Panty Hunter

By ajeomma

247K 6K 106

Magkakaibigan sina Miggy, Rudy, Odyll, Raddie, Meryll at Andy. Guwapo na ay matatangkad pa kaya kapag nagsama... More

Chapter 1 (Boso)
Chapter 2 (Boso 2)
Chapter 3 (Boso 3)
Chapter 4 (Boso 4)
Chapter 5
Chapter 6 (bulilyaso)
Chapter 7 (ayos ang buto-buto)
Chapter 8 (hinete)
Chapter 9 (gatas)
Chapter 10 (apartment)
Chapter 11 (party-party)
Chapter 12 (party-party 2)
Chapter 13 (party-party 3)
Chapter 14 (party-party 4)
Chapter 15 (party-party 5)
Chapter 16 (bimpo)
Chapter 17 (iskor)
Chapter 18 (bulsa)
Chapter 19
Chapter 20 (biton)
Chapter 21 (daing)
Chapter 22 (heaven)
Chapter 23 (room 303)
Chapter 24 (room 304)
Chapter 25 (room 305)
Chapter 26 (room 306)
Chapter 27 (room 307)
Chapter 28 (room 308)
Chapter 29 (panty)
Chapter 30 (galit)
Chapter 31 (para sa bayan)
Chapter 32 (gilid)
Chapter 33 (potik)
Chapter 34 (manoy)
Chapter 35 (bawi)
Chapter 36 (alindog)
Chapter 37 (secret on)
Chapter 38 (lualhati)
Chapter 39 (kidnapin)
Chapter 40 (celebrate)
Chapter 41 (kagubatan)
Chapter 42 (balut)
Chapter 44 (ligaw)
Chapter 45 (tweety)
Chapter 46 (hagikgik)
Chapter 47 (bikining itim)
Chapter 48 (kalabaw)
Chapter 49 (reunion 1)
Chapter 50 (reunion 2)

Chapter 43 (tao)

3.2K 100 0
By ajeomma

"Aling Becca, apat na banyera po sa nanay ha.", nakangiting sabi ni Osang. Natigilan si Rudy pagkakita sa babae. Iba ang itsura at tindig nito kumpara sa iba pang suki ng Mamang nya.

Kung magsalita ito ay malambing. Di gaya ng mga kilala niyang taong palengke na akala mo ay laging may kaaway. Nang tumalikod na ang babae ay nakasunod pa ang mgat mata ni Rudy dito.

"Wag mo ng pag interesan aswangin yang si Osang , Rudy.", babala ng Mamang nya. Habang nagsusulat ng pangalan sa piraso ng papel at inilalagay sa ibabaw ng banyerang may lamang bangus na nakabalot sa malaking plastic.

"Ang Mamang, anong akala mo sa akin. Aswang?", natatawang reklamo ni Rudy.

"Ano pa ba!.. kaya lang ang pangil mo iisa.", sabi nito na nakatingin sa pagitan ng mga hita nya.

Ang lakas ng tawa ni Rudy. Pataray ang pagkakasabi ng Mamang nya pero ang lupet ng sense of humor sa mga banat nito.

Hinila ni Rudy ang banyera paisa isa sa pwesto ni Osang at ng nanay nito.

"Salamat.", nakangiting sabi ng babae . Ngumiti din si Rudy at magalang na nag paalam lalo na sa katabi nitong matandang babae.

"Siya siguro ang sinasabing nanay niya.", takbo ng isip ni Rudy, habang naglalakad pabalik sa pwesto ng Mamang nya.

Alas singko na ng umaga nakauwi ng bahay si Rudy. Kapag naayos na ang kalakal ng Mamang niya ay pinauuwi na sya nito.

Pagkatapos maligo ay nahiga sya para matulog. Nakapikit na sya pero ang mukha ni Osang ang nasa utak nya. Tumayo uli si Rudy at nagbukas ng radyo, inilagay sa fm station na soft and mellow lang ang mga pinatutugtog. Maya maya ay nakatulog na si Rudy.

Nang dumating ang Mamang niya ay pananghalian na. Naghain na sya at sabay na silamg kumain mag ina.

"May lakad ka ba mamaya?", tanong ng Mamang ni Rudy, sa pagitan ng pagsubo.

"Bakit, Mang?", balik tanong ni Rudy sa ina.

"Ikaw na lang ang maningil sa mga balanse ng kumuha ng bangus kanina.", utos nito.

"Mamang, di ko naman kilala yung mga yon. Hindi ko rin alam ang bahay ng ipapasingil mo.", reklamo agad ni Rudy.

"Sasamahan ka ni Pamboy, hindi ko pwedeng ipagkatiwala sa isang yun ang pera. Makakalimutin siya, baka kung saan lang mailagay ang singil. Isa pa ay nag aalala rin ako na baka matuksong pakialaman. Maigi na ang nakakasiguro. Pera na ang pinag uusapan. Maigi ng mag ingat at baka magkaproblema pa. ", paliwanag ng ina.

Walang nagawa si Rudy, ayaw man ay sumunod na sya sa utos nito. Tama naman kasi ang sinabi ng Mamang nya.

Sinamahan nga siya ni Pamboy puntahan ang bahay ng sisingilin. Malapit lang naman sa palengke ang bahay ng mga ito.

Palabas na sila ng eskinita ng makita nya si Osang na nagsasampay sa harapan ng isang bahay. Agad niyang tinanong kay Pamboy kung doon nakatira ang babae. Nakatunog agad si Pamboy, mabilis itong lumapit sa kinaroroonan ni Osang.

Pinatuloy sila ni Osang, maya maya ay nagpaalam na si Pamboy dahil may pupuntahan pa daw.

Hindi rin masyadong nagtagal si Rudy at magalang na itong nagpaalam kay Osang, matapos magpaalam sa nanay nito kung pwede ba bumalik.

Natawa pa ang nanay ni Osang at saka sinabing... ''kung tao ang papasok sa aking pamamahay ay tao ko ring pakikiharapan.''

Continue Reading

You'll Also Like

11.9M 285K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
14.1K 954 58
KANTOBOYZ SERIES # 1 (COMPLETED) - Kwento ni Maria Magdalena Burkot, isang babae ngunit lalaki by heart! Isang malaking sayang sa kaniya ang pagkawal...
3.1M 148K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
89K 618 13
(Valor Series #1) SYNOPSIS: Despite her fame for her explicit toughness in being a soldier of the Philippine Airforce and Valedictorian of Philippin...