Best for Us (GU #3)

By ranneley

124K 3.6K 427

Alam ni Vanessa na walang patutunguhan ang paghangang nararamdaman niya para kay Tyler. Dakilang playboy ito... More

characters + playlist
then pt. 1
then pt. 2
one
two
three
four
five
six
seven
eight
nine
ten
eleven
twelve
thirteen
fourteen
fifteen
sixteen
seventeen
eighteen
nineteen
twenty
twenty-one
twenty-two
twenty-three
twenty-four
twenty-five
twenty-six
twenty-seven
twenty-eight
twenty-nine
thirty
thirty-one
thirty-two
thirty-three
thirty-four
thirty-five
thirty-six
thirty-seven
thirty-eight
thirty-nine
forty
forty-one
forty-two
forty-three
forty-four
forty-five
forty-six
forty-seven
forty-eight
forty-nine
fifty
fifty-two
fifty-three
fifty-four
fifty-five
epilogue

fifty-one

799 31 0
By ranneley

Fifty-One: Vanessa Gerleen

Dumaing na naman sa si Tyler sa sakit. Bahagya niyang inilayo ang mukha ngunit maagap ang kabila kong kamay at agad na ibinalik ito palapit doon sa hawak kong pang-gamot ng sugat niya.

"Konti na lang 'to," saad ko. "Tiisin mo na lang."

Nang makita ko siyang tumango ay lihim akong napangiti. "Bakit kasi hindi ka umiwas kay Kuya Miles?"

"I was not expecting it," mahina niyang sagot. "Nabigla na lang ako."

Hindi na ako nagsalita pa at tinapos ang ginagawa. Sa huli'y tinakpan ko ng benda yung sugat niya at saka tumayo na para ayusin yung mga ginamit ko.

Nang bumalik ako kanina ay walang humpay niyang sinabing mag-usap daw kami. Pero sinabi kong gamutin muna namin iyong sugat niya at inaya siya dito sa loob ng unit ko. Because I doubted if he has even a first aid kit in his place.

Ngunit natigilan ako sa ginagawa nang maramdaman ko ang pagyakap ng mga kamay sa bewang ko. Then I felt Tyler's chin on my shoulder.

Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa akin. "Who said you can hug me?"

"One minute," agad niyang sagot at nadama kong mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. I actually felt it in my back when he inhaled deeply. "Promise, just a minute and I'll let go. I just need some energy. I feel like shit ever since I woke up. No, I feel like that since yesterday."

I feel the same way too, I wanted to say back. Pero pinili ko na lang manahimik at dinama na lang ang yakap ni Tyler. Because even I how I hated to admit it right now, his embrace was giving me energy also.

Nang matapos ang isang minuto ay kusa nang lumayo si Tyler. He found his way back to the sofa samantalang doon naman ako sa inupuan ko kanina.

Huminga ako nang malalim bago magsalita. "I'm all ears now. Let me hear what you're going to say."

Walang sinayang na segundo si Tyler at agad na nagpaliwanag. He started his story, starting from what happened in the groundbreaking. Kung paano rin siya nagulat sa sinabi ni Senator Guzman at sa pagdating doon ni Olivia. The same thing I have witnessed on our TV, kasama pa ang pamilya ko.

But I didn't prepare myself on the next things that I heard.

"I really want to know what's going on kaya sumama ako sa kanila nung sinabi ni Senator Guzman na kakausapin daw ako. Then he suddenly told me that Olivia's pregnant and they claiming me to be the father—"

"What? She's pregnant?"

"But it's not with me. I swear. You believe me, right?" puno ng desperasyon ang boses niya.

Nang hindi agad ako nakasagot ay nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. But still, he was determined to prove himself. "I promise, wala talaga akong kinalaman doon. I've been with her this one time two years ago and you know about it. Pagkatapos noon, wala na talaga. Kahit pa nagpakita siya ulit ng motibo, hindi ko na siya pinatulan ulit."

This time, pinili ko nang magsalita. "I believe you, okay? Kaya nga ako bumalik para pakinggan ka. I was just confused since yesterday. I was just as shocked as you I guess. I am until now, lalo na ngayong narinig ko ang tungkol kay Olivia. But of all people, bakit niya sayo pinaako yung pinagdadala niya?"

Napabuntong-hininga si Tyler. "Hindi ko rin talaga alam. And you know how I hate her so much for that. Yesterday, if I wasn't able to control myself, I almost hit her. Pareho naming alam ni Olivia na hindi sa akin 'yun. But then, her father seems to believe whatever lies she told him. Pinagbantaan pa ako ng tatay niya na kailangan ko raw panagutan yung ginawa ko kay Olivia."

"That's crazy."

"I know. Hindi ko na rin alam kung anong gagawin. The only thing I can't prove that it is not mine apparently ay through DNA test and that's when? Kapag nakapanganak na si Olivia. O kung lilitaw yung totoong nakabuntis sa kanya."

This was too much. Hindi ko inaasahan na ganito kakomplikado ang sitwasyong kinadawitan niya.

Yes, I finally found the answer that I needed since yesterday. Yet after knowing all of this, parang mas lalo lang gumulo.

And it was Olivia's fault. That cunning girl. Ano bang naisip niya at naisipang idamay si Tyler dito? Ganito ba siya ka-obsessed kay Tyler?

"There's still one more option," saad ko kay Tyler. "It's when Olivia tells the truth herself."

Tyler looked at me still having that helpless expression. "I'm not sure if she'll ever do that."

That was it. Tumayo na ako at lumapit sa kinaroonan niya.umupo ako sa tabi niya at inabot ang kamay niya. "I'll help you. I'll try do the best as I can para makahanap ng solusyon dito."

He held my hand tighter. "Thank you. You don't know how much I'm thankful to you," sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. "Thank you for trusting me, sa pakikinig sa akin. For staying here with me, kahit na nasa mahirap na sitwasyon ako ngayon. And for supporting me. I don't know what to do without you, Vanessa."

I just hugged him in return, silently thanking myself for choosing to understand. Aaminin ko, hindi pa talaga handa na makausap siya. But when I saw how he plead just for me not to go, my heart easily melt. I thought, kung hindi ngayon ang tamang panahon para pakinggan siya, kailan ko gagawin iyon?

And even how much Kuya Miles was against my decision to go back, I was still glad that he just let me.

Nang lumaon ay lumayo na rin ako kay Tyler. "Maiba ako, kumain ka na pala?"

He sheepishly shook his head. "I'm actually hungry right now."

"Okay, let me cook for you then."

When I took my time to cook, nagpaalam muna si Tyler para pumunta ng unit niya at naligo. At nang makabalik siya'y saktong handa ang pagkain. Sinamahan ko siyang kumain at nang tapos na kami'y doon lang kami sa kama naglagi, magkayakap na nakahiga.

"I really felt bad na hindi ako nakapunta sa anniversary ng parents mo kahapon," he said after a long silence. "If I only could turn back time, sinabayan na lang dapat kita sa pagpunta doon at hindi na umattend pa ng groundbreaking."

Napabuntong-hininga na lang ako. Kung ganoon lang sana kadali.

"Ano palang sinabi nila nung hindi ako nakasipot?" sunod na tanong ni Tyler. "Were they mad? Hay, hindi pa nga nila alam na ako 'yun, bad shot na ako agad sa parents mo."

Mahina akong natawa. "Sinabi mo pa. They even warned me not to ever talked to that guy who ditched our family dinner."

Marahan akong pinaharap ni Tyler sa kanya. "Seryoso? Ganoon sila kagalit?"

I laughed at his face. He really bought it.

"I'm just kidding," sagot ko. "And don't worry. No matter how I hurt and perplexed pagkatapos kong mapanood yung balita, I managed to tell my parents an alibi. Sinabi kong may emergency yung dapat na bisita ko. And of course, they believed it. Well, except si Kuya Miles since alam na niya yung tungkol sa ating dalawa."

"How did even found out? When? Hindi mo nakwento sa akin."

"Nung last time na umuwi ako sa bahay after we had that doll house talk, remember? Ayun. I was searching for it and he got the hint. And I was left with no choice but to tell him. Pero yung nga, you know naman kung gaano ka-protective si Kuya so nagbanta na siya na 'wag mo daw akong sasaktan kasi malilintikan ka talaga."

"At nalintikan talaga ako," sagot niya saka walang anu-ano'y kinapa ang sugat sa mukha. "But I deserved it. You were hurt because of me."

"It was not your intention to do so," pagtatama ko sa kanya. "And I know you'll never intentionally hurt me."

*

Nang dumating ang Lunes, napagkasunduan namin ni Tyler na wag munang magsabay na pumasok. At first, tutol siya doon pero pinilit ko siya lalo pa't alam kong ang mga mata'y nasa kanya ngayon. Sa kanila ni Olivia.

Kina Kuya Miles at Ate Kimberly ako sumabay. Mabuti na lang talaga at nandoon si Ate Kim dahil alam kong hindi ako tatantanan ni kuya ng mga tanong.

Kahit pa willing naman akong mag-explain ng kung ano ang talagang nangyari sa kanya, mas gusto ko munang makahanap kami ng solusyon ni Tyler para malinis ang pangalan nito.

Sa klase, hindi na rin ako nagulat nang makitang marami ang nakakumpol sa pwesto namin ni Serena. At base sa mga tinatanong ng mga ito ay tungkol nga kay Tyler at Olivia.

Hindi ko na lang pinansin kung paano mag-gush yung mga classmate ko sa dalawa at yung mga sinasabi nila—kung gaano kabagay sina Tyler at Olivia, at kung paanong mukhang magpapakasal na daw pagkatapos nilang mag-aral dito sa GU.

Nakapaglabas pa naman ako ng ngiti nang maabot ko yung pwesto namin. "Good morning, Ren."

"Good morning," balik na bati ng seatmate ko. May ngiti rin naman sa labi niya pero hindi ko alam kung bakit may nakita akong iba sa mga mata niya.

O baka guni-guni ko lang.

Lumipas ang mga oras at sinubukan kong harapin ang araw na ito ng normal lang. So far, I was doing good. And then lunch came. At muli ay napansin ko na namang may kakaiba kay Serena.

"Punta na tayo ng cafeteria?" aya ko sa kanya matapos akong makapag-ayos ng gamit.

"Ah, sorry. Hindi ako makakasabay. May kailangan kasi akong puntahan eh."

"Okay. Saan ka pala pupunta?"

"Dapat ba lahat ng pupuntahan ko kailangan kong sabihin?"

Napamaang ako, hindi lang inaasahan yung sagot niya. Serena never talked back like that. With that tone.

"Sorry, I just wanted to know in case I can help or something," sagot ko na lang.

"No, sorry, Van," hingi niya rin ng dispensa. "Hindi ko sinasadyang mataasan ka ng boses. I'm just...no hindi na ako mag-eexcuse. Again, I'm sorry."

At bago pa man ako makasagot ay nauna na siyang lumabas ng classroom.

Hindi ko alam kung saan pumunta si Serena o kung anong ginawa niya pero hindi na siya bumalik ng klase matapos ang break. And I was deeply worried. Kaya't sinubukan ko siyang kontakin. Subalit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Pero, nag-iwan pa rin ako ng messages.

Sa nangyari kanina bago siya umalis, hindi na ako umaasang sasagot siya sa mga texts ko. Ngunit nang matapos yung last period namin at nakita ko sa notification na nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya ay agad kong binasa 'yun.

Ren: I'm sorry for what I did earlier. I just don't know how to act in front of you. I feel such a bad friend. :( But I decided to brave now. I have to tell you something, Van. Can you meet me in this café?

Nagmadali akong pumunta sa sinabi ni Serena na café. Malapit lang naman 'yun sa university at nang makarating doon ay sa dulong booth ko siya nakita.

Agad akong tumabi sa kanya. "Hey. Okay ka lang? What's going on?"

Humarap siya sa akin, tinapatan ang tingin ko. "There's something I found out. And it's about you."

Agad napuno ng kaba ang dibdib ko. Bakit pakiramdam ko hindi maganda ang susunod niyang sasabihin? Gayunpaman ay tahimik lang akong naghintay.

"I learned what really happened sa play. Yung sa sirang pagkain..." napahinto si Serena, huminga ng malalim bago nagpatuloy. "It was really intended for you, Van."

Namilog ang mga mata ko, hindi makapaniwala. What the hell is she talking about?

Ngunit hindi pa doon natatapos ang pagtatapat niya.

"It's my sister's doing. I accidentally saw yung ginawa nilang groupchat kasama yung dalawa niyang kaibigan. They planned it. Yung pagsama nung sirang pagkain, yung ibuntong ang sisi sa distribution team. They all planned it. At si Ate Liv yung mastermind."

I was trying to process everything. But upon hearing Olivia's name, hindi ko alam kung bakit hindi na ako nagulat. Maybe because of what she also did to Tyler.

"Bakit?" tanong ko kay Serena.

She shrugged. "I really don't know. But based on what I've read dun sa convo nila, Ate Liv felt na inagawan mo siya ng spotlight dun sa play."

Napapikit ako. I never intended to do that. And what a thinking.

"I'm really sorry, Van," muling sabi ni Serena. "I'm really shocked nung nabasa ko 'yun. I never thought Ate Liv would go that far. Pero baka nga hindi ko na siya ganoon kakilala. And I was feeling so conflicted. Alam mo yun? Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ang totoo na mapoprotektahan ko yung kapatid ko. But then I thought, kahit saan kong anggulo 'to tingnan, there's no way I can protect her. She did wrong and I should do the right thing."

Nagsimula nang umiyak si Serena kaya inalo ko siya. At sa mga oras na iyon ay alam kong meron nang posibleng makatulong sa problema ni Tyler. Right, if there's someone who would have a close access on Olivia, that's her only sister.

So, at that point, I have already decided. "Ren, may kailangan ka ring malaman."

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
33.4K 1.3K 25
Season Series #1 Elizabeth Labejo, an architecture student, that is full of charms. Many boys like her. Isang ngiti lang niya kasi ay mahuhumaling ka...
146K 4.1K 43
Sanay na sanay na si AJ Guevarra na napapaligiran ng mga kalalakihan. At iyon ay hindi dahil sa taglay niyang charms-kung meron man siya noon. Growin...