Their Chasing Souls

By issawandablue

14K 898 151

"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple... More

Their Chasing Souls
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 03 - 1
Chapter 04
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 8: New friend
Chapter 9: After Party
Chapter 10: Midnight
Chapter 11: Birthday Party
Chapter 12: Catfight
Chapter 13: Tryout
Chapter 14: Test of Patience
Chapter 15: Luna
Authors Note
Chapter 16
Chapter 17: Glimpse of the past
Chapter 18: Proyekto
Chapter 19: Tadhana
Chapter 20: Naked
Chapter 21: The Return
Chapter 22: True friend?
Chapter 23: The meeting
Extra chapter: Meeting the Perez
Chapter 24: Unknown past
Chapter 25: Unexpected Reunion
Chapter 26: Photos
Chapter 27: Freshmen trip - Part One
Chapter 28: Freshmen trip - Part Two
Chapter 29: Freshmen trip - Part Three
Chapter 30: Freshmen trip - Part Four
Chapter 31: Freshmen Trip - Part Five
Chapter 32: Last day
Chapter 33: Encounter
Chapter 34: Another ecounter
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: The Visit
Chapter 37: Unexpected Gift
Chapter 38: Courage
Chapter 39: An Almost
Chapter 40: Misinterpret
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Extra Chapter
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Author's Note (01)

Chapter 05

297 29 2
By issawandablue

Pintado

Yna's POV

Bigla akong nagising sa tunog ng alarm clock. Kakagising ko lang at medyo inaantok pa talaga ako  Ginulo-gulo ko ang buhok ko at hindi ko namalayan na may tumutulong luha na naman mula sa mga mata ko.

Ang totoo niyan ay halos hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Lalo na kapag naalala ko ang mga nangyari kahapon sa coffee shop. Namaga rin yata ang mga mata ko sa ka-iiyak.

'Talaga bang deserve ko to?' Iyon na lamang ang tanong ko sa ngayon. Masyado na akong maraming naiisip at ayoko na sana balikan pa ang mga iyon. Hindi rin ako pwede makitang ganito sa bahay. Mahahalata nila ako at ayoko nang mag-alala pa sila sa'kin.

"Ang sarap mom. Sana magluto po kayo nito next week." Papuri ko sa luto ni mommy. Ioinatikim masi ni mommy ang isang bagong recipe nap manok ang pangunahing sangkap. Magaling talaga kasi magluto si mommy. 

Kahit na gustuhin ko mang i-enjoy ang pagkain ay hindi pa rin nito nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Pilit kong itinatago kay mommy ang lungkot sa pamamagitan ng mga pilit na ngiti ko sa kanya. Ayoko namang gawing big deal 'to at baka maka-abala pa ako sa iba.

"Binobola mo naman ako eh." Medyo nahihiya niyang sinabi.

"Mom, kailan pa ako nagsinungaling? Kayo kaya ang the best chef and the best mom ever!"

She smiled and hugged me, I felt warmth in her arms. "Thank you." Aniya nang kumalas sa pagkakayakap sa akin. She's quite teary-eyed.

"Mommy naman eh! Wala tayo sa MMK." I joked. Napasinghot na natatawa naman siya.

"Oh siya, hindi ka ba sasabay sa Kuya mo? Bilisan mo na at paalis na 'yon."

Ito ang unang beses na sasabay ako kay Kuya papasok ng school. Hindi kasi kami nagsasabay kasi mas kakaunti ang subjects niya ngayong sem at mas maaga ang mga klase ko sa kanya.

"Let's go." Yaya ni Kuya sa akin kaya nagpaalam na rin ako kila mommy. Agad naman akong sumakay sa kotse  at naupo sa may shotgun seat. Sinara ko ang pinto ng kotse at saka naglagay ng seatbelt.

"Anong oras matatapos ang klase mo mamaya?" tanong ni Kuya habang nagmamaneho.

"Mga three pm pa matatapos."

"Hmm."

"Kaw ba?" tanong ko sa kanya.

"Five pm."

Mukhang seryoso si Kuya ngayon. May nangyari ba? Hindi ako sanay na ganito siya. Mas madalas kasing inaasar niya lang ako. Huling beses na ganito siya eh heartbroken pa siya. Kaso wala naman akong kilalang nililigawan niya o kaya girl friend niya.

"Gusto mo maglunch mamaya?" ayan gagawan ko na siya ng pabor. Minsan lang ako maging mabait sa kanya at gusto ko lang rin pagaanin ang pakiramdam ko. Food will make me feel better.

The traffic light turns red dahilan para tumigil ang aming sasakyan.

Nilingon naman ako ni Kuya at tinaasan ng kilay.

"Anong nakain mo at niyayaya mo ako maglunch?"

"Let's just say na gusto ko lang magrelax today." Nginitian ko siya. "Baka sabihin mo naman kasing masama akong kapatid at hindi man lang kita nililibre."

"Tch. Nakakagulat to, ikaw? Ililibre akong kumain sa labas? Ang kuripot kong kapatid." Tumawa naman siya.

"Che! Ikaw na nga yung ililibre, tas kaw pa tong may ganang mang-asar."

"Chill baby sis, magmumukhang monster ka na naman niyan." Bigla nalang siyang tumigil sa pagtawa at biglang naging seryoso ang kanyang mukha. "Thanks."

Tch. May problema talaga 'tong taong 'to. Kilalang-kilala ko na siya. Hindi niya kayang itago sakin 'yon.

"Mukha kang alien." Basag ko sa katahimikan.

"Anong sabi mo?!"

"Mukha kang alien."

"Anong sabi mo?" Ay paulit-ulit?

"Mukhang kang supot."

"Hoy Georgina Denise, sa gwapo kong to mukha akong alien? S-supot? Excuse me no?! Ang swerte mo nga at ako naging kapatid mo."

Oo gwapo naman talaga kasi ang kapatid ko. Simula noong mga bata pa kami ay marami nang nagkakagusto sa kanya. Idagdag niyo pa 'yung sense of humor niya. Sabi nga nila, mas maraming nahuhulog sa taong may sense of humor. "Yung magaan kasama. Madalas pa nga ako kaibiganin ng mga babaeng kaklase ko noon dahil lang gusto nila mapalapit kay Kuya. Manang-mana siya kay daddy, gwapo rin talaga at nakakatawa. Mas kamukha niya rin si daddy at ako naman ay kamukha si mommy. Ayun nga lang, hindi ko alam saan niya naman nakuha yung pagka-over confident niya. Makapal pa sa libro ang mukha ng kapatid ko.

"Weh? Asan banda?" tukso ko sa kanya. "Alam mo Kuya, nung nagpaulan siguro si Lord ng kabaitan eh tulog ka. Nung nagpaulan naman ng kayabangan eh sinalo mo lahat, di ka man lang nagpayong." Banat ko sa kanya.

"Alam mo ikaw–" pinisil pisil niya yung pisngi ko at kinurot. "Napaka-supportive mo no?"

"Aray! Ewan ko sa'yo, panget!" nakakaasar talaga siya.

"Eh di panget ka rin! Kapatid mo'ko at kahawig pa, eh di pangit ka rin." Banat niya sa akin. Hindi naman kami magkahawig! Mas mukha akong tao kaysa sa kanya.

Babatukan ko na sana siya nang bigla nag-green ang traffic light kaya pinaandar na rin niya ang sasakyan.

"Mamaya ha lunch. Itetext nalang kita. Subukan mo'kong hindi siputin humanda ka talaga sakin." Pananakot ko.

"Okay baby monster sis, love you." Kinindatan pa ako. Bakit parang ang weird ng feeling kapag siya yung kumikindat. Pag si daddy naman okay lang.

Pagdating sa school ay agad na akong pumasok sa room. Nakita kong nandoon na ang mahal na prinsipe. Nakakagulat. Dumiretso ako sa aking upuan na katabi ng kanya.

"Wow, himala! Early bird ang mahal na prinsipe. Bagong buhay." bulong ko sa sarili.

"Are you saying something?" aniya.

"Ha? Wala ah. Imagination mo lang 'yun."

Nakaramdam naman ako ng biglang pagka-ilang sa kanya. Narealize ko kasi ang nangyari kahapon. Napapikit nalang ako at napakagat labi sa inasal ko bago lang. Siya lang naman 'yung kasama ko kahapon nung umiiyak ako. Hindi ko tuloy alam paano ako makikitungo sa kanya ngayon.

Ilang minuto rin akong nag-antay ng reaksyon niya. Kahit man lang kausapin ako o magtanong ng kahit anong bagay na may kinalaman kahapon ay hindi niya nagawa. Is he being sensitive with my feelings? Ang sweet ah.

Natapos ang klase nang hindi kami nag-uusap. Magandang magpasalamat nalang ako para hindi ako lalo mailang. Wala rin kasi si Viel kaya wala akong makausap kaya mas makabubuti sigurong magbasa nalang muna ako ng notes bago ang susunod na klase.

Maya-maya pa ay bigla nalang may lumapit sa may pwesto naman na isang babae.

"Hi Ely! I'm Cheska, uhm.. may sasalihan ka na bang org?" mukhang may gusto rin 'tong isang to sa katabi ko. Leeches everywhere. Hindi ba talaga siya mauubusan ng fan girls? Akala ko sa kdrama o sa teleserye lang may mga ganitong klase ng tao. 'Yung maraming nagkakandarapa. Tch.

Bigla naman niyang kinuha ang bakanteng upuan sa gilid ni Ely at nilapit ito sa kaniya. Hindi pa rin sumasagot si Ely at diretso lang ang tingin sa harap habang nakasalpak ang isang kapares ng earphones sa kaliwang tenga niya.

"Ely may–" hindi manlang niya ito pinatapos sa pagsasalita at lumingon sa babae at tinanggal ang earphones sa kanyang tainga.

"Sorry. Are you saying something?" He asked. Namula naman 'yung girl.

"Uhm.. I said.. May org ka na ba? Maybe you wanna join our–"

Nagulat nalang ako nang biglang lumingon si Ely. Sakto namang nakatingin ako sa kanila kaya agad na nagtama ang paningin namin. Ito napapala ko sa pgiging chismosa! "Ikaw George, anong sasalihan mong org?" napanganga ako sa tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot pero nakita ko ang panlilisik ng mga mata ng babaeng linta at ng mga alippres niya na nasa likuran.

"W-Wala pa." What the– bakit parang ako pa ang nauutal?

"Then I'll join sa club na sasalihan mo." Ely said without hesitation at sinalpak ulit ang earphones. Ngayon ay sa magkabilang tainga na. I think I know what he's doing. Pinandilatan ko siya pero hindi siya nagpatinag saka umiwas ng tingin sa akin. He closed his eyes and crossed his arms then leaned towards the back of his chair. Kainis.

"Uhm excuse me?" Tinaasan ako ng kilay nung linta. "I'm talking to him right? Okay lang ba na kami muna mag-usap?"

Grabe ang bitch ng ugali ng babaeng 'to. Baka mamaya hindi ako makapagpigil.

"Cheska. Let's go." Yaya sa kanya nung kasama niya. Yes. Go away!

"No. Not until I finish my business." Pagtanggi ng linta na Cheska pala ang pangalan. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin. What did I do to her?

"Cheska–"

"I said no, Wendy. Hindi pa ako sabi ako tapos! May nakiki-epal kasi." She said, and right now I know she is pertaining to me.

"E-Excuse me?" If I know malakas lang ang loob nito magsalita ng ganyan kasi Ely probably does not hear anything she says. "Are you talking to me ba?" Sasagot sana siya pero nagsalita ulit ako. "Oh yes. I'm stating the obvious. Well, for your information, I have nothing to do with you. You should probably get out of my sight before I–" I wasn't able to continue talking nang biglang tumayo si Ely sa upuan niya.

"Miss." Baling ni Ely sa kanya. Tuwang-tuwa ang linta dahil pinansin siya ng mahal na prinsipe.

"Yes Ely?" may pa-beautiful eyes pa siya. Pwede bang masuka?

"Can you leave? The owner of that chair is already here."

"Ely, wala namang pangalan na nakalagay." Depensa niya. Oh she's playing with the beast. She's throwing herself into the pit.

"Then should I put that person's name on that chair?" tinaasan siya ng kilay ni Ely dahilan upang magwalk-out ito sa harapan namin.

Yeah leech. Go away! Ayan napaka- bitch kasi ng ugali. Halatang napahiya siya sa klase. Wag mo kasi kaming masubukan hindi mo alam paano ako magalit lalo na 'tong katabi ko.

"Where's Viel?" baling ni Ely sa akin. Hindi ako sumagot dahil sa totoo lang ay naiinis ako sa kanya. Since we were kids I always get dragged along with these kinds of situations. His fan girls used to hate me dahil papansin raw ako kay Ely. They never knew that I'm just his past time and he just annoys me. "George."

"Hindi ko alam. Baka late lang."

"I see." 'yon ang huling narinig ko sa kanya at saka hindi na ulit kami nagkibuan.

Natapos na ang dalawa naming subjects pero wala pa rin si Viel. Hindi man lang nagrereply sa text ko. May nangyari kaya sa kanya?

Ito na ang huling pasok ko ngayong linggo. Maayos naman ang naging takbo ng mga bagay sa school ng mga nagdaang araw. Marami akong nakilalang mga bagong kaibigan. Yung mga prof naman namin ay iba't iba ang personalidad. May mga masungit, may mabait, meron ding kwela at makwento, at hindi rin mawawala yung mga magaganda at gwapo. Iyon nga lang puro kasi kami pakilala sa klase. Akala ko talaga pagkatapos ng high school eh wala na "yung 'Introduce yourself' portion, meron pa pala! 

Medyo mabilis naman ako nakapag-adjust, siguro ay dahil kasama ko si Viel. Nakakamiss ang high school, iba pa rin talaga noon. Pati yung mga kaibigan ko ay namimiss ko rin. Si Luna kasi nasa Arts building at simula nung Lunes ay hindi pa namin siya nakikita. Naghahanda kasi siya sa application niya para sa school paper at broadcasting committee. Kailangan niya raw magpasa ng limang articles na may iba't ibang paksa. Kaya ayun at hindi niya kami mapuntahan dito. Ayaw rin naman namin siya istorbohin. Saka na siguro pag tapos na siya. Ang alala ko ay ngayong araw na ang deadline nun.

Pagkatapos ng last class ko sa umaga ay agad na akong lumabas ng room. Ayoko na rin makisalamuha kay Ely dahil hindi ko pa siya kaya harapin. Naiilang pa rin ako. May thirty minutes pa naman ako para maglibot bago ang lunch kaya pumunta ako sa gym kung saan ginaganap ang recruitment fair para sa mga orgs.

Malaki rin talaga 'tong gym ng school. Siguro ay aabot sa 2,000-2,500 na katao ang capacity nito. Color coded rin ang bawat kanto ng asul at dilaw. Iyon kasi ang school color ng univ.

Habang naglalakad ako ay napansin kong napakarami talagang mga booth. Iba-ibang org ang naroon, parang lahat ng hilig mo ay may pwede kang salihan. Mula sa malayo ay natanaw ko ang mga magagandang paintings na naka-display sa isang booth. At dahil curious ako ay nilapitan ko ito.

"Hi! Welcome to Pintado! Ang arts org ng St. Anthony!" Masiglang bati sa akin ng isang babaeng estudyante. "I'm Carrie and I'm the president of the arts org." ngumiti siya at inabot niya ang kanyang kamay sa akin.

"Hi, I'm Yna." Inabot ko ang aking kamay at nginitian ko siya pabalik.

"Oh and this is Matcha, our org secretary and activity facilitator." Pakilala niya sa katabi.

"Hi Yna." nakipagkamay siya sa akin.

"Hi Matcha." Nakakatuwa at kapangalan pa niya ang aso ko.

"Okay enough of the introduction. Hmm nakita kasi kita na nakatingin sa mga paintings namin dito. Perhaps are you interested to join our org?" tanong niya nang may excitement sa kanyang mukha.

"Ah eh, hindi pa kasi ako nakakapagdecide eh." Sagot ko. Kumunot naman ang kanyang noo. Ayaw ko naman kasing sumali nalang basta basta. I wom't involve om something if hindi ko rin naman pala kayang mag commit.

"But I think you are drawn by the artworks. Bakit hindi ka nalang sumali?" Yaya niya.

"Sa totoo lang mahilig ako sa arts. I mean.. that's an understatement. I love arts! Pero kasi.."

"Great! Then anong pumipigil sayo?"

"Hindi ko alam kung kakayanin ng oras ko."

"Oh freshmen?" tinanguan ko siya. "Don't worry, flexible naman kaming lahat dito. We value our members' time. Maraming activities kaya marami kang matututunan pero hindi mo naman kailangan maging present lagi. Mas gusto pa rin namin mangibabaw ang volunteerism." Paliwang niya at mukhang nakukuha na niya ang interes ko.

"Uhm.. pero kasi.." wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Also, this is an opportunity. Atleast I can do my passion aduring my free time. "O-Okay, I'll join." Malumanay kong sinabi. I agreed and I guess I got into an org?

"Really?" Abot-langit naman ang ngiti ni Carrie at agad akong niyakap nang mahigpit. "Yiee! You made the right choice Yna. Welcome to Pintado! Oh siya, here's the registration form. "

"Thank you." Masaya na rin ako dahil tingin ko ay ma-eenjoy ko ang pagsali dito at mukhang mababait naman silang lahat.

"Yna?" bigla nalang may sumulpot sa gilid ko. Lumingon ako at nakita ko si kuyang anghel. "Anong ginagawa mo dito?" Gusto kong sabhin na iyon rin ang tanong ko.

"Magkakilala kayo?" singit na tanong ni Carrie sa amin.

"Oo!".. "Hindi!" At nagkatinginan kaming dalawa ni kuyang anghel.

Teka, tama ba'ng narinig ko na magkakilala kami? Well, oo nakilala ko siya nung naaksidente ako pero kung tutuusin eh hindi talaga kami magkakilala. Kahit ang buong pangalan niya ay hindi ko alam. Kiko lang ang nalalaman ko na nabanggit sa akin ni Viel, 'yon lang.

"Ah, may atraso ba sayo 'to Yna?" tanong sakin ni Carrie at nilingon si Kiko saka binigyan ito ng matatalim na tingin.

"W-Wala. A-Ah oo, nagkakilala na kami." Well 'yun naman talaga ang totoo, noong unang araw ng klase.

"See?" baling ni Kiko kay Carrie at nginisian ito. Hindi na rin pumalag si Carrie at humarap ulit sa akin.

"Si Kiko ay miyembro rin ng Pintado. Kung may ginawa 'tong kalokohan ay sabihin mo lang sa akin at ako na ang bahala." Aniya.

"Luh! Ano'ng member? Pumayag ba ako–" hindi na-ituloy ni Kiko ang sasabihin nang bigla siyang pingutin ni Carrie. "Aray! Dahan-dahan naman Caridad!

"Ano ulit ang sabi mo?"

"Oo na! Member na!" Pagmamaktol ni Kiko.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Ang cute nila. Mukhang magkakilala talagang 'tong dalawang ito.

"Kapag pinagod ka naman ng isang 'to eh sabihin mo sakin at akong bahala sayo." Turo ni Kiko kay Carrie at saka niya ako kinindatan.

"Hoy, ikaw–" hindi ko na napatapos ang sinasabi ni Carrie dahil bigla nalang akong hinila ni Kiko papalayo sa booth habang tumatakbo. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag na hilahin nalang niya. Weird man isipin pero mukhang masaya rin tumakbo. Parang nakawala ako sa lahat ng lungkot na nararamdaman ko. Para akong nakatakas sa mga problema ko.

Narating namin ang field at tumigil siya sa paghila sa akin. Halos hingal na hingal kaming pareho. Nagkatinginan kami ng ilang segundo at sabay kaming natawa sa nangyari. Sa sobrang sata at tawanan namin ay hindi na naman napansin na tirik na tirik ang araw.

"Sorry at nahila pa kita dito." Hindi pa rin siya matigil sa kanyang pagtawa. "Baka kasi patayin ako ni Carrie."

"Close ba kayo ni Carrie?"

"Hmm. Isa siya mga matalik kong kaibigan. Mas matanda siya sakin kaya kung umasta parang ate ko."

Oh. That's cute. "Mukha siyang mabait."

"Talaga? Hindi ka ba nahihilo kaya mo 'yan nasasabi?" natawa na naman ulit kami pareho.

"Hindi." Hinarap ko siya nang nakangiti. "Thank you ha, kahit papaano gumaan 'yung pakiramdam ko." Tinignan niya ako ng may pagtataka at bago pa siya may maisip na iba ay nagpaliwanag agad ako sa kanya. "Ang ibig kong sabihin eh nakakagaan sa pakiramdam kasi para akong nag-exercise."

"Ganun ba? Sige, tinatanggap ko."

Nangunot ang noo ko. "Ha? Ang ano?"

"Ikaw."

"Huh?"

"Ikaw... Yung pasasalamat mo. Tinatanggap ko." Ah ayun naman pala. Akala ko na kung ano.

"Teka, sabi mo kanina magkakilala tayo." I asked. Nilingon niya ako na malapad pa rin ang mgiti.

"Yup, hindi ba?" 

"Sorry hindi ko talaga maalalang nagkakilala tayo maliban noong nasa clinic." Paliwanag ko.

"Hmm.. hindi ba counted 'yun?" Ngumiti na naman siya. Ang gwapo talaga! Para akong nakakita ng anghel. Ganito ba talaga kapag nagbabanda, nakakagwapo? "Pero hindi 'yon ang una nating pagkikita." Pagpapatuloy niya. Siguro nagkita na kami noong nasa high school pa kami. Baka iyon ang ibig niyang sabihin.

"Kilala mo ako?" Great Yna. What a weird thing to ask? Maganda ka girl?

"Georgina Denise Perez?" bahagyang tinaas niya ang kanang kilay.

"Woah! Kilala mo nga ako? Wait, kilala mo ako pero ikaw ay hindi ko kilala."

He chuckled showing his cute dimples. "You'll know when the right time comes." Pakiramdam ko nakakapanghina ang mga ngiti nitong tao'ng 'to recently. Tsk. Pa mysterious pa kasi.

"Ang unfair mo naman. Kiko lang ang alam kong pangalan mo."

"Kilala mo naman pala ako eh. That's good to hear." Hobby niya yata talaga ang ngumiti.

"Yna!" Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Luna na kumakaway sa akin.

"Tingin ko kailangan ko nang umalis." Nagulat nalang ako when he tapped my head with his radiant smile saka niya ako agad na tinalikuran. Hindi na niya ako hinintay na makapag-paalam.

Ang pag-alis ni Kiko ay siya namang paglapit ni Luna. "Huy friend! Ano kamusta?" niyakap ako nang napakahigpit na para bang ang tagal naming hindi nagkita.

"Ok naman." Nginitian ko siya. Of course, medyo pilit. Sino ba ang niloko ko?

"Ows? Eh ano 'yang mukhang yan? Umiyak ka ba? Teh! Hindi ka naman madalas magka-eyebags." Titig na titig siya sa mukha ko na para bang naghahanap ng sagot. Masasabi kong isa si Luna sa mga taong kilalang-kilala na ako. Hindi pa ako nakakapagsalita ay alam na niya ang nasa isip ko. Pero halata ba talagang umiyak ako?

"Hindi ah. Kakapanood ko lang 'yan, nagpupuyat alam mo na." hindi pa rin nagbago ang reaksyon niya pagkatapos kong itanggi ang mga tanong niya. Nakakunot na ang kanyang noo at parang nag-aantay na lamang siya na magsalita ako. Alam na alam niya talaga kapag nagsisinungaling ako. Ilang segundo kaming nanahimik bago ako nagsalita. "Luna, pwede bang wag nalang muna natin pag-usapan?"

"Mmm. Saka mo na sabihin kapag handa ka nang ikwento lahat." Niyakap niya ako at ngumiti siya sa akin na para bang wala akong dapat ikabahala. Alam na alam niya talaga kung paano pagaanin ang loob ko. Hindi niya pinipilit ang mga bagay na tingin niyang hindi pa ako handang sabihin.

"Teka maiba tayo, kamusta na yung application mo?"

"Heto tapos na! Pero my kailangan lang akong ipasa mamayang hapon. Miss na miss ko na kayo ni Viel."

"Kaya pala hindi ka nagpakita sa amin simula nung pasukan!"

"Ay grabe siya, saan nanggaling 'yang arte?" natatawang hirit nito'ng si Luna. Pakiramdam ko ay magaan ang lahat ng bagay kapag siya ang kasama ko. Happy-go-lucky siya pero maingay nga lang talaga siya. "Teka tama ba 'yong nakita ko, kasama mo 'yung Kiko?" kilala niya 'yon? Ako lang ba talaga hindi nakakakilala sa kanya?

"Wala 'yun." Tanggi ko at hindi naman niya ako tinigilan sa mga mapang-duda niyang mga tingin. "Luna, wala nga."

"Okay fine, wala. Sabi mo eh."

Mabilis kong tinignan ang relo at baka mamaya ay magalit na naman ang kapatid kong topakin kapag na-late ako. "Malapit na pala maglunch time. Kailangan ko nang umalis at magkikita pa kami ni Kuya. Una na ako, ingat! Magtext ka sa amin ni Viel ah!" Ramdam kong may gusto pang sabihin sa akin si Luna pero nagmamadali na talaga akong tumakbo papalayo sa kanya.

Dali-dali akong pumunta sa school entrance at natanaw ko mula sa malayo na nag-aantay na pala si Kuya.

Lumapit ako sa kanya. "Kanina ka pa?"

"Oo, matagal na. Kanina pa. Three minutes ka nang late!" Matagal na talaga yung three minutes sa kanya? Ang OA talaga ng isang 'to.

"Oh siya tara na. Saan mo ba gusto kumain? Wag 'yong mahal ha."

Umarte naman siya na parang nag-iisip. "Gusto ko kasing kumain ng pasta ngayon. May alam ako na bagong bukas."

"Okay ikaw bahala, basta wag lang mahal."

"Oo na, oo na." para siyang batang nagdadabog. "Akala ko ba manlilibre eh parang tinitipid pa yata ako." Pabulong niyang sinabi.

"May sinasabi ka ba Kuya?"

"Wala. Sakay na at nagugutom na ako."

Nagtungo na kami papunta sa kainan na gusto niya. Maya-maya pa ay tumigil ang aming sasakyan sa harapan ng ...Coffee Avenue?!

"Huy! Okay ka lang? Tara na nagugutom na'ko."

"Sure ka ba? Mukhang di masarap diyan. Sa iba nalang tayo. May alam akong mas masarap." Napangiwi naman siya sa sinabi ko.

"Nakakain ka na ba diyan?"

"H-Hindi pa." Pagsisinungaling ko.

"Hindi pa pala eh. Tara na. Balita ko eh masarap raw ang mga pagkain at inumin nila." Wala na akong nagawa pa nang bumaba na siya ng sasakyan kaya bumaba na rin ako.

I am so dead. Nagfa-flashback lahat ng mga nangyari kahapon.

"Uy. Ano? Tara na." at hinila na niya ako papasok sa loob.

Nagorder kami ng dalawang pasta. Carbonara sa kanya at tuna pesto naman ang akin.

"Hmm ang sarap nga dito! Thanks sis." Mukhang sarap na sarap siya sa kinakain at nakuha pang maground two. "Hoy panget! Hindi mo pa nagagalaw yang pagkain mo." Puna niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Panget ka rin! Inaantay ko lang magutom 'yung tiyan ko."

"Bakit? Naguusap ba kayo para malaman mong gutom na siya?"

"Corny mo! Kumain ka na nga lang."

Ang totoo ay hindi ako mapakali. Baka kasi makita ko si Ely o di kaya si Zeke. My gosh ano ba tong ginagawa ni tadhana? Nakakapagod makipagtaguan ha.

Patapos na kaming kumain nang bigla namang tumunog ang phone ko.

From: Unkown number

Meet me at the gym at 5 pm.

-E.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...