10,718 Miles of Love (COMPLET...

By kryshanixxim

4.5K 564 39

I'm from Philippines and He's from Belgium and we are 10,718 miles of love. More

INTRODUCTION
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25: START OF WAR
CHAPTER 26: START OF WAR 2
CHAPTER 27: START OF WAR 3
CHAPTER 28:WAR
CHAPTER 29: WAR AGAINST LOVE
FOR IMAGINARY PURPOSES!!
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33: SUNSHINE'S BIRTHDAY!
CHAPTER 34: Birthday Party/Engagement Party.
CHAPTER 35: AFTER PARTY
CHAPTER 36: OVER
CHAPTER 37
CHAPTER 38: CONFERENCE
CHAPTER 39: THE WEDDING
CHAPTER 40:
CHAPTER 41: CELEBRATION.
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60: THE WEDDING (THE COLLABORATION OF TWO ORGANIZATIONS)
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69: The Final Battle
CHAPTER 70: De Finale (The Finale)

CHAPTER 17

51 9 0
By kryshanixxim

SKY'S PoV

Nasa kalagitnaan ako ng paliligo nang marinig ko ang sigaw ni Sunshine , binalewala ko lang kasi baka nanonood lang siya ng K-Drama , pero hanggang nakabihis na ako ay narinig ko pa din ang pagsigaw niya.

Napatingin naman ako sa wrist watch ko at alas dos pa lang ng madaling araw , agad akong tumakbo papuntang kwarto ni Sunshine.

Pagbukas ko ng upoan ay nakita ko siyang naka upo sa kama at hawak hawak ang ulo niya.

"Sunshine!" Agad na sigaw ko at lumapit sa kama niya at niyogyog siya.

"Sunshine?! Anong nangyayari?!"

"AAAHHHH!!!! Ang s-sakit n-nang u-ulo ko AAHHHH!!!" Sigaw niya , agad kong pinindot ang emergency button sa kwarto ni Sunshine saka siya yinakap , naramdaman ko naman ang paghikbi niya habang sinusuntok ang ulo.

"Ano ka ba! Wag mo yang suntokin!" Sigaw ko habang pinipigilan ang pagsusuntok niya ng ulo niya.

Nang matapos ang paghikbi niya ay akala kong wala na siyang nararamdaman ng sakit ng ulo , pero mali ako.

"Sunshine?" Pagpukaw ko sa kaniya , pero naramdaman kong wala ng hangin nang itapat ko sa ilong niya ang mga daliri ko.

"Shit" agad na sabi ko sabay karga sa kaniya at binuksan ang pintoan ng kwarto niya, nakasalubong ko naman sina Mommy.

"Sky Vermon—Jesus Christ! Anong nangyari?!" Agad na bulalas ni Mommy.

"Mom , puntahan niyo nalang kami sa hospital" sabi ko habang bumababa sa hagdan.

"Armando! Ang anak mo!" Rinig kong sigaw ni Mommy , nagka gulo naman ang mga katulong , si Kuya Notnot naman ay matik nang naka parada sa labas ng mansyon kaya agad din akong sumakay sa kaniya habang karga si Sunshine na wala pading malay.

"Kuya Not , paki bilisan na lang po" sabi ko pa , tumango lang si Kuya Not saka binilisan ang takbo ng sasakyan.

Nang makarating kami sa hospital ay agad nila kaming inasikaso.

"Ka ano-ano po ang pasyente" tanong niya saka naman ako sumagot.

"Brother" simpleng sagot ko.

"Ano pong nangyari Sir?" Tanong ng nurse sa akin sabay higa nila kay Sunshine.

"Ewan. Basta nalang siyang sumigaw dahil daw sa sakit ng ulo tas biglang hinimatay" paliwanag ko , nakatulala lang ang nurse sa akin na para bang ino-obserbahan ang kaguwapohan ko. Mahangin na kung mahangin.

"Miss nakikinig ka ba?" Tanong ko na mukhang nagpukaw sa mga paglalandas niya.

"Ah , sorry po sir , paki ulit nga po?" Nauutal na tanong niya saka nagsimulang magsulat.

"Sumigaw siya sa sakit ng ulo niya tapos bigla nalang nahimatay" tumango naman ang nurse sabay patuloy sa pagsusulat.

"A-ahm, ano po bang ginawa niya na posibleng k-kinasakit ng ulo niya?" Tanong niya na parang naiilang.

"Hindi ko alam" simpleng sagot ko , tumango naman siya saka tumingin muna sa akin at akmang aalis.

"Ahm, kukunan po namin siya ng dugo para sa laboratory" sabi niya at nagmamadaling umalis.

Tumingin naman ako sa kapatid kong mahimbing na natutulog at meron naman itong dextrose sa kamay niya.

"Sky—oh jusko" napalingon ako sa biglang pagpasok ni mommy sa may kurtina na nandito sa sa emergency room.

"What happened son?" Tanong ni Dad habang nakatingin kay mommy na maluha luhang tumingin sa anak niyang may dextrose.

"Hindi ko din alam Dad , basta nalang siya sumigaw kasi daw masakit ang ulo niya , saka biglang nahimatay" paliwanag ko habang nakatingin kina mommy at Sunshine.

Bigla namang sumingit ang nurse na nag-interview sa akin kanina na may dala dalang syringe na ginagamit kapag kumukuha ng dugo.

"Excuse me ma'am , kukunan ko lang po siya ng dugo" sabi niya , umalis naman si mommy mula sa pagkakayakap kay Sunshine na siya namang inalalayan ni Daddy agad.

Matapos kunan ng dugo ni Sunshine akmang aalis ang nurse nang biglang magsalita si mommy.

"Magtatagal ba dito ang anak ko , nurse?" Tanong ni mommy , pumihit naman ang nurse paharap kay Mommy.

"Hindi ko rin po alam ma'am , depende po sa resulta ng laboratory" sagot niya , ako naman ang nagtanong.

"Anong oras namin malalaman ang result?" Tanong ko , pumihit naman siya paharap sa akin saka sumagot.

"Mga iilang oras din po" sagot niya , si Dad naman ang nagtanong at pumihit na naman siya paharap kay Dad.

"Bakit may dextrose ang anak ko? Kung gayong hindi pa nalalabas ang result ng laboratory saka ngayon pa nakunan ng dugo?" Tanong ni Daddy.

"Kasi po , mukhang nagka migraine ang anak niyo. Ang kailangan nalang po ay ang dahilan kung bakit nagka migraine siya" sagot ng nurse , ng mga ilang segundong wala ng nagtanong sa amin, nag excuse siya saka umalis.

Bumunto hininga naman si Daddy saka yinakap si Mommy.

"Ano bang pinagagawa ng batang ito kagabi? Kung totousin nga dapat ako ang sumakit ang ulo dahil ako ang naglasing kagabi" sabi niya pa , agad namang napatingin si Mommy ng masama sa kaniya.

"Yes Darling , I'm guilty" sabi niya pa , bigla namang gumalaw si Sunshine at minulat ang mga mata.

"N-nasaan ako?" Tanong niya sabay hawak sa ulo niya , bigla namang lumapit si mommy sa kaniya.

"Anak , nasa hospital ka , masakit pa ba ang ulo mo?" Mahinahong tanong ni Mommy , agad naman niya kaming pinagmasdan at ngumiti ng pilit kay Mommy.

"H-hindi na po masyado" sagot niya , yumakap naman si Mommy sa kaniya saka nagtanong si Daddy.

"Ano bang ginawa mo kagabi para sumakit ang ulo mo ng ganiyan?" Kunot noong tanong ni Daddy.

"Ang huli ko pong natatandaan ay ang pagtingin ko sa teresa t-tapos , yun lang , wala na akong maalala" sabi niya pa , nagkatinginan naman kami ni Daddy saka magsasalita na sana ako nang biglang may Doctor na sumingit.

"Excuse me , are you the parents of this?" Tanong ng Doctor , tumango naman sina Mommy saka tumingin kay Sunshine.

"We found out na s-she's stress and you don't have to worry , it's not that big thing" paliwanag ng doctor habang nakayuko.

"Did you remember something kagabi hija? You know , yung nakaka stress sayo" tanong ng Doctor , sinapo naman ni Sunshine ang ulo niya saka pilit na inaalala.

"W-wala talaga doc eh" sagot niya , tumango naman ang doctor.

"As of now , okay lang siya , pwede na siya ma discharge , all she need is a break form the city , siguro mabuti kong magbakasyon kayo , somewhere" paliwanag ng doctor. Tumango naman sina Mommy at Daddy saka nagpasalamat sa doctor na agad namang umalis.

Lumapit naman ulit yung nurse kanina saka may tinurok sa dextrose ng kapatid ko na agad naman dumaloy papasok sa kamay niya. Matapos non ay tinanggal na ng nurse ang dextrose saka umalis.

"Dito lang muna kayo , babayaran ko lang ang bill" sabi ni Mommy saka lumakad na.

"Ano ba kasing pinagagagawa mo ba't ka ba nai-stress?" Tanong ko , nag pout naman siya saka tumingin sa akin.

"Wala nga kasi akong maalala , okay naman ako kagabi eh , diba nga nag-asaran pa tayo" sabi niya pa , napatingin naman ako kay Daddy saka kami sabay na bumuntong hininga.

"Tell me Princess, stress ka ba kay Rain?" Tanong ni Daddy , agad naman nanlaki ang mga mata niya saka umiling.

"Ba't naman siya nasali dito?" Nagtatakang tanong niya kay Daddy , umiling lang si Daddy saka hinaplos ang pisngi ni Sunshine.

"Princess, tell me kapag may time ka na ha? Hindi mo kailangan itago" mahinahong sabi ni Daddy , napa irap naman si Sunshine.

"Daddy wala nga akong tinatago" sabi niya na ang tono ay parang sumusuko na.

"Kung wala eh bakit ka nagkakaganiyan?" Tanong ko , tumingin naman siya sa akin saka nagkibit-balikat.

Bumuntong hininga nalang kami at hinintay si Mommy at nung dumating naman si Mommy ay agad din kaming bumyahe pabalik ng bahay.



SUNSHINE'S PoV

"Papasok nga ako eh! Ang kulit naman nitong mokong na 'to!" Sigaw ko habang inaayos ang damit ko saka sinilid lahat ng importanteng bagay sa bag.

Kanina pa kasi pumapalag si Kuya na huwag daw ako papasokin sa school. Eh sa gusto ko eh , absent na nga ako kahapon tapos absent pa ngayon?

"Sabi nga ng doctor diba you need a break! Ba't ba ang tigas ng ulo mo" sabi niya saka padabog na binuksan ang pintoan ng kwarto ko , humarap naman ako sa kaniya at inirapan siya.

"PAPASOK NGA AKO!" Sigaw ko saka nagmamadaling bumaba sa hagdan.

"Alis na ho ako!" Sigaw ko pa, narinig ko naman si Kuya na tinatawag ako. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad saka lumabas ng mansyon at papara na sana ng taxi ng may pumarada ng ferrari na itim.

??!

"Sunshine" agad akong napatingin kay Rain na ngayon ay lumabas sa kotse niya saka nagtatakang tumingin sa akin.

"Have you forgotten? I'm gonna pick you up today" nakakunot ang noo niyang sabi , agad naman akong napamaang sa sinabi niya.

May sinabi ba siya nun?

"Just forget it. Hop in." Agad na sabi niya , hindi ko nalang hinalukay ang isip ko saka sumakay sa ferrari niya.

Napatingin naman ako sa kaniya nung makapasok ako sasakyan niya at otomatiko itong nagsara ng pinto.

"Is this yours?" Tanong ko , ngumiti naman siya at tumango.

"Dad's advance birthday gift" sagot niya saka pina-andar ang kotse.

"Aww , when is your birthday?" Tanong ko , tumingin muna siya sa akin bago sumagot ng nakangiti.

"June 25 , my flight back to Belgium" sagot niya pa , bigla namang bumahid ang lungkot sa puso ko.

Today is June 3. 22 days left.

"Are you okay?" Tanong niya na nagpukaw sa malungkot kong pag-iisp.

"Uhm. Yeah" simpleng sagot ko saka tumingin lang sa daan. Hindi na siya umimik pa hanggang sa nakarating kami sa school parking lot.

"Do you want me to accompany you–"

"No" agad na putol ko sa iba pa niyang sinasabi saka ako nagsalita ulit.

"I can do it , thanks for the ride" nakangiting sabi ko saka lumabas sa sasakyan niya, paglabas na paglabas ko naman ay ako agad ang pinagtitinginan ng ibang estudyante.

Takte , hindi pa naman ako nag-ayos. Naka messy bun lang ako ngayon ih -,- .

Hindi ko na inalintana ang mga matang nakatingin sa akin saka dumeretso na ako sa classroom namin. Pagdating ko din naman doon ay agad akong dinumog ng tanong.

"Jowa mo yun?"
"Naks pogi ah?"
"Siya naghatid sayo?"
"Siya susundo sayo?"
"Pakilala mo naman kami!"
"Hanep ah! Kaya pala hindi sinagot si Kier Fredo kasi may Rain Detchavorrr"

Agad akong napalingon sa babaeng nagsabi nung full name ni Rain.

"Correction. It's Rain Det-cha-voa" sabi ko at nilinaw ang pronunciation nung apelyido ni Rain.

"OHHHH! Bars, Mia , Bars!" Sigawan ng mga kaklase ko.

"So Jowa mo nga?" Tanong naman nung class treasurer namin na naglilista. Bumaling naman lahat ng atensyon sa akin.

"Hindi ah" agad na sagot ko sabay iling ng ilang beses.

"Ay weeeeh? Oh baka naman in denial ka?" Singit na naman ni Mia, agad naman akong tumingin sa kaniya ng masama.

"Hindi nga eh" sagot ko saka umayos ng upo , ngayon naman lahat ng mga kaklase ko nakapalibot sa akin.

"Halata naman Sunshine , bakit ba dini-deny mo p–"

"Sabi ng hindi diba Mia?" Inis kong baling sa kaniya nagpa-tigil sa iba pa niyang sasabihin.

"Bakit ba mas magaling ka pa sa akin ha? Ikaw nagpakalat nung pictures no? Ganiyan ka ka-updated sa buhay ng ibang tao? Bakit di mo subukang alamin ang buhay mo? Para naman malaman mo kung gaano ka ka-pakealamera sa buhay ng ibang tao" mataray na sabi ko , agad naman nag hiyawan ang mga kaklase ko.

"Oohhh!"
"Savage Bitch!"
"Burn Mia Burn! HAHAHAH"
"Wawa ka Mia"
"Sunshine is on the house!"
"Sunshine!Sunshine!Sunshine!Sunshine!"

Hindi ko na sila pinakinggan saka ko sinout ang mga airpods ko at nagpatugtog , at kamalas-malasan pang 10,000 hours ang tugtog.

Naalala ko bigla sa Rain.

"Nandiyan na si Ma'am!" Sigaw ni Dainty na kumaripas ng takbo papasok sa room. Agad naman kaming nag-ayos ng upoan at pumulot ng mga basura saka umayos ng upo nang biglang...

"Sa office niya!" Biglang sabi ni Dainty na agad namang tinaponan ng mga kaklase namin ng papel dahil sa inis. Napa iling-iling nalang ako saka patuloy na nakinig ng 10,000 hours.





FRITZY'S PoV

Nang makarating ako sa mansyon ay agad kong pinarada ang sasakyan sa garahe saka ako pumasok at pumunta sa kusina para uminom ng iced tea pambawi sa init sa traffic.

"Hi ma'am Fritzy , nagpalipas po ba kayo ng gabi doon sa farm nila?" Tanong ni ate Jeva , ngumiti lang ako saka tumango.

"Alanganin na kasi te Jeva eh" sabi ko pa saka nilagay ang bag sa isa sa mga stool doon saka kumuha ng baso.

"Ganoon po ba? Ano po gusto niyong kainin?" Tanong ni Ate Jeva habang kumuha ako ng iced tea sa ref. Bahagya akong natawa saka lumingon sa kaniya.

"Wag mo 'ko masyadong bini-baby ate Jeva" natatawang sabi ko , tumawa lang din siya saka nagsalita.

"Nako , okay lang , trabaho namin yun" sabi niya din , kinuha ko ang loaf bread sa cabinet na kung saan naroroon ang mga tinapay saka ako kumuha ng home-made strawberry jam ni Sunshine.

"Sige na po , magpahinga na kayo" nakangiting sabi ko , tumango lang siya saka tumungo sa maid's quarter.

Habang kumakain naman ako ay naglabasan ang mga maid dala-dala ang mga basket ng mga damit. 

"Oo nga eh , kawawa si ma'am Sunshine" sabi nung isa na agad ko namang binalingan.

"Kita niyo kanina? Putlang putla" sabi pa nung isa , agad ko namang nilagay sa mesa ang iced tea saka tinawag ang isa sa kanila.

"Anong nangyari kay Sunshine?" Tanong ko , agad naman silang tumayo ng tuwid at yumuko.

"Kasi ma'am kanina , hinimatay bigla si ma'am Sunshine , putlang putla , nagmamadali nga si sir Sky eh tapos si ma'am Criselda iyak ng iyak" agad nanlaki ang mga mata ko sa kinuwento nila. Kumabog ang dibdib ko dahil sa pag-aalala.

"Duda nga ng iba dito ma'am buntis si ma'am Sunshine kasi diba lagi niyang kasama si Sir—"

"Ah talaga ate?" Agad kaming napalingon kay Sky nang bigla itong magsalita.

"Lahat ng maids magsi-labasan!" Sigaw ni Sky na mukhang narinig ng iba dahil agad namang dumami ang bilang ng mga maids dito sa tabi ko , lumabas naman ako sa kumpulan at tumabi kay Sky.

"Naniwala ka bang buntis si Sunshine?" Tanong niya sa akin , tumingala naman ako sa kaniya at umiling saka nilihis din ang tingin dahil sa kaba na nadarama.

"Sinong nagsabi na buntis si Sunshine?" Kalmadong tanong ni Sky saka nilagay ang mga kamay sa mga bulsa ng pantalon.

Agad tinuro ng mga katulong si ate flor na siyang taga linis ng mga kwarto namin sa mansyon.

"Alam mo bang pwede ko kayo kasohan ng paninirang puri?" Paliwanag ni Sky na agad nagpayuko sa mga katulong.

"Hindi.Buntis.Ang.Kapatid.Ko." Tiim bagang na sabi niya sa mga katulong , napahawak naman ako sa dibdib ko nang maramdamang lumakas ang tibok nun.

"Ate Jeva , Kuya Notnot , Manang Amy at yang tatlo diyan sa dulo" turo ni Sky , agad namang namutla ang mga katulong dahil sa alam na nila kung anong mangyayari.

"Kayo ang maiiwan, the rest...you're fired" sabi ni Sky saka hinila ako papaakyat ng hagdan hanggang sa makarating kami ng opisina at ganoon na lang ang gulay ko nang bigla niya akong...

SINIIL NG HALIK!

Agad siyang kumalas at pinakatitigan ako sabay sabing...

"I miss you" at hinalikan ako ulit.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
35.7K 364 14
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli
88.8K 2K 35
Meet Travis Chang, Lalaking nahulog ang loob sa babaeng nakita niya sa isang computer shop. Kilala sa sikat na Unibersidad sa Travis Chang at maramin...
347K 6.8K 35
Substitute Mom Book 2 Start: 10/21/2015 End: 04/15/2016