Victoria's Zoran

By prettyAeaea

992 52 0

Hindi inaasahan ni Victoria Ramores na ang simpleng bakasyon ay magiging exciting nang makita niya ang napaka... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12 (Final)

Chapter 7

60 5 0
By prettyAeaea

"GUSTO kitang makasama 'yong tayong dalawa lang," mahinang usal ni Victoria habang kinukuha ang gamit sa loob ng kotse. Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mapangiti at kiligin dahil sa sinabing iyon ni Zoran. Ano kaya ang nalanghap at nakain ng binata at bigla-bigla na lang itong naging sweet sa kanya? Una sinabi nitong na-miss siya nito tapos gusto pa siya nitong makasama.

Natigil sa pag-alala si Victoria nang bahagya siyang itulak siya ni Justice. Isang masamang tingin lang ang ibinigay niya rito.

"Nagmumukha kang baliw, ba't ka ngumingiti mag-isa diyan?"

Nang maalala ang nangyari kanina ay muli siyang napangiti.

"Wele nemen."

"Ano ang nangyari sa 'yo, para kang sinapian."

"Heh!"

Kinurot siya ni Justice sa may braso. "Si Zoran ba ang dahilan kung bakit ka pangiti-ngiti ngayon? Naku! Iba na 'yan Victoria."

"He-he-he."

"Si Zoran nga?"

Tumango-tango si Victoria. Sasabihin ba niya kay Justice ang nangyari kanina sa music room o hindi?

Huwag muna baka mausog. Namnamin mo muna ang kilig, aniya sa sarili.

PAGKATAPOS n'ong unang activity ay ipinakilala na sa kanila ni Charity ang mga batang aalagaan nila ng dalawang araw. Nagsisisi si Victoria na pinili niya si Andrea. Pinagsusungitan siya ng bata pero malambing naman pagdating kay Zoran. Bagay na bagay ang dalawa na maging mag-ama dahil parehong masungit ang mga ito. Ang isang bata naman na napunta sa kanilay ay si Vicente, malambing at mabait kaya madaling alagaan.

Nasa gitna siya ng pagbabasa ng profile ni Vicente nang biglang nanikip ang kanyang dibdib. Hindi niya mapigilan na hindi maapektuhan sa nangyari sa mga ito.

Naranasan ni Andrea ang pang-aabuso sa tiyahin nito kahit walong taong gulang palang ang bata. Sinagip ito ng foundation sa malupit nitong tiyahin. Iyon marahil ang dahilan kung bakit ayaw nito sa kanya. Baka iniisip nitong sasaktan niya ito, na kailanman ay hindi niya gagawin.

Ang batang si Vicente naman ay sanggol palang ay iniwan na ito ng ina sa labas ng foundation. Naaawa siya sa mga ito at the same time ay naisip niyang masuwerte siya dahil nagkaroon siya ng mababait na magulang. She's very thankful that she still have them, who love her. Kahit na minsan ay nagiging pasaway siya at binibigyan niya ang mga ito ng sakit sa ulo. Pagkauwing-pagkauwi niya sa kanila ay pasasalamatan niya ang mga ito dahil hindi siya pinapabayaan.

Huminga siya nang malalim.

"Are you okay?"

Tumingala siya rito. Umupo naman sa tabi niya si Zoran.

"Yes," aniya sabay pahid ng luha na umaaligid sa kanyang mga mata.

"Kanina ka pa hindi dumadaldal kaya hindi ka okay."

"Naawa kasi ako sa kanila. Kailangan ng mga bata na mag-aalaga sa kanila. Hindi sila dapat inaabuso at iniiwan na lang basta-basta. Hanggang pasarap lang ba ang mga magulang nila?"

"You're just over reacting, Victoria."

Kumunot ang noo niya. "Hindi ka ba naawa sa kanila?"

Pinunasan nito ang ibabang bahagi ng kanyang mata gamit ang hinlalaki nito. "Naawa rin ako gaya mo, pero hindi natin dapat ipakita sa kanila iyon. Mas lalo silang madi-depress at malulungkot, saka kaya nga tayo nandito para tumayong magulang nila kahit pansamantala lang. At para pasayahin sila."

Namangha siya sa sinabing iyon ni Zoran. Bagaman masungit ito ay ramdam niyang may maganda itong puso. Ramdam na ramdam niya ang concern nito para sa mga bata. At tama naman ang sinabi nito, hindi nila dapat iparamdam ang pagkaawa sa mga bata. Mas dapat nilang ipadama sa mga ito na mahal nila ang mga ito kahit na hindi nila ito kaano-ano.

"Ano? Bakit ka nakatitig?"

Ngumiti siya rito. "Na-miss din kita ng sobra."

Kunot ang noong tumayo ito, kapagkuwan ay naglahad ng kamay. "Ayoko ng mahinang asawa...kaya tumayo ka na diyan at hinihintay na tayo ng mga bata."

"Gusto mo akong maging asawa?"

"Makikipagpalit ba ako kung hindi?"

Umiling-iling si Victoria. "Akala ko kasi na nakipagpalit ka lang para kay Titus."

"I don't interfere with their relationship kahit na kaibigan at pinsan ko 'yong dalawa." Mataman siya nitong tinitigan. "Ibig sabihin, walang kinalaman ang dalawa kung bakit ako nakipagpalit, sadyang ikaw lang talaga ang gusto ko."

"T-totoo?"

"Yes, so...tumayo ka na asawa ko," nakangiting sabi ni Zoran at nagningning ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

Naiiyak at tila kinukuryente ang buong katawan ni Victoria sa inusal nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin o maging reaksiyon. Masyadong inuukupa ng mga salita nito ang isip niya.

Mayamaya ay naramdaman ni Victoria ang malambot at mainit na kamay ni Zoran na nakahawak sa kanya. Ngunit panandalian lang iyon nang tanggalin iyon ni Andrea na hindi niya namalayan na nandodoon na pala.

"Tatay, tayo na po do'n sa field, kanina pa po tayo tinatawag nina Miss Charity," ani Andrea at kumapit ng mahigpit kay Zoran.

Naaaliw siya habang pinagmamasdan ito kahit na pinagtataasan siya nito ng kilay at iniirapan sa tuwing titingin ito sa kanya.

"Kanina pa ba?" magiliw na tanong ni Zoran dito at kinarga si Vicente. Pagkatapos makarga ang bata ay muli nitong hinawakan ang kamay ni Andrea.

"Opo, saka nandoon na po ang lahat, tayo na lang ang wala pa."

"Sorry, Andrea, sinamahan ko kasi ang nanay n'yo."

Napatingin sa kanya si Andrea at gaya ng inaasahan niya ay muli siya nitong inarapan. "Tara na po tatay," anito at hinila-hila si Zoran.

Nakangiting napatingin naman sa kanya ang binata habang nagpapahila kay Andrea.

Sinundan lang niya ng tingin ang tatlo habang papalayo ang mga ito. She thinks that Zoran will be a good husband and a father too, someday. Ngayon niya napagtanto na matagal na niya palang gusto ang binata. Baka nga unang kita palang nilang dalawa ay gusto na niya ito. At iyon siguro ang dahilan kung bakit gustong-gusto niya itong kulitin kahit na pinagsusungitan siya nito. Maybe she's wrong about what she believes about love. Dahil mukhang na-love at first sight siya rito na hindi niya namamalayan.

"Asawa ko, halika ka na," tawag nito na mula sa di-kalayuan.

"Papunta na...asawa ko," kinikilig na tugon niya.

ILANG BESES na napaubo si Victoria dahil sa sobrang pagod. Halos lahat ng mga activity ay sinalihan nila. Napaka-competitive kasi ng mag-ama niya kaya bilang pampamilya ang mga laro ay pati siya napapasali.

"Okay ka lang?" ani Justice sabay hagod sa kanyang likod.

Kasulukuyan silang nagpapahinga ngayon sa ilalim ng mga puno na nasa gilid lang ng field. Nagsama-sama ang mga lalaki kasama ang mga bata. Habang sila namang mga babae ay tinutulungan ang mga staff sa pag-aayos ng mga pagkain. Picnic style ang tanghalian nila.

"Hoy, Victoria, okay ka lang?" ulit na tanong ni Justice.

Umiling siya bilang sagot.

"Dinala mo ba inhaler mo?"

Tumango siya. "N-nasa bag," aniya at muling naubo.

"Sige kukunin ko lang. Umupo ka muna at magpahinga baka lumala 'yang hika mo."

Umiling-iling siya. "Sasama ako."

"Dito ka lang, mapapagod ka lalo kung sasama ka pa sa 'kin."

Napatingin si Victoria sa kinaroroonan nila Zoran. Abala ang mga ito sa pakikipaglaro sa mga bata. Mukhang hindi pa pagod ang mga lalaki kasi nagkakasiyahan pa ang mga ito.

"Sasamahan na kita Justice, para magamot ko kaagad 'tong hika ko."

Napalatak si Justice. "Ang tigas talaga ng ulo mo," sabi nito sabay kurot sa kanyang braso. Nginitian lang niya si Justice, saka nagpaalam sila sa mga kasama nila bago umalis.

Tahimik lang silang dalawa habang tinutungo ang silid kung saan nila inilagay ang mga gamit nila. Nang marating nila ang lugar ay agad niyang kinuha ang bag at hinahanap ang inhaler.

Bata pa lang si Victoria ay may hika na siya. Hindi niya alam kung papaano siya nagkaroon ng hika, eh, walang hikain sa pamilyan iya bukod sa kanya. Ang sakit niyang iyon ang dahilan kung bakit panay telebisyon o hindi kaya tugtog ng instruments ang ginagawa niya noon. Pinagbabawalan kasi siya ng mga magulang niya na lumabas ng bahay. Puro bahay at eskwelahan lang siya. Saka lang siya nagkaroon ng kalayaan nang tumungtong na siya ng kolehiyo at doon niya nakilala si Justice. Simula noon ay palagi na silang magkasama. At hindi siya pinapayagan ng mga magulang niya kung hindi niya ito kasama.

"Ba't ka kasi sumasali sa laro. Alam mo naman na hindi ka puwedeng mapagod."

Ngumuso siya. "Kailangan ko kasing maglaro."

Sinapak siya nito ng mahina sa braso. "Napapansin kong kina-career ninyong dalawa ni Zoran ang family day na 'to." Itinaas-baba nito ang kilay. "Ano ang real score ninyong dalawa?"

Isang magandang ngiti ang kumawala sa labi niya. "Minsan lang kasi itong mangyari kaya sinasagad na namin, saka napapasaya namin 'yong mga bata kaya dapat maramdaman nila na isa kaming tunay na pamilya."

"Okay lang na mamatay ka para lang mapasaya 'yong mga bata?"

Tumango siya na sinabayan niya pa ng pagngisi. "Oo, kaysa maging kill joy ako gaya ni Loyalty 'di ba?"

"'Sabagay, may punto ka naman. Kawawa 'yong mga bata na napunta kina Loyalty, hindi masyadong na-enjoy 'yong laro."

"Nandito lang pala kayong dalawa."

Halos sabay silang napalingon ni Justice nang marinig ang boses ni Francis. Kasama nito si Zoran at ang mga bata. Lihim na nagkilitian silang dalawa nang makita ang mga ito. Nakakakilig kasing pagmasdan ang dalawa na may kasamang mga bata. Napakasuwerte nang magiging mga anak ng mga ito dahil magkakaroon ang mga ito ng guwapo, mabait at maalagang mga ama.

"Bigla kayong nawala kanina, bakit kayo nandito?" tanong ni Zoran sabay tingin sa kamay niya.

Agad naman niyang itinago sa likod ang kamay at nginitan ang binata.

"May kinuha lang kaming gamit pero babalik din kami d'on." Tugon niya. "Bakit nga pala kayo nandito?"

"Hinanap kita kaso 'di kita makita kaya nagtanong ako kina Charity, sabi nandito daw kayo."

Tumaas ang dalawang kilay ni Victoria sabay nguso ng labi. "Oooh, bakit mo ako hinahanap?"

"Asawa kita, so normal lang na hanapin kita."

Lumapad ang ngiti ni Victoria habang nakipagtitigan kay Zoran, gano'n din ito. Natigil lang ang pagtitigan nilang dalawa nang marinig nila na napatikhim ng sabay ang mga kasama nila.

"Ang sweet 'ha," nanunuksong wika ni Justice na inilipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Bumalik na tayo roon, nagugutom na ang mga bata," usal naman ni Francis.

Naunang naglakad sina Francis at Justice, kasama ang apat na bata. Nakasunod lang silang dalawa ni Zoran sa mga ito.

"Okay ka na ba?" tanong ni Zoran na wala sa kanya ang tingin.

"Ako ba ang tinatanong mo?" nang-aasar na balik-tanong niya rito.

Tiningnan siya nito. "Sa tingin mo?"

"Sorry naman, baka naman kasi may third eye ka at iba pala ang kinukumusta mo."

Kumunot ang noo nito.

"Tingnan mo kasi ako kung kakausapin mo ako."

Lalong kumunot ang noo ni Zoran.

"Napagod lang ako kanina but I'm fine now, don't worry asawa ko."

"Huwag na muna tayong sumali sa susunod na mga laro."

"Bakit naman?"

"Huwag nang maraming tanong, okay?" hinawakan nito ang kanyang kamay. "Bumalik na tayo."

Napatingin lang si Victoria 

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
938K 32.2K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...