A Forbidden Affair (Guieco Cl...

By LovieNot

34.8K 1.7K 206

Marciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to... More

BLURB
PROLOGUE
CHAPTER 1- SEDUCTIVE BOSS
CHAPTER 2- FORBIDDEN AFFAIR
CHAPTER 3- LETTING GO
CHAPTER 4- TERRITORY
CHAPTER 5- CHILDHOOD FRIENDS
CHAPTER 6- BATTLE OF LOVE
CHAPTER 7- CLASH OF CLANS
CHAPTER 8- REWRITE THE STARS
CHAPTER 9- FAVORITE CAR
CHAPTER 10- COMFORT ZONE
CHAPTER 11- GIVING IT UP
CHAPTER 12- ASHELL
CHAPTER 13- SYNTAX ERROR
CHAPTER 14- UNBEARABLE PAIN
CHAPTER 15- HATRED
CHAPTER 16- SUDDEN ATTACK
CHAPTER 17- LOST LIVES
CHAPTER 18- KARMA
CHAPTER 19-SNELLENN FAMILY
CHAPTER 20- SYSTEMS DEFENSE
CHAPTER 21- ROBOTS
CHAPTER 22- THANK YOU KISS
CHAPTER 23- NTH CHANCE
CHAPTER 25- RIGHT TIME
CHAPTER 26- OFFICIALLY
CHAPTER 27- LUCKY ONE
CHAPTER 28- FEAR AND DOUBT
CHAPTER 29- LIKE A STAR
CHAPTER 30- SILENCE MEANS YES
CHAPTER 31- DREAM
CHAPTER 32- CONFESSION

CHAPTER 24- START BUTTON

622 44 7
By LovieNot


"Bossungit, pupunta ako mamaya sa BV, sama ka ba?" usisa ko sa lalaking tutok na tutok sa laptop niya.

Nasa opisina niya ako ngayon. Prenteng nakaupo lang. Nagising kasi ako dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. Kamuntikan pa akong mahulog sa kama dahil baka ka'ko ang mommy ang tumatawag pero siya lang pala. Pinapunta niya ako rito para lang siguro maging audience niya dito.

Bahagya siyang nag-angat ng tingin. "Gusto ko sana kaso marami pa akong dapat matapos na reports. Next time?"

Pinigilan kong mapasimangot. "Okay," kaswal kong tugon at saka tumayo na.

Wala naman akong magagawa. Isa pa ay kami lang naman pala ni Shane ang dapat na kumilos.

"Isama mo si Shane," habilin niya pa.

Nilingon ko naman siya. "Hindi pwede. May pinapaasikaso ako sa kanya, 'di ba?"

Tumango lang siya at saka tumayo rin. Bakit ba ang gwapo ng lalaking ito? Simple lang naman ang suot niya pero feeling ko ay isang international model ang kaharap ko ngayon. Humikab siya kaya bahagya akong napangiti.

Shit. He's hot. Uy, Marciella, aba! Ang landi mo na naman.

"Kumain ka na ba?"

"Kakagising ko lang, 'di ba?" bara ko naman sa kanya dahilan para mapakamot siya sa kanyang noo. Kahit sa mga simpleng kilos niya ay mas lalong napapabilib niya pa ako.

My God, Marciella. Pinagsasabi mo ba? Manahimik ka nga.

"Sasamahan na kita sa DH."

"Huwag na, marami ka pang dapat na matapos na reports, right?" paalala ko naman sa kanya.

"Hindi pa rin naman ako kumakain, eh."

Siniringan ko naman siya ng tingin at napasinghap. "Okay, dalian mo na or susunod ka na lang?"

"Sabay na tayo papunta doon."

Tumango na lang ako at nagpatiuna na. Hindi rin ako masydong nakatulog dahil inalisa ko nang mabuti ang mga impormasyon na nakalap namin kahapon.

Gabriel's wife, Celine, fell victim to terrorism in Maguindanao last year. She worked as a news writer and reporter for a prominent TV station. Her mission was to gather information on terrorism, but unfortunately, she, along with her cameraman and another colleague, became hostages.

This is why Lyssa mentioned that Gabriel was the only one left to support their best friend, who is the child of a couple, as Celine had already passed away. Her remains were the only thing returned home. Our current focus is on investigating any potential link between this incident and the Snellenn Family. They were among those who contributed to the area's recovery after the terrorists' devastation.

Pareho naman kami ng iniisip ni Shane. Maaaring may kinalaman talaga ang pangyayaring iyon sa sinapit ng pamilya ni Lyssa. Pero ang tanong,  paano at bakit? Bukod kasi kay Gabriel na kaibigan ni Allen ay wala na kaming ibang tao pa na pwedeng maging suspect. Siya lang ang may direct connection sa pamilya.

Mas nakadagdag pa sa hinala namin sa kanya dahil sinabi niya sa amin kahapon na nakabakasyon daw ang buong pamilya na nakatira sa katabing bahay niya which is kina Allen nga. Bali napapagitnaan kasi ang bahay niya ng bahay na kinuha namin at ng bahay ng Snellen.

Kung isa siya sa pinagkakatiwalaan ng pamilya, malamang sa malamang ay alam niya ang lakad ng mga ito palagi. So, how come na ang alam niya ay nagbakasyon?

Or maybe iyon lamang ang pwede niyang ipalabas sa mga kakilala ng pamilya sa BV.

"Hoy, nandito ang pinto, saan ang punta mo?" untag pa sa akin ni Ash. Napakamot na lang ako sa aking batok at tuluyang pumasok sa DH.

Maka-hoy, wagas.

"Good morning, Ashmer!" bati sa kanya ni Beatrice.

Walang galang sa akin ang babaeng ito. Hayaan na nga. Mamaya ay ipapamili ko siya ng gamot na mayaman sa bitaminang 'galang' para magkaroon naman siya niyon kahit papano. Pero meron naman siyang gano'n at nakikita ko iyon kapag ang pinsan niyang si Froizel at Aci ang kaharap niya.

"Good morning," tipid na tugon din niya sa babae.

Alam kong labag iyon sa kalooban niya pero kasi kinausap ko siya kahapon na 'wag sumali sa gusot namin ng babaeng ito. After all, he's the boss at dapat fair ang treatment niya sa amin. Personal issue naman kasi ang meron kami ng lintang ito.

Oppss! Tao nga pala at hindi linta, sorry na agad.

"Yong sinaktan ka na nga nang sobra pero pinagbigyan mo pa rin naman ulit, ang tawag doon?" parinig ni Silang.

Hindi ko pa siya nakakausap mula kahapon dahil pareho kaming busy. Gabi na nga sila nakauwi ni Jin kagabi. Pare-pareho kaming pagod at halos walang tulog dahil mahigpit din ang pagbabantay namin sa camp.

Binabantayan pa rin namin ang kilos ng PC. Sa ngayon nga ay marami na silang establishment na napinsala pero wala pa rin kaming lead na makuha kung bakit nila ito ginagawa at kung saan ba ang kanilang kuta.

"Ano tawag doon? Tanga?" inosenteng saad ni Kendra.

Humanap na lang ako ng pwesto dahil si Ash naman na ang nasa counter. Ramdam ko rin ang masamang titig sa akin ni Beatrice pero binalewala ko na lamang iyon.

"Wala akong sinasabing tanga, ikaw talaga," saad naman ni Silang sa kausap niya. "Tawag doon, payapa," dagdag niya.

Napakunot-noo naman ako. Payapa? Anong connect?

"Payapa? Bakit naman, Ate Gab?" usisa rin ni Kendra sa kanya.

"Minahal mo pa rin kahit sobra kang nasaktan, eh, di payapa ang bansa."

Zsss, pauso talaga ng Gabriellang ito.

"Gab, tumawag ba ang mom?" tanong ko sa kakambal kong kanina pa ako pinipuntirya.

Kung hindi ko lang ito kakambal ay baka naisako ko na rin ito. Galit pa rin siya kay Ashmer and I can't blame her. Kung bakit kasi kailangan niya pang maramdaman lagi ang sakit na nararamdaman ko.

Kung ako man ang nasa sitwasyon niya ay magagalit din ako. Nasasaktan siya kahit wala naman siyang ginagawa. Broken siya kapag broken ako. Apektado siya emotionally sa mga maling desisyong nagagawa mo at sa mga masasakit na pangyayaring nararanasan ko.

Sa nasabi ko na, isang sumpa rin para sa akin ang bond naming gano'n. Lalo na para kay Gab.

"Hindi. Bakit 'di mo tawagan?" supladita niyang saad at malamyang tingin ang ibinigay sa akin.

"Let's talk later," ani ko at saka isiniring ang tingin ko kay Beatrice na mataman ding nakatitig kay Ashmer. Hindi na na kontento pa at tumayo na talaga tsaka lumapit sa isa.

"Ash, wala bang ibang makainan dito?"
Bakas sa kanyang tono ang pang-aakit.

Hindi ko mapigilang mapairap na naman sa kisame. Wala talagang delikadisa ang isang ito.

"Sa labas ng camp ay marami," tugon ni Ash sa kanya at saka marahanan na kinalas ang kamay niya na nakaangklas sa braso nito.

Lihim akong napangiti. Hindi naman din halatang allergy siya sa presensiya ng isa. Bigla ko tuloy naalala ang mga pinaggagawa sa akin ng babaeng ito noong college pa lang kami.

"Miss Perrer, where's your Test Booklet? Ikaw lang yata ang hindi nakapagpasa. Anong ibibigay ko sa'yong grade sa asignaturang ito?"

Napakunot noo naman ako. Sigurado akong naipasa ko ang aking TB dahil ako ang unang natapos, eh.

Tsaka kung naiwan dito, dapat nakita ko iyon dahil hindi naman ako mahilig lumabas ng after exam eh. Kung nawala naman sa faculty, napaka-timing naman kung sa akin lang talaga ang nawala.

"I'm sorry, Ma'am, pero sigurado ho ako na naipasa ko iyon. Ako pa nga po ang naunang nakatapos, 'di ba?"

Mukhang nag-isip naman si Ma'am Almy.

"Yeah, iyon nga rin ang ipinagtataka ko. Pero wala talaga ang TB mo. Bibigyan na lang kita ng another set of questions para makapag-exam ka ulit, is it okay, Miss Perrer."

Napasinghap naman ako."No choice," tipid kong saad.

Huli na nang nalaman ko na siya pala ang kumuha niyon dahil sobrang busy ako sa araw na iyon ay hindi ko na naisipang ipa-check ang CCTV na meron ang faculty . Nang malaman ni Ashmer ang nangyari ay siya na mismo ang nag-hack ng CCTV camera at kitang-kita ko talaga ang pagkuha ng babae sa test booklet ko.

Hindi lang doon natigil ang kasamaan niya dahil maraming pagkakataon na dinaya niya ako sa competitions o kahit anong ganap sa school.

"What the heck? Where's my sports shoes?" tarantang saad ko dahil nawawala ang sapatos ko na dapat kung gamitin sa marathon. Isa akong athlete at intramural meet namin ngayon.

"Sis, baka naman na misplaced mo lang?" saad naman ni Keirah, ang isa pang makakasama ko sa competition at kaibigan ko rin naman.

"Hindi, sigurado ako na dito ko lang sa locker room ko inilagay iyon. Nandito nga ang towel ko eh,  bakit 'yong sapatos ko ay wala?"

"Naku! Baka naman may nanabutahe sa'yo. Magsisimula na pa naman, wala rin akong extra-shoes, Sis Marci. Hindi ka rin pwedeng manghiram kasi hindi naman ordinary shoes ang gamit natin tsaka dapat ay komportable ka talaga. Hindi basta-basta ang tatakbuhan natin, mamaya ay baka masugat pa 'yang paa mo."

"Mauna ka na, hindi na lang ako sasali. God bless, ipanalo mo ang laro."

"But Marci..."

"Sige, next time na lang ako sasali. Talunin mo si Beatrice," may diing saad ko dahil pakiramdam ko ay siya na naman ang may gawa nito.

Hindi nga ako nagkamali, ang bruha nga talaga ang nagnakaw ng sapatos ko and worst ay ipinamigay pa niya. Galit na galit si Lovimer nang malaman iyon dahil regalo niya pa naman sa akin iyon. Dalawa kami ni Gab ang binigyan niya since athlete din naman din ang kakambal ko sa school niya.

"Oh my, God Marci! Bakit ang dungis mo?!" takang tanong sakin ni Keirah.

"May extra uniform ka ba? Pahiram muna," tugon ko sa tanong niya.

"Yeah, meron, teka lang."

Napakuyom ako nang maalalang isang balde ng putik ang sumalubong sa akin ng pumasok ako sa girls CR.

Hindi ko na kailangan pa maging genius para hulaan kung sino ang halang ang kaluluwa para gawin sa akin iyon.

Beatrice Solomon, namumuro ka na talaga!

May kontak pala si Keirah kay Kenya kaya naman naisumbong agad ng isa ang nangyari sa akin. Sumugod sila nina Gab sa school namin nina Ash at pinagtulungan nila si Beatrice. Sobrang nagulantang pa ako niyon dahil hindi ko alam kung paano nakarating sila sa school namin. Kaya naman, guidance office ang bagsak namin pare-pareho.

Natawa pa ako nang idamay ni Kenya ang kuya niya sa gulo namin, kesyo kakampi daw ni Beatrice sa pangbu-bully sa akin. Nagalit kasi siya sa kapatid dahil hindi man lang daw ako naipagtatanggol sa babaeng linta.

Hindi nga linta, Marci. Tao si Beatrice.

Ang lakas ng loob niyang gawan ako ng masama dahil itinuturing siyang Queen Bee sa school samantalang si Ashmer naman ang King kuno.

Ewan, sakit din sa panga ng buhay estudyante, daming kaartehan. Wala rin naman akong balak na patulan siya at pag-aksyahan ng panahon ang mga taong bitter at nuknukan ng insecurities sa katawan.

"Samahan mo ako, please?"

Umarko naman pataas ang kilay ko. Aba at sa boss pa magpapasamang kumain. VIP ba siya? Eh, sa natatandaan ko kahit nga sina Tita Adelle at Kenya ay hindi masamahan ng lalaki dahil sa hindi siya mahilig kumain sa labas.

"Hindi ako kumakain kung saan-saan, Trice. Sa iba ka na lang magpasama," malamig ang kanyang tono.

"Ang social naman, sa boss pa magpapasama. Eh, kung bumili ka na lang ng taong makakasama mo tutal mayaman ka naman, 'di ba?" asik ni Gab.

"I am not talking to you, stupid!"

Uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niyang iyon sa kakambal ko. Kung ako ay ayos lang na laitin niya pero 'wag na 'wag ang kapatid o kahit sinong malapit sa akin.

"Huwag mong pagsasalitaan ng masama ang kakambal ko, Beatrice!" may diing asik ko pero inirapan niya lang ako.

Sino kaya ang 'bitch' sa amin?

"Briel, labas na tayo," agad na singit ni Jin para awatin ang naglalagablab ang  mga mata sa galit na si Gab.

"Stupid? Sarili mo ba ang tinutukoy mo, ha? Know your place bago ka magsalita nang ganyan sa akin. Stupid your face! Hindi ka naman nga maganda, anong pinagmamalaki mo? Yang boobs mong puro foam? O 'yang gandang ipinagmamalaki mo na ikaw lang naman ang nakakaalam?"

Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang hindi naman talaga magpapatalo ang Silang namin.

"How dare you..."

"How dare you too!" Tumayo na talaga siya. Napakamot na lang ako sa pisngi ko. "Suntukan, gusto mo?" dagdag hamon niya pa.

"Ang taba mo na talaga, Silang, tama na ang pagkain. Boyba ka na," daot sa kanya ni Jin para agawin ang atensiyon niya na nakatuon kay Beatrice.

"Peste ka talaga, Jinro! Anong taba ang sinasabi mo, ha? Duh, sa sexy kong ito?"

Nginitian ako nang pasimple ni Jin, it means nagtagumpay siya na ilayo sa nagbabadyang gulo ang kambal ko. Padarag na umupo ulit ang haduf kong kakambal.

"Ay, oo nga. Sexy ka nga pala," bawi rin naman sa pang-aasar niya sa isa.

"Thank you."

"Welcome." Sinabi namin iyon sa isa't-isa na walang lumalabas na tinig sa aming bibig.

Hangga't nasa camp ang babaeng ito, mukhang aasahan ko na lagi ang bangayan dito sa DH. Lahat kasi ng PA maliban kay Kendra ay mainit talaga ang dugo sa babae dahil nga hindi lingid sa kaalaman nila ang pinagagawa niya sa akin noon.

"Magkambal nga kayo parehong walang kwenta," banat na naman ng kontra-bida.

Napansin ko ang pagkawala ng emosyon sa mukha ni Ashmer habang naglalakad na papunta sa mesang kinaroroonan ko, dala ang pagkain namin. Tahimik at maayos niyang inihain sa mesa ang mga pagkaing nakalagay sa tray. Nang mailapag niya na lahat ay ibinalik niya sa may counter ang tray, juice naman ang dala niya ng bumalik siya.

"Let's eat," yaya niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at kumain na tin pero may biglang tumapik sa kamay ko dahilan para matapon ang pagkaing isusubo ko na sana. Walang ibang gagawa niyon kundi si Beatrice.

"Oh, I'm sorry. Dadaanan lang naman ako. Hindi ko sinasadyang masagi ka."

Ang totoo ay gustong-gusto ko na talagang patulan ang babaeng ito dahil sumusobra na talaga siya. Pero nakakahiya kina Froi dahil kahit papano ay pinsan niya pa rin ito at mukhang close nga sila.

"It's fine," ani ko at inabot ang tissue tsaka nagpunas.

Grrr! Nadumihan 'yong damit ko, kakainis.

"But the next time na umarte ka pang hindi mo sinasadya ay ibubuhos ko sa'yo lahat ng pagkain na makikita ko," seryoso kong saad. Natawa naman siya.

"As if natatakot ako sa'yo."

Tumayo si Ash at blangko ang mukhang tumitig sa akin.

"Let's go, sa labas na tayo kumain Marciella."

"Dito na..."

"Sa labas na. Nawawalan ako ng gana dito."

"Sama ako," singit ng bruha.

"Kayo na lang ang magsama," malamya kong saad. Inunahan ko na at baka pumayag din naman pala ang lalaking ito.

"Si Marciella ka ba?" tanong niya sa babae na ikinabigla ko. Halatang napahiya naman si Beatrice dahilan para mamula ang mukha. Narinig ko ang tawa nina Kendra at Shines.

"Ang aga ng rambolan ah?" intrada ni Shane na kakapasok lang.

Ang totoo ay sumasakit ang ulo ko sa ganap na ito. Para kaming mga teenager na nasa fiction story, hindi kompleto ang buhay kung walang drama.

"Marciella," untag sa akin ng bossungit dahilan para mapatayo naman ako. Sa akin yata ibinubuntong ang galit niya dito sa babaeng linta, este babaeng tao pala.

Lumapit na ako sa kanya at ipinulupot ang kamay ko sa braso niya tsaka binigyan ng nakakaasar na tingin si Beatrice.

Mas tumalim pa ang titig niya sa akin at sa kamay kong nasa braso ni Ash.

Loser ka pa rin talaga, Beatrice.

"Nagugutom na ako, Boss, tara na."
Sinadya ko ring gayahin ang kalandian niya sa pagsasalita.

Oh, mukhang mas epektibo pa rin naman akong maging malandi kaysa sa kanya. Nakita ko kasing napalunok ang bossungit, eh.

Lumabas na kami sa DH. Dumiretso kami sa parking lot. Hindi pa tapos ang renovation ng mall kaya no choice talaga kami kundi literal na sa ibang resto kami kakain.

"Saan tayo?" tanong ko pa sa kanya.

Binuksan niya ang front seat ng kotse niya at pinapasok ako pagkuwa'y pumasok na rin siya.

"Daanan natin si Lyssa sa inyo tapos diretso na tayo sa S-Resto."

"Kila Tita Alexa?"

"Yup. Ayaw mo ba? Makita mo man lang ang carbon copy mo," natatawa niya pang saad kaya napangiwi na lang ako.

Napakunot-noo ako nang may mapagtanto, bakit nga ba ngayon ko lang naisip?

"Ash," untag ko sa kanya.

"Yes, baby?" malambing niyang tanong tsaka ngumiti pa sa akin.

Awww! Haduf, bakit parang kinikiliti ang tiyan ko?
Simple lang ang sagot Marci, landi mo rin naman kasi.

Iba talaga ang epekto ng lalaking ito sa sistema ng mga kababaihang nabibighani ng kanyang kagwapuhan. 

And now, nagiging makata ka na, Marciella Perrer?

Gwapo din naman si Loviemer, si Jin, Faller, Froizel, Aciekel, si Dailann pero iba talaga ang tama sa akin ng isang Ashmer Guieco, eh. Siya lang ang kaisa-isang lalaking nagiging dahilan kung bakit may nakikita akong mga nagkikislapang bituin kahit tanghaling tapat pa iyan.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Kenya na nakakakita siya ng pink butterflies tuwing kinikilig siya kay Dailann. Eh? So, yong akin ay stars? Crazy.

Nakakabaliw nga ang pag-ibig, legit!

"Ell?" Napasinghap pa ako nang maramdaman kong hinaplos niya ang pisngi ko. Kakaiba rin ang dulot ng init ng kanyang palad sa sistema ko.

My god, nababaliw na yata ako dahil sa lalaking ito.

"Problem?" may pag-aalala sa boses niya.

"Ah, wala naman. Na-realize ko lang na magkamukha pala kayo ni Tito Edrick."
Ngumiti naman siya dahil sa sinabi ko.

"That's why tayo talaga ang nakatadhana para sa isa't-isa, just like Tito EJ and Tita AA."

Hindi ako nakaimik pero ang tiyan ko ay para bang hinahalukay.  Baka dahil gutom lang talaga ako. Ngumiti na lang ako sa kanya dahil hindi ko na nakapa pa ang aking dila.

Nang makarating kami sa bahay, ang makulit na bata ang sumalubong sa amin. Karga-karga pa siya ng Dad.

"Tito Ash! Na miss po kita."

"Miss you too ,Baby Lyss."

Aba't ang lalaki talaga ang una niyang binati. Kinuha niya kay Dad si Lyssa at iniharap sa akin.

"Tita Marci. I missed you too."

Napanguso naman ako. Hindi naman halatang mas paborito niya talaga si Ash kaysa sa akin 'no?

"Nagselos na ang Tita Marci mo," nang-aasar niya pang saad.

"Hindi, ah!" tanggi ko.

"Si Tito Ash po kasi una kong nakita, eh. Hindi ko naman po kayang sambitin nang sabay ang pangalan niyo. Kapag... kapag sinabi ko namang 'Tito Marci' para shortcut ay malilito kayo. Kaya wag ka ng magtampo, Tita," paliwanag nito.

Natawa ako dahil napansin ko lang na kapag mahaba ang linyang binibitawan nito ay saglit pa muna itong humihinto para huminga at bago magpatuloy sa pagsasalita.

Lumapit naman ako sa kanya para halikan siya sa pisngi pero ang nyawa ang siyang sumalubong sa labi ko gamit ang bibig niya.

"Yieee, sweet," asar pa sa amin ni Lyssa. Ibinaba niya na ang bata.

"Lyssa, pabihis ka sa kay Momshie mo at aalis tayo," utos ko sa bata. Tumango naman ito at tumakbo papunta sa kitchen kung saan nandoon si Mom.

Pasimple kong kinurot siya sa tagiliran at pabulong na nagsalita.

"Gags ka, alam mong may bata at paano kung nakita tayo nina Mom, ha?"

Ngumisi lang naman siya tsaka marahan na hinapit ako sa bewang.

"Don't worry, baby. Pananagutan naman kita, eh."

Sinamaan ko siya ng tingin at kinalas ang kamay niya sa katawan ko. Haduf talaga eh.

Landi!

"Gags!"

"Gags you too."

Ewan, ang sakit niya rin sa panga.

Kinikilig ka lang talaga, Del Pilar.

Zsss! Minsan kailangan din naman nating lumandi ng pasimple lang, 'di ba?

Parang gusto kong dagukan ang sarili ko. Nababaliw na ngang talaga ako dahil sa nyawang Ashmer Guieco.

...
Vote. Comment. Follow.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
16.2K 679 39
"It runs in the blood." That's the reason why Zefania Valencia grew up as an obese girl. Because her family has a history of obesity. But what makes...
1M 33.3K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...