Titan Academy of Special Abil...

By april_avery

55.6M 1.7M 574K

Having enhanced senses cannot help one earn a living. A useless special ability--or at least, that's what Shi... More

Titan Academy: An Announcement
Titan Academy: Introduction
Chapter 1: Titan Academy
Chapter 2: Golden Crest
Chapter 3: The Group
Chapter 4: A Substitute
Chapter 5: The Leader and the Newbie
Chapter 6: Facing Darkness
Chapter 8: Group Training
Chapter 9: Deceived
Chapter 10: Escaped
Chapter 11: The Tattoo
Chapter 12: Explosive
Chapter 13: Close Contact
Chapter 14: Town's Day
Chapter 15: Infinity Room
Chapter 16: Right of Preference
Chapter 17: Special Abilities
Chapter 18: The Visitor
Chapter 19: Warning
Chapter 20: The Meeting
Chapter 21: Outrage
Chapter 22: Drunk
Chapter 23: Confrontation
Chapter 24: Weakness
Chapter 25: Avoidance
Chapter 26: Internal Battle
Chapter 27: Jane Elizabeth
Chapter 28: Stanford Mansion
Chapter 29: Downfall
Chapter 30: Twisted
Chapter 31: Procedure
Chapter 32: Departure
Chapter 33: Watch Tower
Chapter 34: Opening Day
Chapter 35: Best Team
Chapter 36: Survival
Chapter 37: Switch
Chapter 38: Stanford Daughter
Chapter 39: Shattered
Chapter 40: Illusion
Chapter 41: Let Go
Chapter 42: Countdown
Chapter 43: Go Home
Chapter 44: Conspiracy
Chapter 45: Signs
Chapter 46: The Fallen
Chapter 47: Death Fall
Chapter 48: Memories
Chapter 49: Wipeout
Chapter 50: Final Chapter
Titan Academy: Book Announcement

Chapter 7: The Seer

1.2M 36.6K 4.8K
By april_avery

Chapter 7: The Seer

Pumasok sa training room ang isang babaeng may magulong buhok. Isang matingkad na yellow scarf ang nakapatong sa uniform niya. May suot din siyang kwintas na gawa sa iba't ibang uri ng beads, at halos hindi na niya mabuhat ang mga dalang libro. Pumasok siya sa training room na halos hingal na hingal.

"Sorry, nahuli ako. Kagagaling ko lang sa hall at sinabi nilang nandito kayo." Pinatong niya ang mga libro sa pinakamalapit na mesa. Halos mahulog ang mga katana at weapon na nandoon.

"Sorry," muli niyang sabi saka pinulot ang mga weapon at ibinalik sa mesa. Tumingin siya sa direksyon naming lahat at awkward na ngumiti. "May na-miss ba ako rito?"

Umirap si Victoria. "She's here, the weirdo," bulong nito. Hindi ito pinansin ng babaeng may pangalang Luna kahit narinig sa buong training room ang sinabi ni Victoria.

Nagtama ang paningin namin ni Luna.

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong niya nang mapansin ang mga sugat sa katawan ko. Kumunot ang noo niya saka ako pinagmasdan na para bang isa akong experiment. "Ang galing, ano? Hindi mo talaga nararamdaman ang sakit."

Namamangha siyang lumapit sa 'kin. Sa buong araw na nandito ako sa kastilyo, dalawang tao lang ang masasabi kong normal. Sina Luna at Sir Apollo. Hindi sila mukhang perpekto. Silang dalawa lang ang mukhang, kahit paano, may alam sa totoong buhay sa labas ng kastilyo.

"I always wanted to see you," excited na sabi ni Luna sa akin. Kinuha niya ang isang braso ko at pinagmasdan ito. Ano bang problema niya?

"Luna, this is Shia Sheridan," Miss Aura said, after clearing her throat.

Tila natauhan si Luna kaya binitiwan niya ako at maayos na nagpakilala.

"I'm Luna Sarton. I'm the healer of the group," sabi niya sa masiglang boses. Humarap siya sa mga iba pang nasa kwarto tulad nina Ethan at Cain. "Magandang umaga sa inyo."

"Healer?" tanong ko.

"Yes. And you are the seer. Victoria is the deceiver. Cain and Ethan are primary defenses and Gin is the captain." Kumunot ang noo niya. "You know that, don't you?"

Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. Ano bang pinagsasasabi niya? Miss Aura cleared her throat once again.

"Bawat miyembro ay may position sa grupo. Napakaimportante nito kapag nasa game na kayo."

Napatingin si Miss Aura sa iba pang member na bumalik sa kanya-kanyang ginagawa. Siguradong hindi na nila kailangan pang makinig dahil ilang beses na itong nabanggit sa kanilang training.

"Those were the codes used para sa pagpili ng bawat member ng grupo at maging balanse ito. A complete team has to have a healer, primary defenses, a deceiver, a seer, and a captain. Ito ang standard ng Titan Academy. Maaaring iba ang standard ng bawat school na makakalaban natin pero, at dahil na rin sa maraming taon ng pagsali sa Linus Cup, alam ng lahat na ito ang format ng halos lahat ng grupong kasali dahil nandito ang mga pinakaimportanteng ability para manalo."

Biglang tumayo si Sir Apollo. Tinapon niya ang sigarilyo sa sahig at tinapakan ito bago nagsalita.

"Gaya ng sinabi ni Luna, siya ang healer. Kailangan ito sa grupo para magtagal kayong lahat. Si Victoria ang deceiver. Kaya niyang makakuha ng impormasyon mula sa mga kalaban gamit ang ability niya. Ikaw ang seer. Ikaw ang maglalayo sa kanila sa maaaring masamang mangyari. Sina Ethan at Cain and pangunahing depensa na poprotekta sa grupo at si Gin ang captain na ilalabas kayong lahat ng buhay sa laro para manalo."

Napagtanto ko na lang na nakikinig akong mabuti sa usapan.

"Pero hindi ibig sabihin na dahil hindi kayo ang pangunahing depensa ay hindi n'yo na kailangang makipaglaban."

Kumuha si Sir Apollo ng dagger sa mesa at walang babalang binato ito sa direksyon ng nakatalikod na si Victoria. Halos manlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Mukhang walang kamalay-malay rito si Victoria ngunit napanganga ako nang makita ang susunod na pangyayari.

Natigilan si Victoria sa ginagawa nang halos ilang pulgada na lang ang layo ng kutsilyo sa kanya. Saka siya mabilis na umilag. Tumama ang kutsilyo sa matigas na pader at tumusok sa pagitan ng dalawang bato.

Humarap si Victoria sa amin na nakakunot ang noo. "If you need an example, say so!" iritableng sabi niya. "Hindi 'yong maghahagis na lang kayo ng kung anong mahawakan n'yo. Muntik pang madaplisan ang buhok ko." Ininspeksyon niya ang buhok sa gilid ng mukha niya bago nagpatuloy sa ginagawa.

"See that?" sabi ni Sir Apollo na tila hindi narinig ang reklamo ni Victoria. "She's a deceiver pero kaya niyang umiwas sa pag-atake at makipaglaban. Lahat kayo ay magiging target sa larong ito. Dahil sa bawat member na malalagas ay may kalakip na puntos na maaalis sa grupo. Mas malaki ang tyansa n'yong manalo kung makalalabas kayong lahat nang buhay."

Tumikhim si Miss Aura.

"Mukhang wala na tayong maaabutan na breakfast sa hall kaya mabuti pang pumunta na kayo sa mga klase n'yo. Siguradong magtataka sina Principal Bins at Headmaster Grey sa hindi n'yo pagsipot sa breakfast hall. Mabuti nang may madatnan silang ilan sa atin sa classrooms man lang."

Bumaling si Miss Aura sa akin. "Shia, you need to stay here with Luna. Kailangang gumaling ang mga sugat mo bago ka lumabas dito sa training room. Babalik ang grupo rito mamayang ten o'clock para sa training. Sa ngayon, si Luna muna ang bahala sa 'yo."

Nagtayuan ang iba at nagsimulang mag-ayos para umalis.

"Wala pang ilang oras na nagsasama ang grupo, nagka-spark na agad," sabi ni Cain na tinutukoy ang gulong nangyari kanina. "The best team."

Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya. Siguro nga dahil hindi niya mapigilan ang tawa niya habang palabas sila ni Ethan sa training room. "Bye guys!" paalam niya bago sila tuluyang nawala sa paningin ko.

Sumunod si Victoria nang walang anumang sinabi. Ang huling nagpaalam ay sina Miss Aura at Sir Apollo. Hannggang sa naiwan akong mag-isa kasama ang babaeng nagngangalang Luna.

***

"You really are something, aren't you?" nakangiting sabi ni Luna habang ginagamot ang mga sugat ko.

Kumpara sa mga gamot at bandages, parang fast forward ang paggaling ng mga sugat ko dahil sa ability ni Luna. Wounds heal ten times faster kung siya ang gagamot sa 'yo.

"First time na may makasakit kay Gin sa unang subok," natatawang sabi niya. Her necklaces clatter every time she moves. "At unang babae pa," she added with amusement. "And you tend to counter his every decision. Mukhang tama si Cain. This is the best group so far."

Gusto kong matawa. Best group? Alam ba nila na muntik na akong patayin ng kanilang Team Captain para lang masigurong hindi ako magiging sakit ng ulo at susunod sa gusto niya?

"Paano mo nalaman?" tanong ko. "Wala ka rito kanina."

"Nasalubong ko sina Gin at Corrine sa corridor."

Hindi ko mapigilan na magtaka. "Anong meron sa dalawa?"

"They're inseparable. Sabay silang lumaki, both from very influential families." Nawala ang atensyon ko sa mga sugat ko. I found myself listening involuntarily to Luna.

"There are no formalities kaya hindi ko rin alam kung sila ba." Bumalik ang focus niya sa mga sugat ko.

"Anyways, I've always been fascinated by your special ability. It's a wonder how you can control your senses. Para kang may sariling anesthesia. But you know what's deadly about this?" Patuloy siya sa pagsasalita at walang pakialam kung nakikinig ba ang kausap niya o hindi. "You will never know if your body is at its limit. You can die without even knowing it."

"Hindi mangyayari sa 'kin 'yon. I'm not that stupid."

Natawa siya. "But you're hard-headed," amused na sabi niya.

Lumipas ang ilang minuto at nandoon lang kami sa training room, siya habang ginagamot ako at walang tigil sa pagsasalita, at ako na nawalan nang ganang makinig at nagsimula nang antukin dahil sa epekto ng gamot. Wala pa akong tulog mula kagabi. Kailan ba matatapos ang araw na ito?

"Hey, Shia. Let's go!" Tila nagbalik ako sa kasalukuyan nang tumayo si Luna at hinila ako.

"Saan tayo pupunta? Hindi ba dapat hihintayin natin sila rito?" Wala na rin akong lakas para bumalik sa itaas at humarap sa mga tao.

"Hindi ka ba nagugutom?" tanong niya. "Tara na."

Muli niya akong hinila. Doon ko napansin na halos wala na ang mga sugat ko. Lumabas kami sa training room at bumalik sa itaas. Nakasisilaw ang liwanag sa labas. Malayo sa mala-dungeon na atmosphere sa training room.

Tahimik na ang corridor. Wala na ang mga estudyanteng nagkalat. Karamihan ay nasa klase na. Hindi ko ma-imagine ang mga miyembro ng grupo na nakikinig sa guro. Kung magbangayan kasi sila at mag-ingay, akala mo ay wala nang bukas.

"Ano ang pinag-aaralan n'yo rito?" tanong ko kay Luna.

"A lot of stuff. Pero kadalasan, lalo na sa senior students ay tungkol sa career sa labas ng academy. Alam mo ang UBSL, hindi ba?"

Matagal na mula noong huli kong narinig ang salitang 'yon. Noong nag-aaral pa ako sa bayan, halos araw-araw itong nababanggit. A form of motivation. The Unified Bureau of Special Laborers.

Ito ang mga tao mula sa Magic World na may pahintulot na lumabas sa normal na mundo para sa special na trabaho. They accept contracts for government, organizations, and individuals. May ilang tao akong kilala na nanggaling na sa normal na mundo.

"One of Titan Academy's goals is for alumni to work in the Bureau, the most prestigious outside-world organization in the Magic World. Sa ngayon, ang rate ng mga nakakapasa roon at nagkakaroon ng chance na magtrabaho ay fifteen percent. Very low, even from a high-ranking school like Titan Academy. Ang exams kasi roon ay pantay-pantay. It doesn't matter if you are a fifty-year-old veteran or an eighteen-year-old fresh graduate from any magical school. You'll all go in the same procedure."

Kung tutuusin, ang tulad ko ay hindi na maaabot ang level na 'yon. Ang maging parte ng UBSL. Mga matataas na tao lang ang mga miyembro nito. Siguro ay ilang guro, o high ranking official ng bayan, o mga taong tulad ni Principal Bins or Headmaster Grey.

Sa bayan tulad ng Hesperia, may tatlong level lang ng employment. The informal workforce—kami yon—ay hindi nakatapak sa advance training. The recognized workforce, sila ang mga graduate ng mga academy at ilan pang importanteng institusyon. At ang UBSL, ang mga taong kayang pumunta sa normal na mundo para magtrabaho.

"That's why we are somewhat lucky," patuloy ni Luna habang naglalakad kami. "Almost all the groups na nananalo sa Linus Cup ay may privilege acceptance sa UBSL."

Bigla akong huminto at humarap sa kanya. "Talaga?"

Nagtaka siya sa reaksyon ko. "Isa ito sa prizes ng Linus Cup. Hindi mo naman siguro iniisip na lalaban tayo roon at magbubuwis ng buhay para sa isang mediocre competition? This is serious business, Shia."

Ngayon, malinaw na sa akin. Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon ng ibang estudyante kapag nakikita ang grupo. Gusto rin nila ito. At nakatingin sila sa mga taong, kung papalarin at makalalabas ng buhay, ay magiging parte ng isang prestihiyosong organisasyon.

"The pressure is always on," dagdag ni Luna.

Halos nasa tapat na kami ng breakfast hall nang bigla siyang natigilan. Nagtataka akong huminto sa tabi niya.

"Ano—"

Bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Hinila niya ako sa isang sulok malapit sa bintana. Pumasok siya sa likod ng makakapal na kurtina at hinila ako papasok. "Bakit tayo nandito?"

"Hindi pwedeng makita ni Headmaster Grey na pakalat-kalat tayo sa corridor especially matapos ang nangyari kanina," bulong ni Luna sa tabi ko. Pareho kaming tumahimik.

Maya-maya pa, dumaan sa harap namin si Headmaster Grey. Kasunod niya si Gin. Seryoso ang mga mukha nila habang nag-uusap. Mukhang kalmado ang Headmaster ngunit iba ang sinasabi ng mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Mukhang nagtitimpi lang siyang sigawan si Gin o magalit.

"... such a disappointment," narinig kong sinabi ng Headmaster. "I'm expecting a lot from you, Gin. I don't have a faulty son."

Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Wait... Son?

***

Continue Reading

You'll Also Like

7M 146K 58
[PUBLISHED UNDER PSICOM] BOOK 1 of IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Behind those smiles are playful lies, and behind those lies, the horror of the past awaits...
141K 4.5K 9
A LoreKi fanfiction (from Project Loki by @AkoSiIbarra) Rank in Fanfiction: Starting point: 06/17/17 - #643 Highest peak: 12/05/17 - #76!! shookt.
171K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
Broken Soul By Jes

General Fiction

44.4K 3.4K 28
Is there hope to a broken soul?