Alam mo kung bakit? You never get excited to the courtship between the both of you. Tsaka almost two years ka na niyang nililigawa." Annica explained and Monique couldn't agree more with that. They both know how I feel about Caleb and it's nothing more than friends.

"Hindi lang ako ready." I said at umiwas ng tingin ng taas niya ko ng kilay.


"Arya, there's a different with not being ready to be in a relationship with not being ready to rejects someone." Monique hissed na agad namang sinang-ayunan ni Annica. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga sa sinabi niya.

"If you don't love the person, tell them. Don't prolong the agony Arya. Huwag mong pahirapan pareho ang sitwasyon niyo." Annica said kaya naman napatingin naman ako sa kanila pareho.

"You know, I'm very vocal naman diba? I always tell him na hindi pa ngayon, but he always ignores it. Ginagawa lang niya kung anong gusto niya." I hissed at napahilot na lamang sa sentido ko.

"The time will come, Arya. Siguro you just have to wait." Monique said kaya dahan-dahan na lamang akong tumango.

"Kaya ikaw Arya, try things out, no! Malay mo babae pala ang hinahanap ng puso mo." Natatawa na naman niyang asar kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano? Sabay ka sa trend, Nica? Porke uso ang girl-to-girl relationship, eh pinupush mo na si Aryana doon?" Monique said kaya naman agad siyang inirapan ni Annica.

"You know; it is not a trend. I'm just saying it possible!" She hissed kaya naman agad akong napayuko sa argument nila pareho.

"Guys, enough. Hindi lang talaga ako interesado." I said kaya pareho naman silang nagtaas ng kilay.

"Girl, our college years, mabilis lang yan! Explore!" Annica hissed na sinang ayunan pa ni Monique.

"Just try something new, Arya. Hindi yung puro ka aral, kulang na lang magmukha kang molecules eh." Natatawang turan ni Monique at nag-apir pa sila ni Annica na mukhang nagkakasundo sa pang-aasar sa akin.

"Like that guy from the Archery! Gwapo, swabe. " Agad akong umiling ng tinuro niya ang isang archer with a tousle hair kaya naman agad niya akong sinimangutan. Not my type, I just don't feel his vibe.

"What about that, good-looking geek, into studies and one of our best students." Tinignan ko ang isang mestisong may salamin, at umiling din, ayoko ng makikipagcompete sa akin para patunayan na tama siya sa idea niya, those are common in couple consist of both intellectuals.

"Ano ba naman yan, Arya. Choosy ka! Choosy!" Annica said at inirapan pa ko. Kahit si Monique mukha suko na sa lovelife na pilit nilang ipinu-push sa akin.

"There!" Annica shouted at may tinuro pa.

"She's the team captain of the volleyball team, a head sa atin ng one year." Monique said kaya agad akong napalingon sa pareho nilang tinutukoy.

The girl in a crop tank top, exposing her abs and glowing tan skin in a fit white jogging pants slowly walk her way inside the fast food.

Her deep set of eyes wonder around na tila may hinahanap sa kupol ng tao sa loob ng kwartong ito. I'm quite shock ng magtama ang mga mata naming. Those strong eyes, cicled by thick and long lashes and perfect arch thick brows, and those strong cheeks, if you wouldn't know that she's a player, iisipin mong may contour ang mukha niya. She slowly walks towards me at sa hindi malamang dahilan

My heart beats abnormally, a thing that I didn't exactly know why I felt.

Seguir leyendo

También te gustarán

2.7K 203 21
Maevene thought her life after her first break up will get back on track. Well, she's wrong. Instead, things just got more and more confusing. It all...
201K 8.6K 43
In this world where Agatha Mendrado captivates with her poisonous allure and Riverain Samonte navigates a labyrinth of mysteries, the true face of re...
99K 3.9K 46
Veronica Laudel Silvano aka Roni is inlove with the bestfriend of her brother. She's popular at marami ang nagkakagusto sa kanya. But she's a lesbian...
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022