Sky Paradox: Battle of Gangst...

By pen_and_ink

278K 5.5K 1.2K

(Tagalog) Sky Paradox. Isang amateur band na unti unting nakikilala sa mundo ng musika dahil sa kanilang mahu... More

Sky Paradox
Sky Paradox Band
Red Scorpion Gang/ Section Fire
Minor Characters
Prolouge
Chapter 1: Babae po ako...
Chapter 2: Section Fire
Chapter 3: Sakuragi, ang boy basted
Chapter 4: Deal or No Deal
Chapter 5: It's a Cloud-y Day
Chapter 6: Kinidnap si Kambal
Chapter 7: Black Mask Gang
Chapter 8: "Ex"-Mas Light
Chapter 9: Tour Guide
Chapter 10: Ang Muling Pagbuhos ng "Ulan"
Chapter 11: Makulimlim ang "Langit"
Chapter 12: Ang "Piyansi" ni Blue
Chapter 13: The Warning
Chapter 14: B1 vs B2
Chapter 15: Black Letter
Chapter 16: Ang Katapat ni Grey
Chapter 17: Dilemma of a Womanizer
Chapter 18: Ang Pagbabalik
Author's Note
Chapter 19: Red Strikes Again
Chapter 20: The Clash of Thunder and Lightning
Chapter 22: Teamwork: The Perfect and the Failure
Chapter 23: Sudden Outburst
Chapter 24: Aftermath
Chapter 25: Revelations
Chapter 26: Teardrops
Chapter 27: A Glimpse of the Past
Chapter 28: Friend or Foe
Chapter 29: Unmasked?
Chapter 30: Ang Nawalang mga Alaala
Chapter 31: Friends
Chapter 32: Intramurals
Chapter 33: Ang Pag-Art-e ni Sky

Chapter 21: Teamwork

5.6K 136 31
By pen_and_ink

A/N: Hello guys. Eto na ang update. Malalaman niyo na kung sino nga ba si 'am i too late' guy. And magkaka-idea din kayo kung sino nga ba si Harold, yun ay kung matinik kayo. But gusto ko lang malaman niyo na hindi siya major role kaya huwag kayo masyado mastress sakanya. hehe...

Anyway, hindi ko na patatagalin. here's chapter 21 entitled teamwork.

VOTE and COMMENT if you like the update.

CHAPTER 21 – Teamwork

Am I too late?

JJ? What are you doing here?” Gulat na tanong ni Lolo Bigote dito. Apo niya sa anak niya sa labas si John James or JJ kung tawagin. College na ito at sa sister school ng HU ito nag-aaral kaya hindi niya inaasahan ang pagpunta nito dito.

Wala naman Lolo. Masama bang bisitahin kita dito?” He said while smirking. He looked like a japanese samurai with his strong japanese features and long hair. Hindi maipagkakailang magpinsan sila ni Red dahil sa pareho silang may dangerous aura although marunong namang ngumiti ang isang ito.

Napabuntong hininga ang matanda. Hindi kasi kaila sakanya ang hindi pagkakasundo ng dalawang apo kaya nga hindi niya pinag-aral sa school na ito si JJ. “Kung bibisitahin mo lang ako ay sana naghintay ka na lang sa office ko. May importanteng bagay kaming pinag-uusapan dito.

Napangiti si JJ at sumulyap kay Sky. “Hmm… ang totoo meron pa akong ibang pakay.

Hindi ba pwedeng pag-usapan na lang natin yan mamaya?

No. This can’t wait. I just wanna give a present to this girl here.” Sabay turo kay Sky who’s staring blankly at him. Nagtatakang napatingin ang lahat sakanya. Inilabas naman niya ang isang CD at inilapag sa harap ni Sky.

What’s that?”Takang tanong ni Lolo Bigote.

Nakakunot-noong tinignan ni Cloud ang CD pagkatapos ay tumingin sakanya. “Yan ba yung kuha ng CCTV dun sa bar?

Tumango tango lang siya pero hindi nagsalita.

Paanong napunta sa’yo yan?” Seryosong tanong ni Lolo Bigote. Wala sa hinagap niyang ma-involve sa kasong ito ang apo na sa pagkakaalam niya ay hindi naman kilala si Sky.

Napangisi si JJ sa naging tanong ng Lolo niya. “Let’s just say, I have the luck to save it from… someone.

Kung ganun, pwede ba nating panoorin yan?” Singit ni Mrs. Enriquez.

Do as you please.” Sagot niya at naupo sa tabi ni Cloud na masama ang tingin sakanya pero nginitian lang niya ito.

Pinanood nga nila ang video at nakita nilang tugma ang kuwento ni Sky dito. Bumalik ang masayahing Sky at nakuha pang magsabi ng magandang anggulo daw sana niya para kuhanan ng picture. Nang matapos ay napapalakpak pa si Lolo Bigote bago nagsalita. Nawala na ang kanina’y bahid ng kalungkutan sa mukha ng matanda dahil sa muntikan na niyang pagka-expel.

Well well well. I think it’s settled then. We have the evidence that we’re looking for.

Tumango-tango ang karamihan sa mga member ng board. “Sorry hija kung hindi kami agad naniwala sa mga sinabi mo. Hindi mo kasi maaalis sa aming magduda dahil wala kang maipakitang katibayan kanina.” Nakangiting paliwanag ni Mrs. Enriquez.

Ngumiti din si Sky dito. “Okay lang po yun.

Napatayo naman ang Park representative, making his motives more obvious. “Teka lang paano yung about sa article na nasulat tungkol sakanya at yung issue sa pagtugtog niya sa resto-bar?

What about the malicious article? They don’t have any evidence of what was written there. They only have these pictures of her in that bar which was now cleared by that video so until they could show hard evidences, she’s proven innocent.” Seryosong pahayag ni Lolo Bigote habang matamang tinitignan ang representative.

Yeah that’s right. And about the other issue, I think there’s nothing wrong with that. Ikaw na rin ang nagsabing pwede sa mga teenager ang resto-bar na yun. At kaya lang naman kami sumangayon sa’yo kanina ay dahil akala naming gawain na niya talaga ang paglalasing sa mga bar which includes that resto-bar.” Sabi ni Mrs. Enriquez na sinangayunan ng iba.

Namutla ito at hindi agad nakaimik. “Pero…

At isa pa, wala namang masama sa pagbabanda. Magandang hobby yun kesa naman sa magbisyo sila.” Sabi ng isa pang lalaki kaya hindi na nakaimik pa ito.

So I guess the problem has been resolved. The video says it all so everything is clear. All we have to do now is clear Princess’ name on the issue.” Mula sa seryosong anyo kanina ay nakangiti nang wika ni Lolo Bigote.

Pagkatapos nang ilang saglit ay pinalabas na din sina Sky sa conference room kasama si JJ dahil may pag-uusapan pa daw sila. Pagkalabas ay agad na nagpasalamat si Sky sa huli.

Salamat nga pala sa pagtulong.

Wala yun. I’m glad that I could help.” Malapad ang ngiting tugon nito.

Ngumiti lang si Sky pero seryosong nakatingin dito si Cloud. “Paano napunta sa’yo yung video at paano mo nalaman ang kaso niya?

Hmm let’s just say, I happened to be there and overheard the guy who took the pictures talking to someone on his phone so I played the part of a Good Samaritan and helped her.” Nakangising sagot nito na tumingin na rin kay Cloud.

Nagsukatan ng tingin ang dalawa at walang nagsasalita. Batid ni Cloud na malaki ang naitulong nito sa kaso ng kaibigan pero masama talaga ang pakiramdam niya sa isang ‘to. He just can’t trust this guy who came from nowhere and helped her just because he’s simply a what? A good guy? Oh come on, hindi siya pinanganak kahapon para maniwala sa ganun ka-lame na reason.

Nagpalipat lipat ng tingin si Sky sa mga ito at nang hindi makatiis ay pumagitna na siya. “Ahehe salamat pala kung ganun. Buti nandun ka.” Nakangiti niyang sabi kay JJ na gumanti lang din ng ngiti. “O sige pala, una na kami. Babye.” Ani Sky at kumaway pa bago hinila palayo si Cloud na nakatingin pa rin ng seryoso dito.

Hindi pa sila masyadong nakakalayo nang tumawag ito. “Wait Princess!”Nang lumingon si Sky ay saka ito nagsalita. “Tawagin mo na lang akong Knight.

Nakangiting tumango lang si Sky at tuluyan na silang umalis. Nang mawala na sila ay siya namang pagsulpot ni Red na nag-uumapaw sa nakakatakot na aura. Napanood pala niya sa CCTV ang nangyari sa Conference Room. He’s definitely not pleased that she got away again and it’s all his damn cousin’s fault whom he despised... big time.

Kinuwelyuhan nito si JJ at tinulak sa pader. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?

Well, hello there too cousin.” Nakangising bati niya at hindi pinansin ang sinabi nito. Kung meron mang masasabing edge si JJ sa pinsan, yun ay ang husay niya sa pagkontrol ng galit niya. He can act cool and calm even though he feels the same anger toward his cousin.

Sinong nagsabing pwede kang makialam dito?” Red said while gritting his teeth.

Hmm… wala naman. Pero wala ding nagsabing hindi ako pwedeng makialam.” Cool na sagot ni JJ kaya lalong naging mapanganib ang tingin niya.

Umamba siya ng suntok pero hindi tinuloy nang makitang nakangiti lang ang pinsan. Alam niyang nag-eenjoy ito sa nakikitang galit niya kaya naman hindi niya ibibigay ang full satisfaction nito kapag nag-umpisa siya ng suntukan. He’s also aware that JJ’s gang is a member of Gangster Community and he doesn’t want to be the reason for his gang to be forced to join as well. “Binabalaan kita. Sa susunod na makialam ka pa ay hindi na kita palalagpasin pa.”Seryosong banta na lang niya.

Ngumisi lang ito at hindi man lang naapektuhan. Tinaas pa nito ang kilay na tila naghahamon. “Should I be scared?

Gigil na tinulak ni Red ito at tuluyan nang umalis.

Pinagpag ni JJ ang kuwelyo at inayos. Nakangiting umiling-iling na lang siya at sinenyasan ang nagtatagong estudyanteng nakasalamin. Mukhang mas lalo siyang mag-eenjoy sa pakikipaglaro sa pinsan this time.

~~~

 

Dibdibang practice ang nagaganap ngayon para sa mga basketball varsity dahil first official game nila kinabukasan para sa school year na ‘to.

O break muna. Pahinga muna kayo.” Utos ni Sky sa mga players.

Yes! Akala ko wala nang pahingahan ‘to.” Tuwang tuwang sabi ni B2 sabay takbo sa may bag nito para uminom ng tubig.

Haha hindi naman ako ganun kalupit. Saka ko na kayo gaganunin kapag championship na.” Nabitin sa pag-inom ang iba at gulat na napatingin ang lahat sakanya. “Wahaha juk lang. Nakakatawa mga mukha niyo.

Napahiga na sa sahig si Chickboy dahil sa pagod. “Whew akala ko totoo na.

Haha sige na relax muna kayo diyan. Rain lagyan mo ng towel ang likod mo.”Sabi niya kaya sumunod naman sila. Nilapitan niya si Kambal na nakaupo sa bench at may tinitignan sa notebook nito. “Ano Kambal? Sa tingin mo handa na sila para bukas?

Hmm pwede na. Malaki na din ang naging improvement nila.” Tumatangong sagot nito na hindi man lang inalis ang paningin sa notebook.

Mabuti naman. Hehe…

Tumahimik sila sandali nang biglang may naisip si Kambal. “Si Prime kaya? Ngayon lang siya hindi nagpractice bago ang laban.

Nagkibit balikat lang si Sky pero mukhang alam niya kung bakit hindi ito dumating ngayon. Pagkatapos nang ilang minutong pagpapahinga ay nag-resume na ang practice. Nang sumapit ang alas sais ay pinatigil na niya sila.

Assemble!” Sigaw ni Sky sa mga players na agad namang tumalima. Seryoso ang mukha niya kaya nanahimik silang lahat. “Bukas na ang laban niyo…” Panimula niya at isa isang tinignan ang mga players na seryosong nag-aabang ng sasabihin niya. Matapos mailibot ang paningin sa lahat ay saka siya muling nagsalita habang nakangiti na. “Gudlak na lang sa inyo. Kaya niyo yan! Aja! Fighting!

 

Napa-face falm na lang sila dahil dito.

Hehe yun lang! Makakauwi na kayo!

Haha loko talaga si Sky. Hindi na tayo dapat nagugulat eh.” Ani Chickboy sa iba.

Haha sige coach kita kits bukas.

~~~

 

Sigurado ka bang tama itong pinupuntahan natin Kuya Pogi?” Tanong ulit ni Sky pagkarating nila sa Eastern High na hindi niya sigurado kung yun nga ba talaga yung pagdadausan ng first official match nila.

 

Oo. Wala ka bang tiwala sa akin? Sa guwapo kong ito?”Nakangiting wika nito.

Hehe naninigurado lang.

Pumasok na sila at nagtanong pa si Kuya Pogi sa guard kung saan sila pwedeng mag-park. “Kung bakit kasi na-late ka ng gising. Hindi ka tuloy nakasabay sakanila.

Napakamot sa ulo si Sky. “Sori naman. Nakalimutan kong may laro ngayon eh, akala ko ordinaryong praktis lang.

Pagka-park ni Kuya Pogi ng sasakyan ay agad na siyang bumaba at tumakbo para hanapin ang gym. Pero dahil sa lawak ng school ay nahirapan siyang hanapin ito. Babalikan na sana niya si Kuya Pogi para magpasamang maghanap nang may makita siyang mga naka-varsity jacket na naglalakad kaya nilapitan niya ang mga ito.

Hello! Pwede bang magtanong?” Nakangiti niyang sabi sa mga ito.

Nagulat ang mga ito sa pagsulpot niya pero sumagot ang pinakamatangkad sakanila. “Nagtatanong ka na ah.

Napakamot sa ulo si Sky. “Ayy oo nga pala. Hehe…

Anong kailangan mo? Teka taga kalabang school ka ba?”Tanong ng singkit.

Oo. Hinahanap ko kasi yung gym kanina pa eh hindi ko makita.” Aniya habang pinupunasan ang pawis ng likod ng palad.

Sa liit mong yan? Kasali ka sa team?” Maanghang na komento nung pinakamatangkad.

Hayt do not mater naman eh. Ano pwede niyo ba akong dalhin dun?

Lumapit sa harap niya ang kalbo. “Bago ka namin tulungan ay patunayan mo munang kasali ka nga sa varsity.

Hindi naman ako kasa-

Oo nga. Bakit hindi tayo mag-jump ball. Kapag nakuha mo ito ay dadalhin ka namin sa gym.” Hamon ng pinakamatangkad.

Hmm sure sure. O game na.” Aniya at binaba na ang bag sa may gilid. Mukhang wala naman kasi siyang magagawa kundi pagbigyan ang mga ito. Mas mabuti na ang ganito kesa mapagod pa siya sa paghahanap.

O easy lang huwag masyadong atat.” Natatawang wika ng singkit at pinapuwesto na siya at yung pinakamatangkad.

Pagkahagis pataas nung kalbo ng bola ay agad na tumalon yung matangkad kaya napangisi ang mga kasamahan nito dahil hindi agad nakatalon si Sky. Saka pa lang siya tumalon nang makita niyang naabot na ng bola ang pinakamataas na point na maaabot nito, ginamit niya ang plant box bilang tuntungan. Dahil masyadong napaaga sa pagtalon ang kalaban ay hindi nito natantya ang inabot na taas ng bola kaya kinapos ang talon nito kanina at kinailangan pa nitong tumalon ulit. And for this reason, Sky got the ball successfully. Napahanga niya ang kasamahan ng matangkad at pumalakpak pa sila.

Umakbay sakanya yung singkit. “Wow bilib na ako sa’yo. Marunong kang dumiskarte. Nagawan mo ng paraan ang kakulangan mo sa height.

Oo nga. Naexcite tuloy akong makaharap ka sa court.” Sangayon ng kalbo at pinalo nito ng mahina sa tiyan ang kasamahang natalo na medyo masama ang tingin sakanya.

Ahehe pero hindi ako kasa-

O tara na, sabay ka na sa’min. Papunta na kami dun.” Aya agad ng singkit kaya hindi na naman niya natapos ang gustong sabihin. Nauuna silang naglakad at sinundan na lang niya ang mga ito. Pagdating nila sa gym ay hihiwalay na sana siya nang tawagin siya ng kalbo.

Teka ano nga pala pangalan at number mo? Para abangan kita mamaya sa court.

Ako si Sky. Wala akong number kas-

Anong walang number? Pinagloloko mo ba kami?” Angil ng pinakamatangkad at tinignan ang likod ng varsity jacket ni Sky. Nagulat sila sa kanilang nakita at sabay sabay silang napabulalas.

Coach?!

Hehe oo. Yan yung kanina ko pa gustong sabihin pero hindi niyo ako pinapatapos magsalita.” Sabi ni Sky na may alanganing ngiti. Nakatunganga pa rin sakanya ang mga ito nang may tumawag na sakanya.

Coach!

Napalingon siya at nakita niya sina Rain at ang iba kaya nagpaalam na siya sa mga ito. “Ayy sige pala. Salamat sa inyo. Gudlak na lang mamaya sa laban.” Agad na rin siyang umalis at pumunta sa mga kasamahan.

Naiwan namang naguguluhan pa rin ang tatlo.

Kelan pa nagkaroon ng totoong coach ang Red Scorpion na mukhang estudyante lang din?” Nakakunot-noong tanong ng singkit.

Napakamot sa ulo ang kalbo. “Akala ko ba si Red din ang tumatayong coach nila.

Ewan. Malalaman na lang natin mamaya. Tara na nga.” Naiinis na sabi ng matangkad.

Nang makalapit si Sky sa mga ka-team ay agad siyang sinalubong ni Kambal na natataranta na. “Sky saan ka ba galing?

Naligaw kasi ako eh. Ano na? Nagwarm-up na ba sila?

Oo kanina pa. Hinihintay ka na lang namin para sabihin kung sinu-sino ang first set. Wala pa din kasi si Prime eh.

Umupo siya sa tabi ni Kambal. “Hmm ipasok mo yung mga bago liban kay Rain. Tantiyahin muna natin ang kalaban.

Pero Sky, baka matambakan tayo kapag sila ang pinauna natin.” Tutol ni Kambal.

Inakbayan niya si Kambal. “Akong bahala dun. Ito lang ang magandang pagkakataon para makapaglaro sila. Balak kong paglaruin silang lahat kaya sila muna mauna.

Wala naman nang magawa si Kambal kundi sumunod. “O-okay. Sabi mo eh.

Hehe ikaw naman Kambal, wag kang masyadong kabahan. Relaks ka lang.” Sabi niya at pinapaghanda na ang lima. Nagulat lahat ng players at atubiling sumunod ang lima pero wala na silang magawa nang ipalista sila ni Kambal.

Coach sigurado ka ba diyan? Baka magalit si Captain.”Nag-aalalang sabi ni VC.

Tinapik-tapik niya ang balikat nito. “Wag kang mag-alala VC. Ayos lang yan. Wala naman siya eh hehe. Panoorin mo na lang kung paano maglaro ang kalaban.

Sumunod na lang si VC. Tumabi kay Sky si Rain at tinuro sa audience si Cloud kasama si Jaimee at Hanna pati na ang baklang kaibigan nila. Kumaway sila sakanya kaya nag-wave back siya. Nandun din ang iba pang taga section fire at mga taga Howard. Mayamaya pa’y nag-umpisa na ang laban. Halatadong kinakabahan ang lima dahil pumapalpak sila sa pagpasa sa isa’t isa at pati na rin sa pagsu-shoot. Dahil dito’y humingi ng time out si Sky para pagsabihan ang mga manlalaro.

O relaks lang mga parekoy. Wag kayong mapresyur kuker. Basketbol lang yan. Hindi kayo dapat kinakabahan sa paglalaro kundi dapat ineenjoy niyo yun. Gets niyo?

Eh coach, hindi namin maiwasang kabahan. Ang gagaling ng kalaban.

Natural na magaling sila. Kaya nga varsity sila e. Kayo din varsity kaya ipakita niyong magagaling din kayo.”Ani Sky. Hindi sila nakaimik at napatungo na lang kaya nagsalita ulit siya. “Hmm sige, bibigyan ko kayo ng pampalakas ng loob.”They looked at her hopefully then she became expressionless. “Ang makakakuha ng pinakamababang points ay gagawa ng 1000 frog leaps sa bleacher sa susunod na practice.

Nanlaki ang mata ng lima at nasamid ang mga umiinom na players. Napalunok sila sa narinig dahil alam nilang tototohanin niya ang sinabi niya lalo at ganun ang pagkakasabi niya. Nagkatinginan ang lima at naghanda na. Pagka-resume ng game ay bumalik na din sa dati si Sky at naki-cheer kasama ang iba. Kapansin-pansing gumanda na ang performance ng lima sa paglalaro. Bagama’t malayo pa rin ang lamang ng kalaban ay kitang kita naman ang paghabol ng score nila. Malapit nang matapos ang first quarter nang dumating si Red kasama si Blue. Kasama din nila si Grey pero humiwalay ito nang may ipabili si Jaimee sakanya.

Nagalit si Red sa nakitang score nila at inutusan si Kambal na ipasok siya pero pinigilan siya ni Blue at sinabing patapusin na lang ang first quarter. Nang dumating ang quarter break ay naghanda na si Red pero nagulat ang lahat nang sabihin ni Sky ang second set na maglalaro. Pinasok niya sina Sakuragi, Chickboy at ang tatlo pang hindi taga-Section Fire.

Binabalewala mo ba ang sinabi ko?” May hint of danger ang binitiwang salita ni Red kay Sky pero hindi umimik ang huli.

Pumagitna si Blue sakanila at inawat si Red sa pagsugod kay Sky. “Sa locker room na lang natin ito pag-usapan. Huwag tayong gumawa ng gulo dito at baka madisqualify pa kayo.” Hindi nagsalita si Red pero matalim pa rin ang tingin niya kay Sky. “Sky, tara na sa locker room para maayos ‘to. Rain ituro mo sa’min kung nasaan yung locker para sa inyo.” Baling niya sa mga ito kaya sumunod na lang sila. Naunang naglakad si Red na madilim pa rin ang anyo.

Nagkatinginan ang mga players at kinabahan sa mangyayari pero nginitian lang sila ni Sky. “Sige na, ipasok mo na yung mga sinabi ko Kambal. Mabilis lang ‘to. Balik din kami agad.

Sky…” Yun na lang ang nasabi ni Kambal dahil sa pag-aalala sa maaaring mangyari sakanya. Ginulo lang niya ang buhok nito saka kumaway na sa iba.

Aja! Fighting!” Huling sabi niya saka umalis kasama si Rain. Walang nagawa sina Kambal kundi sumunod sa sinabi ni Sky.

Meanwhile at the audience, nakita ni Cloud ang tensiyong namuo at sinundan niya sina Sky nang umalis ang mga ito sa court.

Nang makapasok sila sa loob ng locker room ay agad na sinuntok ni Red ang locker kasabay ng pagsara ni Cloud ng pintuan.

Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?” Galit na sabi ni Red pagkaharap kay Sky. Medyo nagulat siya dahil sa walang kaemo-emosyong mukha nito. May naramdaman siyang kakaiba dahil sa paraan ng pagkakatingin nito sakanya. It’s something between fear and... pain. Pero bakit naman niya mararamdaman ito mula sa isang babaeng hindi niya pa lubos na kilala at nakakasalamuha? He’s the one to be afraid of and not the other way around. And it’s definitely not pain because he’s absolutely over that feeling a year ago when he made himself numb from any emotions. Kung meron mang emosyon siyang taglay ngayon, yun ay ang galit. Only anger, no more no less. And that’s what he’s feeling for this girl in front of him.

Walang kakurap kurap namang sinalubong ni Sky ang nanlilisik na mata ng kaharap kaya hindi nakaligtas dito ang mabilisang pagdaan ng uncertainty sa mga mata ni Red kanina. “Ako ang coach kaya dapat lang na ako ang magdesisyon.

Nagpanting ang tenga ni Red sa narinig. “Anong sabi mo? Pumapatol ako sa babae baka hindi mo alam.” Nanggagalaiti niyang wika habang pinipigilan ni Blue na makalapit siya dito.

Nanatili namang walang imik na nakatayo sa likuran nito sina Rain at Cloud. Alam nilang ayaw ni Sky na makialam sila kaya hindi sila nagsasalita.

Alam ko na yan. Alam na alam ko yan.”Makahulugan ang salitang binitawan nito kaya napatingin si Blue dito. Although nakita na niya ang ganitong side ni Sky noon ay nagulat pa rin siya. She shows no emotion but her aura says she’s mad. Nung nakipag-deal ito sakanila by means of basketball ay hindi naman ganito ang naramdaman niyang aura. She was just serious yet calm back then. But now, he’s sensing the anger emanating from her. 

Pero wala kang magagawa kapag sinabi kong hindi ka maglalaro ngayon. Maliwanag ang sinabi kong hindi maglalaro ang mga hindi magpapractice.” Walang bahid na emosyon pa ring sabi nito.

Sinusubukan mo ba ako? Sa tingin mo susunod na lang ako sa sinabi mo? Hindi mo kilala ang kinakalaban mo kaya manahimik ka diyan at baka ano pang magawa ko sa’yo.” Matigas na sabi ni Red at akmang lalabas na.

Nanatili si Sky sa puwesto nito at hindi natinag sa sinabi niya. “Ituloy mo ang balak mo at ifo-forfeit ko ang laban.

Natigilan si Red at matalim itong tinignan. “Sinong tinakot mo?” Aniya at akmang itutuloy ang paglabas.

Hindi ako marunong manakot. Nagsasabi lang ako ng totoo. Kaya gagawin ko kung anong sinabi ko.

Galit na bumalik siya at pumunta sa harap nito. Hindi nagbago ang ekspresyon nito at hindi nasisindak sa pinapakita niyang galit. Nagsukatan ng tingin ang dalawa at walang bumibitaw. Muli na namang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pagkirot sa dibdib si Red. Nasosobrahan na ba siya sa nararamdamang galit kaya hindi na nakakayanan ng puso niya? Nakakuyom ang kamao niya pero parang wala lang kay Sky ito.

Naging alerto naman sina Rain at Cloud kung sakaling saktan niya ito. Seryoso ang mga mukha nila at mararamdaman mo ang pagpipigil nilang sugurin si Red. Kanina pa nila gustong saktan ang lalaki dahil sa paraan nito ng pagtrato kay Sky pero nanaig sa kanila ang isiping ayaw ni Sky na makialam sila sa sitwasyong ito.

Dahil sa malakas makiramdam si Blue ay hindi na siya nakatiis na hindi magsalita. Red hayaan mo na lang muna. Tutal wala ka din sa kondisyong maglaro ngayon.

Pansamantalang iniwan ni Red ang tingin kay Sky para tumingin kay Blue na nagtaas ng dalawang kamay na tila nagsasabing hindi lalaban. Pagkatapos niyang matignan ng masama ito ay ibinalik niya ang tingin kay Sky.

Kapag natalo sila ay aalis ako sa team at hindi na ako kailanman makikialam sa inyo.” Walang alinlangang sabi nito.

Yun ang gusto niyang marinig pero bakit mas lalong nadagdagan ang pagkirot ng dibdib niya. Galit pa rin ba siya kahit na may pag-asa nang mawala sa landas niya ang babaeng kinaiinisan? Or sadyang ganun na lang kalaki ang galit niya dito na kahit mawala na ito sa landas niya ay mananatili pa ring ganun ang mararamdaman niya dito? Hindi niya inalis ang tingin dito na tila tinitimbang ang anumang sinabi nito.

Tumingin sakanya si Blue. “Red…

Siguraduhin mo lang.” Aniya na lang sabay talikod dito.

Okay.”Maikling sambit ni Sky saka tumalikod na rin para umalis kasunod sila Cloud at Rain.

Naiwan sina Blue at Red sa locker room. Naghari ang katahimikan hanggang sa nagsalita ang huli nang hindi tumitingin sa kasama. “Now tell me she’s not a two-faced brat.

Napatingin si Blue dito. “Pero hindi ko siya masisisi kung naging ganun siya kanina.” Matiim siyang tinignan nito kaya tinaas niya ulit ang mga kamay. “Well, I just thought that she’s already aware of the fact na ikaw ang may kagagawan nung mga problemang kinaharap niya. Kaya naman napuno na siya at ganun-

Pinagtatanggol mo ba siya?! Pinagtatanggol mo pa DIN siya kahit nasaksihan mo na mismo kung paano siya nag-iiba?!

Hindi ko siya pinagtatanggol. Naisip ko lang na baka napuno na siya sa’yo kaya naging ganun na lang siya.” Pumikit si Red at naupo habang minamasahe ang gitna ng mata kaya pinagpatuloy niya ang sinasabi. “Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha kung bakit ganyan na lang kalaki ang galit mo sakanya. I know the fact that you hate girls, but if that’s your only reason then why don’t you just ignore her like what you’re doing to the rest of them? You don’t need to waste your time planning ways to kick her out because I honestly think she doesn’t deserved it. Nobody deserves it.

Hindi ito natinag sa posisyon nito kanina. “You wanna know why?” He paused. “Don’t ask me...

Kung ganun paano ko-

…just watch the conversation between her and the president.

Napakunot-noo siya sa sinabi nito pero hindi na siya nagtanong ulit dahil alam niyang hindi na ito ulit magsasalita. Sinong president ba ang tinutukoy nito? He personally knows two. The School President, Mr. Howard, and the SSC President, Jin Kenneth Lee. Napailing na lang siya at sumandal sa may pinto habang iniisip pa rin ito.

Sa kabilang dako, naabutan nila Sky na pilit humahabol sa score sina Sakuragi na nagdulot ng sunod-sunod na foul dito. Bumalik na si Cloud sa puwesto kanina at inusisa ng mga players si Sky kung anong nangyari pero ngumiti lang siya. Nagrequest siya ng time out pero wala siyang sinabing sermon kay Sakuragi kundi binigyan niya ito ng malakas na batok kaya pinagtawanan ito ng iba. Mukhang may powers ang batok niya dahil umayos ng konti ang laro nito at hindi na nagka-foul hanggang matapos ang first half. 15 points pa ang lamang ng kalaban kaya kailangan pa nilang pagbutihin ang laro. Pinasok ni Sky sina VC, Tol at Rain kapalit nung mga hindi taga Section Fire. Bago magsimula ang second half ay may pinahabol pa siyang salita.

15 lang ang lamang ng kalaban. Kaya niyo pang habulin yan. Isipin niyo na lang ham yan.

Huh?

Hahaha juk yun. Kayo naman masyado kayong seryoso. Sige na. Aja! Fighting!”Aniya saka umupo nang may maalala. “Ayy Sakuragi! Hindi lang batok ang aabutin mo kapag nagka-foul ka ulit.

Napakamot lang sa ulo si Sakuragi at alanganing tumango.

Pumunta sa harap niya si Rain. “Sky ako? Anong bilin mo sa akin?

Alam mo na yun. Gaya ng dati. Hehe…

Sige sige. Gagalingan ko para sa’yo.

Naglakad na sila papunta sa loob ng court nang biglang sumigaw si Cloud. “Go Rain!”Tumahimik ang mga nandun at napatingin dito pero nagseryoso na ulit ito na parang walang nangyari. Nagkatinginan na lang sina Sky at Rain saka nagtawanan.

The game continued, pero hindi pa nangangalahati ang 3rd quarter nang ma-foul ulit si Sakuragi. At dahil 4 na ang foul niya ay pinalitan na siya ni B2. Hindi pa nakakalapit si Sakuragi sa bench nang binato siya ni Sky ng bola sa sikmura kaya napayuko siya sa sakit. Pinagtawanan lang siya ng mga kasama pati si Sky. Sunod namang inalis si Chickboy nang ma-sprain ang paa nito kaya pinalitan na siya ni B1. Lalong lumiit ang lamang ng kalaban dahil laging naagaw ang bola mula sa mga ito na kadalasan ay si Rain ang nakakagawa.

Magaling na 3-pointer si Tol, nakatulong dito ang pagiging matangkad niya. Si VC ang nagsilbing pointguard. Forward talaga ang posisyon niya pero dahil wala si Red ay siya muna ang pumalit sa posisyon nito. Samantala, malapit nang matapos ang 3rd quarter nang makagawa ng combination move sina Rain, B1 at B2. Ang una ang aagaw sa bola tapos ipapasa niya sa kahit sino sa dalawa para gumawa ng fastbreak. Nang matapos ang 3rd quarter ay masayang nag-appear ang tatlo. Lumiit sa 5 points na lang ang lamang ng kalaban.

Agad na uminom ang lima at nagpunas ng pawis pero hindi maka-get over si B1 sa kasiyahan. “Grabe! Bilib na talaga ako kay Rain sa galing niya umagaw ng bola. Kung hindi ko lang alam na kalaban natin sila ay aakalain kong sadya nilang pinapasa ang bola sakanya eh.

Oo nga. Nakakatawa yung itsura nila kapag nangyayari yun tapos nagsisisihan pa sila. Haha para silang mga timang.” Sangayon ni B2.

Nagkatinginan na lang sina Rain at Sky na parang may sikreto silang hindi sinasabi. Ginulo ng huli ang buhok ng una. Maya maya’y lumapit si Sakuragi kay Sky. “Sky pwede bang pumasok ulit?

Bakit? Nakapaglaro ka naman na ah. Saka apat na ang foul mo, baka umabot pa yan ng lima lalo kang pagtatawanan.

Hindi coach. Hindi na ako magpa-foul promise.” Anito with matching hand gesture.

 

Nag-isip sandali si Sky. “Hmm kung papayag si Tol na palitan mo siya.

Nagliwanag ang mukha ni Sakuragi at bumaling kay Tol. “Ui Arwin pwede-

A-yo-ko! Manood ka na lang diyan. Tapos na term mo.” Putol nito sa anumang sasabihin niya.

Napakamot siya sa ulo. “Ito naman, hindi ko pa tapos sasabihin ko eh.

Tsk dun ka na nga. Baka mabatukan pa kita diyan.” Angil nito kaya bagsak ang balikat na bumalik siya sa tabi ni Chickboy na inasar asar pa siya.

Before the 4th quarter starts ay nagsalita pa muna si Sky sa mga players wearing her blank face. “Kalimutan niyo na lahat ng pinagawa ko sa mga practice sa inyo, huwag lang niyong aalisin sa isip niyo ang salitang ‘teamwork’. Kahit ito lang ang baunin niyo sa laban ngayon ay alam kong maipapanalo niyo ito. Isipin niyo kung ano ang mas makakabuti sa team at hindi ang makakabuti sa sarili niyo. Alam kong ngayon lang kayo nahirapan na maipanalo ang isang laro pero sigurado akong kapag nalagpasan niyo ito ngayon ay mas maiintindihan niyo ang pakiramdam ng isang tunay na panalo. Ang tagumpay ng isang team ay mas masarap makuha kapag pinaghirapan ng lahat at hindi ng iisang tao. Naiintindihan niyo?

Yes Coach!” Sigaw nilang lahat kasabay ng pagbalik sa dati ni Sky.

O sige na. Aja! Fighting!” Nakangiti niyang sabi.

The beginning of 4th quarter went well. Their good teamwork was very visible. Maayos na sinusunod ng lahat ang pointguard na si VC. Walang sablay din ang mga 3-points ni Tol tuwing mapupunta sakanya ang bola. Ipinagpatuloy naman ng tatlo ang combination moves nila hanggang sa wakas ay maitabla na nila ang score. 3 minutes na lang ang natitira nang magtawag ng time out ang kalaban. Nagsipag-appear ang lima sa mga kasama nang makalapit sa kanila. Habang nagpapahinga ay nakatanggap ng text si Tol. Nanlaki ang mata niya sa nabasa at hinanap kung saan nandun ang nagtext sakanya. Nakita niya itong nakatayo sa pintuan papuntang locker area at nakatingin din sakanya. Napalunok siya at agad ding binura ang text para walang ibang makabasa.

When the game resumed, the opponent became more aggressive. Kaya nung last minute na ay nakalamang sila ng 2 points. Sumigaw si Sky ng 3 point shot kaya binigay nila ang bola kay Tol. Pero dahil parang wala siya sa sarili ay naagaw ng kalaban ang bola. Mabuti na lang at nakuha ulit ni Rain ang possession. 15 seconds na lang kaya pinapuwesto na ni VC si Tol sa perimeter pero agad siyang nabantayan ng kalaban, gayunpaman ay pinasa pa rin nila sakanya ang bola. Bago niya itira ito ay tumingin ulit siya sa taong nagtext sakanya and then shoot…

Whoa!” Nagulat ang lahat nang supalpalin ni Rain ang bola at pumuwesto din sa perimeter para mag- 3 point shot. And at the very last second ay naitira nito ang bola.

*Eeeeennnnkkkk…

Natahimik ang buong gym, then…

__________________________________________________________________

A/N: O yan na. Now you know. hehe... si JJ yang nasa gilid. He's Song Jae Rim from Moon Embracing the Sun, if you know that drama. Siya yung bodyguard ng hari. 

anong masasabi niyo sa face to face encounter nila red at sky? may nafeel ba kayo? hohohoho

ayos lang ba kahit more on basketball na naman ito? Pagpasensiyahan niyo na kung may mali akong naisulat about sa basketball game. hindi ko kasi masyadong naresearch ulit eh. Pakitama na lang ako. ^_^

O sige humahaba na naman ang note ko. Till next time.

Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
47K 3.5K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
32.6K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...