The Wicked Cinderella

By HotNovember23

505K 8.4K 1.3K

[BOOK 1, completed, unedited] Wala raw permanente sa mundo kundi pagbabago. Siya na ngayon ang malupit na kon... More

Notable Notes
Trailer
The Wicked Cinderella
Wicked Chapter One
Wicked Chapter Two
Wicked Chapter Three
Wicked Chapter Four
Wicked Chapter Five
Wicked Chapter Six
Wicked Chapter Seven
Wicked Chapter Eight
Wicked Chapter Nine
Wicked Chapter Ten
Wicked Chapter Eleven
Wicked Chapter Twelve
Wicked Chapter Thirteen
Wicked Chapter Fourteen
Wicked Chapter Fifteen
Wicked Chapter Sixteen
Wicked Chapter Seventeen
Wicked Chapter Eighteen
Wicked Chapter Nineteen
Wicked Chapter Twenty
Wicked Chapter Twenty-One
Wicked Chapter Twenty-Two
Wicked Chapter Twenty-Three
Wicked Chapter Twenty-Four
Wicked Chapter Twenty-Five
Wicked Chapter Twenty-Six
Wicked Chapter Twenty-Seven
Wicked Chapter Twenty-Eight
Wicked Chapter Twenty-Nine
Wicked Chapter Thirty
Wicked Chapter Thirty-One
Wicked Chapter Thirty-Two
Wicked Chapter Thirty-Three
Wicked Chapter Thirty-Four
Wicked Chapter Thirty-Five
Wicked Chapter Thirty-Six
Wicked Chapter Thirty-Seven
Wicked Chapter Thirty-Eight
Wicked Chapter Thirty-Nine
Wicked Chapter Forty
Wicked Chapter Forty-One
Wicked Chapter Forty-Two
Wicked Chapter Forty-Three
Wicked Chapter Forty-Four
Wicked Chapter Forty-Six
Wicked Chapter Forty-Seven
Wicked Chapter Forty-Eight
Wicked Chapter Forty-Nine
Last Wicked Chapter
ANNOUNCEMENT no. 2

Wicked Chapter Forty-Five

5.5K 103 5
By HotNovember23

"You've been eyeing Shin since this morning. You look like a stalker!"

Pinaikot lang ni Aya ang mga mata niya sa kabila ng paratang ng nakangiting si Courtney. Nakaupo ito sa likuran niya. Nasa kanan naman nito ang tumatawa ring si Elise.

Nilingon ni Aya ang dalawa. "Don't you guys miss our Shin? Just watch, she's gonna come back to us."

"You're not plotting something, are you?" tanong ni Elise. Sa halip sumagot ay nakangiting nagkibit-balikat lang si Aya.

"Something's written on your forehead," si Courtney. Nakakunot ang noo niya at nakatingin kay Aya, animong binabasa niya ang bagay na sinabi niyang nakasulat sa noo nito. "Guilty!"

Lalong lumapad ang ngiti ni Aya. "You bet! Naalala n'yo yung pinag-usapan natin kahapon?"

"What? Shin's birthday?" tanong ni Elise.

"Yup. Ano nga ulit ang meron pag birthday ni Shin?"

"Wala," si Courtney. "Kelan ba nagpa-party si Shin? Tuwing birthday niya lagi na lang siyang wala."

"And she's so like out of reach for one whole day," dagdag ni Elise.

"Alam n'yo ba kung bakit nawawala si Shin sa tuwing birthday niya?" tanong ni Aya.

"Kasi nagpapaka-emo siya?" hula ni Elise. "I mean sabay yung birthday niya at death anniversary ng parents niya di ba? So she might think there's no reason to celebrate."

"Sort of. Pinupuntahan niya yung parents niya."

Bilang pinakamatalik na kaibigan ni Cindy, bukod kay Prince, si Aya na siguro ang pinaka nakakakilala sa dalaga. Kaya alam niya kung anong ginagawa nito sa tuwing hindi nito makuhang ipagdiwang ang sariling kaarawan.

Nagpatuloy si Aya, "At alam n'yo ba kung bakit niya pinupuntahan ang parents niya?"

"Ah, para dun siya mag-celebrate?" subok naman ni Courtney.

Umiling si Aya. "Nope!"

"Then why?" tanong ni Elise.

"Para isumpa nang paulit-ulit si Prince. Kasi ayaw niyang makalimutan ang galit niya."

"Well," si Courtney. "Sad to say, nakalimutan niya na ang tungkol dun."

Tumaas ang kilay ni Aya. "Kaya nga ipapaalala ko di ba?"

"But how?"

Ibinalik ni Aya ang tingin kay Cindy na ilang silya rin ang layo sa pwesto nila. Sumagot siya, "Through her very own journal."

***

"Journal?"

"Hm," tango ni Cindy. "Weird nga eh. Tinanong ko yung iba naming classmates tungkol dun pero wala naman daw kaming ipapasang ganon sa kahit anong subject. Ano kaya yung sinasabi ni Aya?"

Hindi rin alam ni Prince ang sagot sa tanong ni Cindy. Diretso ang tingin niya sa daan habang nakahawak sa manibela. Hati ang isip niya sa pagmamaneho at sa bagay na hinahanap ni Aya. Sa di niya malamang dahilan ay kinakabahan siya.

"Ano nga kaya yun?" Napahawak na lang si Cindy sa kanyang baba habang malalim na nag-iisip.

Napatingin siya kay Prince. Bigla niya kasing naramdaman ang kanan nitong kamay sa ibabaw ng kaliwa niya.

"Wag mo nang masyadong isipin yun. Baka gusto ka lang niyang guluhin."

"Ah, sa bagay. Baka nga."

Ilang minuto pa silang nagbyahe bago silang nakauwi... para abutan ang isang hindi nila inaasahang bisita.

Palapit na sila noon sa mansyon nang mapansin nila ang pagparada ng isang taxi sa harap ng bahay. Bumagal ang pagmamaneho ni Prince, balak niyang iparada muna ang sasakyan sa bakanteng lote sa tapat ng bahay.

"May bisita ka?" ang nawika ni Cindy.

Tuluyang naihinto ni Prince ang sasakyan sa tabi. Pinatay niya ang makina pero hindi muna siya bumaba. Pinanood niya ang pagbaba ng driver ng taxi. Dumiretso ito papunta sa dulo ng sasakyan. Binuksan nito ang likod ng taxi para ibaba ang isang malaking maleta. Kasabay noon ang pagbaba ng isang may edad babae mula sa backseat ng taxi.

Nakasuot ito ng isang eleganteng bestidang madilim ang pagkabughaw. May perlas itong kwintas at pares ng perlas ding hikaw. Nakasabit sa kaliwa nitong braso ang panigurado niyang mamahaling hand bag. At kahit sa malayuan ay kitang-kita ang makinang na bato ng suot nitong singsing.

Mali. Hindi siya isang bisita. Siya ang nagmamay-ari ng mansyon.

"M-Ma?" usal ni Prince.

Napatingin si Cindy sa binata. "Ma? Siya ang mommy mo?"

Hindi na nakasagot si Prince. Agad niyang kinalas ang sarili mula sa seatbelt. Nagmamadali siyang bumaba para salubungin ang ina. Ni hindi na niya naalalang kunin ang mga gamit niya sa likurang upuan ng sasakyan.

Bago pa makalapit si Prince kay Regina ay nakaalis na ang taxing may lulan rito kanina.

"Ma!"

Agad nilingon ni Regina ang may-ari ng pamilyar na boses na tumawag sa kanya. Tulad ng palagi ay may suot itong isang pangmayamang ngiti. "Prince. Nakauwi ka na rin pala. How's school?"

"O-Okay naman po. Kayo? Ba't hindi na naman kayo nagpasabing uuwi na kayo? Edi sana..."

"Edi sana hindi ka nagugulat?"

"Ha?"

Bahagyang tumawa ang donya. "Hindi ka pa nasanay sa'kin. Halika, tulungan mo na 'kong bitbitin ang gamit ko. Tara na sa loob."

"O-Opo." Hatak-hatak na ni Prince ang maleta ng kanyang ina. Mauuna na rin sana siyang pumasok sa loob.

"Cindy."

Napahinto si Prince. Nakalimutan niya si Cindy. Si Regina pa ang nakapansin dito.

Tipid na ngumiti si Cindy pabalik sa di niya kilalang ginang. "Good... afternoon po."

"Kamusta ka?" tanong ni Regina. "Hindi na 'ko nakapagpaalam sa'yo nung umalis ako. Lasing na lasing ka daw kasi. Sabagay, kahit hindi ka lasing, malamang na hindi ka rin magpapaalam sa'kin."

"Po?"

Muling tumawa si Regina. "Bumait ka."

"Ma," sabat ni Prince. "Wag naman kayong ganyan kay Cindy."

Binalikan ni Regina ng tingin si Prince. "Ano bang sinasabi mo? Wala naman akong ginagawang masama hindi ba? Pinupuri ko pa nga siya eh."

"Pero ma—"

"Mainit rito," putol niya sa binata. "Let's get inside."

Nauna nang pumasok si Regina. Madali namang buksan ang gate kahit mula sa labas.

Napatingin si Prince kay Cindy. Humigit-kumulang isang metro rin ang distansya nila sa isa't-isa.

"I'm sorry."

Ngumiti si Cindy bago humakbang palapit sa binata. "Para naman saan?"

"Ngayon pala ang uwi ni mommy... pero hindi ko alam."

Nakangiti pa rin, bahagyang kumunot ang noo ni Cindy. "Eh bakit mo nga kailangang mag-sorry?"

Nakayukong humugot ng malalim na hininga ang binata. "You see, you're not in good terms with my mom."

"Ah," patangu-tangong ani Cindy. Nawala na ang ngiti niya. Sa isip-isip niya'y daranasin niya rin ang dinaranas ng ibang manugang sa kamay ng mga biyenan nila kapag kinasal na sila ni Prince. "Ganun pala. Sayang naman."

"Sayang?"

Muling ngumiti si Cindy. "Di bale! Maraming nagsasabi sa'kin sa school na para na 'kong ibang tao ngayon. Kung talagang nagbago na 'ko, siguro pwedeng maging okay rin kami ng mommy mo. Di ba?"

Ngumiti na lang si Prince. "I hope so."

"Tara na sa loob?"

Tumango si Prince bilang sagot. Pero hindi niya sinabayan si Cindy papasok ng bahay. Hinayaan niya itong mauna. Pinanood niya ang bawat hakbang nito palayo sa kanya. Muling napabuntong-hininga si Prince. Kinakabahan siya sa kung ano ang pwedeng mangyari ngayon.

Sa loob.

"Cindy?"

Nakaramdam si Cindy ng kaba sa dibdib niya nang marinig niya ang tawag ni Regina. Nakaupo ito sa isa sa dalawang single sofa sa maluwang na sala. Pamilyar sa kanya ang ganoong pakiramdam. Kinakabahan siya. Pakiramdam niya ay nangyari na ang ganon noon. Siguro ay bago siyang magkaroon ng amnesia.

"Po?"

Bahagyang nilingon ng nakangiting si Regina si Cindy. "Halika muna rito. May itatanong lang ako sa'yo."

"O-Opo."

Humigpit ang hawak ni Cindy sa kanyang mga libro. Nayakap niya pa ang mga iyon malapit sa kanyang maingay na dibdib. Nag-aalangan siyang naglakad palapit kay Regina. Naupo siya't tahimik na naghintay sa sasabihin nito.

"Kamusta kayo ng anak ko? Inaasikaso ka ba niya ng maayos?"

Ngumiti si Cindy kahit pa nga ba hindi sa kanya nakatuon ang mga mata nito. "Opo. Inaalagaan po 'ko ni Prince."

"So, ginagawa mo pa rin palang yaya ang anak ko hanggang ngayon?"

"Po? H-Hindi naman po sa ganon. Ang ibig ko lang pong sabihin—"

"Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo."

"Po?"

Mukhang hilig talaga ni Regina ang putulin ang sinasabi ng iba.

"Walang nabanggit si Prince. Mabuti pa ang mga katulong rito sa bahay, may oras na tawagan ako't balitaan. I see. He's very much busy attending to all your needs."

Napayuko si Cindy. Hindi siya sigurado kung ano ang dapat niyang sabihin.

"Sige na, makakaalis ka na."

Tumango na lang si Cindy. Hindi niya makuhang magustuhan ang presensya ni Regina kahit alam niyang iyon ang ina ng lalaking gusto niya. Tumayo na si Cindy at naglakad palapit sa hagdan. Sakto namang noon lang pumasok si Prince.

Hindi siya napansin ng dalagang nakayuko pa rin hanggang ngayon. Diretso ang lakad nito. Mabagal ang bawat hakbang nito paakyat sa sariling kwarto.

Hindi na hinabol ni Prince si Cindy. Sa halip ay naglakad siya palapit sa kanyang ina.

"Ma, anong nangyari? May sinabi na naman ba kayo kay Cindy?"

Ngumiti si Regina. "Wag mo naman akong gawing kontrabida sa kwento mo, anak."

"Ma, nagtatanong lang ako."

"Don't worry. I won't be asking her to leave."

"Ha?"

"For as long as she behaves well, I won't get in your way. I may not be around always but I'm still your mom and I want you to be happy."

Prince could only breath out a smirk. Niyakap niya ang ina. "Thanks ma."

Muling ngumiti si Regina bago niyang ginantihan ang akap ng nag-iisa niyang anak.

Lingid sa kaalaman nila, nakatanaw sa kanila si Cindy. Mula sa tuktok ng hagdan, hindi niya rinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Talagang nanonood lang siya. Mapait siyang nakangiti. Hindi niya namalayan kung gaano na kahigpit ang pagkakatikom ng kanyang mga kamao. Aminin man niya o hindi, naiinggit siya kay Prince.

----

I'm about to give up. Nung sinabi kong meron na akong hanggang wicked chapter forty-five, narealize kong hindi pala updated yung file na nakasave sa computer ni ate. Dun sa laptop ko, meron na akong natapos na chapter 47. So I'm currently working on chapter 48.

At naloloka na talaga ako SOBRA! Hindi ko mapalabas yung gusto kong palabasin, hindi ko magawang ipasabi sa mga characters ko yung mga salitang gusto kong sabihin nila. Anyway may dalawang chapters pa ako so makakapag update pa ako sa susunod na mga linggo... hopefully by then nagawa ko na yung chapter 48.

Haist, I really want to finish this one.

Comments? Like? Still begging (>/\<)



Continue Reading

You'll Also Like

8.9K 84 41
Adetram Series Book 2 He's a prince. She's a commoner. He's a mage. She's just a human. He doesn't want to find his match. She's wanting to...
5.8K 310 60
"Mukhang lahat ng lalake ay balak mong makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthr...
336K 4.3K 69
Paano kung mainlove ka sa taong alam mong malabong-malabong mahalin ka? Paano kung pinaglalapit nga kayo ng tadhana pero siya na mismong gumagawa ng...
4.9K 230 59
Sabi nila tomboy raw ako dahil sa pananamit ko, sa paggalaw ko pero alam ko sa sarili ko na hindi ako tomboy. Kasi kung tomboy ako eh di sana itong p...