Chapter 8

55 4 0
                                    

Mayamaya ay nagsidatingan na rin ang iba nilang kasama. Nakasimangot ang mukha ni Loyalty nang mkalapit ito sa kanila. Ikinuwento nito sa kanila ang nangyari sa isa nilang alaga. Pati ang pananabon ni Titus dito dahil sa pagkawala ng alaga ng mga ito kanina.

"Nandito na ba lahat?" tanong ni Charity pagkatapos palabasin ang mga bata.

"Simon's not here," sagot ni Samuel.

"Hayaan n'yo na ang isang 'yon." Naiinis na sabi ni Charity. "Anyway, tinanong namin 'yong mga bata kung ano ang gusto nilang gawin na kasama kayo at ang sagot nila ay ang makasama kayong matulog. Kaya this year, matutulog kayo na kasama sila."

"What? Makakasama ko ang lalaking 'yan sa iisang kuwarto? No way!" tutol ni Loyalty sabay turo sa nakangiting si Titus. "Ano ba 'to? Family day o Valentines day? Bakit parang dating game ito?"

"I agree with Loyalty, kailangan ba iyon?" segunda naman ni Ezekiel.

"Pumayag na lang kayo kaysa puro reklamo," sambit ni Modesty. "Para ito sa mga bata at hindi sa 'tin. Kung ano ang gusto nila eh sundin na lang natin."

"Sumasang-ayon ako kay Modesty. Kung iyon ang ikasasaya ng mga bata why not. Saka hindi naman kayo magtatabi matulog. Ang mga bata ang katabi ninyo," wika naman ni Mercy.

"What's your opinion about it Faith, Victoria and Justice?"

"Bakit ang mga babae ang tinanong mo? Papano na lang kaming mga lalaki?" sabad ni Immanuel.

"Dahil mga babae sila Immanuel." Napatingin sa kanila si Charity.

"Kung ano ang magpapasaya sa mga bata d'on kami ni Justice."

"Sinabi mo na lang sana na pumapayag ka, pinahaba mo pa," pabulong na sabi sa kanya ni Zoran. Muli na lang niya itong itinulak.

"Okay, I think we need to vote. Itaas ang kamay ng mga pumapayag."

"TATAY ikaw ang gusto kong makatabi ayoko sa kanya," ani Zora sabay turo sa kanya.

"Andrea, nanay mo 'yan kaya galangin mo siya."

"Eh, tatay, gusto ko ikaw ang katabi ko."

"Tabihan mo na ang isang 'yan, ako na tatabi rito kay Vicente," aniya at inayos ang kamang pagtutulugan nilang dalawa ng bata. May apat na kama kada kuwarto kaya may choice sila kung saan matutulog. At puwedeng hindi makatabi nila ang kanilang mga partners maliban lang kung gugustuhin nila.

Tatlo lang ang hindi bumuto kanina. Si Loyalty na obvious na ayaw makasama si Titus. Kaya siguro hindi rin nagtaas ng kamay ang binata dahil ramdam nito na ayaw ni Loyalty dito. At si Faith na tahimik lang.

"Good night, tatay," ani Vicente kay Zoran. Hinalikan naman siya ng bata sa pisngi. "Good night nanay."

"Good night, Andrea. Good night tatay," bati naman niya sa dalawa.

Hindi sumagot ang mga ito. Nang tingnan niya ay natutulog na ang dalawa. Mukhang napagod talaga ang mga ito sa activity kanina dahil kakahiga pa lang eh nakatulog na kaagad.

"Nanay, kanta ka please."

"A,e, hindi maganda boses ko."

"Okay lang po. Kanta ka please."

"Sige, pero ano ang kakantahin ko?"

"Kahit ano po."

She cleared her throat and started singing "Bahay kubo", eh sa iyon lang ang naalala niyang kanta na pangbata. Ayaw naman niyang kantahan ng love song ang bata kaya iyon na lang ang kanyang kinanta. Hindi pa nga siya nakakalahati sa pagkanta ay nakatulog na si Vicente kaya tumigil na siya pag-awit.

Victoria's Zoranحيث تعيش القصص. اكتشف الآن