Heart of Stone (Montenegro Se...

By littlemsweirdwriter

102K 1.6K 109

Arabella Frances Fuentes is a hopeless romantic kind of lady. After being traumatized from her first break up... More

Heart of Stone
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 13

2.1K 41 2
By littlemsweirdwriter

Chapter 13

Umuwi na rin si Joaquin pagkatapos kong i-kwento sa kanya ang naging flow ng program kanina. Hindi ko alam bakit kahit antok na antok na siya ay sobrang attentive pa rin. Madaling araw na siya nakauwi dahil nagkwento pa siya how he easily closed the deal in New York and booked a flight immediately just to see me today.

Hindi ko rin alam anong nangyayari sa utak ko at parang sumasang-ayon na sa puso kong marupok. I shouldn’t be letting him these things but I couldn’t help it. Alam kong mahirap tanggihan ang isang katulad niya. And I know for sure that I will have more heart vs. mind battle in the future.

Kinaumagahan ay napagdisisyonan naming lumabas ng mga kaibigan ko. Napag-usapan na rin namin na sa susunod na linggo na lang umuwi sa probinsya dahil gusto pa namin magsama-sama dito sa bahay for at least another week without stress.

“Daan muna tayong Department store. Bibili ako ng regalo, anniversary namin bukas,” maligayang wika ni Alyssa.

Nangiti naman ako. “Anong regalo ba bibilhin mo?”

“Wala nga akong maisip, e. Any suggestions?”

Nagkibit-balikat ako. “Huwag ako ang tanungin niyo. Alam niyong wala akong alam sa mga ganyan.”

Nagtingin tingin kami ng mga panlalaking damit. Alyssa decided to buy her boyfriend a polo shirt and a pair of shoes. I think it’s a good idea.

Napadaan kami sa part ng mga lingerie. Nilapitan ni Tracey ang isang kulay itim na lingerie.

“Alyssa, bili ka nito!” She laughed.

“Oh, no...” I said grinning. I could feel my cheeks heating up.

“Huwag ka gumaya kay Ara na napakaconservative. Kita mo, namumula na agad ang pisngi.”

Parang naaasiwa namang nakatingin si Alyssa habang tumatawa rin.

“Magkano?”

My eyes widened. “Bibilhin mo talaga?” Hindi makapaniwalang tanong ko.

Ngumuso siya. “Maybe... For future purposes.”

I licked my lower lip. I couldn’t imagine her wearing that!

“What the...”

They both laughed at me. “Kakailanganin mo rin ’to sa future, Ara. Might as well buy one?”

I gave them a disgusted look. “Tigilan niyo nga ako.”

Lalo pa silang tumawa sa naging reaksyon ko. I’m really not a fond of those things. Gosh.

Nilapitan sila ng sales lady at nagpakuha ng stock. They’re really serious on buying one.

Matapos bumili sa department store ay namili kami ng grocery para sa isang buong linggo bago umuwi sa Bulacan. Then after that, we went home.

Dinukot ko sa bag ko ang cellphone ko nang tumunog ito.

Joaquin:

Where are you?

Ako:

Bahay na. Why?

Joaquin:

Just got out from work. I’ll go there.

I smiled and got excited.

Ako:

Okay, ingat. See you!

It’s six in the evening. Maaga ata ang out ni Joaquin.

“Ligo lang ako. Kapag dumating si Joaquin, sabihin niyo nasa cr ako.”

Tumango naman sila habang abala sa panunuod ng tv. Ngunit natapos na akong maligo ngunit wala pa ring Joaquin ang nagpapakita. I checked my phone if there were any messages from him pero wala.

Ako:

Where are you?

Ilang minuto ang lumipas nang may bumusina sa labas. Guess that’s Joaquin. Lumapit agad ako sa pintuan at inabangan siyang makababa ng sasakyan. Ginawaran niya ako ng halik sa noo.

“I bought you a snack. Sorry to keep you waiting.” Tinaas niya ang dala dalang dalawang box ng donuts at ilang plastic na galing sa fastfood.

Tumaas naman ang kilay ko. “Matutuwa na naman sila,” I said pertaining to my friends who are a sucker for Joaquin’s pasalubong.

He chuckled. Iginiya ko siya papuntang sala. Halos tumalon naman sa tuwa ang mga kaibigan ko nang makita ang mga dala niyang pagkain.

“Ang aga mo ata,” panimula ko.

“The meeting ender earlier than expected. And I already missed you so...”

Naghagikgikan ang dalawa kong kaibigan habang ako’y namumula na sa kinauupuan. Hindi ako sanay sa mga ganitong banatan, dagdagan pa na nandito ang dalawa kong demonyong kaibigan.

Nagkwentuhan kami at kumain. Alas otso na nang narealize naming kailangan na naming maghapunan.

“Ano? Magpadeliver na lang tayo?” suhestiyon ni Tracey.

“Um, if you wouldn't mind, may I bring Arabella to our house? Doon kami magdidinner.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Joaquin. Namilog naman ang mga bibig nila.

“Wow! Yeah, sure! Basta i-uwi mo agad ng maaga iyan, ha.”

“Wait,” wika ko.

“What?” natatawang tanong ni Joaquin.

“Don’t I have a say on this?”

I am not ready to go to his house!

“We are just going to have dinner with my Dad. He wants to know the girl I’m pursuing.”

Pumikit ako nang mariin sa kabang naramdaman.

“Don’t worry, he’s not going to put you on a hot seat. Besides, kilala ka na niya, hindi ba?”

Kinagat ko ang pang ibabang labi. Ang puso ko’y walang humpay sa pagkabog.

“Sige na, Ara. Sumama ka na,” pilit ni Alyssa at Tracey.

“Paano ang hapunan niyo?”

Hindi naman pwedeng kakain ako ng masasarap na pagkain doon at sila’y namomroblema sa kakainin dito.

“I will buy them their dinner, and next time I will bring you three to our house. I just need a personal time with Bella today.”

“Oh, go na! Bihis na do’n, Arabella!” mala nanay na utos ni Tracey.

Mabilisan akong naligo at nagbibis ng formal dress. Isang puting dress na hanggang hita ang sinuot ko. Fitted to sa akin kaya nakikita ang curve ng bewang ko. I partnered it with a two inches heels.

Bago umalis, in-orderan na ni Joaquin ng hapunan sila Tracey. Sinagot na ni Joaquin ang gastos kaya tuwang tuwa ang dalawa.

Pagkatapos noon ay tumungo na kami sa bahay nila. Ito ang unang beses na pupunta ako sa bahay nila at makakausap ang mayor nang kaswal dahil kasama namin sa hapunan. Namamawis ang palad ko kahit na malamig naman dito sa loob ng sasakyan.

Nilingon ako ni Joaquin at umismid siya.

“Don’t be nervous, Bella. It’s just a simple dinner.”

I let out a deep sigh. “Kahit na, Joaquin. It is your father we’re talking about!” I histerically said.

He chuckled at my reaction.

“You already met him, right?”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tumango.

“Oh, you’ll be fine, Bella. I’m just right here beside you.” Nilingon niya ko ng isang beses bago nagpokus sa pagmamaneho.

We entered a big gate with lots and lots of securities. Of course, a person like him would always need a security for safety.

Pinarada niya ang sasakyan sa harap ng bahay nila. It wasn’t a house. It’s actually a mansion. Tinulungan niya akong alisin ang seatbelt then he looked at me.

“Calm down, okay?”

I pursed my lips and nodded. He then smiled that made me trembled more. Oh, gosh!

Pinagbuksan niya ako ng pinto. He held my hand so tight as we enter their mansion. Isang malaking sala ang bumungad sa amin.

Napakaaliwalas tignan ng kanilang mansion. Puro puti at gold ang makikita mo. So, classic yet elegant. Sa kaliwang bahagi ay ang isang malaking litrato ng kanilang pamilya. Tinitigan kong mabuti ang litratong iyon, particularly his mom. Napakaganda. Parang anghel ang mukha. No wonder Joaquin is this handsome. Ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid ay ang gagwapo rin. They really have good genes, huh.

Natigil ang pag-iisip ko nang may biglang nagsalita.

“Sir Joaquin, nag-aantay na po sa dining si Mayor,” wika ng isa siguro sa kanilang kasambahay.

Pinisil ni Joaquin ang kamay ko. “Shall we?”

Marahan akong tumango at sumunod kung saan niya ko dadalhin.

Dinala niya ako sa isang mahabang dining table na may napakaraming putahe ng pagkain.

“Welcome, Arabella! Come, take a seat.”

Nilingon ko ang nagsalita. It was the mayor! Nakaupo na siya ngayon at inaantay na lang kamin dumating.

“Good evening po, Mayor.”

Tumawa silang dalawa ng anak niya. “Oh, don’t be so formal, hija. Come on, let’s eat.” I smiled as a response.

Inalalayan pa ako ni Joaquin sa pag-upo. Tumabi naman siya sa akin habang nasa kanan niya ang kanyang ama. Kaming tatlo lang ang kakain dito?

Ang dami daming ulam ang nakahanda tapos kaming tatlo lang?

“So, what’s the score between you two?”

Halos masamid ako sa biglaang tanong na iyon. Nanatili lamang akong nakatingin kay mayor habang si Joaquin ay nakangisi.

“Pa, she’s...”

“Oh! I’m sorry.” He laughed whole heartedly.

Naguguluhan kong tinignan si Joaquin ngunit nginisihan niya lang ako. Mas ayos na siguro ’yung natigil si Mayor kakatanong kaysa naman i-hot seat ako.

“Anyway, Nathan and Oliver wouldn’t be here today.”

Binalingan ko si Mayor na nagsasalita. “Kapatid ni Joaquin.”

Oh! Right. Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain.

“Kuya Nathan texted me yesterday. They’re already planning their wedding.”

May ikakasal na pala siyang kapatid. Maybe that Nathan was the eldest among them. Then, Oliver and Joaquin.

“That’s good news!”

Nagpatuloy ang kwentuhan. Tinanong din ako ni mayor tungkol sa pag-aaral ko at sa plano ko ngayong nakagraduate na ako. I’m fine with that instead of asking me questions about Joaquin and I.

Medyo humaba ang kwentuhan dahil nagkwento pa si mayor tungkol sa kabataan niya pati na rin kung paano niya nakilala ang kanyang asawa. Pati na rin kung ano ang buhay ni Joaquin noong bata pa. He said that Joaquin is really passionate about being a Lawyer.

Matapos no’n ay hinatid na ako ni Joaquin pauwi. Tulog na nang maabutan ko sina Tracey.

A week passed so fast. Nakauwi na rin ako sa Bulacan. Tuwing gabi ay napupuno ang isipan ko ng mga tanong at iba’t ibang ideya. Paano ako magrereview for the upcoming board exam? Am i going to pass it? If yes, where am I going to apply for work? If not, what’s my alternative plan?

Aside from that, I also realized how Joaquin and I changed these past few weeks. Napansin kong nitong mga nakaraang araw, I’m getting used to Joaquin texting me and... shit. Parang noon pinagtatabuyan ko pa siya. But now, I actually had a dinner with his father. I couldn’t believe I did that.

Isang buwan ang natitira bago ang board exam ko. Nilakad ko na ang mga papeles para doon through online. Buti na lang ay may online process na. I just need to wait for some notifications.

My phone rang and Joaquin’s name was plastered on the screen. Sinagot ko kaagad iyon habang nakatutok ang mata sa screen ng laptop.

“Hello,” panimula ko. I smiled at him.

“How is my Bella?”

I bit my lower lip.

I chuckled. “Fine. Ikaw?”

“Not really fine at all.”

Inayos ko ang laptop na nasa harapan ko.

“Bakit naman?”

“I miss you.”

Here we go again. Damn, Montenegro. Kailan ba ako mahihinto sa paghuhurumentado tuwing kausap kita.

“Don’t you miss me?” dugtong pa niya.

“Stop it, Joaquin. The last time I said I missed you, you rushed from New York to Philippines just to see me.”

He chuckled with what I said. “I don’t see anything bad from that, Bella. Unless, you’re giving me hint to travel from Manila to Bulacan?”

He sound so cocky!

“Bwisit ka!” Singhal ko sa kanya.

“What? I can do it if you want me to.”

“Tigilan mo ako, Mr. Montenegro. Just focus on your business and stop flirting with me.”

“You are my business, Bella.”

Alam kong nag-iinit na ang mukha ko ngayon sa matatamis na salitang naririnig ko galing sa kanya.

Hindi ako nakasagot agad dahil sa kahihiyang naramdaman kaya naman narinig ko siyang tumawa.

“Before you could even stop me, I am already on my way.”

“What?” gulat na tanong ko. “You’re driving right now?”

“Uh-huh...” cool na sagot niya.

“See you in a bit, baby.”

He ended the call immediately. Hindi pa nagpoproseso sa utak ko na pupunta siya ngayon. My goodness!

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 250 7
๏นใ€€แถป ๐—“ ๐ฐใ€€๊œœใ€€my universe !!ใ€€โ—ใ€€. โ‹‹๏น’๏น’ใ€€[2024] Awards book [Open] Want to show off your work to the world ? Let My Universe help you.
642K 39.5K 51
***Deliciously Rewritten 2020*** Who says you can only find love in a coffee shop? Korean restaurants work just as well. Bailey Cho has always worke...
1.1M 60.8K 39
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
13.1M 435K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...