Haunting Aubrey (SEXY BLACK D...

By HippityHoppityAzure

324K 5.9K 388

(š’š„š—š˜ šš‹š€š‚šŠ šƒš®šØš„šØš š² ššØšØš¤ šŸ) She is Aubrey de Vera, and she's gonna get "seductively" hau... More

Haunting Aubrey
Chapter 1: A Part of The Past
Chapter 2: Chester
Chapter 3: What He Wants
Chapter 4: The Broken Girl
Chapter 5: Violinist
Chapter 6: Ave Maria
Chapter 7: Her Decision
Chapter 8: Sensing Trouble
Chapter 9: Haunting in Japan
Chapter 10: A Favor
Chapter 11: New Side
Chapter 12: Hurt More
Chapter 13: Reckless Night
Chapter 14: Again
Chapter 16: Shouldn't She?
Chapter 17: Trial
Chapter 18: Feelings, Emotions
Chapter 19: Bloody Mess
Chapter 20: Angel
Chapter 21: Resolution
Chapter 22: Race
Final Chapter: Game Over

Chapter 15: That Dirty Woman

11K 195 15
By HippityHoppityAzure

Chapter 15: That Dirty Woman

SHE’S CRYING. AGAIN.

            Nang makita ni Chester ang pagluha ni Aubrey, hindi na siya nakakilos pa sa ibabaw nito. Naalala niya ang unang beses na naangkin niya ito, na kahit nadarang din sa kagustuhan ng katawan ay iniyak pa rin sa huli ang sama ng loob na kinimkim ng puso nito.

            Mahina siyang tinulak ni Aubrey paalis sa ibabaw nito. Ang mga kamay nitong yakap-yakap siya kanina, ngayon ay pinagtatabuyan na siya.

            Chester was... he didn’t know why, but he was hurt by it. But he’d rather feel that way, kaysa pahirapan pa ulit ang babaeng ito.

            He already pulled himself out of Aubrey and moved to the other side of the bed. Bumangon naman ito habang siya ay padapang humiga at sinubsub ang mukha sa isang unan.

            Tahimik at walang umiimik sa kanila. Pero alam niya na abala ang babae sa pagbihis. At maya-maya, narinig na lang niya ang pagsara ng pinto ng kuwarto niya.

            Aubrey already left, Chester was sure of it. She left the same way as before.

                                                            ***

TULALANG UMIIYAK PA rin si Aubrey nang lumabas ng suite ni Chester. Hindi niya mapigilan ang kanyang mga luha dahil sa sobrang sama ng loob sa sarili.

            Bakit? She kept asking herself. Pero wala siyang makuha na sagot mula sa sarili.

            Sa kabila ng pagkirot ng ulo, pinilit niyang makababa siya sa kanyang kuwarto. There she went straight to the bathroom, turned the shower on, and let herself get soaked by the warm water.

            Whore...

            Cheater...

            Napangisi at napasalampak ng upo sa sahig si Aubrey sa mga salitang kanyang naisip—mga salitang sumasalamin sa pagkatao niya.

            I am indeed a dirty woman. Hindi na magbabago ‘yon.

                                                            ***                                   

“SINO BA ‘TONG tumatawag?” Bulong ni Aubrey sa sarili.

            Eight years ago, may paulit-ulit na tumatawag sa cellphone niya habang nasa klase siya sa unibersidad na pinapasukan. Unang taon palang niya noon sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Education.

            Unregistered landline number ang tumatawag. Gusto niya sanang sagutin iyon kaso kasalukuyang nagle-lecture ang prof nilang masungit. Paulit-ulit na lang tuloy niyang kina-cancel ang bawat pagtawag ng numerong iyon.

            Tumigil din iyon sa pagtawag. Pero maya-maya ay nakatanggap siya ng text. Unregistered na naman ang numero, pero mobile na. Binasa niya agad ‘yung text.

            Hi, puwede po pakisagot ang tawag? Kayo po ang anak ni Andrea de Vera ‘di ba? Emergency lang. May nangyari kasi sa kanya.

            Biglang nanginig ang mga kamay ni Aubrey sa nabasa. Nanuyo pati ang kanyang lalamunan dahil sa takot na mabilis bumalot sa puso niya.

            A-anong nangyari kay M-Mama?

            Ayun ang tanong na nagpaulit-ulit sa isip niya—na agad ding nabigyang kasagutan nang sagutin na niya ang tawag na mula pala sa isang ospital.

            “Ms. de Vera, huwag po kayong mabibigla. Pero ang mama niyo...”

            “De Vera!” Galit na sigaw ng prof niya na nadagdagan pa ng sermon dahil sa pagse-cellphone niya sa gitna ng klase pero hindi niya iyon binigyang pansin.

            “B-bakit po ba? Ano po bang nangyari s-sa mama ko?” Nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Ang mga mata niya, naluluha na sa sobrang takot.

            At sa mga sunod na salitang narinig niya, tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya kasabay ng pagguho ng mundo niya.

            Wala na... W-wala na si Mama...

                                                            ***

DEAD-ON-THE-spot after a hit-and-run ang nangyari sa ina ni Aubrey—sa ina niya na nag-iisa na lang na kasangga niya sa buhay. Nag-iisa na nga lang, nawala pa.

            Paano na ako ngayon?

            Sa panahong iyon, hindi na niya alam kung saan siya tutungo. Labing-anim na taon palang siya. Wala siyang alam pagdating sa pagha-hanapbuhay dahil inako iyon ng kanyang ina—dahil ang pinakagusto nito ay makataposmuna siya sa pag-aaral. Pero dahil wala na ang mama niya at wala namang ibang kamag-anak o taong tutulong sa kanya, pinilit niyang matuto na suportahan ang sarili.

            Aubrey did part-time jobs para maisabay niya ang kanyang pag-aaral. Para makapagtapos siya gaya ng pangarap ng mama niya.

            Kaso, napakahirap. Halos hindi na kayanin ng katawan niya ang pagta-trabaho at pag-aaral. Doble pagod, doble puyat. Kung hindi sakto ang perang kinikita niya sa mga pangangailangan niya, nagkukulang naman ito. Kaya bukod sa pagod at puyat, dumanas din siya ng matinding depresyon.

            Gabi-gabi, umiiyak siya. Mag-isa. Walang karamay. Ginusto na niyang sumuko. Ginusto niyang magpakamatay na lang para matapos na ang problema niya. Pero hindi niya kaya dahil sa madalas na pangaral ng kanyang ina noon.

            “Kahit gaano karami o kabigat ang problema, kakayanin mo ‘yan. Tignan mo ako. Mula nang mamatay papa mo, ang dami kong pinroblema. Pero kinaya ko. Kaya ikaw Aubrey, anak, huwag na huwag mong gagawing option ang pagsuko ah? Ano pa mang mapagdaanan mo, gawaan mo ng solusyon, ng paraan, at malalagpasan mo rin ‘yan.”

            “Naghahanap ka na naman ng trabaho?”

            Nabigla si Aubrey sa biglang pagsulpot ng kaklase niyang si Keisha sa likuran ng kanyang upuan. Nakasilip ito sa binabasa niyang classified ads sa isang broadsheet newspaper.

            “Uh, oo...” Hindi siya kumportableng kausapin si Keisha. Hindi kasi ito ang tipo ng taong kakaibiganin niya.

            Napaka-sexy kasi pumorma ni Keisha. Palibhasa naman, may maipagmamalaki physically. Kaso ang pagka-sexy ng porma nito, medyo bastusin ang dating. Minsan nagmumukha na itong prostitute sa paningin niya.

            “Grabe naman,” komento nito habang nagchu-chewing gum. “Malaking pera ba ang kailangan mo, Aubrey? May alam kasi akong trabaho na easy-money.”

            “Oh? Anong trabaho ‘yon?” Naging interesado agad-agad si Aubrey. Pero may pagdududa siya. Parang may ideya na siya kung anong tinutukoy na trabaho nito at ayaw niya no’n.

            Napangiti si Keisha at tinignan siya mula ulo hanggang paa. “Hmm... Puwede ka na rin. Kaso ewan ko lang kung game ka sa ganung klase ng trabaho.”

            Napataas ng isang kilay si Aubrey. Sabi na nga ba.

            “Game ka nga bang magbenta ng aliw?” Pabulong nitong tanong at nainsulto siya. Nagtitimpi na lang siya na barahin ito. “Sayang din ang kita roon. Naglalaro sa lima hanggang sampung libo kada customer. Pero kapag sinuwerte ka, may lalaking magbabayad hanggang 50K magamit ka lang. Ay, lalo ka na. Virgin ka pa ‘no?”

            “Sorry ah, hindi ako interesado sa ganyang trabaho.” Pilit siyang hindi nagsungit at bumalik sa pag-i-scan sa classified ads na hawak. Hinding-hindi ako papasok sa ganung klaseng trabaho ‘no. Tss. She wanted to add.

            “Ganun... Sige. Ikaw bahala.” At hindi na siya muling kinausap ni Keisha.

                                                            ***

PRELIM EXAMS WEEK was about to come at problemado na naman si Aubrey.

            Kailangan niyang makapag-exam. But before that, kailangan niya munang mabayaran ang first installment ng tuition fee niya for the second sem.

            Pero hindi pa buo ang pera niya.

            Good thing, puwede siyang gumamit ng promissory note.

            Kaya lang, paano na pagdating ng midterms?

            Nag-aalala siya. Hindi kasi siya makasigurado kung makakabayad ba siya ng first installment bago mag-midterms. Mabilis tumakbo ang oras pero mabagal makapag-ipon ng pera.

            Kakayanin ko pa ba ‘to?

            She went through another period of depression. Naisip niya na tumigil na lang sa pag-aaral. Kaso naisip niya rin ang mararamdaman ng kanyang ina kung ititigil niya iyon. Kaya kahit hirap, pinilit siyang gumawa ng paraan.

            Musica Academy of Paris

            Nagbabasa si Aubrey ng mga naliligaw na Job Hiring flyers sa freedom wall nila nang mapansin niya ang poster na iyon ng isang music school sa Paris, France.

            Prestihiyosong paaralan pala iyon doon at ngayon, naghahanap ito ng interested students sa unibersidad nila na maging scholar at doon mag-aral sa Paris.

            Agad namang pumasok sa isip ni Aubrey ang pagpa-piano niya—talento niyang pinasa pa sa kanya na kanyang ina—at ang pangarap niya noon na maging propesyunal na pianista.

            Aubrey took the admission exams. Pangkatuwaan lang. Gusto lang kasi niya iyon maranasan. Ang tumugtog ng piano at may mga kritikong kikilatis sa kanya.

            But unexpectedly, she passed. In fact, nag-iisa lang siya sa unibersidad nila na nakapasa at nakatanggap ng scholarship.

            Ito na ang pagkakataon ko...

            Pero... hindi ko kaya...

            Financially, hindi niya kakayaning makapag-aral sa Paris. Inalukan nga siya ng full scholarship with matching allowance, pero paano na ang ibang pangangailangan niya? Tirahan, utility bills, pagkain. Magkakasya ba ang allowance na matatanggap niya sa mga iyon?

            She decided na i-turn down na ang offer sa kanya. Madali lang dapat iyon gawin dahil hindi naman niya inasahang makakapasa siya sa admission exams nito. Kaso... nanghihinayang siya. Sobra. Napakalaking opurtunidad no’n na hindi niya kayang palagpasin.

            Kakayanin ko ‘to... Magagawan ko ‘to ng paraan...

            Mayroon lamang siyang ilang buwan para maghanda at mag-ipon. Nagpatuloy siya sa pagpag-part time job. Pero alam niya, hindi siya makakaipon nang sapat sa ganung paraan.

            “Malaking pera ba ang kailangan mo? May alam kasi akong trabaho na easy-money.”

            Bigla niyang naalala ang alok noon ng kaklase niya. Tamang-tama iyon sa kasalukuyan niyang sitwasyon pero ayaw niya. Hindi niya matanggap. Hinding-hindi siya bababa sa ganung lebel.

            Sinubukan na lang niyang humingi ng tulong sa mga kaibigan. Pero ang mga tugon ng mga ito?

             “Imposibleng mangyari ‘yang gusto mo, Aubrey. Napaka-imposible.”

             “Sabihin mo nga, saan ka kukuha ng ipanggagastos mo para roon? At paano mo tutustusan ang sarili mo kapag naroon ka na?”

             “Napakalayong lugar ang Paris, Aubrey. Kung dito nga sa Pilipinas, walang makatulong sa’yo. Doon pa kaya sa dayuhang lugar na iyon?”

             “Alam namin, gustung-gusto mong matupad ang pangarap mo na maging magaling na pianista. Pero Aubrey, dapat alam mo rin ang limitasyon mo—kung ano ang kaya mo at hindi. Kaya mong mag-piano, pero hindi mo kayang mag-aral sa ibang bansa.”

             “Hindi mo ‘yun kaya, Aubrey. Hinding-hindi. Maniwala ka sa’min.”

            Hindi niya akalaing ganun ang makukuha niyang sagot mula sa mga kaibigan. Sobrang sumama lang ang loob niya sa mga ito.

            Makikita niyo... Kakayanin ko ‘to nang walang tulong niyo... At ipapamukha ko sa inyo ang tagumpay ko pagdating ng panahon...

            Naging determinado si Aubrey—at desperado. Kahit na anong mangyari, makakapag-aral siya sa Paris. Kahit ano pang kapalit, ibibigay niya matupad lang ang kanyang pangarap.

                                                            ***

“AYAN AUBREY. BIG shot ‘yan. Biruin mo, ibibigay niya ang presyong hiling mo matikman ka lang? Iba na talaga ‘pag virgin!”

            Nakatayo si Aubrey sa tapat ng tukador sa isang kuwarto ng mamahaling hotel nang maalala ang sinabi ng kaklase niyang si Keisha—ang nag-alok ng trabahong ‘yon na pinasok niya.

            “Grabe talaga, Aubrey. Manghihingi sana ako ng balato. Pero dahil alam kong mahigpit ang pangangailangan mo, sige. Sa’yo na lahat ‘yon.”

            “What are you still doing there?”

            Halos lumabas na mula sa kanyang dibdib ang puso niya dahil sa paglakas ng kabog nito nang magsalita ang isang lalaki na kalalabas lang ng banyo. Naka-bathrobe ito at basa ang buhok.

            “Humiga ka na sa kama.” Utos nung lalaki pero hindi siya makagalaw. Pinansin lang ng mga mata niya ang pisikal na katangian nito.

            Keisha had told her na isa itong tagapagmana. Tagapagmanang-nagrerebelde. Bente anyos palang ito. Malamang estudyante pa. Maganda rin ang pangangatawan nito at may itsura rin. Mga labi at mga mata nito ang kapansin-pansin sa lahat—pati ang matangos nitong ilong at magandang mga balikat.

            Nagpapasalamat si Aubrey na sa ganong customer siya agad napunta. Thankful, pero naroon ang awa at pagkamuhi niya sa sarili.

            Para lang magkapera at matupad ang pangarap niya, gagawin niya ito. Magpapakadumi siyang babae. Magpapagamit sa isang lalaki na hindi niya kilala.

            “I said, humiga ka na sa kama.”

            The guy looked so not in the mood. So impatient. Gusto na sana niyang mag-back out, pero nagpakatatag siya.

            Isang gabi lang ‘to, Aubrey. Ngayon lang. Bear with it. Please...

            Pumuwesto na siya ng higa sa kama at hinayaan ang lalaki na pumaibabaw sa kanya, who already had that smirk on his face. And she gave herself to him, with her heart crying.

—TBC

Continue Reading

You'll Also Like

10.6M 145K 50
87K 1.7K 13
A guy who's afraid of commitment... and the girl he loves the most. ** Status: Completed Cover by: wp_mariawhyyy (Twitter)
355K 5.8K 33
The issues of friendship, love, lust and revenge are the biggest issues she have ever faced on her entire life. She became the umbrella, turning upsi...
4.8M 111K 33
He's a lazy billionaire. She's called a devil in the office. As time goes by she can't help but be tamed, either by hate or by heart. League of Billi...