Sunny Adelson: The journey

By ItsM_2005

3.9K 155 10

[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod na... More

Work of fiction
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
25
26
27
28
29
30
SPECIAL CHAPTER

24

89 4 0
By ItsM_2005

Sunny's pov;

Nang makapunta na kame sa gitna ng tahimik at dikit dikit na bahayan ay umabante ang pinuno ng carfo papaharap. Nasa likod lang kami nito.

"Mga walang kwentang nilalang magsilabas kayo." matigas na tono ng pinuno. Napatikhim naman ako ng malakas.

"Ayusin mo ang mga isinasaad mo." seryosong sambit ko rito. Saan ba kayo nakakakita na manghihingi na nga lang ng tawad e manlalait pa?Nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng balikat nito na parang wala na itong matatakasan pa.

"Mga ginoo at binibini. Narito ako, ang pinuno ng mga carfo upang humingi ng paumanhin." luminga-linga ito sa paligid ngunit ni isang tao sa kani-kanilang bahay ay walang lumabas. Tila hindi naniniwala sa sinasambit ng pinunong ito.

"Alam kong hindi ko na mababawi ang mga naputol na kamay ng bawat tao sa bawat pamilya na narito ngunit andirito ako upang humingi ng kapatawaran." isang malakas na buntong-hininga muli ang inilabas nito.

"Alam kong sobra sobra ang pagkakasala ang nagawa ko sa inyong lahat. Naglahad ang bawat ikinikilos ko ng takot at pangamba sa inyong lahat na sa una'y hindi ko naman intensyon." unti-unti itong bumaba hanggang sa lumuhod na ito. Hindi na ako nagulat sa ginawa niya.

Sa harap ng kaniyang mga kauri, lumuhod ang kinakatakutan nilang pinuno.

"N-Ngayon, alam kong ang mga nais niyo ay mamatay ako o hindi naman kaya'y magdusa. A-Andirito na ako, nasa harapan ninyo. Gawin niyo na ang gusto niyo." nanginginig na bigkas ng pinunong ito. Napatingin naman ako sa unang pintuang nagbukas ng pinto. Nakita ko roon ang tumulong sa amin kung pa-paano pumunta sa kuta ng mga carfo.

Ilang saglit pa ay may sumunod ring pamilya na lumabas sa kanila-kanilang tahanan. Kita ang pangamba,naguguluhan at kasiyahan sa bawat mukha ng mga taong nandirito habang nakatingin sa pinunong nakaluhod at nakikiusap.

"Batid ko ang sinseredad sa bawat salita mo ginoo." napatingin ako sa isang ginoo na naglakas loob na magsalita. Napababa ang tingin ko sa kamay nitong putol

"Sapat na sa aming pamilya na lumuhod ka at manghingi ng tawad sa lahat ng ginagawa mo." isang ginang ang nagsalita na may bitbit na batang babae sa kaniyang mga bisig.

"Kung papatayin namin ang mga kauri mo para mabuhay ka, gagawin mo ba?" buong tapang na sambit ng ginoong nasa pamilya ng tumulong sa amin.

"A-Ang aking m-mga kauri? H-Hindi k-ko hahaya--" napatigil ito sa salita ng sabay sabay na lumuhod ang mga carfong nasa likuran namin. Nakaluhod ang mga ito at ang dalawang kamay at nasa harapan na nakapatong sa kanilang mga hita.

"Para sa aming pinuno, ibubuhos ko ang aking buhay." sambit ng nasa kalayuang carfo na rinig parin hanggang sa kinatatayuan namin ang kaniyang boses.

"Para sa aming pinuno."

"Para sa pinuno."

Buong tapang na sambit ng mga ito.

"Gagawin nila ang isang hindi makapaniwalang desisyon para lamang sa kanilang pinuno." sambit ni kyle sa aking tabi.

"Hindi imposibleng gawin ko rin iyan para sa inyo." wala sasariling sambit ko habang nakatingin sa mga carfong nakaluhod. Naramdaman ko naman ang paninitig ng mga ito.

May isang taong naglakas loob na lumapit sa pinunong nakaluhod. Inilahad nito ang kanyang kamay. Umangat naman ang ulo ng pinuno.

"Hindi ko inaasahan na darating ang araw na ito, carfo." sambit ng taong naglahad ng kamay para sa pinuno. Ilang sandali pa ay iniabot na ng pinuno ng mga carfo ang kamay nito sa nakalahad na kamay para sa kaniya. Nagpalakpakan ang mga tao.

Lumapit naman sa amin ang pinuno ng mga carfo.

"Masaya ba sa pakiramdam?" tanong ko rito. Tumingin ito sa mga taong bukas-loob na itinatanggap ang pagmamakaawa nito at sa kauna-unahang pagkakataon, ngumiti ito ng napakatamis.

"Noon pa man ay hindi ko nais ang pagpapahirap sa mga tao ngunit ng makita kong nageenganyo ang aking mg kauri sa ganong sitwasyon ay tila nagsariling kusa ang aking isip na pamunuan sila at ipagpatuloy ang kung ano mang aming nasimulan." lumihis ang tingin ng mata nito sa aming likuran.

"Meow~" napangiti ako ng umungol ang pusang hawak hawak parin ni david.

Napatingin ako sa paligid. Nagsalo na ang mga carfo at ang mga tao rito sa pangatlong lugar sa bayan. Ang iba ay nagtatawan at nagkwekwentuhan.

Nakangiting nagkatinginan kami ng aking mga kasama.

"Tatayo na lamang ba tayo rito?" tanong ni kyle. Nauna na akong naglakad sa mga ito.

"S-Saan ka pupunta?" tanong ni david.

"Kung sa--"

"Kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa." si dio ang nagpatuloy ng sasabihin ko.

Nagumpisa na kaming maglakad papalayo sa lugar na iyon. Tahimik kaming tinatahak ang landas sa kung saan man kami mapadpad ng biglang makarinig kame ng may kumulo ang tiyan.

"Ang lakas ng tunog na iyon ah? parang dambuhala ang pinapakain." sambit ni dio at tumigin kay andres

"Hehe." sambit ni andres at hinawakan ang tyan nito. Mukhang nagugutom nanaman. Inilagay ko naman sa harap ko ang bag ko at may kinuhang makakain na sakto lamang para sa aming lima.

"Ano ito?" tanong ni dio ng matanggal na niya ang plastic.

"Sandwich."

"Sand? hindi ba't buhangin iyon?" bumilog ang mata ni kyle sa sinabi. Napahalakhak naman ako.

"Eh ano naman 'yung wich?" tanong muli ni dio

"Ano pa ba edi hiling." may pagmamalaking sambit ni kyle at kumagat sa hawak hawak nitong sandwich.

"Wish 'yung sinabi mo kyle. HAHAHAHA."

"Magkatunog kase e." napakamot naman ito sa batok. Maging ako ay napakamot rin sa sinabi nito.

"Tawag lang iyon ngunit hindi sangkap riyan ang buhangin." pagpapaliwanag ko sa mga ito.

Habang naglalakad ay kumakain rin kame.

"Ganyan ka ba talaga kumain?" tanong ni kyle kay andres.


Ang pagnguya kasi nito ay malakas na rinig na rinig namin.

Nakaramdam naman ako na may iilang butil ng tubig ang dumadapo sa aking balat.

"Madilim ang kalangitan." sambit ni dio habang nakatingin sa itaas.

Napatingin naman ako sa hindi kalayuang kweba. Lumalakas narin ang ulan.

"Doon. Sumilong muna tayo roon." turo ko sa mga ito. Nagsitakbuhan naman kame papunta rito. Napahinto ako ng may nakita akong maliit na ibon na hindi makaalis sa kaniyang pwesto. Naiwan na ako ng mga kasama ko. Lumapit ako sa ibon. May nakaharang na dahon sa dalawang pakpak nito. Basang basa na ako.

Maingat na tinanggal ko ang dahong nakaharang sa pakpak nito.


"Pumunta ka na sa pamilya mo. Nag-aalala na 'yon." parang batang pagkakausap ko sa ibon. Nakangiting pinanood ko itong lumipad papalayo.

"Binibini?" sigaw ni dio. Nasa kweba na pala ang mga ito. Mas lalo pang lumakas ang ulan. Patakbong tumahak ako sa kweba. Napakunot ang noo ko ng may ilaw roon at may ginang na may hawak na baraha?

"Achu!"

"Ayos ka lang ba, binibini?" tanong sa akin ni david ng bumahing ako. Napatango naman ako. Binigyan ako nito ng tuwalya. Napatingin ako sa ginang na nakatingin sa amin.

"Ito nga pala si ginang esme. Isa syang manghuhula." sambit ni dio. Umupo kame sa harap nito. Hinahawak hawakan ko ang ilong ko dahil bahing ako ng bahing.

"Paano niyo nalaman na isa siyang manghuhula?" takang tanong ko

"Siya ang nagkusang magpakilala sa sarili niya." tila naguguluhan ring sambit ni dio sa akin.

"Meow~" tumalon ang pusa sa ulo ko. Napatingin roon ang ginang na parang may inaalala.

May bonfire narin rito kaya naiinitan kame. Kumunot ang noo ko ng magbalasa ang ginang ng baraha. Ibang baraha.

"Pumili kayo." sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig ko ang tinig ng ginang. Nagkatinginan muna kami bago pumili ng tig-iisang baraha. Nang makapili na kame ay inihilera niya ito sa tapat namin at hindi muna binuksan na tila may hinihintay pa. May narinig akong yapak ng mga paa.

"Tiya hindi ko parin po nakikita si pou." humina ang boses nito ng makita kame at natigilan itong tumingin sa akin.

"Meow~" tumalon pa ibaba ang pusa sa akin at mabilis na pumunta sa ginoong ito.

"Pou! Saan ka ba nagsusuot!" binuhat niya ang pusa habang hinhinimas ang balahibo nito

"Mukhang siya ang nagmamay-ari sa pusang iyan." mahinang sambit ni kyle

"Pumili ka, michael." nagulat si michael sa sinabi ng kaniyang tiya.

"Ngayon niyo lamang po ako inayang magpahula sa inyo tiya." sambit nito na may halong gulat bago umupo. Hinihimas himas nito ang balahibo ng kanyang pusa at itinuro na ang napili nitong baraha.

Sabay sabay nitong ibinuklat ang mga napili naming baraha. Kakaiba ang barahang ginagamit upang manghula, hindi katulad ng sa barahang pangsugal o pang-laro na may mga numero, sa barahang ito ay may tila may ipinapahiwatig. Unang hinawakan ni ginang esme ang baraha ni kyle at parang may binabasa rito.

"Ang katangiang taglay mo.. may ilalakas pa." paninimula nito. Seryoso lamang itong nakatingin sa ginang

"Hmm.. magagawa mo lamang ang bagay na iyon kung kasama mo sila. Handa mo bang isugal ang buhay mo para lamang sa kanila?" mahiwagang sambit ni ginang esme. Napatingin naman kame kay kyle na wala pa sa segundong sumagot sa tanong nito.

"Bagama't isang buhay lamang ang mayroon ako, iaalay ko parin ito sa mga taong nagpapaunawa sa akin na malakas ako at hindi ako pumapailalim sa kanila." seryoso paring sambit ni kyle na tumingin rin sa amin. Kahit pa hindi ito nakangiti, makikita mo parin sa mga mata nito ang pagkislap. Sunod naman na hinawakan ni ginang esme ang baraha ni andres.

"Ipinapahiwatig ng baraha na ito na wag kang magdadalawang isip kapag may taong bumulong sa iyo na sa tingin mo ay hindi mo gu-gustuhing gawin. May mga taong guguluhin ang isipan mo ngunit nababatid ko at ng barahang ito na hindi sila magtatagumpay sa kanilang babalakin sa iyo." mahabang pagsasalaysay nito habang nakatingin kay andres na nakatingin rin sa kaniya. Tanging tango lamang ang naisagot ni andres bago hawakan ang baraha ni dio.

"May makikilala ka.. masasagot nito ang isa sa mga katanungan ng iyong isipan. Binabantayan ka ng kaniyang tagabantay. Dadating na lamang siya ng hindi mo inaasahan." pagsasalaysay ni ginang esme kay dio. Napatingin ito sa kawalan. Hinawakan naman ni ginang esme ang baraha ni david.

"Natatakot ka sa kakayahang hawak mo ginoo." napatingin si ginang esme kay david na ngayon ay napahawak ng mahigpit sa salaming nakaharang sa kaniyang makapangyarihang mata.

"Ngunit wag kang magalala at wag kang susuko. Darating ang panahon na magagamit mo iyan ng mas komportable at mas makapangyarihan kesa sa iba." pagkatapos nitong sabihin iyon ay hinawakan naman nito ang baraha ko. Nagtagal iyon ng ilang minuto bago tumigin sa akin.

"Hindi ka ordinaryong tao, hindi ba?" naguguluhang tinignan ko ito at kinunutan ng noo. Anong sinasabi niya?

"Ikaw ang tutulong sa kanila. Ikaw ang tutulong sa amin. Nasa kamay mo ang desisyon ng iyong mga kaibigan. Nasa kamay mo ang magiging kapalaran ng iyong mga kaibigan. Mas malakas ka sa mas malakas binibini, kung kaya't huwag na huwag kang panghihinaan ng loob." napalunok ako sa isinambit nito na para bang ako ang susunod na magpapaikot ng bansang ito, na tila ba ako na ang may  kakayahang magpabago ng kasaysayan ng white hathaway.

Lumipat naman ang tingin nito sa nagngangalang michael na malalim ang iniisip.

"Iho." hinawakan ni ginang esme ang kamay ng kaniyang pamangkin.

"Tiya esme.." seryoso rin tawag nito sa kaniyang tiya.

"Magiingat ka pamangkin ko. Sasama ka sa paglalakbay nila. Eto na ang pangarap mong makatulong sa bansa natin. Matutupad mo na,aking pamangkin." may ilang butil na luhang lumandas sa pisngi ni ginang esme habang sinasabi ang mga katagang iyon sa kaniyang pamangkin.

Ang ibig sabihin lamang nito.. isa si michael sa hinahanap ko. KUMPLETO NA ANG NASA LIBRO! NAKUMPLETO KO! Napansin kung gulat rin ang mga kasama kong napatingin kay michael na tila iisa lamang ang tanong sa aming isipan.

"A-Ano ang kapangyarihan mo?" si david ang naglakas loob na magtanong. Mukhang gulat rin ito sa mga nangyayari kung kaya't wala pa itong sinasabi o hindi manlang gumalaw. Kinalabit naman siya ni ginang esme kaya mukhang natauhan naman sya.

"T-Tiya?" biglaang sambit ni michael na tumitig sa mga mata ng tiya niya n parang nagtatanong o nag-papahintulot.

"Ipakita mo,michael."

Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere at parang may kung ano itong ipipitik Ilang saglit pa ay may lumabas na pana sa direksyon ng punong kahoy.

"Ito lamang ang kaya kung gawin."  hinarap na kami nito pagkatapos makita ang ginawa sa punong kahoy.

"Makakatulong ng malaki iyan." sambit ko. Tumango tango naman si kyle at pilit inaabot ang balikat ni michael upang akbayan dahil mas matangkad ito sa kaniya na kinalaunan ay binawi nalamang niya dahil hindi niya maabot. Napatawa na lamang ako ng mahina.

"Kay galing ng katangiang ibinigay sa iyo. Kung hindi mo naitatanong, Karayom ang inilalabas ng akin ngunit mas makapal ng kakaunti ito at mas matibay pa sa metal." pagmamalaki ni kyle.

"Ang kamay ko ay may lakas na sampong kamay." sambit ni andres. Napatawa akong muli ng may maalala akong commercial.

"Kaya kong magpalutang ng mga bagay."

"A-Ako naman.. kaya kong gawing bato ang isang tao."

Napatingin naman ito sa akin na tila naghihintay na may ibunyag rin akong kapangyarihan na wala naman talaga.

"Ordinaryong tao lamang sya, ginoo." si dio na ang nagsalita.

"At ngayon.. gusto mo bang maglakbay?" nakangising sambit ko rito. Tinitigan niya muna isa isa kami. na tila nagiisip pa.

"Tinatanong pa ba 'yan?" nakangiting sambit nito na ikinahiyaw naming lahat. Kompleto na sila! Omg omg!

"Group huuug!" naguluhan naman ang mga ito sa sinabi ko kung kaya't hinila ko ang mga ito at gumawa ng maliit na bilog na kasya lamang kami at nagyakapan gamit ang aming mga balikat. Sabay sabay kaming tumatalon habang nagyayakapan. HAHAHAHAHA

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
442K 32.3K 52
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
63.4K 3.3K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.