Straight-phobia (GirlXGirl)[C...

By angDiyosaNgBuwan

259K 11.9K 2.1K

"DON'T FALL FOR STRAIGHT GIRLS", iyon ang rule ni Brielle. Ngunit isang bagong kapit-bahay ang tila makapagb... More

ALL RIGHTS RESERVED ยฉ 2019
1. Brielle
2. Lagring
3. Attempts
4. Fair
5. Argument
6. Casualty
7. "That will Never Ever Ever Happen"
8. Don't Fall for Straight Girls
9. Trish
10. The Hunt for Pen
11. Pen
12. Pagbabalik
13. Unang Tampuhan
14. Mario
15. Overprotective "kuya"
16. Tagu-taguan
17. Pag-usbong
18. Green
19. A Scary Thing
20. A Scarier Thing
21. Love is in the Air
22. Feelings
23. Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib
24. This is.... It!
25. Just do it
26. Opportunity Knocks Only Once
27. Break
28. Waiting For You
29. Mystery
30. "Mahal Kita"
31. Roller Coaster
32. Gone
33. The Moment of Truth
34. Kasal-Sakali-Saklolo
35. The Runaway
36. Official
37. Susรด
38. "Tara, punta na tayo sa hell."
39. Ang Kasal
40. Ang Paghaharap
41. Ang Ganti ni Brielle
42. Tinik sa Daan
43. Ang Duwelo
45. Ang Panibagong Simula
Author's Note
100k Reached

44. Ang Debate

4.7K 264 69
By angDiyosaNgBuwan

Note: The statements of the characters doesn't necessarily mean that it's the views of every religious people or gay people for that matter. Just think that they're two humans with different views. Everybody got their own opinions. It's not to generalize everyone.✌️

----

BRIELLE braced herself. Alam niyang mahaba-habang diskusyon ito. "Matanong ko nga po muna... Bakit po ba para sa inyo kasalanan ang pagpatol sa kaparehong seksuwalidad?"

Asking your opponent questions was the best way to win a debate. It would make them feel that they were in control because they were the ones who gets to talk, but in truth, you were the one who was in control over them. Iyon ang bagay na natutunan ni Brie.

"Itinatanong pa ba 'yan?" balik-tanong naman ni Louis na parang iyon na ang pinaka-obvious na bagay. Mukhang alam na rin ni Brie ang idudugtong nito roon. "Dahil 'yon ang batas ng Diyos." At tama nga siya. Homopohobic people tend to use God against homosexuality, using God's name to condemn them. It never gets old.

"Base po saan? Sa Bibliya?" tanong pa ni Brie.

"Saan pa nga ba?" matalim namang tugon ni Louis.

"Ga'no po ba kayo kasigurado na totoo lahat ng nakalagay doon?"

Napakunot si Louis sa kanya. "Kung gayon ay kukuwestiyon mo ang credibility ng Bibiliya? Gano'n ba?" anito sa may kalakasang boses.

Napakamot si Brie. "Hindi naman po sa gano'n. Hindi ko lang po maintindihan kung bakit kaming nasa kasalukuyan ang kailangang mag-suffer sa mga kasalanang ginawa ng mga sinaunang tao," dire-diretso niyang sabi. "Like what the- ?" Huminga muna siya. "Kagaya na lang po ng Sodom at Gomorrah. The Bible didn't exactly state that homosexuality was the reason why it was burned. Ni hindi nga nabanggit ang homosexuality do'n, eh. 'Yon lang ang interpretation ng mga tao dahil sa mga lalaking nagtangkang gumahasa do'n sa dalawang anghel na nagkataong nag-anyong lalaki rin.

"Sa totoo lang pinarusahan ang lugar na 'yon dahil punong-puno na sila ng kasamaan. Hindi naman sinabi doong homosexuals lahat ang gumawa no'n, eh. So, I don't understand why they're solely blaming it on homosexuality. Na 'pag sinabi nang Sodom at Gomorrah, automatic nang kasalanan naming mga homosexual. Hustisya naman..."

Napatigil muna siya dahil sa matalim na titig ni Louis. Naalala niyang pastor ito at sensitibong bagay iyon para rito. Sunod-sunod ang lagok nito ng beer.

"Isa pa rin ang homoseksuwalidad sa mga imoral na kasalanan kung bakit sinunog ang lugar na iyon. Hindi mo maaalis ang katotohanang 'yon," ang pagdiriin naman nito.

Lumagok na rin muna siya ng alak. "Okay. Sabihin na po nating kasama nga ang homosexuality sa mga kasalanan kung bakit 'yon sinunog. But those old times people were driven with lust. They express their power through sex. Polygamy and even incest were legal that time. Nararapat lang talaga silang sunugin dahil sa mga 'yon. Pero hindi naman po kami gano'n ngayon, eh. Well... Puwera na lang sa iba," aniyang sinabayan pa ng kumpas ng kamay. "'Yon po ang totoong kasalanan, ang makipag-sex kung kani-kanino pero hindi ang magmahal ng kagaya namin," pagpupunto niya. "'Di ba tama naman po?"

Ano kayang masasabi ni Pastor Louis? Tila nagbabaga ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

"You shall not lie with a male as with a woman; it is an abomination. If a man lies with a male as with a woman, both of them have committed an abomination; they shall surely be put to death; their blood is upon them," biglang nag-quote ng dalawang Bible verse si Louis.

"Okay..." Naitaas ni Brie ang isang palad. "Gaano ba kayo kasigurado na 'yon talaga ang eksaktong salita ng Diyos?" Anyong sasagutin na siya ni Louis pero agad niyang dinugtungan ang sinasabi. "Pero sabihin na nating totoo 'yan. Kung susundin natin lahat ng nasa Bibliya, meron ding verse mula kay John. 'Beloved, let us love one another, because love is from God; everyone who loves is born of God and knows God. Whoever does not love does not know God, for God is love.'" Nag-qoute rin siya ng Bible verse. Pinalaki pa niya ang boses para maging boses-lalaki. "See? John said that God is love. At kami... nagmamahal lang din. We are driven by love and not lust. Bakit kami naging makasalanan?"

"Mali ang pagmamahal na 'yan!" pagdiriin ni Louis.

Napailing si Brie. "Alam niyo ho kung anong mali? 'Yong tinatakwil niyo kami at hindi na minamahal dahil lang naiiba kami. Sabi nga ni John, lahat ng nagmamahal ay kinikilala rin ang Diyos, pero 'yong hindi nagmamahal... Ibig sabihin lang, hindi Siya kinikilala. Of all people, kayo dapat ang magturo na mahalin at tanggapin natin ang isa't isa."

"Hindi ganyang pagmamahal ang sinasabi ng Diyos!" Napahampas pa sa mesa si Louis nang sabihin iyon. "Your kind of love was ruining the natural cycle of life. Paano kung lahat maging kagaya niyo? Humans will be extinct."

"Sino po bang nagsabing lahat magiging kagaya namin?" ika naman ni Brie. "Hindi ko po malaman kung saan nanggagaling 'yang takot na 'yan. It's not like we wanted everyone to be gay. Gusto lang naman namin tanggapin niyo kami. Saka Hi-Tech na po ngayon. Marami nang paraan para magkaanak. "

"Yang hi-tech na yan mismo ang sumisira ng mundo!" kontra naman ni Louis. "Tingnan niyong ginagawa niyo, hindi lang tao ang tinatapos niyo, pati na rin 'tong tirahan natin."

Asar na napakamot sa ulo si Brie. Isa pa ang paratang na iyon sa pinakaiinisan niya. "Hindi naman po kaming mga homosexual ang may gawa no'n, eh. Kami lang ho ba ang nagkalat? Kami ba ang gumawa ng plastic? Kami ba ang nag-imbento ng mga gadget at mga makinang 'yan? Kami ba ang walang-habas na nagpuputol ng puno? Kami ba ang nagmimina?

"Pare-pareho lang tayong may kasalanan dito. Kayo nga po may cellphone din, eh. May TV kayo, may ref at kung anu-ano pa. 'Yon po ang tunay na nakakasira ng kalikasan, hindi kami! Kasalanan ba naming nag-imbento sila ng makina para makagawa ng anak kahit hindi mag-sex? Sisi kayo ng sisi nakikinabang din naman kayo!" Bahagya pang napapaangat ng upuan si Brie habang nagsasalita. "Sabihin niyo ngayon sa'kin, kasalanan ba namin ang pagkasira ng mundo? Sisihin niyo 'yong mga scientist na 'yan!" Napatayo na siya nang tuluyan.

Napatanga na lang si Louis sa kanya. Maging ang ibang mga taong nasa paligid ay napatingin na rin sa kanya.

Inikot naman ni Brie ang tingin sa mga ito. "Di ba tama naman ako?" tanong pa niyang parang walang pakialam.

Biglang nagpalakpakan ang mga tao. Yumukod pa si Brie sa mga ito at nagpasalamat. Pagkatapos noon ay isang nang-aasar na ngiti ang ibinigay kay Louis. Matalim naman itong nakatingin sa kanya at panay tungga ng beer.

FOUR HOURS LATER...

"Ang pagmamahal- hik, sa kaparehong kasarian- hik, ay isang kasalanan! Hik." Iyon pa rin ang pilit na pinaglalaban ni Louis. Paulit-ulit na lang yata ang diskusyon nilang iyon. Halos hindi na ito makapagsalita ng deretso dahil sa sunod-sunod na sinok. Nakatukod ang isang siko nito sa mesa at pilit inaalalayan ang ulong halos bumagsak na sa mesa.

Tawang-tawa naman dito si Brielle. Halos ganoon na rin ang hitsura niya, pero hindi kagaya rito ay hindi naman siya sinisinok. Sanay na siyang maglasing, samantalang ito ay matagal na namahinga. "Wala naman ngang nakasulat na gano'n sa Bibliya, you're just mere interpreting what's inside there. Pero 'yong eksaktong verse na bawal magmahal ng kaparehong kasarian, wala naman do'n," sa namimilipit na dila ay pagrarason naman niya. Umiikot na rin ang pakiramdam niya dahil sa dami ng nainom.

"Hindi. Hindi mo. Mababago. Ang paniniwala. Ko." Sa bawat pagitan ng salita ay sinisinok ito.

Parang si Brie ang nahihirapan para rito. Ikinumpas niya ng isa ang kamay. "Tama na nga ho 'yan," ika niya. Dumukot muna siya ng ilang lilibuhin mula sa wallet. Matapos ilapag iyon sa mesa ay mabuway na tumayo. "Uwi na ho tayo at paniguradong hinahanap na tayo ng mga asawa natin," sa langong tinig ay yakag niya. Lumapit siya kay Louis at pilit kinuha ang braso nito.

Winaksi lang nito ang kamay niya. "Hoy... Hindi mo pa asawa. Si Lorraine ko." Patuloy pa rin ang pagsinok nito. "Saka may kasunduan. Tayo, 'di ba? Hindi pa ko. Bumabagsak."

Napahimas sa ibaba ng tainga si Brie. Nananakit na iyon sa kakapakinig dito. Nakapatong ang isa niyang kamay sa mesa upang alalayan ang sarili. "Hindi pa ba kayo bagsak niyan? Halos hindi niyo na maiangat ang ulo niyo," nakangiwi niyang sabi. "Tanggapin niyo na lang na talo na kayo."

"Hindi pa 'ko. Talo. Kaya ko pa. Uminom."

"Sige nga, tumayo kayo kung kaya niyo pa," hamon naman ni Brie.

"Ikaw, na adelantadong. Bata ka. Tuturuan kita ng. Leksyon," nakaduro nitong sabi at pilit na tumayo. Gayon pa man ay halos hindi na nito kayanin ang sarili.

Hinawakan ito ni Brie upang alalayan ngunit pumiksi lang ito.

"Wak mo 'ko. Hahawakan. Kaya ko!" Nagpilit pa rin itong tumayo ng mag-isa. At dahil sa katigasan ng ulo ay bumagsak ito. Kamuntikan pang tumama ang panga sa gilid ng mesa, kung hindi lang nasalo ni Brie.

"Sabi ko naman sa inyo, hindi niyo na kaya eh!" kastigo niya rito. "Ang tigas din ho ng ulo niyo."

"Don't. Lecture me. Youspawnofdevil." Pilit pa itong kumawala mula kay Brie pero hindi na rin kinaya.

Ikinawit ni Brie ang braso nito sa leeg. Mabuti na lang at hindi naman katangkaran si Louis. Halos magpantay lang sila. Katamtaman lang din ang katawan nito kaya hindi gaanong mabigat. Kahit hirap ay pilit niya itong kinaladkad palabas. May isang waiter na nagmagandang-loob na tulungan siya. Nagtawag na rin ito ng tricycle upang masakyan nila.

"Salamat, bro!" sigaw ni Brie sa waiter nang makasakay na sila.

Sumaludo pa ang lalaki. "Ingat po!" Sa kamay nito ay isang limandaang tip mula sa kanya.

Pinatakbo na ng driver ang tricycle. Mga sampung minuto lang ay narating na nila ang bahay.

Sa pagtigil pa lang ng tricycle ay nakita na niyang nakasilip sa bintana si Lorraine. Agad na rin itong nagtungo sa pinto upang buksan iyon.

Matapos bayaran ang driver ay bumaba na siya. Hinila niyang palabas si Louis na noon ay tuluyan nang nakatulog. Halos hindi na niya ito kayanin dahil sa estado niyang lasing din. Nakaramdam naman ang driver at bumaba na muna. Ito na ang naglabas sa matanda.

Nabuksan na rin ni Lorraine ang gate. Nakasunod din si Amor. Parehong gilalas ang hitsura ng dalawa.

Agad na lumapit sa kanya si Lorraine. "Ano bang nangyari sa inyo? Ba't ngayon lang kayo?"

Dahil hilo na ay awtomatikong napaakbay dito si Brie. "Yang Papa mo... Nag-ayang mag-inom," sa inaantok na tinig ay sagot niya.

Napatakip si Lorraine ng hintuturo sa ilong. "Gosh. You stink!"

Parang wala sa sariling ngumiti lang dito si Brie. Halos pumikit na. "Ya' should be glad. I won. Puwede na tayo magpakasal," aniya sa boses na halos hindi na mawawaan.

"Huh?" Napatanga na lang sa kanya si Lorraine. "Halika ka na nga." Hinila na siya nito papasok

Si Amor, kasama ang driver na may akay kay Louis ay nauna na sa loob.

Ibinagsak siya ni Lorraine sa sofa. "Ang bigat mo!"

Diretso namang napadausdos pahiga si Brie. Knockout na rin.

Isang nagrereklamong ungol ang kumawala sa bibig ni Lorraine, sabay ikot ng mata. Napamaywang ito habang nakatitig sa kanya.

KINABUKASAN ay halos mabiyak ang ulo ni Brie dahil sa sakit. Halos hindi siya makabangon sa kama. Sapo ang ulong napaungol na lang siya.

Nakaupo naman sa gilid ng kama si Lorraine. "Ba't kasi tinanggap mo pa ang hamon ni Papa? 'Yan tuloy napala mo." Mayroon itong hawak na tabletas sa kamay. Matapos buksan ay iginiya na siya nitong paupo. "Inumin mo muna 'to." Isinubo na nito sa kanya ang gamot at inabutan siya ng tubig mula sa bedside table.

Pilit iyong nilunok ni Brie. Nakangiwi ang hitsura at sapo pa rin ang ulo. "He said he'll let us wed if I will win. Pa'no akong tatanggi?"

"Sinusubukan ka lang naman no'n," ika naman ni Lorraine. "Nakausap ko na rin kagabi si Mama. Labag pa rin daw sa loob nila ang lahat. Tinanong niya 'ko kung hindi na talaga magbabago ang isip ko. Nang sabihin kong hindi na talaga, wala na raw silang magagawa kundi tanggapin para sa kapakanan ko. Tao lang naman daw sila at hindi Diyos para diktahan ako. Ang importante lang daw sa kanila ngayon ay kung talagang nagmamahalan tayo at kung masaya ako. Mukhang marami na rin silang kinunsultang tao para rito." May ngiting sumilay sa bibig ni Lorraine. "Karamihan daw sa mga 'yon ay nagsabing hayaan na lang tayo."

Sa sinabi nitong iyon ay parang nabawasan ang sakit ng ulo ni Brie. Napangiti na rin siya. "So, this it? Wala na talagang pipigil sa'tin?" Kumikinang pa ang mga mata niya nang magtanong.

Masayang tumango-tango si Lorraine. "Yep. We can finally be legally and happily together."

Brielle couldn't be happier. "It was the best day of my life." Kinuha niya ang palad ni Lorraine at hinalikan iyon sa likod. Pagkatapos ay napasandal muna siya sa headboard at pumikit. Pumipintig pa rin ang ulo niya sa sakit. "This hangover is killing me."

"Do you want a hot shower?" biglang tanong ni Lorraine.

Nahimigan ni Brie ang panunudyo sa boses nito. Agad siyang napamulat muli. Naitaas niya ang isang kilay. "A 'hot' shower??" She pronounced the words slowly.

"Mm-hm..." Nakakagat-labi pang tumango si Lorraine.

Agad ang pagguhit ng malawak na ngiti sa bibig ni Brie.

MATAPOS ang hot steamy shower ay bumaba na sila para mag-agahan. Walang-puknat ang ngiti ni Brie.

Nasa hapag na rin ang mga magulang ni Lorraine at naabutan nilang nagkakape. May pandesal at spaghetti sa mesa. Parehong abala sa pagbabasa ng diyaryo ang dalawa habang humihigop ng kape. Mukhang tapos na ring kumain ang mga ito, base sa mga katabing plato sa gilid.

"Good morning po!" over-enthusiastic na bati ni Brielle sa mga ito.

Napaangat naman ng mga mata ang dalawa. Awtomatikong napadako ang paningin ng mga ito sa magkadaop nilang palad.

Ngumiti si Brie at hindi nagpakita ng pagkailang. Mabuti na lang pala at pinigilan niya ang sarili kaninang lagyan ng hickey si Lorraine. Ano kayang magiging reaksyon ng dalawang matanda kapag nagkataon?

"Maupo na kayo at kumain," ang sabi lang ni Amor. Her voice was neither warm nor cold.

Tumalima na agad sina Brie. May dalawang plato na rin sa mesa para sa kanila. Si Lorraine na ang naglagay ng pagkain sa mga iyon.

Tumayo bigla si Amor. Lumapit sa counter ng kusina at mula roon ay ininit ang kapeng nasa coffe maker. Nang bumalik ito ay may dala nang dalawang tasa ng kape. Ibinigay iyon sa kanila.

Habang tinitigan ni Brie si Amor ay nakikita niya ang malaking pagkakahawig nito kay Lorraine. Istrikta rin ang mukha nito at kagaya ni Lorraine noon ay parang alien ang ngiti sa bibig. Mula kay Lorraine ay nalaman niyang retired teacher ito. Mukhang dito nakuha ni Lorraine ang hilig sa pagtuturo. Kay Louis naman namana ni Lorraine ang labing gustong-gusto niya.

Tumikhim si Brie upang kunin ang atensyon ng ama ni Lorraine. "Ah... 'Pa. Hindi niyo naman po siguro nakalimutan ang kasunduan natin kagabi, 'di ba?"

Tiningnan lang siya ng deretso ni Louis. Maya-maya pa ay may kalakasan nitong inilapag ang diyaryo sa mesa.

Napapitlag naman si Brie. Si Lorraine na noon ay pasubo na sana ng pandesal ay biglang natigil sa ere ang kamay.

"Ang isang Faustino ay may palabra de honor," ang turan ni Louis sa makapangyarihang boses. Matiim na nakatitig sa kanya. "Hindi ako lumilimot sa isang usapan."

Napalunok ng laway si Brie. Idinaan niya ang tawa ang pagkasindak. "Mabuti naman po kung gano'n. Masaya po ako. Maraming salamat po." Napasubo na lang siya ng spaghetti para maiiwas na ang tingin sa nang-uuri nitong mga mata. Lihim siyang napatingin kay Lorraine na noon ay napakagat na lang din sa hawak na pandesal.

"May itatanong ka pa ba?" biglang tanong pa ni Louis. May kalakasan iyon kaya't nagulat muli silang dalawa.

Muntik pang mabitawan ni Brie ang hawak na tinidor. She made a mental note not to ask Louis again. Mukhang masama pa rin ang loob nito sa pagsupalpal niya kagabi. "W-Wala na po... Okay na po, 'Pa," medyo nautal pa niyang sagot.

Hindi nakaligtas kay Brie ang pasimpleng pagtatakip ng bibig ni Amor. Ibinaba rin nito agad ang kamay at nagkunwang seryosong nagbabasa.

Si Lorraine naman ay patuloy lang ang pagnguya. Lihim na nangingiti. Ito na lang din ang kinausap ni Brie. Panaka-naka namang nagnanakaw ng tingin sa kanila ang mag-asawa. Si Louis ay bumalik na muli sa pagbabasa ng diyaryo. Sumisingit din ito sa usapan na sa tuwina ay kinagigitla ni Brie. Si Amor ay may dalawang beses lang yatang umimik.

"My father used to be joker like you," ika ni Lorraine nang naghuhugas na sila ng plato.

"Hindi nga?" Napalingon pa si Brie kay Louis na nakaupo pa rin sa hapag at nagbabasa pa rin ng diyaryo. Si Amor ay kanina pang lumabas ng kusina.

"Really," ika pa ni Lorraine na bahagyang natatawa. "He liked to tease me too. Kaya siguro gumaan din kaagad ang loob ko sa'yo noon dahil naaalala ko siya sa'yo."

"Naks... Ang sabihin mo hindi mo lang talaga ma-resist ang charm ko."

"Itsura mo. Ikaw nga riyan ang hindi napigilang mahulog sa alindog ko. May rule ka pang: 'I will never fall in love with a straight woman.' Pero ano ka ngayon?"

"Wala eh... Tinamaan ni Kupido. Nang una mo ba 'kong makita hindi mo talaga inakalang mamahalin mo 'ko?"

"Never. You were once just that annoying neighbor that I really hated."

"But now?"

"But now... You are only person that I wanted."

"Yiee..." Eksaheradang nag-anyong kinikilig si Brie. "Kinikilig akech..."

Natawa naman si Lorraine at sinabuyan siya ng bula. Gumanti rin si Brie. Hindi na nila nakita nang mapalingon sa kanila si Louis. Napailing ito. Ngunit nang ibalik sa diyaryo ang mga mata ay biglang gumuhit ang maliit na ngiti sa bibig.

"Ano ba, tigilan mo na!" patiling saway ni Lorraine. Nawili na kasi si Brie na magwisik ng bula.

"Ikaw naman ang nagsimula, 'di ba?"

"Tama na nga!"

Napuno ng tilian at tawanan ang kusina.

Napasilip na rin si Amor. May hawak itong walis at mukhang galing sa labas. Bigla itong naglakad palapit sa dalawang hindi pa rin natitigil sa pagkukulitan. Namaywang ang matandang babae at biglang sumigaw. "Hoy! Ano ba sa tingin niyong ginagawa niyo??"

Gulat namang napalingon ang dalawa.

"Tingnan niyo nga't nagbabaha na rito!" singhal pa ni Amor. "Para kayong mga bata. Kapag hindi kayo tumigil ay mahahampas ko kayo nitong walis," banta nitong itinaas pa iyon.

Nagkatinginan sina Brie at Lorraine. May bigla silang naalala tungkol sa walis. Sabay pa silang mapabunghalit ng tawa.

Tila nainsulto naman si Amor at binigyan nga sila ng tig-isang hampas sa puwet. "Aba't- mga walang modong bata! Ayusin niyo ang trabaho ninyo at linisin niyo ang kalat na 'yan! Kung ayaw niyong ako naman ang pumigil sa kasal!"

Sa sinabing iyon ng matandang babae ay bigla ang pagtahimik ng dalawa.

"Kayo naman, Mama. Masyado po kayong seryoso," si Brie na nilambingan ang boses. "May naalala lang po kami kaya kami natawa."

"Tse! Wala ka pang karapatang tawagin akong Mama hangga't hindi pa kayo kasal!" bulyaw pa nito at tumalikod na. "Mga batang sutil! Sa panahong ito ay palagi na lang kayo ang nasusunod!" litanya pa nito habang palabas ng kusina.

Pinigil ni Brie ang matawa. "Grabeng magalit ang Mama mo, ah. Ikaw na ikaw talaga," aniya kay Lorraine.

Nagkatawanan na lang muli silang dalawa.

"Bilisan niyo na at ayusin niyo na 'yan!" Si Louis naman ang sumigaw sa kanila.

Tahimik silang tumawa. Pasimpleng nagpahabol pa ng wisik si Brie.

Bahagyang napatili si Lorraine at pinandilatan siya. "Tama na nga." Kumuha ito ng tinidor mula sa hinuhugasan at tinutok sa kanya.

Itinaas ni Brie ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Okay. Okay..." aniyang natatawa.








----
Dedicated to: Sirri993 Thank you for always voting.

One last chap!

Continue Reading

You'll Also Like

259K 8K 47
๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—จ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ฎโ™ก โœซ April 17,2019โœฐ โ˜… June 21...
130K 6.3K 42
(COMPLETED) Anong gagawin mo kung ibang tao ang nakatanggap ng love letter na dapat ay sa crush mo?
236K 7.9K 56
Allyson Fajardo is a type of girl who is easily be defined as "a perfect girl" for others, she is a total definition of perfection, she has the looks...
961K 23.1K 43
Clarise Laine Montenegro: A student from engineering department, she's gorgeous, oozing with sex appeal and damn hot, there's no human being will not...