Where is Franco? (Published u...

By TheLadyInBlack09

197K 6.4K 595

Fright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkad... More

PROLOGUE
WARNING
Missing #1
Missing #2
Missing #3
Missing #4
Missing #5
Missing #6
Missing #7
Missing #8
Missing #9
Missing #10
Missing #11
Missing #12
Missing #13
Missing #15
Missing #16
Missing #17
Missing #18
Missing #19
Missing #20
Missing #21
Missing #22
Missing #23
Missing #24
Missing #25
Missing #26
Missing #27
Missing #28 - The Finale
ANNOUNCEMENT!
Love at First Write... The Second Time Around
TV Series
Epilogue
Special Chapter

Missing #14

4.4K 182 28
By TheLadyInBlack09

“SALAMAT sa masarap na dinner ha,” nakangiting sabi ni Joy ng matapos sa nililigpitan sa  pinagkainan nila ni Iñaki at nagpupunas na ng basang mga kamay. Kahit paano ay tila gumagaan na ang pakiramdam niya buhat ng dumating si Iñaki kanina.

            “No problem. Sana nabusog ka,” tugon naman ni Iñaki na katatapos lang din magpunas ng lamesa.

            “Sobra. Nasira ang diet ko para sa gabing ito,” aniya at kinuha ang thermos na may lamang mainit na tubig bago lumapit sa lamesa na may 2 tasa sa ibabaw at may lamang tsaa. Nilgayan na niya iyon ng mainit na tubig. Tuwing gabi kasi ay umiinom siya ng tsaa upang mabils na ring matunawan. At natuwa siya ng malaman na iyon din ang ginagawa ng binata pagkatapos maghapunan kaya inalok na rin niya ito. “Here.”

            “Thank you,” ani Iñaki ng abutin ang tasa ng tsaa.

            “Can I ask something personal?” tanong niya ng  makaupo sa katapat nito.

            “Sure, go ahead.”

            “Bakit Iñaki name mo?” nakangiting tanong niya. Dati pa niya iyong gustong itanong ngunit wala lang pagkakataon.

            Halata namang nagpigil ng tawa ang binata bago saglit na humigop sa hinipan na mainit na tsaa. “May ideya ka ba?”

            Natatawa na ring kmunot ang noo niya at nagdalawang isip kung sasagutin din ba ang tanong na iyon ng binata.

            “May kamukha daw kasi akong artista kaya Iñaki pinalayaw nila sa akin,” tila nambiitin pa na sabi nito.

            “Iñaki ng T.G.I.S.?” Ang isa sa  pinakasikat na youth-oriented drama series noong 90’s ang tinutukoy niya.

            Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mga labi nio bago sinimulan ang tumango.

            “Oh my! Sabi na nga ba eh! You know what, ang tagal kong inisip kung saan kita nakita. Bakit parang napakapamilyar ng mukha mo!” natatawang sabi niya. Hindi na niya pinansin ang tila pagseseyoso ng mukha ni Iñaki.

            “W-what do you mean?”

            “Iniisip ko kasi dati bakit parang napakapamilyar ng mukha mo. Parang nakita na kita somewhere.”

            Hindi umimik ang binata na tila naghihintay ng susunod pang sasabihin ni Joy.

            “’Yun pala si Dingdong lang nakikita ko sa iyo!” muling sabi niya na natatawa pa din. Ilang beses din kasi naglaro sa isipan niya ang gwapo at pamilyar na mukha ng binata na parang nakita o nakilala na niya ito dati pa. Ngayon niya lang napagtantong ang artistang si Dingdong Dantes lang pala ang nakikita niya dito kung saan Iñaki rin ang pangalan sa palabas nitong T.G.I.S.

            Muling bumalik ang ngiti sa mga labi ng binata. “H’wag mo ng ulit-ulitin,” natatawa na ring sabi nito.

            “Eh anong real name mo?” muling tanong niya bago sinundan ng higop sa tasa ng tsaa.

            “H’wag na. Mabantot eh…”

            “Dali na, ano nga. Naku-curious lang talaga ako. Don’t tell me Jose Dantes?”

            “Nope,” umiling ito at muling namutawi ang nakakalokong ngiti sa mga labi.

            “Eh ano nga? Ang hirap na hulaan…”

            “Just promise me na hindi mo tatawanan ang pangalan ko.”

            “Promise!”

            “Okey. It’s Jose Narciso…”

            Muntik na niyang mailabas ang kakahigop lang na tsaa sa sobrang pagpigil sa sarili na matawa. “H-hindi ako tumatawa ha… I’m really not!” pagpipigi pa din niya sa sariling tumawa. Hindi lang pala kamukha ng binata ang artistang tintukoy niya, kapangalan pa nito. “Jose Narcisco, ha.”

            “Oh h’wag mo na ulit ulit-ulitin pa ulit,” napapakamot na sa ulong sabi ni Iñaki.

            “Jose Narcisco…” Nagsimula namang  kumunot ang noo niya. Bakit pakiramdam niya pati pangalan nito ay pamilyar na sa kanya.

            “Why?”

            “Para kasing pamilyar ‘yung pangalan mo sa akin. Parang narinig ko na kung saan.”

            “Dahil parehas kami ng real name ni Dingdong Dantes? Buti nga hindi naging Dingdong ang nickname ko, masyado na akong magiging copy cat no’n,” ani Iñaki.

            “No,” napapailing na tugon niya habang inaalala kung saan pa niya narinig ang buong pangalan nito. “Parang narinig ko na talaga ‘yung buong pangalan mo dati pa. Saan ko nga ba narinig…”

            “J-joy, parang may nagba-vibrate sa may sofa. Cellphone mo yata ‘yon sa loob ng bag.”

            “Narinig mo pa iyon?” naa-amaze na tanong niya. Naalala niyang naka-silent nga pala ang cellphone niya pero naka-vibrate para sa mga darating na tawag o text. Tumayo na siya mula sa kinauupuan upang magtungo sa sala. Naramdaman naman niya ang pagsunod ni  Iñaki sa paglalakad niya na nauna pang umupo sa malambot na sofa ng makapasok sa sala.

            “Si Ed pala ang tumatawag,” aniya ng mailabas ang cellphone mula sa bag na iniwanan niya sa sofa kanina at makita ang pangalan ng kaibigan sa screen. “Hello Ed, why -”

            “Ms. Eliza Joy Ignes?” putol ng hindi pamilyar na boses mula sa kabilang linya sa sinasabi ni Joy.

            “Y-yes? S-sino ito?” May pakiramdam siya hindi na niya nais pang marinig ang itutugon ng kausap niya ngayon.

            “This is detective Darwin Ramos. May nangyari kay Ed Salvador at ikaw ang nasa last dialled number ng cellphone niya bago nangyari ang aksidente kaya tinawagan na rin namin kayo.”

            “A-aksidente? M-may n-nangyaring a-aksidente?” halos hindi na niya naintindihan ang sarili sa mga inusal niyang iyon.




****

***


“KOTSE NI ED ‘YUN!” bulalas ni Joy ng mapansin ang kotse ng kaibigan na nakabangga sa isang malaking truck. Nakayupi na halos ang unahan at kalahating bahagi ng kotse. Kaagad siyang bumaba ng sinasakyang motor ni Iñaki.

            Mabilis ding  sumunod si Iñaki ng maiparada ng maayos ang motor. Ito ang nagprisinta na samahan siya sa lugar na ibingay ni detective Darwin.

            Tatlong  kotse ng pulis, dalawang sasakyan ng ambulansya at nagkalat na mga pulisya. Hindi niya alam kung sino ang dapat niyang lapitan. Kanina pa niya nararamdaman ang panginginig ng mga tuhod  at pangangatal ng mga labi niya. Kanina pa din niya pinipigilan ang sarili na maiyak.

            “Detective Darwin.”  Mabigat ang pakiramdam niya kay detective Darwin ngunit wala na siyang maisip na pwedeng lapitan kundi ito, dahil ito rin naman ang tumawag sa kanya. Pakiramdam niya kasi ay laging nasa kanila ang mga tingin nito noong nagpunta sila sa burol ni Dea.

            Isang mahigpit na hawak sa kanyang kamay ang naramdaman niya ng akmang lalapitan na niya ang balbas saradong lalaki na  nakasuot ng makapal na salamin sa mga mata na si detective Darwin na nakatayo hindi kalayuan mula sa kanya. Saglit siyang napatingin sa kamay na nakahawak sa kamay niya bago iyon itinaas sa mukha ng taong  nagmamay-ari niyon. “Ryan…”

            “I tried to call you when I got your message kaya lang na-deadbatt na ang cellphone ko so I decided to go here instead, buti nabasa ko kaagad ang address bago tuluyan mag-shut down ‘yung cellphone ko,” bakas sa boses nito na namimili ito ng mga salitang binibigkas. Bumaling ang tingin nito kay Iñaki. “Pwede ka ng umuwi pare. Salamat sa paghahatid kay Joy.”

            “Pero -”

            “Again, thank you. This is not part of your business anymore,” sabi pa ni Ryan.

            “I-iñaki, okey lang ako. Malalim na rin ang gabi,” singit na ni Joy ng makaramdam na ng tension sa pagitan ng dalawa.

            “Are you sure?” tanong pa ng binata.

            “Yes, I’ll be fine. Thank you sa paghahatid sa akin.”

            “No worries.  Mauna na ako,” paalam nito bago lumingon kay Ryan. “Ryan, ikaw ng bahala -”

            “You don’t have to tell me that thing. Alam kong dapat kong gawin.”

            “Sige na, Joy. I’ll go ahead,” muling paalam ni Iñaki na ayaw ng patulan pa si Ryan.

            “Ingat ka, Iñaki. Salamat ulit,” hinatid niya ito ng tanaw hanggang sa makasakay ng motor bago humarap kay Ryan. “Kanina ka pa ba dito?”

            “Medyo,” tugon nito.

            “A-ano daw nanagyrai? Where’s Ed?” may pag-aalinlangang tanong niya.

            “Ang sabi ng mga witness, mabilis daw ang pagpapatakbo ni Ed ng kotse at hindi sila sigurado kung aksidente ba na hindi niya nakita ang truck o sinadya niyang ibangga ang kotse niya.  Naka-survive ang kasama ng driver ng truck pero hindi ang mismong driver.” Mabilis na pinunasan ng hinlalaki ni Ryan ang bawat luhang nagsisimulang lumalandas sa magkabilang pisngi ni Joy.

            Naramdaman niya ang hapdi sa lalamunan ng muling pigilan ang sariling mapahagulhol. Parang ayaw na niyang marinig ang susunod na sasabihin ni Ryan.

            “And Ed…” tuluyan na nitong ikinulong  sa mga bisig ang dalaga na tila alam na ang susunod na mangyayari. “He didn’t make it…”

            ‘Ed didn’t make it… Ed didn’t survive… Ed was gone… At sinong susunod? Sinong susunod sa amin?’




*****

****

                                                                                                                                                                                                           

“IT WAS ALL MY FAULT. Kung nabasa ko lang ng mas maaga ang message niya… Kung nasagot ko lang kaagad ang tawag niya… Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito…” iyak ni Joy  habang nakayakap kay Cez. Kakarating lang nina Kai at Cez sa lugar kung saan naaksidente si Ed. 

            “Joy, it wasn’t your fault. Walang may gusto ng nangyari kay Ed. It was an…” kahit si Ryan ay nagdadalawang isip sa susunod na salitang nais bitawan. “It was an accident.”      

            “Mukhang napapadalas na talaga ang pagkikita-kita natin…”

            Sabay-sabay silang halos napalingon sa nagsalitang si detective Darwin.

            Pinunasan na ni Joy ang mga pisnging nabasa ng luha gamit ang likod ng mga palad at bahagya ng lumayo kay Cez.

            “Anong ibig ninyong sabihin detective?” hindi gusto ni Kai ang tono ng pananalita ng detective. Parang may laman ang sinasabi nito.

            “Wala lang. Napansin ko lang na parang ang liit ng mundo para sa ating lahat. Anyway, siguro naman alam ninyo na kung anong nanagyari dito. Ang ipnagtataka ko lang ay bakit ikaw ang kahuli-hilihang nasa dialled numbers ng cellphone ni Ed, Joy.”

            Sabay-sabay silang halos nagkatinginan na magkakaibigan.

            “Ilang minuto lang bago nangyari ang aksidente ng tawagan ka niya,” muling sabi ni detective Darwin habang nakatingin ng seryoso kay Joy. “May nabanggit ba siya bago kayo umalis ng bahay ng Periabras.”

            “May dapat kayong malaman, detective,” biglang sabi ni Joy. Hindi na niya kaya pang itago ang lahat. Pakiramdam niya anumang oras ay maaaring isa sa kanilang  magkakaibigan ang susunod na mapahamak.

            Bumakas sa mukha ni detective Darwin ang excitement sa sinabing iyon ni Joy. Napapalunok ito na halatang nagkaroon ng malaking interest sa susunod pang sasabihin ng dalaga.

            “There was something happened -” Napatingin si Joy sa kamay ni Ryan na bahagyang pumisil sa balikat niya na nagpahinto rin ng dapat ay sasabihin niya.

            “Nag-text kasi si Ed sa kanya na didiretso sa bahay nila.Nabasa ninyo ba iyon sa sent items ng cellphone ni Ed?” tanong ni Ryan.

            “Oo, na-check na namin ang inbox, sent items at call logs ng cellphone niya. Ang unang hinala namin, naghahanap siya ng kaibigan na makakausap kaya ikaw ang tinext at nais niyang puntahan, Joy. Pero may iba pa ba kayong alam kung bakit si Joy ang tinawagan at gusto puntahan ni Ed?”

            “Wala na detective.”

            Napatingin siya sa serysong mukha ni Ryan na patuloy lang sa pagsagot kay detective Ryan. Bakit pakiramdam niya ay hindi si Ryan ang nagsasalita?

            “Ms. Joy?”

            Muli niyang naramdaman ang pagpisil ni Ryan sa balikat niya ng mapaharap siya sa detective. “Ryan’s right. Wala na po akong ibang alam na pwedeng dahilan, detective.”




***

***

***

***

***

Sino kaya ang susunod?

Continue Reading

You'll Also Like

3.8K 271 9
A collection of GxG and BxB stories that will either leave a smile on your face or leave you in tears.
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
2.3K 88 21
"Ideas are the root of creation." -Ernest Dimnet This book is a collection of ideas that suddenly came to mind while walking or sitting or watching o...
6.7K 293 15
From Kilig Republic's Bukas Na Lang Kita Babastedin, the kilig story continues after Cielo and Danica tied a knot. Tulad ng iba, dumaan din sila sa a...