A Forbidden Affair (Guieco Cl...

By LovieNot

34.8K 1.7K 206

Marciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to... More

BLURB
PROLOGUE
CHAPTER 1- SEDUCTIVE BOSS
CHAPTER 2- FORBIDDEN AFFAIR
CHAPTER 3- LETTING GO
CHAPTER 4- TERRITORY
CHAPTER 5- CHILDHOOD FRIENDS
CHAPTER 6- BATTLE OF LOVE
CHAPTER 7- CLASH OF CLANS
CHAPTER 8- REWRITE THE STARS
CHAPTER 9- FAVORITE CAR
CHAPTER 10- COMFORT ZONE
CHAPTER 11- GIVING IT UP
CHAPTER 12- ASHELL
CHAPTER 13- SYNTAX ERROR
CHAPTER 14- UNBEARABLE PAIN
CHAPTER 15- HATRED
CHAPTER 16- SUDDEN ATTACK
CHAPTER 17- LOST LIVES
CHAPTER 18- KARMA
CHAPTER 19-SNELLENN FAMILY
CHAPTER 20- SYSTEMS DEFENSE
CHAPTER 21- ROBOTS
CHAPTER 23- NTH CHANCE
CHAPTER 24- START BUTTON
CHAPTER 25- RIGHT TIME
CHAPTER 26- OFFICIALLY
CHAPTER 27- LUCKY ONE
CHAPTER 28- FEAR AND DOUBT
CHAPTER 29- LIKE A STAR
CHAPTER 30- SILENCE MEANS YES
CHAPTER 31- DREAM
CHAPTER 32- CONFESSION

CHAPTER 22- THANK YOU KISS

504 42 6
By LovieNot


I silently set the dishes I had prepared on the dining table, yet I remained stuck with that infuriating man.

He was in the living room with the child, and he didn't make an effort to assist me. I found myself reduced to an instant cook and servant for this jerk. If it weren't for Lyssa's sake, I might have considered poisoning him.

Are you certain that only Lyssa will be saddened, Marci?

Of course, not! His parents, siblings, cousins, and everyone associated with her would also be affected.

Are you among those "associated with," as you put it? Haduf! Well, after my mission, that's no longer the case.

"Ashmer! Dalhin mo na rito ang bata at nang makakain na tayo. Bilis at may lakad pa kami ni Shane," asik ko pa. Nilingon niya ako at saka pinatay na ang TV at binuhat niya si Lyssa at pumasok na rin sa kitchen.

"Baka may lason ang mga ito," pabulong niyang saad.

Inirapan ko lang siya. As if naman big deal sa akin ang kamatayan niya. Mamatay siya o hindi wala akong pakialam.

"Huwag kang kumain kung 'yan ang iniisip mo," walang gana kong saad at naupo na. Sinandukan ko si Lyssa at sinubuan.

"Saan ang punta niyo ni Shane?" usisa niya pa.

Saan pa nga ba? Duh?

"BV," tipid kong sagot at nginitian ang bata na mukhang ganadong kumain.

Namimiss niya na ang kanyang pamilya, sigurado ako. Para siyang si... Percy. Maagang naulila at biktima rin ng mga taong halang ang mga kaluluwa. Pero sana naman hindi sila magkaparehong kapalaran.

Alam kong kahit marami pa kaming magmahal sa kanya dito sa panibagong mundo na kinaroroonan niya, hahanap-hanapin niya pa rin talaga ang pagmamahal ng kanyang totoong mga magulang at kapatid. Walang makakapantay at makakapalit sa kanila sa puso niya.

Paminsan-minsan ay nakikita ko siyang nakatulala at tila ba malalim ang iniisip. Matalino ang batang ito, alam kong may alam siya o alam niya ang totoong kinahinatnan ng pamilya niya pero mas pinipili niyang maging masaya at balewalain ang katotohanan.

Alam kong kahit kailan ay hindi niya matatanggap ang sinapit ng kanyang pamilya.

"Water, please?" Napapitlag naman ako dahil sa pagsalita niyang iyon.

"Here, baby Lyss."

"Thank you po, Tito Ash."

"You're welcome,baby."

Nagkangitian lang sila sa isa't-isa. Sa tuwing tinititigan ko ang batang ito nang mataman ay hindi ko alam kung bakit bumibigat ang kalooban ko. Nasasaktan ako para sa kanyang sitwasyon at the same time ay naaawa.

Ang aga pa para nawalan ka ng pamilya, Allyssa.

"Ako na ang magpapakain sa kanya, kumain ka na," untag sa akin ng haduf.

"Ako na, matatapos naman na rin siya," saad ko.

Hindi naman na siya umalma pa. Mabuti naman at baka matusok ko siya ng tinidor na hawak ko.

After kumain ni Lyssa ay dinala ko na muna siya sa sala at binuksan ang TV.

"Nuod ka na muna diyan, ha? Magliligpit lang si Tita sa kitchen."

"Kumain ka rin po, 'di ka naman kumain, eh. Magkakasakit ka niyan."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang swerte ng mga magulang ng batang ito, pero pakiramdam ko ay mas maswerte kami dahil nasa pangangalaga namin siya ngayon.

"Kakain na rin ako. Maiwan na muna kita."

"Sige po."

Bumalik na ako sa kusina.

"Kumain ka na, buto't-balat ka na lang, eh," pandadaot pa ng lalaki sa akin. Hindi ko na lang siya pinatulan pa.

"Sasama ako sa inyo ni Shane papuntang BV para naman makatulong ako sa pangangalap ng impormasyon na kakailanganin niyo para matapos agad ang misyon."

Napaismid naman ako. Atat na atat na matapos ang misyon, ah? Gano'n niya na ba kagustong umalis ako rito.

Obviously, yes. Siya kaya muna ang tapusin ko?

"Hindi naman sa gusto kong makaalis ka na rito sa camp. Ang akin lang ay para mabigyan hustisya agad ang pamilya ni Lyssa," dugtong niya pa.

Zsss, defensive.

"Hindi rin naman ako defensive. Nililinaw ko lang dahil sa klase ng titig mo sa akin, halata namang 'yon ang iniisip mo."

"Tumahimik ka na nga, Ashmer. Naririndi ako sa boses mo," asik ko. Daming satsat eh, wala naman nga akong sinasabi.

Minadali ko na lang ang pagkain at saka nagligpit na rin ng mga pinag-kainan namin. Nagpaalam na ako kay Lyssa at lumabas na. Direkta rin naman ang lakad ko papunta sa aking lungga.

Nagpalit lang ako ng damit, 'yong hindi naman ako magmukhang pulubi pagdating sa BV. Mayayaman pa naman ang mga nadodoon kaya kailangang makibagay kami. Tinext ko na si Shane. Doon na lang kami magkikita.

Each house at Brighton Village costs a million a month. However, the term "house" hardly does justice to these mini-palaces. They're exceptionally beautiful, fit for royalty. Our mission won't even take a month, so it's all manageable. Besides, our boss is footing the bill. Let him go broke; he can afford it.

But with Ashmer Guieco, it's impossible for him to go broke, which is quite frustrating.

I lightly applied some powder to my face and a pale pink lipstick to my lips. I'm dressed in an off-shoulder white dress, paired with white flat shoes, and my light green sling bag hanging over my shoulder.

Keri na ito.

Lumabas na ako at dumiretso sa park.

"Susi," agad na saad ng haduf sabay lahad ng palad niya. Bahagya pa akong nagulat pero 'di ko lang ipinahalata.

"Use your own car, idiot."

He furrowed his brow. "They only allow a limited number of newcomers' cars, Marciella, usually just one or two. Most likely, Shane will be driving there because walking to BV isn't an option."

Oh, right, why does this person know about that?

"Are you absolutely sure? Are you confident in the information you've gathered?"

"Yeah, I'm sure of it. I'm also taking actions you're not aware of."

I was briefly left speechless.

Eh di wow, ikaw na, haduf ka!

Pakialamero! Akala ko ba ay kami lang ni Shane ang hahawak sa misyon na ito? Bakit nakikialam siya ngayon?

O baka sabihin mong atat ka na talagang mawala ako sa camp na ito. Zsss! Maghintay ka lang talaga, aalis din ako.

Ayaw pang sabihin eh, daming paligoy-ligoy. Mas pabor naman nga iyon para mapabilis ang pag-alis ko rito, eh.

"Ginagawa ko ito para sa bata at hindi para sa kung saan o kanino pa man. Huwag kang nag-o-over think diyan," aniya sabay ismid sa akin. Umarko naman ang kaliwang kilay ko pataas.

"Ikaw, kanina ka pa ah!" bulyaw ko. Natawa naman siya kaya bahagya akong natigilan.

"Why? Bakit galit ka? Nahuhulaan ko ba ang nasa isip mo? Masyado kasing obvious 'yang mukha mo, Marciella Del Pilar." Nang-aasar pa ang tono niya at nakakaasar naman talaga ang mukha niya.

Sa inis ko ay ibinato ko sa kanya ang susi ng kotse... Or I should say susi ni Ashell. Sapul iyon sa noo niya pero nagawa niyang saluin iyon. Sinamaan niya ako ng tingin pero inirapan ko lang siya.

As if may epekto sa akin ang pagiging robot slash transformer niya. Manigas siya!

Bakit ba nakakasira ng mood ang lalaking ito?

Nagdadabog na pumasok na ako sa loob. Malamang siya ang nasa driver seat, kainis.

"Whoaa, cool. Salamat at sa wakas ay nagkakilala rin tayo, bro," rinig kong sambit niya.

Hindi ko na lang pinansin pa. Sabi nga nila, 'kung sino ang pikon, siya ang talo'. Kaya bahala siya sa buhay niya.

Ipinikit ko ang aking mata at prenteng sumandal sa upuan. Napapitlag ako nang maramdaman kong lumapat ang balat niya sa balat ko. Napamulat ako ng mata at halos kapusin ako ng hininga ng mapagtantong napakalapit na ng mukha niya sa mukha ko.

"W-What are you doing?" I wanted to slap myself for stumbling. The corners of his lips turned up, which annoyed me even more.

"Seatbelt, Miss Del Pilar," he said, moving away from me.

To be honest, I really wanted to throttle him. My stress levels were skyrocketing. Even the slightest movement of his lips was irritating.

"Stop teasing me, Ashmer, or I might just throw you out!"

"You're being harsh; Ashell might get scared of you."

"You have no right to call this car by that name!"

"Oh? Do I need to get permission first? Where can I apply?"

Okay, relax Marci, relax. Inhale. Exhale.

I dialed Shane's number to have a decent conversation. I've called it several times, but that bitch still hasn't answered. Where could she be? I scowled and locked my phone once more.

Darn it. What did you expect from the Guiecos, Marci? It seems like there's no decency in them.

I cringed at that thought. If Kenya heard me, she'd probably have slapped me or hurled insults at me.

"Maybe Shane is already talking to the BV coordinator."

I looked at him. "How can she be talking? Hello? We left earlier than Shane, right? She might still be sleeping in the kitchen."

He sighed and lightly tapped my head with his cap. I just gave him a glare.

"Shane left earlier. I sent her ahead. I told you, I'm making moves too."

Siya ba talaga ang kumikilos o palautos lang talaga siya? Napakayabang pa nga eh wala namang naitutulong, puro satsat lang ang alam.

"Bakit 'di mo agad sinabi sa'kin na nauna na pala ang pinsan mo? Hindi man lang ako sinabihan na nandon na pala siya," asik ko pa. Nagkitbit-balikat pa bago ako sinagot.

"Hindi ka naman nagtanong sa akin eh."

"Paano ako magtatanong eh hindi ko naman alam na alam mo na palang nauna na siya?"

"Paano mo nga malalaman eh hindi ka naman nagtanong?"

"Bakit kasi kailanga pa kitang tanungin? Bakit 'di mo na lang sinabi sa akin?"

"Sinabi ko na sa'yo, 'di ba? Alam mo na, ano pang ipinuputok ng baga mo diyan? Dala na rin ni Shane ang mga paper na hinihingi nila sa'yo. Gaya nang napag-usapan natin ay peke lahat ng impormasyon na ibinigay ko sa kanila patungkol sa atin. Tandaan mo, hindi ikaw si Marciella. Ikaw si Maria..."

Hinampas ko siya nang malakas sa kanyang braso dahilan para maapakan niya na lang bigla ang break. Gumiwang pa si Ashell pero mabuti at naihinto niya agad.

"What the heck?" angil niya pa sa akin.

"Anong Maria, ha?! Buwisit ka! Sa dami-dami ng pangalan, 'yon pa, ha? Balak mo ba akong pagmukhaing nabuhay sa panahon pa ni Kupong-kupong, ah?!" bulyaw ko sa kanya.

Sa dami naman kasi ng pangalan bakit Maria pa? Hindi niya man lang ako tinanong bago iyon ilagay sa document, eh. Kakainis talaga.

"It's Marianne, not Maria. Nauuna kasi lagi ang emosyon mo, Marciella. Hindi pa ako tapos, eh. Saka kita mo, muntik na tayong mabangga dahil sa kahadufan mo." Halos pabulong lang ang huling dalawang linyang kanyang binitawan.

"Anong sabi mo?" walang emosyon kong usisa.

Natawa lang siya tsaka pinaandar na ulit ng sasakyan. "Wala naman."

"May sinasabi ka, Ashmer. Ulitin mo 'yon."

"Wag na, nagagalit ka na nga tapos ipapaulit mo pa."

"Just say it again, baby, hmm... Ouch!" hiyaw ko nang masubsob ako dahil sa biglaang paghinto niya ng sasakyan.

"What the hell, Marciella?!" galit niyang saad.

Napakunot-noo ko na naman siyang tiningnan. Napaka-weirdo ng lalaking ito. Kaya ayaw kong kasama siya papunta rito dahil ang 20 minutes lang na biyahe ay baka maging sampung oras na.

"Ano bang problema mo, Ashmer, ha? Ikaw na nga itong basta-basta na lang humihinto, eh! Tapos ikaw pa ang galit? Magaling! Ikaw kaya isubsob ko diyan?"

Padabog na ibinaba ko ang salamin at sinipat ang itsura ko kung pwede pa bang i-drawing. Inayos ko rin ang buhok ko.

"You're so annoying..."

Nagulat na lang ako nang bigla niya na lang akong kinabig at niyakap. Literal na natigilan ako. Hindi ko magawang kumilos o umalma sa ginawa niya. 

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o kung may dapat pa ba akong sabihin. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na marahang hinahaplos ang likuran niya.

Ramdam ko ang bigat ng kanyang pakiramdam, ang tindi ng kanyang pinagdaraanan na hindi niya kayang ipakita o ipaalam sa lahat.

Weird pero baka kasi gano'n din ang nararamdaman ko hanggang ngayon. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hindi na ako siniringan ng tingin. Itinuon niya ang kanyang atensiyon sa pagmamaneho.

"I'm sorry," usal niya habang nasa unahan lang ang kanyang paningin.

Hindi ko matanto kung ano ba ang inihihingi niya ng paumanhin pero inisip ko na lang na ang pagyakap niya na lang nang basta sa akin ang dahilan niyon.

Hindi na kami nag-usap pa hanggang sa makarating kami sa BV. Siya na ang nakipag-usap sa guard at may ibinigay pa sa kanyang  BV pass. Ipinarada niya ang sasakyan sa lugar kung saan namin nakita ang sasakyan ni Shane. Nasa harapan iyon ng isang bahay.

Tahimik kaming bumaba at agad na hinanap ang kanyang pinsan.  BV no. 45, iyon ang nakalagay sa gate ng pinasukan namin. Nadatnan namin sa bakuran sina Shane at isang babae na sa tingin ko ay nasa 40's na rin.

"Good afternoon, Ma'am," sabay na bati namin sa ginang. Ngumiti naman ito sa amin bilang tugon.

"Ahh, Mrs. Guineas, this is my cousin, Dennis, and her girlfriend, Marianne."

Pasimple kong pinanliitan ng mata si Shane dahil sa pakilala niya sa amin ni Ashmer.

Zsss! Girlfriend my butt! Haduf talaga.

"Den and Mar, this is Mrs. Hazel Guineas."

Nagbatian lang  naman kami ni Hazel. Pumasok na kami sa loob. Mabuti naman at wala ng masyadong tanong ang babae sa amin. Marahil ay nabasa niya na ang files na ipinasa diumano ni Shane sa ginang.

Maya-maya ay nagpaalam na si Mrs. Guineas kaya kaming tatlo na lang ang nasa loob. Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan.

"Bakit kailangan sabihin mong girlfriend ako ng nyawang ito?" angil ko pa. Natawa lang naman ang bruha.

"C'mon, para naman may thrill."

"Thrill mo mukha mo."

"Bakit ka sa'kin nagagalit? Eh, 'yon ang nasa script, eh," aniya pa. Pinanliitan ko lang sila pareho ng mata.

"Para namang mamamatay ka kung 'yon ang papel natin sa village na ito," asik naman ni Bossungit. Hindi na ako umimik pa.

"Imbes na magkainitan tayo, libutin na lang natin ang bahay na ito."

I got up and headed for the kitchen. The kitchen here was more spacious than ours, complete with a large refrigerator, storage for supplies, and even an additional kitchen area.

Wow.

My gaze shifted to a door that connected to the kitchen. Dining hall. The chairs matched the design of the moderately long table. There was also an exit door in the dining hall.

I nodded and walked out. The living room was also quite large, almost like a guest area. Downstairs, there were two rooms. The staircase had an elegant design that matched the chandelier, with a slight zigzag pattern as it ascended. I climbed the stairs. I didn't join my cousins, as I had no idea where they had gone within the house.

Upstairs, there was a living room, a guest room, a master bedroom, and two more additional rooms, each equipped with its own refrigerator, TV, sofa, a bathroom, and a shower. There was also a separate bathtub area.

From the upper floor, you could see the pool and garden below. There was even a basketball court and another extra court, suitable for playing table tennis or badminton.

I also noticed a room that was smaller than the others, right in the center of everything.

I entered and was amazed to find it was a music room. Various musical instruments were neatly arranged. I picked up a guitar and sat in the center of the room. While I was more skilled in playing the piano, as it was the instrument I had used for years, I also knew how to play the guitar. I just hadn't shared that with anyone. I usually played the guitar when I was in my room back at our house.

I closed my eyes and took a deep breath. Sinimulan ko ring kumanta.

"I don't know what to do, there is no easy way of letting go."

Kung meron lang sanang madaling paraan para mag-let go, Percy, eh di sana ginawa ko na iyon bago ka pa nawala. Bago ka pa namin tuluyang nasaktan. Pero wala, eh. Ang hirap Percy. Kahit paulit-ulit kong sinabi noon na kailangan pakawalan ko na siya, na kalimutan ko na siya pero 'di ko alam kung bakit 'di ko magawa-gawa. Noong nagawa ko naman, ikaw naman ang nawala.

"But I know there's no sense in holding on too much to something fading. Help me, help me..."

Sana tinulungan mo ako kung paano ba ang kalimutan ka, Ashmer. Kung paano ba ang layuan ka kasi kahit anong gawin natin noon ay wala rin namang kabuluhan eh, dahil nga nakatali ka sa iba.  Kung sana ginawa ko ang lahat para kalimutan ka baka hanggang ngayon ay buhay pa siya. Masaya  pa rin sana kayo hanggang ngayon.

Pinahid ko ang luhang nagsikawala na naman sa mga mata ko.

"Help me get over you."

Ito ang pakiusap na dapat ay noon ko pa hiniling sa'yo, Ashmer. Baka hindi na umabot pa sa puntong nawala ang kaibigan ko.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Mabilis akong tumayo nang makita ko ang magpinsan na kakapasok palang sa music room. Agad na ibinalik ko ang gitara sa kinuhanan ko niyon.

"Uwi na ba tayo?" maang-maangan kong tanong. Sabay naman silang tumango. Agad na nagpatiuna na ako. Hinintay ko na lang sila sa labas.

"Okay ka lang, Marci?" tanong ni Shane.

"Yeah. Why?"

"Just asking. Para ka kasing nakakita ng multo sa music room at nagmadali kang umalis."

"Wala lang, gusto ko na ring umuwi," palusot ko pa. Walang sabing sumakay na ako sa sasakyan.

"You're really okay?" tanong ni Ashmer ng makapasok na rin sa sasakyan. Tumango lang ako. "Seatbelt," paalala niya pa sa akin. Tumango lang ulit ako.

Malalim ang lipad ng utak ko habang nasa biyahe kami. Namalayan ko na lang na nasa parking lot na pala kami ng GC. Akmang bababa na ako nang pigilan niya ako.

Napatingin ako sa labas at nakita ko si Jinro na karga si Lyssa habang nasa tabi niya naman si Gab.

Bumaba ang boss at kinuha ang bata. Binuksan niya ang pinto sa gawi ko at inilagay sa kanlungan ko si Lyssa. Pabagsak pa iyon dahilan para mapapitlag ako at sinamaan siya ng tingin.

Umikot siya sa driver seat at sumakay ulit.

"Yey! Gagala na po tayo?" tuwang-tuwa pang sambit ni Lyssa.

"Hindi, Lyssa," malamya kong saad. Inilagay ko siya sa gitna namin. Hinubad ko na rin ang seatbelt

"Eh? Saan po tayo pupunta? Tita Marci, ito na po ba si Ashell?" sunod-sunod niyang tanong. Ewan, wala akong ganang makipagkulitan.

"Gagala tayo, Baby Lyss and yes, ito nga si Ashell..."

"Wala ka ngang karapatan na tawaging gano'n ang sasakyan na ito," putol ko sa mga sasabihin niya pa.

"Bakit po, Tita Marci?"

"Dahil hindi pa ako nakakapag-apply ng karapatan ko, Lyss," sagot niya na naman sa bata.

Aba't sinisipag na sumagot sa makulit na bata. Bahala silang dalawa.

"Mag-aaply din po ba ako, Tito Ash?"

Hinawakan ko ang panga ko para pigilang matawa. Mga haduf talaga.

"Sabay na tayo, gusto mo ba?"

"Opo. Kailan po ba?"

"Ngayon na, mag-apply tayo sa Tita Marci mo. Itanong mo kung pwede na ba."

"Tita Marci, pwede na bo bang mag-apply ng karapatan po? Pwede po bang tawagin ang kotse mo ng Ashell?" seryoso na talaga ang bata.

"Nyawa ka  talaga, Ashmer!" natatawa kong saad samantalang siya naman ay mukhang nasisiyahan din kay Lyssa. Pinaandar niya na ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta, Tito? Shopping po ba?"

"Gusto mo bang mag-shopping?"

"Yes po!"

"Sige, itanong mo ulit sa Tita Marci..."

"Oo na. Tumigil ka na nga diyan. Wala naman akong magagawa eh. Nagkakampihan kayo," nakabusangot kong saad.

"Lyssa, give your Tita Marci a thank you kiss." Napangiwi naman ako.

"Bakit po ako? Ikaw na lang po."

"Bawal, eh."

"Bawal po? Kailangan po bang mag-apply uli ng karapatan?"

Awtomatik na nagkatinginan kami ng nyawa at sabay na napabunghalit ng tawa habang ang bata ay nagpalipat-lipat ang tingin sa amin. Inihinto niya pa muna ang sasakyan sa tabi para lang kalmahin ang sarili.

Pakiramdam ko ay naluluha na ako dahil sa kakatawa.

"What's funny po?" mukhang nainis na siya sa amin ang bata dahil hindi na kami nagsalita. Puro tawa na lang ang ginawa namin.

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at hinarap ang nayayamot na bulilit. Dumukwang ako para gawaran siya ng halik sa pisngi pero dahil sa bahagya siyang gumalaw paunahan ay sa ibang labi nakadapo ang bibig ko.

Parehong nanlaki ang mata namin ni Ashmer at agad din na napaayos ng upo at umaktong parang walang nangyari.

Wala ng nagsalita pa sa amin. Sumandal si Lyssa sa akin habang bahagyang nakaharap sa kanya.

"Is that a thank you kiss you are talking about, Tito Ash?" may halong pang-aasar pa talaga iyon.

Damn it! Bakit kasi nagkasabay pa kaming humalik kay Lyssa? Ending tuloy, kami ang naghalikan. Zsss! No, hindi 'yon halikan dahil smack lang naman. I mean, segundo lang namang naglapat ang mga bibig namin saka hindi naman sinasadya.

Wala lang 'yon, Marci. Relax. Aksidente lang naman iyon eh.

Tama, aksidente lang iyon, shit! May ibinulong siya sa bata dahilan para mapahagikhik ito at tiningala pa ako.

"Ano 'yon?" mataray kong tanong.

"Wala naman po. Hindi ba, Tito Ash?"

"Yes, wala naman po, Tita Marci," sagot niya naman sa parang batang tono at muling pinaandar ang sasakyan.

Palihim akong napairap.

Bakit ba nagkakampihan ang dalawang ito?

...
Vote. Comment. Follow.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.3K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
399K 20.9K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.8M 93.7K 71
Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peac...