Sea Bridge

By gabrielleshane

407 10 17

Jade, an art student, isn't really supposed to fall in love with anyone in her college years. She's been enjo... More

SB 1
SB 2
SB 3
SB 4
SB 5
SB 6.2
SB 7
SB 8
SB 9
SB 10
SB 11
SB 12

SB 6.1

18 0 0
By gabrielleshane

"7am gising ka na dapat tomorr---"



"Ang aga naman!"



"Balik ka nalang kaya sa Manila?" ani Ranz na kanina ko pa nirereklamuhan mula noong makarating kami dito sa boarding house.


Hindi naman ako ganoon ka-reklamadora, iniinis ko lang para makita ko kung hanggang saan ang pasensya.



Sinimangutan ko lang s'ya na binalewala n'ya lang naman at nagpatuloy sa pagpapaliwanag.



"8am dapat nandoon na sa academy para sa silent drill performance at openhouse. Tapos babalik kayo dito sa boarding house ng 2pm para magbihis. 4pm, babalik kayo para sa Acquaintance Party." paliwanag n'ya. "Jade, d'yan ka sa kama ko. Nics, may vacant bed sa kwarto nila sir Justin, nandon din naman 'yung landlady, dun ka na."



"Ikaw, saan ka?" tanong ko dahil sabi n'ya doon ko mahihiga sa kama n'ya.



"Dito nalang." sagot n'ya sabay turo sa manipis na mattress na nakalatag sa sahig.



Tumango ako at inayos ang mga isusuot ko para kinabukasan bago ako nahiga.



Kaninang hapon paglabas ng academy ay agad n'ya kaming sinundo sa Manila. Sinama namin si Nicole dahil bukod sa maiiwan s'yang mag-isa sa dorm ay inutusan din s'ya ni Ram na magcomply ng partner. Bale si Ram ang date ni Nicole bukas.



Pagdating namin dito after the 3-hour drive ay pinakilala kami agad ni Ranz sa mga kasama n'ya sa boarding house. Ang pamilyar lang sa'kin ay si Justin, Pau, Eli at si Jeric. May pinakilala pa s'yang dalawang kalbo na hindi ko natandaan ang pangalan at dalawang kabatch nyang 3rd class na ang pangalan naman daw ay Vince at Emman.



Literal na boarding house lang ito na may pat na kwarto, dalawang double deck beds kada isang kwarto, may maliit na sala, may shower room at banyo.



Dahil sa mga bisitang pamilya at partner ng mga kadete, medyo masikip kami ngayon sa boarding pero kung sila sila lang ang narito ay sapat na ang laki nito.



Si Gin, nandito rin sa Zambales pero hindi namin kasama at kasabay dahil nandoon s'ya kay Kevin na magiging partner n'ya din bukas. Kasama nina Gin sa boarding house ni Kevin si Ram.



Wala namang naging problema nang gabing iyon kaya nakatulog kami agad. Paggising nga lang namin, wala na 'yung mga kadete.



"Ate, nasaan sila Ranz?" I approached the landlady.



"Ay maaga ang aboard ng mga 'yon. before 6am dapat nandoon na sila. Pero 'wag kang mag-alala, may kasabay kayo papuntang PMMA." palangiti si Ate. Magiliw sa bisita. At sa kung paano n'ya kausapin sina Ranz kagabi ay parang anak na ang turing n'ya sa mga boarders nila.



Kumatok ako sa kwarto kung nasaan si Nicole. Nakatatlong katok yata ako bago sila nagbukas ng pinto.



"Sorry sis napasarap kwentuhan namin, 'di namin narinig katok mo. Tara pasok ka!" sabi ng isang babaeng singkit, maputi at mahaba ang buhok na mukhang naging instant tropa ni Nicole dahil kasama n'ya sa kwarto.



"Marella, girlfriend ako ni 1CL Justin." she offered her hand as I entered the room. "Ito naman si Ley, girlfriend ni Pau."



Nginitian ko s'ya pati si Ley at nakipag-handshake sa kanila. Medyo ang dami kong naeencounter na pangalan, sana matandaan ko lahat.



"Schoolmates pala si Gin at Marella, Nursing nga lang 'tong si Marella. Si Ley naman, from PUP, Business Ad." paliwanag ni Nicole. 

Hindi rin nagtagal ay tinawag kami ni ate Julie, 'yung landlady, para kumain ng breakfast kasalo ng mga bisitang pamilya ng mga kadete. Nagsipaligo at nagbihis na rin kami para sa openhouse na sinasabi nila. Tama nga si ate, marami kaming kasabay papunta.



Isang 5-minute tricycle ride lang naman ang academy mula sa boarding house kaya nakarating kami agad. 


Namangha ako upon seeing how big the academy is. This isn't like our typical universities and colleges. The cadets along the way led us to the academy's grandstand dahil doon daw magaganap ang silent drill performance.


Nagtabi tabi kami nila Nicole dahil may text si Gin kanina na mamaya nalang daw namin s'ya hanapin. Malaki ang grandstand at maraming tao kaya mahirap magkakitaan. 



From: Gin

Behhh, i'm currently with Kevs' family. Kitakits nalang daw sa 1st Battalion mamaya. 



The program started with an invocation followed by an opening remarks mula sa isang mataas na opisyal ng academy. Afterwards, the performers marched their way to the grounds, standing straight up, holding their rifles. 


Isa sa mga matitikas na nakapila ay si 3CL Ranz Miguel Serrano. Kahit sa malayo ay kilala ko s'ya. He is wearing a black uniform and he's one of the tallest among the group. He looked so fine, hindi mukhang manyakol o ano man.


Just to briefly explain, Silent Drill is usually performed by a platoon trained with different rifle and sword executions. Every move they make is in unison with the beat of a drum. This is some sort of entertainment for the people in the military. For further understanding, i-youtube n'yo nalang. Charet!


To be very honest, hindi ko inakalang may ganoong klaseng skill si Ranz. Just imagine holding that more than 6kg rifle for almost half an hour, pinaiikot ito, pinalilipad habang pinananatili ang synchronization ng buong platoon. Amazeballs. Hinaluan pa nila ito ng nakakaaliw na sayaw. 


"Impressed na impressed?" pang-aasar ni Nicole dahil hindi ko mapigilang kunan s'ya ng litrato at videos. 


After the performance, we did as we were told, dumiretso kaagad kami sa 1st Battalion at kinita sina Gin. Sa 'di kalayuan ay nakita ko ring papalapit si Ranz na nakapagpalit na ng regular uniform n'yang white polo at black slacks na suot din ng lahat ng kadete. 


"Ginulat mo ako ah." pagbati ko noong lumapit s'ya. 


He smirked and winked at me. Kadiri.


"You did great." nginitian ko s'ya. 


"Tara sa quarters. I'll introduce you to them."aya n'ya.


"Them?" takang tanong ko.


"Ah, 'yung mga tao sa battalion. And to my parents."


Nagulat ako. I am not prepared! Ano namang sasabihin n'ya sa magulang n'ya? Sino ba ako? Ni hindi n'ya man lang ako inorient. 


Hindi ako nakapagsalita pero panay ang tingin ko sa mga salaming nadaraanan namin. Mabuti nalang at nakapag-ayos ako ng kaunti. Nagsuot ako ng high waisted jeans, puff sleeved blouse na flattering ang fit sa katawan ko at black stilettos na almost 4 inches. Naka-high ponytail din ako kaya hindi naman ako mukhang kahiya hiya pero 'di ko pa rin talaga alam kung paano ako magpapakilala. 


Nicole went with Gin, na nasa kabilang battalion dahil nahihiyang sumama sa amin. 


Naabutan naming nakatipon ang mga tao sa isang mahabang lamesa, preparing the food that every family brought. Pinaliwanag sa akin ni Ranz na tradisyon daw dito tuwing openhouse ang magdala ng pagkaing pagsasaluhan ng lahat ng bisita.


Lumapit s'ya sa mag-asawang mukhang nasa mid-50s na. The man looked just like him, pero Ranz is taller. Moreno din kagaya n'ya ang lalaki. The woman, on the other hand, looks a lot intimidating than her spouse. Mukhang masungit. Maputi s'yang babae na nahahawig ang mata kay Ranz. 


"Jade, come here." taray parang aso lang. "Ito mother ko, and this one here is papa. Ma, Pa, si Jade."


Nakipag-handshake sa akin ang papa n'ya. I was about to offer my hand to his mother too but she leaned towards me at nakipagbeso. 


Uhm, okay?


"Nice to meet you po." I smiled at them both.


"She'll be my partner for the Acquaintance Party later." sabi ni Ranz.


Ang casual naman. Parang napulot lang ako d'yan sa tabi! Lifetime partner ayaw mo? Charet.


He instructed me to sit on his bunk bed, samantalang doon naman naupo sa monoblock chairs na malapit sa bunk bed ang mga magulang n'ya. He handed us paper plates saka kami ininstruct na sumalo na rin sa mga kumakain. 


"Vakla!" dinig kong sigaw ni Nics na naglalakad papunta sa kinauupuan ko.


Kasama n'ya sina Gin, Kevin, Marella, Justin, Jeric at Ram. Ang tataas ng energy nila, ang iingay, nahiya ako bigla sa magulang ni Ranz na nakatingin samin. 


"Ginagawa nyo dito?" pabulong kong tanong.


"Naglilibot kami. The boys are giving us a little tour." Gin answered.


"Gusto mong sumama?" biglang sabi ni Ram habang nakangiti. 


"Sir kumakain pa si Jade sir. Ako na pong magtu-tour sa kanya mamaya." singit bigla ng paparating na si Ranz na may hawak ng plato. 


"I can wait." sagot ni Ram.


"Aye sir. Sorry sir." yumuko nalang si Ranz at kumain. 


My friends and their partners proceeded with their mini tour around the academy at tinapos ko naman ang pagkain ko. As much as I want to chat with Ranz, I'm not quite comfortable dahil nandito sa paligid ang magulang n'ya. Si Ram naman ay palakad lakad din habang hinihintay akong matapos kumain, he's talking to his fellow senior officers. 


"Okay lang ba?" lumingon ako kay Ranz.


"Go ahead. Balik ka rito pagkatapos." nagpaalam ako sa parents n'ya na maglalakad lakad lang kako ako saglit sa labas. Mainam na rin para magkaroon s'ya ng time with his family. Sila nalang muna ang i-tour n'ya. 



I'm not quite sure kung nasabi ko na but I really don't vibe with Ram, siguro kasi 1CL na kaya medyo intimidating? I don't know. Sumama nalang ako dahil ayoko ng tension between him and Ranz. 


"Where are your parents? Hindi ba sila bibisita?" curious kong tanong habang naglalakad kami palabas. 


"Nasa business trip sila. They were here naman nung mga nakaraang taon, nasaktuhan lang ngayon na hindi makakarating, pero okay lang naman." he explained. "I was actually about to ask you to be my date later noong nagkita tayo sa Revel kaso bigla ka namang nawala."


"Ah, sorry, sumakit ang ulo ko non so I had to go." 


"Huh? Sabi ni Serrano, emergency call?" ah shit, I forgot.


"Well that's.. that's my emergency call." tumawa ako ng kaunti. Mga 2. 


"Tapos ayun nga, I asked Serrano na ihanap ako ng partner, inexpect kong ikaw ang ibibigay kaso sabi taken ka na daw. Naunahan na pala n'ya ako." natawa sya nang malungkot.


"Hindi ka naman lugi kay Nics!" sabi ko sakanya.


I honestly though si Eli ang kukuha kay Nicole dahil sa nangyari after the Revel night but Nicole told me na kapatid daw nito ang partner n'ya. Buti nalang talaga ay wala pang partner si Ram kaya naisama ko pa din dito sa Zambales si Nics. 


Nilibot ako ni Ram at pinakilala sa'kin ang mga building na nadaraanan namin. Tinuro n'ya sa akin kung saan sila nagcoconduct ng classes, iyon ang academic building. Tinuro n'ya rin kung saan ang 2nd Battalion, ang Echo - na quarters ng mga babaeng kadete, at ang katabi pa nitong quarters, ang Foxtrot. Nakita ko rin ang Mess Hall kung saan sila sabay sabay na kumakain ng tatlong daily meals, pinaggaganapan din daw ito ng mga events, at marami pang mga kung anu anong department. 


Every cadet I see around calls me ma'am. Ganoon daw talaga sila dito. Ang dami n'ya pang itinuturong mga terminologies at may kaunting history pa akong nalalaman tungkol sa academy. 


"So far, kung saan kita dinala, 'yon lang ang accessible sa public." tumango ako sa kanya dahil puro tango lang naman talaga ang naisasagot ko sa mga sinasabi n'ya.



Nagdemand pa s'ya actually na magpicture kami around at nakisama naman ako pero bored na bored talaga ako kaya kinuha ko nalang ang phone sa bulsa at nag-type.




jadearvelle_: get me outta here. entrance ng 2nd batt.


ranzerrano: Sumama sama ka d'yan eh.


jadearvelle_: ah ganon, sige sya nalang din partner ko maya.


ranzerrano: Jk, omw.



--

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...