The Handsome Flower BXB 2020

By Ai_Tenshi

965K 61.4K 7.8K

Gusto mo bang makatanggap ng RED CARD? Ang kwento ito ay BXB version ng sikat na Asianovelang Meteor Garden. More

NOTE:
CAST
THF Part 1
THF Part 2
THF Part 3
THF Part 4
THF Part 5
THF Part 6
THF Part 7
THF Part 8
THF Part 9
THF Part 10
THF Part 11
THF Part 12
THF Part 13
THF Part 14
THF Part 15
THF Part 16
THF Part 17
THF Part 18
THF Part 19
THF Part 20
THF Part 21
THF Part 22
THF Part 23
THF Part 24
THF Part 25
THF Part 26
THF Part 27
THF Part 28
THF Part 29
THF Part 30
THF Part 31
THF Part 32
S2 NOTE:
THF Part 33
THF Part 34
THF Part 35
THF Part 37
THF Part 38
THF Part 39
THF Part 40
THF Part 41
THF Part 42
THF Part 43
THF Part 44
THF Part 45
THF Part 46
THF Part 47
THF Part 48
THF Part 49
THF Part 50
THF Part 51
THF Part 52
THF Part 53
THF Part 54
THF Part 55
THF Part 56
THF Part 57
THF Part 58
THF Part 59
THF Part 60
THF Part 61
THF Part 62
THF Part 63
THF Part 64
THF Part 65
THF Part 66
THF Part 67
THF Part 68
THF Part 69
THF Part 70
S3 NOTE:
THF Part 71
THF Part 72
THF Part 73
THF Part 74
THF Part 75
THF Part 76
THF Part 77
THF Part 78
THF Part 79
THF Part 80
THF Part 81
THF Part 82
THF Part 83
THF Part 84
THF Part 85
THF Part 86
THF Part 87
THF Part 88
THF Part 89
THF Part 90
THF Part 91
THF Part 92
THF Part 93
THF Part 94
THF Part 95
THF Part 96
THF Part 97
THF Part 98
THF Part 99
THF Part 100
THF Part 101
THF Part 102
THF Part 103
THF Part 104
THF Part 105
THF Part 106
THF Part 107
THF Part 108
THF Part 109
THF Part 110
THF Part 111
THF Part 112
THF Part 113
THF Part 114 (END)

THF Part 36

8.2K 530 42
By Ai_Tenshi


PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 20, 2020

"Bro, chillax lang. Huwag mong masyadong pag higpitan si Blas. Masyado ka nang nagiging possessive niyan." pag pigil ni Gavin

"Sundin mo ako Blas, kung ayaw mong mag karoon ng problema." ang sagot ni Yuji, umalis ito sa akin harapan saka lumabas sa shop.

Napa upo nalang ako at napa buntong hininga. "Abnormal na iyon!"

"Mukhang mahihirapan kang maging boyfriend si Yuji Guarin, possessive ito masyado at napaka seloso pala." ang wika ni Darrio.

Part 36

"Anong plano mo? Baka ibabalik nanaman ni Yuji yung red card o black card kapag sumaway ka sa kanya." ang wika ni Jay habang nag lalakad kami sa hallway.

"Mag tatago ako, hindi mag papakita sa kanyang buong mag hapon. Kailangan kong gawin ito dahil malaking pera din yung makukuha ko doon sa pag momodelo." sagot ko naman.

"Kung sa bagay ay nauunawaan kita. Ako nga rin tumatanggap na rin ako ng private tutorial sa mga bata at sa mga koreans na gustong matuto ng advance english para maka ipon rin ako. Habang bakasyon ay tutulong naman ako kay papa sa talyer may pandagdag." ang sagot niya.

"Kaya nga dapat ay kumayod tayo, basta ang layunin ko lang ngayon ay hindi makita ng abnormal na iyon." ang sagot at dito ay nakita ko si Yuji na palabas sa gusali kaya naman agad kong hinila si Jay para makalayo.

Noong umaga ay hindi ako lumabas sa classroom, lagi akong naka siksik sa isang sulok. Hindi rin ako kumain ng miryenda o lunch para hindi na ako lumabas dito. Sinubukan rim akong ibully nila Lippi at Evan pero hindi ko na sila pinatulan na kanilang ipinag tataka.

Alas 3 ng hapon, lumabas ako sa campus, takbo ang aking ginawa hanggang sa makarating ako sa gate sa mabilis akong nag pahatid sa taxi lugar na sinabi ni Nixon.

Ang venue ng pictorial ay sa isang studio sa kabilang bayan. Mga 20 minutos ang byahe patungo dito mula sa paaralan at mula sa boundary ay naka abang na si Nixon para sunduin ako sakay ng motor.

"Late ba ako? Sorry mag aalas 4 na pala." bungad ko.

"Hindi, sakto lang ang dating mo tol. Hinihintay na tayo ng make up artist doon sa studio. At alam mo ba na nakita niya ang larawan mo doon sa social media ng Empire University, yung nanalo ka sa contest na King of the night. Natuwa siya sa iyo at humanga siya sa looks mo. Siguro after ng pictoria na ito ay mag kakaroon ka pa ng maraming projects. Asahan mo na iyon." masayang wika ni Nixon.

"Salamat naman kung ganoon. Alam mo ba na itunuturing kong blessing ang pag dating mo, buti nalang at may tumulong sa akin mula sa krisis na ito." wika ko habang naka sakay kami sa kanyang motor.

"Ayos lang iyon, deserve mo ang mabigyan ng break. Balang araw tayong mga simple at maliliit na modelo ay sisikat rin katulad ng iba." ang sagot niya.

Pag dating sa studio ay agad kaming sinalubong ng make up artist at photographer. "Welcome Blas, ito pala siya, napaka inosente ng face, napaka virgin at walang bahid ng kalaswaan. Ito ang gusto kong model, fresh at mala campus crush ang datingan. Parang isang Diyos na bumaba sa mount Olympus at winakasan ang makamundong pag nanasa ng sanlibutan." ang wika ng make up artist agad niya akong hinila sa harap ng salamin para ayusan.

"Mabait iyang si Blas, kailangan niya ng pera pang bayad sa matrikula niya sa darating na semester. Kaya dapat ay bigyan niyo siya ng extra fee." ang wika ni Nixon.

"Syempre, kung very nice ang performance niya ay bakit hindi. Alam mo ba na marami na ring models dito sa amin ang mga sumikat? At ang ilan sa kanila ay napunta na sa ibang bansa para doon mag work bilang international artist. Ang ilan naman ay pinapasok na ang filming at mga movies. Isa itong break na kailangan ninyong kagatin." ang sagot niya.

Ang tema ng pictorial ay isang school boy, Pareho kaming naka suot ni Nixon ng unipormeng, itim na fitted na pantalon at polong puti na hapit sa aming mga katawan. Maganda ang ayos sa aking mukha, nag mukha akong sobrang makinis at napaka inosente ng dating. Samantalang si Nixon naman ay nag mukhang matapang pero mas umangat ang kanyang kagwapuhan.

"Blas, sumampa ka na sa bath tub, umupo ka ng maayos. Tapos ikaw Nixon pumwesto ka sa likod ni Blas." ang wika ng photographer at iyon ang aming ginawa.

"Teka, mas maganda kung iunbutton natin ng kaunti ang polo ni Blas, masyado siyang nag mukhang sakritan at totoy sa close neck niya. Hanggang dibdib, may kaunting skin pero desente pa rin diba. Tapos ikaw naman Nixon mas maganda kung alisin mo na lahat ng butones ng polo mo, sayang ang abs. Gumawi dito sa gilid para di matakpan ni Blas ang body mo. Tingin sa camera, facial expression Blas, isipin mo mayroon kang nakitang bagay na maganda pero huwag kang ngingiti dapat ay seryoso pa rin. Ikaw naman Nixon alam mo na ang gagawin mo." ang wika ng make up Artist.

"Nixon, hawakan mo ang dibdib ni Blas, tingnan mo siya na parang gustong gusto mo siyang halikan. Maganda ito para sa temang "yin yang school boy." wika ng photographer

"Tingin lang kayo sa camera.. and 1 2 3.." dagdag ng artist

Click!

Click!!

Nag karoon rin kami ng mga solong shots, whole body, close up, half body at kung ano ano pa. Nakaka enjoy ang pagiging modelo, iyon nga lang ay nakakapagod rin ito lalo na kung hindi makuha ng photographer ang kanyang ideal shots. Nakita ko naman sa mga files ang aking larawan, maganda naman daw ang registered ng aking mukha sa camera, fresh ito bago sa paningin. Samantalang si Nixon naman ay sanay na sanay na. Kung ako ay balot na balot ng uniporme, siya naman ay sexy, naka topless, at mayroon pa siyang shots na naka brief lng.

Matagal rin ang inabot ng pictorial, perfectionist ang make up artist at photographer dahil sinisigurado nilang dekalidad ang larawan na kanilang magagawa kaya nag simula kami ng 5pm at natapos ng 8pm.

Inihatid nalang ako ni Nixon sa sakayan ng taxi, nag pasalamat siya sa akin at inabot ang sobre ng initial payment na nag kakahalaga ng 15k. "Kapag napublished na sa magasin ang ating mga larawan ay mag kakaroon ka additional payment ipapadala ko na lamang ito sa campus mga 2 to 3 days. Maraming salamat sa iyo Blas, nga pala kapag wala kang ginagawa kay lumabas tayo."

"Sure naman, siguro after ng final exam." naka ngiti kong sagot sabay sakay sa taxi.

"See you." ang pag habol niya.

Alas 9 ng gabi noong makauwi ako. Sa gate palang ay nakita ko nang nakatayo si mama at papa. Parehong hindi maipinta ang mukha nila. "Bakit ginagabi ka ng uwi anak?!" ang tanong ni papa.

"May nilakad lang ako. Teka bakit ang dilim dito?" tanong ko.

"Eh kasi anak, naputulan tayo ng kuryente at tubig." ang wika ni papa.

"Bakit? Diba nag bigay ako noong nakaraang linggo? Nasaan na iyon?" tanong ko.

"Yang magaling mong ama ay dinala ang pera sa sugal. At ngayon natalo ito kaya wala tayong kuryente!" ang galit na sigaw ni mama at pinag hahampas si papa habang pumapasok kami sa bahay.

"Huwag na kayo mag away ma. Mag kakasakitan lang kayong dalawa ni papa." ang sagot ko.

"Sinasabi ko na nga ba kaya puro kulang ang ibinibigay mo sa akin noong mga nakakaraang buwan ay dahil ipinang susugal mo! Bakit ganyan ka?! Hindi kana nahiya sa anak mo!" ang gigil na hirit ni mama habang patuloy sa pag hampas.

"Tama na honey, patawarin mo akooo!" ang sagot ni papa.

Ako naman ay nag tungo sa lababo at noong pihitin ko ang gripo ay "wala ring tubig?!" ang sigaw ko.

"Oo anak, yung pambayad sa tubig ay ibinayad ng mama mo sa kumare niya na kinuhanan niya ng ulam at mga sabong panlaba." ang sagot ni papa.

"Lalong sumakit ang ulo ko. Ako na ang mag babayad bukas." ang sagot ko.

"Blas, ako na lamang ang mag babayad. Akin ang pera." ang wika ni papa.

"Hindi na. Baka saan niyo na naman dalhin ito." ang sagot ko sabay pasok sa loob ng aking silid. Binuksan ko nalang ang bintana upang pumasok ang malamig na hangin mula sa labas. Buti nalang at may kinita ako, yung iniipon ko ay mauuwi nalang sa tubig at kuryente. Hindi bale, mag hahanap nalang ulit ako ng extra income para makaipon.

Noong icheck ko ang aking cellphone ay tadtad na ako ng missed call mula kay Yuji, marami ring mensahe ang kanyang iniwan, galit na galit ito at puro banta ang nababasa ko. Ang iba ay binura ko nalang dahil tiyak na mag dudulot lang ito ng stress kung babasahin ko pa.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay may tumamang isang malakas na liwanag sa aking bintana dahilan para masilaw ako. Isang malakas na ilaw na nag mumula sa isang sasakyang pumarada sa labas ng aming tarangkahan.

Maya maya bumusina ito ng malakas na malakas, ayaw tumigil at talagang binubulabog ang mga kapit bahay..

Tumayo ako at nag bihis. Agad akong lumabas sa tarangkahan para puntahan ang isang pamilyar na nasasakyan na nambubulabog sa buong compound. "Ano ba? Tama na nga iyan! Ang ingay ingay. Gusto mo bang kuyugin ka ng mga kapit bahay namin?! Anong oras na? 9:30 na, tahimik na lahat dito." ang sigaw ko habang kinakatok ang salaminn nito.

Maya maya bumukas ang pinto at lumabas si Yuji. "Wala akong paki sa kanilang lahat."

"Bakit nandito ka? Dapat natutulog kana dahil may pasok pa bukas."

"Mag hapon kitang hindi nakita sa campus. Hindi ka rin sumasagot sa mga tawag at mensahe ko. Sa palagay mo ba ay makakatulog ako?!" ang tanong nito sabay hawak ng mahigpit sa aking braso. "Bakit hindi ka sumasagot?!" gigil na tanong niya.

"Paano naman ako sasagot, tingnan mo nga yung bahay namin, madilim at walang kuryente."

"Naputulan kayo? Ganyan na ba kayo kahirap?"

"Oo, nagastos nina mama at papa yung ibinigay ko. Di bale, ako nalang ang mag babayad bukas." ang sagot ko.

"Kayong mahihirap dapat ay alam niyo ang priority sa mga bayarin. Uunahin ninyo yung mga bagay na importante. Ang tatanga niyo naman." ang wika nito sabay kuha sa kanyang cellphone at may dinial ito.

"Hello, Gilbis?" ang bungad ni Yuji.

"Hello, master nasaan ba kayo? Tumatawag ang inyong ama. Tiyak na magagalit siya kapag nalaman niya na wala ka sa bahay ng ganitong oras."

"Wala akong paki alam sa aking ama. Sabihin mo marami akong ginagawa sa campus! At tawagan mo yung energy supplier sa bayan at sabihin mo na ibalik ang kuryente at tubig ni Mr. Herera ngayon din."

"Masusunod po master. Pero po ang inyong ama ay tiyak na magagalit sa iyo."

"Wala nga akong paki alam. Tawagan mo na, sabihin mo na dapat bago mag alas 10 ay naibalik na ang supply ng tubig at kuryente sa bahay nila dahil kung hindi ay ipapasara ko ang kompanya nila. Naunawaan mo ba? Ngayo na!" ang utos ni Yuji na walang kagalang galang.

"O ayan, ibabalik na yung kuryente niyo. Para kayong mga ipis na naka siksik sa dilim." ang pang aasar niya.

"Babayaran nalang kita. Sandali kukunin ko yung pera." sagot ko sabay lakad papasok sa tarangkahan pero hinila niya ako pabalik.

"Wala naman akong sinabing bayaran mo ako, saka wala ka namang pera, itabi mo nalang iyan pambili mo ng pag kain mo.." ang sagot niya.

"E anong gusto mo." ang tanong ko.

"Gusto ko? Bumili ako ng pasta at mga sangkap. Ipag luto mo ako. Gusto kong makatikim ng lutong pang mahirap." ang wika niya sabay kuha ng isang malaking shopping bag sa likod ng sasakyan at saka inihagis sa akin.

Eksakto 10:01 ng gabi bumukas ang kuryente sa aming bahay. Bumalik ang energy supply dito. Agad na pumasok si Yuji sa aming bahay na naupo sa kusina na parang batang hihintay ng pag kain.

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

798K 41K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
2.8K 460 59
Original Title: Diary ng Bakla Status: Completed Bata pa lang si Porschia, alam niya nang isa siyang- DARNAAAAAAAA! Pero kahit ganoon, naging wonderf...
547K 8.2K 27
Si Louis Castro ang mayabang na Varsity player mahuhulog ang puso sa isang Conservative Church Boy/Theater Performer at napakabait na mala Angel na s...
926K 2.5K 6
Alexander Villanueva always being tagged as "May Itsura naman" and he always hated hearing that comment, dahil para sa kanya it's either guwapo ka o...