Haunting Aubrey (SEXY BLACK D...

By HippityHoppityAzure

324K 5.9K 388

(š’š„š—š˜ šš‹š€š‚šŠ šƒš®šØš„šØš š² ššØšØš¤ šŸ) She is Aubrey de Vera, and she's gonna get "seductively" hau... More

Haunting Aubrey
Chapter 1: A Part of The Past
Chapter 2: Chester
Chapter 3: What He Wants
Chapter 4: The Broken Girl
Chapter 5: Violinist
Chapter 6: Ave Maria
Chapter 7: Her Decision
Chapter 8: Sensing Trouble
Chapter 9: Haunting in Japan
Chapter 10: A Favor
Chapter 11: New Side
Chapter 12: Hurt More
Chapter 14: Again
Chapter 15: That Dirty Woman
Chapter 16: Shouldn't She?
Chapter 17: Trial
Chapter 18: Feelings, Emotions
Chapter 19: Bloody Mess
Chapter 20: Angel
Chapter 21: Resolution
Chapter 22: Race
Final Chapter: Game Over

Chapter 13: Reckless Night

10.8K 190 7
By HippityHoppityAzure

Chapter 13: Reckless Night

MAY KAKAIBANG NARAMDAMAN si Aubrey habang inaalalayan siya ni Harry patungo sa kotse nito.

            The English man’s hand... Nakahawak ito sa likod niya kanina. But now, it slid downwards, touching her behind instead.

            Kaya nga lang, masyadong lango sa alak si Aubrey para ma-proseso ng utak niya ang nagaganap—at ang posible pang maganap sa pagsama niya sa lalaking ito.

            “Take your damn hands off her.”

            Dalawang hakbang na lamang ang layo nila Aubrey sa kotse ni Harry nang may lalaking malakas na nagsalita sa likuran nila.

            That voice...

            “What’s your problem, man?” Iritang tanong ni Harry dun sa lalaki.

            “You.”

            “Me? Ah!” Napabitaw si Harry kay Aubrey dahil sinapak ito bigla nung lalaki.

            Nakanganga at kunot-noong napalingon si Aubrey sa nanapak. Pero ang pagkakunot-noo niya ay napalitan ng pamimilog ng mga mata nang makita niyang si Chester iyon.

            “Son of a bitch!” Galit na ginantihan ni Harry si Chester—and the jerk received an equal punch on his face.

            “H-Harry? Uh, w-wait!” Sigaw ni Aubrey pero ‘yung dalawang lalaki, nagpalitan na ng sapak at sigawan.

            Masakit ang ulo ni Aubrey pero buhay na buhay ang dugo niya sa kasalukuyang gulo na nagaganap.

            Hindi pala ako nagkamali noon. Parehas ngang gago ang dalawang ‘to! Bakit ba bigla-bigla na lang silang nagsimula ng sapakan?!

            “Hey! Chester! Tama na! Stop it you two! Please!” Aubrey tried her best na awatin ‘yung dalawa. Kaso takot din siyang pumagitna. Mamaya siya pa ang masaktan ng mga ito.

            Bakit ba kasi walang tao sa paligid? Bakit ba ganito sa Japan? Hindi ba uso sa kanilang lumabas ng bahay ng ganitong oras ng gabi?!

            Unti-unti na lang siyang nalalamon ng takot nang makita niya na duguan na ang mga labi nung dalawang lalaki. Both also had their own cuts and bruises on their faces. Mas malala nga lang ang itsura ni Harry. At ito pa ang dehado dahil halos hindi na ito makalaban. Nakuwelyuhan na ito ni Chester at tinulak sa gilid ng kotse nito.

            “Yea?” Hinihingal pero nakangising bulong ni Chester kay Harry. Duguan na nga, nagawa pang ngumisi. “I’m not afraid of you, asshole. I’m not afraid of anyone so spare me your shitty threats.” At sinuntok pa nito sa tiyan ang kaaway.

            Napaupo na si Harry habang umuubo, at tinalikuran na ito ni Chester.

            “Are you okay?” Tanong ni Chester kay Aubrey habang papalapit sa kanya.

            Ako pa talaga ang tinanong niya no’n? Gago ka talaga siya.

            “Let’s go.” Hinawakan siya nito sa kamay at inilayo sa lugar na iyon.

            Nakaparada pala ang kotse ni Chester sa hindi kalayuan. Pinasakay siya nito sa passenger seat at saka ipinagmaneho.

            “Tatawagan ko na lang si Janice at ipapahatid bukas ang naiwan mong gamit dun sa resto.” Malamig na salita ni Chester sa gitna ng pananahimik nila.

            “Kilala mo si Janice?” Gulat na tanong ni Aubrey.

            “I do.” And he turned the car to the left.

            Aubrey stared at him, getting the urge to ask how he knew the Pinay organizer. Pero hindi na siya nag-abalang magtanong.

            Maraming koneksyon ang gagong ‘to. That’s for sure.

            “But why beat up Harry all of the sudden, huh?” Ayun ang hindi niya napigilang itanong. “Are you out of your mind?”

            Ngumisi ito nang hindi tumitingin sa kanya. “Maybe I am out of my mind. Nakainom na nga ako, ganong eksena pa nakita ko.”

            “Anong eksena huh?” Sumasakit na naman yata ang ulo ni Aubrey.

            “Ganyan ka ba talaga kapag nakakainom, Aubrey? Nagiging tanga?”

            Sobrang lumukot ang mukha niya sa huling salitang narinig. Tanga?

            “That asshole was groping you.” Tila may pigil na pangggigil sa tono nito.

            Natigilan naman si Aubrey at pilit inalala ang mga nangyari.

            Groping me... Harry...

            Mabilis na bumalik sa isipan niya ang naramdaman na paghawak ni Harry sa likod niya—na bumaba pa sa pang-upo niya.

            “If I didn’t catch that,” tuloy ni Chester sa hindi nagbago na tono. “Where do you think you could be right now?”

            Ang sabi ni Harry ibabalik na raw niya ako sa hotel ko. Pero totoo kaya ‘yon?

            Biglang natakot si Aubrey sa pag-iisip ng kung anong posibleng nangyari sa kanya kung tuluyan siyang napasama kay Harry. Pero nahiya rin siya sa kasalukuyang kasama.

            Nagiging tanga nga ako kapag nakainom... At dahil sa katangahan ko...

            Pasimple niyang tinignan ang mukha ni Chester. May blood stains pa rin ito sa gilid ng labi at unting galos sa pisngi.

            God... Napabuntung hininga siya kasabay ng pagdungaw sa labas ng bintana. Nagi-guilty siya na may kailangan pang madamay sa katangahan niya. Pero thankful din naman ‘cause now, she was safe.

            Pagkabalik nila sa hotel, pinilit ni Aubrey na makatayo at makapaglakad nang maayos para hindi na niya kailanganin ng tulong mula sa lalaking nagligtas sa kanya. At dahil ayaw niya na magkautang ng loob dito...

            “W-wait, wait!” Didiretso na dapat si Chester sa elevator pero hinatak ito ni Aubrey sa braso at pinalapit sa reception desk na may dalawang naka-stand by na staff.

            “What?” Asar nitong tanong.

            “Excuse meee,” hindi niya pinansin ang reklamo ng gago at kinuha na lang ang atensyon ng babaeng receptionist, who gasped at their boss’ condition.

            “Good evening, sir, ma’am.” Yumuko ang parehong receptionist sa kanila.

            “Uhm, can you please send a first aid kit to my room? Room 854—uhh, 8541. Thanks.” At hinatak na ulit niya si Chester pa-elevator.

            “Kung pinaplano mo na dalhin ako sa kuwarto mo, then you’re going to fail.”

            Napakunot-noo si Aubrey sa sinabi ni Chester. Nagbukas na rin ang elevator kaya muli niya itong hinatak papasok doon.

            “Ikaw na nga ang gagamutin ikaw pa ang nag-iinarte?!” She pressed the eight floor button kung nasaan ang kuwarto niya at saka sinara ang elevator.

            Pagkarating nila sa eight floor, hinatak na naman ni Aubrey ang kasama pero hindi na ito nagpahatak.

            “You go now to your room and take a rest. Kaya ko nang gamutin ang sarili ko.” Chester then pressed the twenty-ninth floor button.

            Hindi na nakagalaw si Aubrey. Marahan tuloy siyang tinulak ni Chester palabas ng elevator. Pero agad siya natauhan at hindi nagpatalo. Nanatili siya sa loob at sinara na ang elevator, letting herself go up the twenty-ninth floor with him.

            Saglit na nabigla ang binata sa ginawa niya. “What the fuck are you planning to do?”

            “Kung ayaw mong pumunta sa kuwarto ko, ako na lang ang pupunta sa kuwarto mo.” Dinuro niya pa ito.

            Chester let out an exasperated breath. “This is a wrong time, Aubrey. Wrong time. Wrong situation. You—you’re making it harder for me.”

            “Anong wrong time?! Eh kailan pa kita gagamutin? Kapag magaling ka na?”

            “Damn it,” iniwas nito ang tingin sa kanya.

            “Tigilan mo na nga ‘yang kaartehan mo Chester! Just let me do this nang wala na akong utang na loob sa’yo!”

            Soon they reached the twenty-ninth floor. Si Aubrey pa ang unang lumabas ng elevator. Medyo nagpagewang-gewang pa siya pero pinilit muling umayos ng lakad.

            “So where’s your room?” Tumingin siya sa kanan at kaliwa, then nagpamewang sa harapan ni Chester.

            “I won’t tell you. Bumaba ka na sa kuwarto mo.”

            Nagtaas ng isang kilay si Aubrey. “No problem.” At naglakad siya sa kanan. “Eh ‘di iisa-isahin ko na lang ang pagkatok sa mga kuwarto rito.”

            “Fuck.”

            Nakakita na ng unang pinto si Aubrey at agad itong binira ng katok. “Excuse me! Uhm—”

            Napatigil din si Aubrey dahil hinatak na siya ni Chester palayo roon sa pinto. Dinala siya nito sa kasunod na pinto kung saan sila pumasok.

            “Oooh. Ito pala!” Ngumiti si Aubrey, sabay sinok. “Oops.” Natawa siya at tumuloy sa loob.

            Ang laki ng kuwarto ni Chester. Ah, hindi na pala kuwarto iyon. Halos isang buong bahay na iyon sa laki at pagka-kumpleto ng gamit.

            Presidential Suite, maybe?

            “So nasaan na ang first aid kit?” Nagtanggal siya ng suot na coat at umupo sa mahabang sofa.

            Hindi umimik ang kinakausap niya. Basta na lang ito pumunta sa kung saan mang parte ng suite nito.

            Ang tagal bumalik ni Chester. Naiinip na si Aubrey. Pero binalikan din naman siya nito. Naka-polo na lang ito at dala ang first aid kit—na binato nito sa tabi niya.

            “Galit?” Inis niyang tanong.

            “Nagtitimpi lang.”

            “Alam mo, sa susunod, kung ayaw mong kulitin kita nang ganito, huwag mo na akong pakialaman—kahit ano pang mangyari sa akin. Kasi sa totoo lang, ayokong nakikitungo sa’yo. And this?” Tinaas niya ang kit. “Gagawin ko lang ‘to dahil ayoko ngang magka-utang ng loob sa katulad mo.”

            Nagtitigan sila ni Chester. Parehas na may talim ang tingin nila sa isa’t isa.

            “Umupo ka nga dito nang matapos na ‘to!” Naghanda na siya ng bulak at nilagyan iyon ng Betadine.

            Umupo nga si Chester sa tabi niya at diretsong tumingin sa may TV. Lumapit pa si Aubrey rito para maabot ang mukha nito. At dahan-dahan, dinampi na niya ang gamot sa mga galos nito.

            Nawi-weirduhan nga lang si Aubrey kasi... kasi si Chester ito. She was being nice to this guy who was being a jerk to her. Hindi niya akalaing magkakaroon sila ng ganitong interaction ngayon, all after what they shared in the past—a memory which she thought she’d never recall, ever.

            “Humarap ka naman,” she told him.

            Nagbuntung hininga ito bago humarap sa kanya, with eyes looking into her own eyes.

            And it felt weirder.

            “Humarap ka lang. Huwag mo akong tignan.” Pagtataray niya rito sabay dampi ng gamot sa sugat nito sa gilid ng labi.

            “Why not?”

            Kumabog ang dibdib niya sa tanong nito. Ang mga pisngi niya na kanina pa nag-iinit dahil sa alkohol na nainom ay lalo pa yatang nag-init.

            “Basta huwag mo akong tignan.” Nakasimangot siyang kumuha ng bagong bulak para lang makaiwas sa tingin nito.

            Nang dadampian na niya ng gamot ang sugat nito, aba. Nakatingin pa rin ito sa kanya.

            “Ang kulit mo.” Inis niyang sabi at bara-bara nang dinampi ang bulak sa sugat nito.

            “Aw!” Iniwas ni Chester ang mukha. “That hurt!”

            “Tiisin mo! Nakipagbugbugan ka eh! Ginusto mo ‘yan eh!” Hinawakan niya ito sa baba at sadyang diniinan ang bulak sa sugat nito. Para man lang makaganti rin siya sa mga panggugulong ginawa nito sa buhay niya.

            “Stop it!”

            Hindi siya nagpatinag sa inis na inis na daing ni Chester.

            “I said stop!” Sumigaw na ito nang pagkalakas-lakas. Sa lakas ay dumagundong ang boses nito sa buong bahay at maging sa mga tenga niya. Galit din itong tumingin sa kanya, dahilan para mapahinto na siya.

            Pero hindi! Hindi ako papatakot sa gagong ‘to! Siya na nga ang ginagamot, siya pa galit?!

            Muli niya itong tinira ng bulak sa sugat nito—madiin at paulit-ulit. Sadya siyang nang-aasar.

            “Ugh!” Talagang nasasaktan si Chester sa ginagawa niya.

            Nakangiting demonyo si Aubrey. Tuwang-tuwa siya sa ginagawa. Pakiramdam niya lang, nakakaganti na siya.

            “Tsk!”

            Napasinghap na lang siya nang mahigpit siyang hawakan nito sa braso.

            Patay ako.

            Nang lingunan niya ito, naramdaman niya ang mabilis na paghawak ng isa pa nitong kamay sa kanyang batok at saka sinubsob ang mukha niya palapit sa sarili nitong mukha, hanggang sa maangkin na nito ang mga labi niya.

            Nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat. Nabitawan ng kamay niya ang kaninang hawak-hawak na bulak bago naisipang magpumiglas.

            “Mmm!” Pilit niyang inilalayo ang mukha niya rito, pero sadyang malakas si Chester. Ang diin ng pagkakahawak nito sa kanyang batok.

            Oh God! No, no! Aubrey was freaking out mentally. Inihiga na kasi siya nito sa sofa at hawak-hawak nang mahigpit ang dalawa niyang braso sa magkabilang gilid ng kanyang mukha habang marahas siyang hinahalikan.

            Sinubukan niya itong tuhurin o sipain, but to no avail dahil idiniin na nito ang katawan sa pagitan ng kanyang mga hita. And her insides tensed as he did that.

            “Ch-Chester?!” Finally, nakasigaw na rin siya dahil binaling nito ang mga labi sa kanyang pisngi. “Please stop this!”

            But the jerk wasn’t listening to her plead. Nagpatuloy ito sa paghalik pababa sa kanyang leeg.

            “D-damn,” naipit ang pagsigaw niya nang maramdaman ang mga labi nito sa sensitibong bahaging iyon ng katawan niya. Idagdag pa roon ang lalong pagdiin nito sa ibabang bahagi ng katawan nila. Those made her body start to betray herself—her own mind. It was as if her body was telling her, Ito na. You badly wanted this, right? Matagal ka nang nagpipigil to feel that pleasure again. Now, here it is.

            Napakagat labi na lang si Aubrey habang nakikipaglaban sa dalawang magkaibang damdamin.

            Yes or no?

            “Ah,” she softly let out a gasp as Chester bit her ear.

            Natawa naman ito nang mahina at bumulong, “Yes.”

            Binitawan na nito ang mga braso niyang hindi na pala nagpupumiglas, at saka siya muling hinalikan sa mga labi na ngayon ay sinagot na niya.

—TBC

Continue Reading

You'll Also Like

10.6M 145K 50
10.3K 213 4
DELICIOUS TROUBLE (Kitchen Lover Series 1) Famous designer Charlie de Vera promised not to look back to the old life that she had. But when her mento...
4.5M 58K 44
Handa ka bang harapin ang mga kaparusahan kapag ginawa mo ang bawal? R-18
87K 1.7K 13
A guy who's afraid of commitment... and the girl he loves the most. ** Status: Completed Cover by: wp_mariawhyyy (Twitter)