PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
The Handsome Flower
AiTenshi
March 11, 2020
Part 22
"Iyan ang dapat sayo Blas, alter na alter ka talaga. Sanay na sanay kang gumawa ng kababalaghan sa CR. How cheap!" ang maarteng wika ni Lippi habang naka sunod sa akin hallway na parang isang lamok na bulong ng bulong.
"Sana nga ma kick out kana dito sa campus para mabawasan na ang feelingerong social climber." ang wika Evan kaya naman noong tumapat ako sa basurahan ay hinawakan ko ito saka inamba sa kanila dahilan para kapwa sila mapatili at mag tatakbo palayo sa akin.
Kahapon lang naganap ang malalang away sa pagitan naming tatlo ni Yuji. Halos hindi ko pa rin nakakalimutan ang mala demonyong mukha ni Yuji na parang papatay sa galit. Ang kanyang kamao ay nag dulot ng malaking pasa sa aking bibig at pumutok rin ang likod ng aking ulo kaya tinahi pa ito at nilagyan ng bundahe.
Hindi ko maunawaan, ngunit kung ganito ng ganito ay mas mabuti pang tuluyan na akong lumayo kay Yuji at sa F4 para sa ikatatahimik ng aking buhay. Ginawa ko naman ang lahat ng paraan para mamuhay ng normal, sinunod ko ang libro ng griyego kung paano mabubuhay ng positibo pero sa huli ay bale wala pa rin ito dahil si Yuji ay isang kampon ng kadiliman. Para siyang isang leader ng kulto na sumasamba sa masamang elemento.
Tahimik akong nag lakad sa hallway patungo sa hagdan na mag dadala sa aking sa 3rd floor kung saan pinatawag kaming tatlo para sa guidance and counseling ukol na naging away namin kahapon. Haharap din kami sa mga dean at head ng bawat department nag hain si Yuji ng statement na ikick out kami ni Kiro sa campus. Nirequest rin niya na iterminate ang aking scholarship dahil sa ginawa kong sexual act sa loob ng cr.
Pag dating ko sa 3rd floor ay naabutan ko si Yuji at Kiro na nakaupo, mag kahiway at parehong seryoso.
Tiningnan ako ng masama ni Yuji at siya ang unang pumasok sa silid kung saan magaganap ang aming pag haharap.
"Sorry sa nangyari." ang wika ko sabay tabi kay Kiro.
"Wala iyon, huwag kang mag alala dahil mananaig ang tama. Basta sumunod ka lang at sumakay sa akin." ang wika niya habang naka ngiti sabay hawak sa aking kamay at hinila niya ako papasok sa loob ng silid. Hindi ko alam kung anong balak niya noong mga sandaling iyon pero mainam na sakyan ko nalang ito dahil may tiwala ako kay Kiro. Alam kong hindi niya ako ipapahamak.
Mag kahawak kami noong pumasok..
Dito ay napatingin sa amin ang lahat kabilang na si Yuji na napatitig sa aming holding hands..
"Maupo na kayo, Kiro at Blas para masimulan na natin ang pag uusap." ang wika ng guidance.
Umupo kami ni Kiro ng mag katabi habang si Yuji ay nasa kabilang sulok at hindi maipinta ang mukha.
"Ayon sa reklamo ni Mr. Guarin, kayong dalawa ay may ginagawang kababalaghan sa CR, madalas rin kayong mag kita sa rooftop para mag ligawan habang nasa oras ng klase." ang wika nito.
"Wala naman pong katotohanan ang ibinibintang ni Yuji. Gawa gawa lang niya ang lahat ng ito dahil siya ay may tama sa utak." ang sagot ko.
"Sinasabi mo bang nasisiraan ako ng bait? Hindi mo ba kilala kung sino ang kausap mo?! Gusto kong alisan niyo siya ng scholarship at ikick out sa paaralang ito." utos nito.
"Mr. Guarin. Nag aalis lamang tayo ng estudyante kung siya ay mapapatunayang may kasalanan. Ang scholarship ay otomatikong maaalis kung hindi na niya kayang imaintain ang grado na 1.71 o 90% ng average. Ngayon ay gusto kong tanungin ang ating mga dean kung ano ang performance ni Mr. Blas Herera nitong nakakaraang terms at kapag napatunayan na ay bumaba sa quota, siya ay maalisan ng scholarship. Mga dean, nais kong malaman ang inyong assessment." ang wika nito
"Mr. Councilor, narito po ang gradong isinumite ng mga guro ni Blas sa bawat subject. Ayon sa kanilang report ay nasa average ng 93% o 1.69 ang marka ni Mr. Herera kaya't pasok pa rin ito sa quota. Siya nag aaral mabuti at top 4 sa buong department." ang paliwanag ng Dean.
"Kung ganoon ay hindi maaaring iterminate ang scholarship ni Blas." ang wika ng guidance.
"Anong hindi? Patalsikin niyo lahat ng guro, dahil mga sinungaling sila!" ang wika ni Yuji.
"Mr. Guarin, mahirap humanap ng guro sa panahon ngayon. Kulang na sa guro ang ating paaralan, hindi makabubuti na tayo mag alis. Iyon ang bilin ng mga director kasama na ang iyong ama." ang sagot ng guidance.
"Kung ganoon ay patalsikin niyo nalang sina Blas at Kiro dahil ginagawa nilang motel ang paaralang ito." ang wika ni Yuji.
"Kakaiba rin ang pag iisip mo hano? Wala kaming ginagawa ni Kiro doon!" ang sagot ko.
"Narinig kong may CCTV sa hallway ng CR. Totoo ba iyon?" tanong ni Kiro.
"Totoo iyon, nag lagay nv CCTV sa hallway ng CR upang mamonitor ang mga estudyanteng tumatambay doon ng matagal para manigarilyo at mag bisyo. Isa pa ay mamahalin ang mga gamit at supply sa CR kaya nag lagay ng camera doon. Pero nililinaw namin na ito ay hanggang hallway lamang. Walang camera sa mga cubicle para sa inyong privacy." paliwang nila.
"Kung ganoon mag rerequest ako na kuhanin ang record sa CCTV upang mapatunayan na hindi totoo ang paratang ni Yuji." wika ni Kiro.
"Kung iyan ang inyong nais." ang wika ng guidance sabay tayo at tinawagan ang nag momonitor sa mga surveillance camera ng campus.
Habang nag hihintay ay nakatingin lang sa amin si Yuji, parang hindi ito natulog sa kanyang eyebags at mukha. Maya maya ay nagsimula na si Kiro sa kanyang plano. Ang kanyang kamay ay gumalaw at inilagay sa aking pisngi. "Ayos na ba yung pasa mo?" tanong niya.
Hinawakan ko rin ang kanyang labi at pinag masdan ang pasa dito. "Mas maga yung sayo e." ang wika ko.
"Ganyan na ba kayo kalalandi? Pati dito sa guidance office ay hindi niyo mapigilan ang kakatihan niyo? Huwag kang gumanyan Blas, pag labas mo dito ay 10 black card ang ireregalo ko sa iyo." ang wika nito na hindi maitago ang pag kainis.
Titingin sana ako sa kanya pero hinawakan ni Kiro ang aking mag kabilang pisngi iniharap ako sa kanya. "Stick ka sa plan." bulong niya.
Tumango ako at saka ngumiti. Hindi namin pinansin si Yuji na noon ay umuusok na ang tainga sa galit.
Maya maya ay pumasok na ang officer incharge sa security camera at dito ay binuksan niya ang laptop na nag lalaman ng recordings ng kaganapan kahapon sa loob ng CR. Lahat kami ay humarap dito para panoorin ang mga naganap noong mga oras na iyon. Ang insidente ay naganap ng alas 10 ng umaga.
8:45 AM: pumasok si Lippi sa loob ng CR, nag salamin, nag lagay ng liquid foundation sa mukha. Kumuha rin siya ng eyeliner at nilagyan ang kanyang mata. Pumose pa ito sa salamin at saka nag selfie. Maya maya ay inahit niya ang kanyang kilay at saka nilagyan ito ng linya.
9:00 AM pumasok naman si Evan, kumuha ng cellphone at saka nag pictorial sa sink. Tinawag pa niya si Lippi para picturan siya sa mala model na pose. Maya maya ay kinuha niya ang dildo sa bag at pumasok sa cubicle. Tumagal siya doon ng 10 mins, pag labas niya nag yosi ito at saka nag ayos ng sarili.
9:20 AM lumabas si Evan at pumasok ang dalawang lalaki sa upper class at saka nag halikan ng torrid..
9:55 pumasok kami ni Kiro sa CR. Dumiretso ako sa sink para mag hilamos ng mukha. Si Kiro ay pumasok sa cubicle para umuhi, lumabas ito at nag hugas ng kamay. Ako naman ay nag gargle ng mouth wash, samantalang si Kiro ay nakatayo sa aking likuran at nag cecellphone.
Lahat kami sa silid naka titig sa susunod ng mangyayari. Inaabangan ang "milagrong magaganap" pero wala naman talaga.
Nag patuloy ako sa pag lilinis ng mukha at noong pumalo sa 10:00 AM ay pumasok si Yuji, nanuntok, inawat ko sila pero ako ang nasuntok dito. Sa ikalawang pag kakataon ay sinubukan ko ulit umawat, kitang kita ni Yuji na niyakap ko siya ng mahigpit pero sinabutan niya ako at tinabig ang aking katawan dahilan para mabagok ako sa lalabo.
10:05 AM dumating sina Gavin, Erjun, Bam at iba pa para umawat..
End ng clip
Tahimik..
Tila napahiya si Yuji. "Mr. Guarin, mali yata ang paratang mo kina Kiro at Blas. Walang naganap na kababalaghan sa kanilang dalawa. Kaya't hindi namin maaaring sundin ang iyong nais na patalsikin sila dahil wala silang ginagawang mali o violation sa paaralan." ang wika ng guidance habang naka tingin sa inulit video sa ibang side ng camera.
Hindi naka kibo si Yuji. Napahiya ito..
Tumingin siya sa akin at nag wika "tingnan mo ang ginawa mo. Kiro, hindi pa rin mababago ang desisyon ko." ang wika niya sabay alis sa silid. Dito ay sinalubong siya ni Gavin at sinundan palayo. Naiwan naman si Erjun at lumapit kay Kiro.
"Blas at Kiro, wala kayong dapat ipag alala. Clear ang inyong record. At sa iyo Blas, ipag patuloy mo ang iyong excellent performance." ang wika ng mga dean at dito ay mag kakasabay kaming lumabas sa silid kung saan maraming students ang nakiki usisa..
Maya maya humarang si Lippi sa amin. "Mainam naman at na kick out kana rin sa campus na ito. Ang kapal kapal ng face mo na dumikit sa F4. Iyan ang bagay sayo. Goodbye Blas! Blasting Off kana doon sa gate!"
"Tama iyon, mabuti at napatalsik kana rin. Iyan ang bagay sa social climber na katulad mo." ang wika ni Evan.
Humarap sa kanila ng guidance councilor. "Pero hindi naman napatalsik sina Blas at Kiro. Napatunayan na inosente sila. At sa iyo Mr. Evan, iwasan mo ang pag yoyosi sa CR dahil baka bumaho ito. Mayroon kanang isang violation." ang wika nito.
"Kaya naman pala amoy yosi sa CR ay dahil si Evan laging nag yoyosi. Mabaho pala ang hininga niya!" ang wika ng mga estudyante.
"Excuse me! Regular ang dental check up ko kaya hindi mabaho ang hininga ko. Baka kayo iyon! Kapapangit ninyo!" ang wika niya
"Mas pangit kayo. Foundation niyo bahid bahid!" ang sigaw nila.
Kinuha ni Evan ang kanyang salamin at dito ay nakita niyang hindi na pantay ang kaniyang make up kaya nataranta ito ng husto.
Tawanan..
Natahimik si Evan at napahiya rin. Umalis ito at hinila si Lippi para samahan siya sa pag layo.
Samantalang ngumiti naman sa akin si Kiro at saka inakbayan ako. "Congrats sa magaling na academic performance." ang wika niya.
Ngumiti ako "Salamat. Mas pag bubutihin ko pa para matuwa sila mama. Kailangan ko talagang pag butihan dahil mayroon akong pangarap." ang tugon ko at mag kasabay naming tinahak ang hallway na nakataas noo.
Itutuloy..