Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

41.3K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

UV Express, Black and White Feathers at Si Anna

150 5 0
By Sheree_Mi_Amour

1.) UV Express

I have a weird experienced na nangyari sakin. Sa sobrang weird hindi ko na alam ang mangyayari sakin. This March 2017 (I don't want to give the exact date) ang daming thesis naming ginawa. Dahil malapit na ang encoding ng grades. Kaya kami ng mga classmates ko ay palaging nag-oovernight, pumunta kami sa bahay ng classmates ko sa Montalban para doon kami gagawa ng thesis. Mga 9pm ako umalis sa bahay para mga 12am nasa Montalban na ako. Medyo inaantok na ako that time kaya hindi na ako nag-jeep. Nag-UV express na lang ako para mabilis lang ang biyahe at makaidlip ako. Nakaupo ako sa may back part ng UV at ako lang ang tao doon, sa gitna kasi ay 4 na ang nakasakay tapos sa harapan 3 na kasama ang driver. So malaki ang space ko sa likod. Habang bumibiyahe ay nakaidlip ako bigla tapos nagising ako na may kasama na ako sa likod. Napatingin ako sa kanya at biglang bumilis tibok ng puso ko kasi napakaganda nya. Syempre ako panay naman ang pa-cute ko haha! Hanggang sa napansin ko na parang ang putik ng paa nya. Nakatsinelas lang sya. Nagdadalawang isip ako kung tatanungin ko sya kung bakit maputik yung paa nya kasi baka ma-offend sya. Tapos naisip ko na pagkakataon ko na para makausap sya, ang plano ko tanungin ko sya kung bakit maputik yung paa nya tapos bigla kong tatanungin ang pangalan nya. Diba? Hokage na ba? Haha. Kaya ang ginawa ko ay tinanong ko sya.

Ako: Miss, napalubog ka yata sa putik.
Sya: Hindi (malumanay ang pagkakasabi nya)
Ako: Ah ganun ba? Ako nga pala si Ken (not my real name), ikaw anong pangalan mo? May tissue ako dito punasan natin ang paa mo.

Tapos biglang nag-break yung UV then napatingin ako sa harap tapos sabi nung driver may tumawid daw na babae kaso wala naman kaming nakita then nagpatuloy na kami sa biyahe tapos tumingin ako sa kasama ko sa likod  sabi ko "Miss, okay ka lang?"

Biglang sumagot yung babae na nasa gitnang part ng UV sabi nya "Oo okay lang ako, salamat" pero hindi naman sya yung kinakausap ko kaya sabi ko na lang "Ah buti naman", tapos tumingin ako ulit sa kasama ko sa likod sinabi ko "Miss, okay ka lang?" pero di nya ako pinansin, nakaupo lang sya dun. Tapos, nagsalita yung babae sa may gitnang part ng UV "Kuya dalawang beses mo na akong tinanong ah" kaya sinabi ko sa kanya na hindi sya yung tinatanong ko kundi yung kasama ko sa likod.

Biglang nagtaka yung driver kaya tinigil nya muna yung pagda-drive tapos tinawag ako. Sabi sakin "Brad si ate lang ang babaeng pasahero natin", eh di nagtaka ako. Sabi ko "Hindi! Dalawa sila" tapos tumingin ako dun sa kasama ko sa likod. Nandoon pa rin naman sya kaya naisip ko na baka hindi lang sya nakikita nung driver tapos tinawag ako ng driver kaya napalingon ako ulit sa kanya. Sabi nya "May kasama ka ba diyan sa likod?" Sabi ko "Meron po", tapos paglingon ko ulit sa babae wala na sya doon tapos sabi ko sa driver "Kuya nakababa na po pala" tapos sinabi nung driver "Brad walang bumababa na babae diyan ngayon" nagtayuan na lahat ng balahibo ko sa katawan. Nagtataka ako kung sino yung babae na nakasabay ko. Kaya pinagpilitan ko sa driver na may babae dito kanina. Tapos sabi ko kinakausap ko pa nga e. Tapos biglang sumabat yung lalaki sa gitna. "Kuya napansin ko nga kanina na nagsasalita ka mag-isa diyan, inisip ko na baka may kausap ka lang sa phone."

Nanlamig ang buong katawan ko, nanghina ako. Napayuko ako sa sobrang gulat ko. Takot na takot na ako nung time na yun tapos napatingin ako sa baba. May mga bakas ng putik kaya sinabi ko sa driver. Tapos yung driver bumaba sya para i-check. Hindi naman nakakatakot sa pinagtigilan namin kasi may mga jeep pa naman na dumaraan, nagulat yung driver kung saan galing yung mga putik na yun tapos sinabi ko na galing yan dun sa babaeng nakasakay dito kanina. Tapos yung ibang pasahero nagsimula na ding matakot at kabahan. Tapos may isang lalaki dun na nag-lead na ng prayers tapos ako ang ginawa ko pagkatapos naming magdasal bumaba na lang ako sa UV at nag-jeep na lang ako marami namang dumaraang jeep kaya nakasakay ako agad. Pagsakay ko sa jeep I feel safe. Medyo nawala yung takot ko kasi magkakadikit kami ng mga pasahero kasi punuan na at wala ng kababalagahang nangyari. Meron palang isa, yung lalaking pasahero ng jeep pinatong nya yung backpack nya sa harap nya tapos ginawa nyang pangtakip yun para makapanghipo sa katabi nyang babae haha.

Tapos bumaba na ako sa jeep sinalubong ako nung mga classmates ko at kinuwento ko sa kanila yung nangyari pero hindi sila naniniwala, pinagtatawanan lang nila ako.

Tapos hinanda na namin yung laptop, broadband at lahat ng gagamitin namin sa thesis at nagsimula na kami, mga 1am na kami nag-start talaga kasi nagkwentuhan pa kami. Doon kami nakapwesto sa kubo nila kasi tulog na ang pamilya nya baka makaistorbo kami tapos ang nangyari habang gumagawa kami ng thesis, umihi yung classmate ko sa may puno ng mangga sa labas tapos nagpasama sya sa classmate kong isa. E di ako na lang ang naiwan sa kubo, kinalimutan ko na yung nangyari sa UV nung mga oras na yun. Naka-focus na ako sa paggawa ng thesis. Nang biglang may parang tumatawag sa pangalan ko. Malalim na boses na mahina na parang naka-microphone kasi may echo sya. Naiisip ko na baka yung classmate ko lang yun, inaasar ako. Kasi naikwento ko sa kanila yung nangyari kaya di ko pinansin. Pero naririnig ko yung boses na tinatawag ang pangalan ko. Biglang pumasok sa isip ko yung babae sa UV, natatandaan ko sinabi ko sa kanya yung pangalan ko. Kinabahan na ako nun at namutla. Sa sobrang takot ko nagmamadali akong  umalis sa kubo tapos sinundan ko classmates ko. Kaso wala sila sa puno ng mangga. Nakita ko sila sa may tindahan nagyoyosi tapos nun tinanong ko sila kung sila ba yung nananakot sakin. Sabi nila hindi daw tapos pinagtatawanan ako. Napa-paranoid na daw ako. Pagbalik namin sa kubo naiwan ko yung laptop ko na nakabukas at pagtingin ko may nakasulat dun sa ginanagawa naming thesis na "Ako si Anna" nagulat ako, at hindi ko pwedeng pagbintangan yung dalawang ka-group ko kasi kasama ko sila sa tindahan kanina. Dun na ako nagsimulang matakot! Na halos bumilis ang tibok ng puso ko tapos napansin ko sa upuan. May mga bakas ng putik kaya sabi ko dun na lang kami gumawa sa loob ng bahay nila.

Wala ng ibang nangyaring kababalaghan sa loob ng bahay nila at natapos namin yung thesis namin ng mga 7am na at nag-decide na kaming umuwi. Kaso ang problema pag-uwi ko sa bahay nakatulog ako agad at napanaginipan ko yung babae sa UV. Hanggang sa naalimpungatan ako pero hindi ko maigalaw ang buong katawan ko na halos mamatay na ako, hindi ako makahinga. Sumisikip ang dibdib ko, pinipilit kong gumalaw pero wala talaga hanggang sa pagpipilit kong gumalaw at bumangon nakabangon ako pero pagtingin ko sa kama ko nakita ko ang sarili ko na nakahiga. Kinabahan na ako dahil alam ko na kaluluwa na lang ako at naisip ko patay na ba ako? At biglang may humawak sa kamay ko, hinawakan ng kaliwa nyang kamay ang kanang kamay ko at inalalayan nya ako pabalik sa katawan ko. Saktong paghiga ko nagising ako sa pagkakatulog ko na parang naghahabol ng hininga. Nagising ako na pawis na pawis at diyan na nagsimula ang weird na bagay na nangyari sakin.

May mga nakausap na akong paranormal experts at sinabi sakin, yang mga weird na bagay na nangyayari sakin kadalasang sanhi ng near death experience or yung malapit ka ng mamatay pero bigla kang nabuhay.

Para mas malaman nyo ikkwento ko kung ano yung mga weird exp. Na yun..

Naglalakad ako palabas ng subdivision namin nang makita ko yung lolo ng kapitbahay namin. May nakita akong black feather na dumapo sa ulo nya tapos biglang nawala so nagtaka ako kung saan napunta yun pero binalewala ko lang. Pag-uwi ko galing school nakita ko na may lamay sa bahay ng kapitbahay namin tapos nalaman ko na lang na patay na ang lolo ng kapitbahay namin.

Then naulit sya, nasa mall naman ako nito, naglalakad ako sa isang mall kasi may bibilhin lang ako nang may nakasalubong akong lalaki, nakita ko ulit yung black feather na dumapo sa ulo nya at biglang nawala. Hindi ko pinansin, ang naisip ko nagkataon lang. Tapos ilang minuto ang lumipas nagkagulo sa mall. Yung lalaking nakasalubong ko, tumalon mula sa 4th floor pababa at namatay agad siya.

Doon na ako nagsimulang magtaka at matakot sa nangyayari sakin, kaya nagtanong na ako sa kakilala ko na may kakilalang paranormal experts. At yun ang sinabi sakin in-explain kung bakit ko nararanasan itong mga ito. Pag-uwi ko galing dun may nakasabay akong babae sa jeep. White feather naman yung dumapo sa kanya tapos biglang nawala pero hindi ko alam kung ano ang nangyari dun sa babae kasi nakasabay ko lang naman sya sa jeep.

At hanggang ngayon buti na lang bakasyon na, hindi pa naman ako makatulog pag gabi kaya natutulog na lang ako ng umaga dahil natatakot ako dahil alam ko na may mga susunod pang mangyayari sakin.

2.) Real Meaning of Black and White Feathers

Sa mga nakabasa ng kwento ko titled UV EXPRESS, maraming tanong siguro ang naiwan sa mga isipan nyo. Like sino si Anna? Bakit sya nagpakita sayo? Bakit sya putikan?  Paano ka nagkaron ng ganyang kakayahan? GIFT ba talaga na makakita ka ng taong mamamatay na? At ang taong magbibigay ng buhay?

Yan ang mga tanong ko sa sarili ko noon. Ang hirap ng buhay na makakakita ka nang taong buhay pa pero alam mong mamamatay ma. Sino ba ang may gusto ng ganon? Lalo na ng makakita ako ng black feather sa taong mahal ko?! Gusto ko siyang iligtas! Ginawa ko ang lahat ng paraan pero ang hirap! Wala akong nagawa. Kung oras mo na, wala nang makakapigil pa. Akala ko binigyan alo ng ganung kakayahan para makapagligtas ng tao pero mali ako dahil kahit isa wala akong nailigtas. At yung mga taong hindi pa sana mamamatay ay nadadamay pa sa pagpipigil ko na mailigtas sila!

Ang hirap ng sitwasyon ko, gusto ko na lang na laging nakapikit ang mga mata ko dahil iniisip ko na sumpa yun.

Namatayan ako ng isang taong pinakamamahal ko. Yung taong nakakaintindi sakin kahit na sobrang weird ko. Sya lang ang nakatagal sa ugali ko. She was my bestfriend. Una pa lang kaming nagkita at nagkakilala crush ko na sya. Habang lumalaki kami ay mas nabubuo yung friendship and mas nade-develop kaming dalawa sa isa't isa. Oo mahal ko sya at mahal nya ako pero mas pinili namin na maging magkaibigan hanggang sa matapos ang college dahil magiging gf ko daw sya pag naka-graduate na kaming dalawa.

Tapos dumating ang araw na kinakatakutan ko. Nasa isang canteen kami, pinaupo ko na sya sa upuan at ako na ang pumunta sa counter para bumili ng lunch namin at paglingon ko sa kanya.

Alam nyo yung pakiramdam na biglang nakita mo yung black feather na dumapo sa ulo nya at biglang nawala. It's a premonition! It's a SIGN! She will be dead soon! Alam nyo yung kaba ko noon? Sobrang lakas. Buhay pa sya pero alam mong mamamatay na sya? Naiiyak ako di ko alam ang gagawin ko. Nagdasal ako sinabi ko na "Please huwag na sya. Hindi ko kakayanin" but the time comes, sinubukan ko syang iligtas pero nangyari pa rin ang kinakatakutan ko. Car accident. Nabunggo sya ng isang kotse at ang kotse ay dumiretso sa poste at namatay din ang driver nito. Natulala ako sa nangyari ng makita mismo ng dalawang mata ko na patay na ang bestfriend ko. Dumating ang mga rescuer at sinabi sa akin na patay na sya pero may isang survivor daw. Pagtingin ko sa kotse mas natulala ako sa sakay nito, sya yung babaeng nakita ko na dinapuan ng white feather nung nakaraang araw, sya yung survivor.

At naging malinaw sakin ang meaning ng black at white feather. Black Feather pag dinapuan ka, mamamatay ka habang ang White Feather pag dinapuan ka, may mangyayari sayong masama pero makakaligtas ka, meaning giving you a chance for another life.

After a year naka-move on na ako. Nasanay na lang ako sa mga nangyayari, naging part din ako ng tinatawag nila "OPSA" it's an organization for paranormal special abilities. Marami kami dito pero iilan lang ang may ability talaga pero yung ibang kasali dito wala talagang ability pero pinipilit nilang meron kaya winelcome pa rin namin sila.

Marami akong nakakausap na nakakakita sila ng multo. Nakakarinig sila ng mga kaluluwa at kaya nilang magpasapi at magpalabas ng kaluluwa sa sarili nila at meron ding mga tao na nakikita ang future, nakikita nila kung sino ang mamamatay, kung may kalamidad na mangyayari at kung may epidemyang papasok sa bansa at bihasa sila sa tinatawag na astral projections. One of the 3 lucid dreams.

3 Lucid Dreams :
Dejavu
Sleep Paralysis
Astral Projection

Di ko na masyadong sasabihin ang mga meaning nito pero mase-search nyo naman sya at diyan sa tatlong yan nagsisimula ang mga paranormal abilities.

3.) Who is Anna?

Sa mga nagtatanong kung sino si Anna, sya yung babaeng putikan na nakasabay ko sa UV express at sya rin yung babaeng nagligtas sakin with my near death experience.

Simula nung nagkaron ako ng kakaibang kakayahan, palagi ko nang nararamdaman si Anna, palagi lang syang nakasubaybay. Kahit na kasama ko yung bestfriend ko alam kong nandiyan lang sya sa paligid. Tuwing matutulog ako doon nya ako laging kinakausap. Kinakausap nya ako tungkol sa mga pangyayaring napakalabo? Yung tipong paggising mo makakalimutan mo na lang pero alam mo sa sarili mo na nakakausap mo sya.

Noong namatay ang bestfriend ko ang sinisisi ko ay si Anna dahil bakit binigyan nya ako ng ganitong kakayahan pero mali ako, hindi pala sya ang nagbigay ng kakayahan ko. Na-trigger lang sya dahil sa sleep paralysis at nakaligtas ako sa pangyayaring yun dahil sa tulong ni Anna.

Sobrang na Guilty ako at simula noon. Di ko na naramdaman si Anna. Dumaan ang isang taon, March 2018, exact date nung nakilala ko si Anna. Nagpasya ako na mag-investigate kung sino ba talaga sya? Sa tulong ng OPSA sinubukan namin na mag-research about sa kanya pero wala kaming mahanap. Walang incident report, kaya sumuko na lang ang mga kasama ko pero ako ay nagpatuloy pa rin dahil na-guilty ako sa ginawa ko. Oo, hindi na ako normal dahil nagi-guilty ako sa kaluluwa na lang pero gusto ko talagang malaman kung sino si Anna.

Pero isang araw sa paglalakad ko sa Marikina sa may Palengke ay may napansin akong litrato na hawak ng isang matandang babae na namamalimos at nakita ko ang mukha ni Anna. Kaya tinanong ko sya kung sino ang nasa litrato. Ang sabi nya sya si Annaliza, sya daw yung batang inaalagaan ng Lola Nida nya dati nung dalaga pa daw ito. Tuwang-tuwa daw kasi yung Lola Nida nya kay Annaliza dahil napaka-active daw nito at mahilig sya magpatawa kaya tuwang-tuwa ito sa kanya at naging nanay-nanayan sya ni Anna.

Kaya tinanong ko sya kung bakit may litrato sya ni Anna at bakit tinatago nya. Sabi nya bago daw mamatay ang Lola Nida nya binigay sa kanya ang litrato ni Anna.

At nabigla ako sa sunod nyang sinabi. Sinabi nya sakin na kaya daw tinago nya ang litrato dahil isang araw may lalapit sa kanya at tatanungin kung sino ang nasa litrato na hawak nya.

Napaisip ako bigla, seryoso ba ito? Bakit parang alam nila ang mangyayari? Kaya lalo akong na-curious at nagtanong ako sa kanya tungkol kay Anna.

Si Anna daw ay isang anak ng mayamang pamilya sa Montalban. May sarili silang sakahan at mga tanim na mga puno at yun ang ginagawa nilang negosyo. Dahil sa kagandahan ni Anna, marami daw nanliligaw dito at ni isa wala syang sinagot dahil daw di pa nya nakikita yung taong magpapatibok ng puso nya. Bihirang lumabas si Anna sa bahay nila. Ang palagi lang nyang kasama ay si Nida ang nag-aalaga sa kanya. Nanay na ang turing ni Anna kay Nida. Napakamasayahin nya sa edad na 19. Never pa syang nagka-bf hanggang sa di malaman na pangyayari ay biglang nawala si Anna.

Tatlong araw nilang hinanap si Anna pero di nila makita hanggang sa may nakitang litrato si Nida sa lamesa, litrato ito ni Anna. Kinuha nya ito at may nakasulat sa likod, binasa ni Nida ang nakasulat.

"Ang lalaking magtatanong kung sino ang nasa litratong ito ay ang lalaking nagpatibok ng puso ko."

Tinago ito ni Nida at nang paglabas nito sa bahay tumatakbo ang isang manggagawa at sinabing nakita na nila si Anna na nagpakamatay sa may sakahan. Punong-puno ito ng putik at nakababad ang buong katawan nya sa putikan at nakitang may laslas sya sa kanyang pulso. Ang hinala nila ay inalay nito ang kanyang buhay upang makita nya ang taong mamahalin nya sa hinaharap dahil katabi ng kanyang bangkay ay isang libro na nagsasabi na "Hindi ka dapat nabubuhay sa panahong ito. Wala dito ang taong magmamahal sayo, ialay mo ang buhay mo at ipapakita ko sayo ang taong magpapatibok ng puso mo."

Pero hindi makapaniwala si Nida na magagawang magpakamatay ni Anna ng dahil lang sa lalaki at dahil lang sinabi ng isang libro. Kaya sinabi ni Nida sa mga magulang ni Anna na baka pinatay si Anna pero nabago ang isip ni Nida ng makita nya ang diary ni Anna.

MARCH 6, 1977 : Nakakatamad ang buong maghapon ko, pagkagaling ko sa eskwelahan, si Nanay Nida lang ang makikita mo. Mga magulang ko na walang pakialam sakin, na puro pera lang ang nalalaman. Kailan kaya ako makakakita ng tao talagang mamahalin ako at mamahalin ko?

March 7, 1977 : Dumalaw si Daniel sa bahay, gwapo sya at matalino ngunit wala akong maramdamang pagmamahal sa kanya. Hindi sya ang para sakin, nakakapagod na. Wala na ba talagang lalaking kaya kong mahalin?

March 8, 1977 : Ang weird ng matandang nakasalubong ko kanina, naawa lang naman kasi ako dahil baka nagugutom na sya, may extra naman akong pagkain kaya bingay ko na sa kanya, siguro isa sya sa mga tinutugis ng mga sundalo, pero nakakaawa sya at mukha namang mabait, dahil binigyan nya pa ako ng libro kung paano ko daw makikita ang taong mamahalin ko.

March 9, 1977 : Nabasa ko ang nasa libro, tama sya, mukhang hindi ko panahon ito. Sinunod ko ang orasyon, sinulatan ko ang likod ng litrato ko, "Ang lalaking magtatanong kung sino ang nasa litratong ito ay ang lalaking nagpatibok ng puso ko."  Ngayon na ang oras para mag-alay, kinakabahan ako pero kailangan kong gawin at masaya ako sa gagawin ko. Paalam sa inyong lahat.

At doon nakumbinsi si Nida na nagpakamatay talaga si Anna.

Habang nakikinig ako sa kwento ng matanda, kinuha ko sa kanya ang litrato ni Anna. At may nakasulat nga itong "Ang lalaking magtatanong kung sino ang nasa litratong ito ay ang lalaking nagpatibok ng puso ko."

Di ko alam ang mararamdaman ko pero kinabahan ako dahil ako ang nagtanong kung sino ang nasa litratong ito. March 9, 2017 nang makita ko si Anna sa UV Express.

Continue Reading

You'll Also Like

62.3K 2.7K 33
STAR SECTION Ang section kung saan lahat ng magagaling na estudyante ay natipon, 34 students.................... Bawat isa sa kanila ay may iba't iba...
6.8K 433 25
ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Guhit ni Jamie Bauza
44.2K 1K 31
Limang kwento ng kababalaghan at katatakutan ang magdurugtung-dugtong dahil sa isang masaklap na massacre na nangyari.
204K 6.1K 71
Hinghest Achievement in Horror - #7 Transfer Student si Jasmin Fajardo sa Kirin Art Academy , Eskwelahan na akala niya ay Normal ngunit hindi pala...