*ICA POV*
Ang saya saya ko. Dahil okay na sila, wala ng away. Kanina naiyak din ako sa ginawa ni trixia eh. kahit na ako nag-prepared non naiyak parin ako, paano kaya yung gaga may ginawa pala siyang video na ganun hindi ko alam yon yan tuloy napaiyak ako.
“Ang dami mo talagang alam noh?” tanong ni Pau kay trixia.
Kanina pa kasi niya kinukulit si trixia kung paano nangyari yung kanina. Ewan ba kay pau nagiging makulitin narin siya lately naawahan ni mitch lagi kasi sila magkasama.
“Ah. Kulit mo talaga. Hindi ako nag-isip nun si ica”
“Anong ako ikaw kaya” sabi ko
“Sus. Ang dami niyo kasi arte ni mitch kaya nagawa ko yon nagastos tuloy ako. Tsk”
“Anong maarte ka dyan, kasalanan mo rin naman eh.”
“Basta sorry talaga guys”
“Hindi naman talaga kami galet eh. Nag-irnarte lang kami” sabi ni micth kay trixia
Sabi na eh, hindi naman talaga sila galit kay trixia, maarte talaga mga kaibigan ko hehe. Pero hindi super arte best actress lang kasi sila eh.
“Galing talaga natin noh mitch! Hahahaha” tawa ni Pau. Baliw na to.
“Hahahahahaha. Oo nga ang dami natin teddy bear ngayon”
“Tsk. Ibalik niyo na nga mga yan”
“Ano ka samin na to no bhelat :P” pang-aasar nila kay trixia.
“Cheeee!”
Malapit na may mapikon sa mga to.
“Heeep! Hep! May mapipikon na tama na yan” awat ko sakanila.
“All of me loves all of you!” Ringtone yon ah kanino phone yon
“Teka lang guys ah” sabi ni trixia, sino kaya tumawag sakanya.
Halatang Masaya na siya ngayon unlike noong nakaraan na araw iyak na iyak siya and im happy for her. Mas lalo siya sumaya na okay na sila. Masayang Makita na Masaya ang mga kaibigan ko.
Lagi lang ako nandito sakanila. Wala nga naman iwanan diba. Wala kaya sa bokubolaryo naming apat ang iwanan.
“Sino tumawag?” tanong ni mitch. Chismosa talaga ang babaeng to.
“Si jake?” sabi ni trixia.
“Sinong jake? Boyfriend mo?” tanong ulit ni mitch.
“Hoy sinong may boyfriend na ah!” tanong naman ni Pau habang nagbabasa, ay hilig makisali sa usapan pero nakahawak sa libro niya. Bumalik nanaman ang adik sa libro.
“Boyfriend agad? Hindi pwedeng friend mu na?”
“Sino ba yon ah! Maliban samin may friend ka pa? Daya ah”
“Oo naman friendly kaya ako mitch”
“Sino yon?!”
“Chill lang ang init ng ulo, Remember yung tumulong sakin sa bar nung nalasing ako?”
“Oh napano siya?”
Hay nako pinairal nanaman ni mitch ang nanay moode niya. Masyado siya concern samin talaga pagdating sa lalaki. Bitter kasi siya eh hehe huwag kayo mainggay ah
“Nagkita kasi kami ulit kagabe pumunta ulit ako sa bar at siya si jake”
“Uminom ka nanaman?!”
“Teka nay mitch pumapanget kana oh hehe”
“Ewan sayo!”
“Hindi ako uminom dahil pinigilan niya and thanks to him dahil sa pinigilan niya ako naayos ko ang problema ko”
“Okay na ang dad at mom mo?” tanong ko sakanya.
“Oo. Nalaman ko din na-ampon ako”
O.O
Ano ampon si trixia. Hindi halata ah, kasi mahal na mahal siya ng daddy niya para siya talaga niya tunay na anak.
“Ampon? Paano nangyari yon ?”
“Malamang inampon nila ako”
“Pilosopo!”
“Nakilala ko na tunay kong magulang, at kanina kinausap ko siya”
“Ano pinagusapan niyo?” tanong ni Pau. Tinigilan na pala niya ang pagbabasa.
“Kinausap ko siya kung bakit niya ako pinamigay nung baby ako, at yun nga dahil nagkasakit ako na kailangan magamot ako. Sakto mahirap palang kami noon”
“Ibig sabihin may nanay kana besh!” masayang sabi ko.
“oo at dalawa sila?”
“Ah baket?”-Pau
“Humingi ng tawad saken si mom at anak na ang turing niya saken”
“Pinatawad mo naman?” tanongni mitch
“Oo wala naman dahilan kung bakit hindi diba? Isa pa kahit hindi niya ako tinuring na anak simula pa noon siya namankumkop sakin diba? Kaya nagpapasalamat parin ako, kung hindi wala ako ngayon sa tabi niyo. Hindi niyo makikilala ang pinaamaganda sa balat ng earth”
“Loka ako kaya yon!” sabi ni mitch sabay tayo “Ako kaya magigig beauty queen baling araw”
“Lakas ah! Support kita dyan!” sabi ni Pau
“Syempre kami rin noh!” sabi naman ni trixia.
Ang saya diba? Ganyan kaming apat mga baliw sa una magkompetensiya pero sa badang huli magkakaisa.
---------------------------------------------------------------
*TRIXIA POV*
Super happy ko ngayon! Buong araw ang dami nangyari. Thank you lord! Okay na kami ng mga taong mahal ko! Tama sila dapat hindi palagi saya ang mararanasan ng bawat tao, paminsan minsan din may darating na problema sayo pero ang Masaya don ay may mga tao na mananatiling damayan ka.
Dito na ako sa bahay ni mama ang tunay na nanay ko, I decided na dito muna ako tumira kahit ilang araw lang para makapag bonding kami. Tinawagan ko narin si dad okay naman daw sakanya , si mom daw miss na niya ako. Hehe. Ang saya naman sa feeling na namimiss ako ni mom.
Alam ko hindi pa huli ang lahat makaka-pagbonding pakami, hindi lang ako at siya pati si mama makakasama ko silang mag bonding dalawa. Happy family diba? Hehe.
Yan yung pinangarap ko noon paman yung complete yung family na matanggap na ako ni mom, pero ngayon dalawa na ang nanay at tatay ko. Yung asawa ni mama ngayon tanggap niya din ako bilang anak niya, hindi pala sina biyayaan ng anak kahit nan mayaman sila, kaya tuwang tuawa si papa saken, dahil matagal na niya pinangarap na magkaanak pero wala hindi nga sila binayaan.
Japaneese ang napangasawa ni mama, at super bait niya, actually half half siya hehe.
“May mensahe ka” hay putek sobrang ganda naman ng boses nun hehe. Hulaan niyo kanino boses yon edi sa maganda sa balat ng lupa ako yon woot woot haha.
1 message received
092621*****
Hi kumusta okay na ba lahat?
----End----
Tsk. Sino naman nagtext na to, kapal niya magtanong eh hindi ko naman siya kilala eh. Makapagreply nga.
To: 092621*****
Who the hell are you?!
----End-----
“May mensahe ka” ang bilis naman niya magreply
From: 092621*****
Ouch! Who the hell are me? Sakit ah
----End-----
Problema ne to sino naman kaya tong nagtritrip.
To: 092621*****
Alam mo kung nagtritrip ka. Huwag kana magtetext dito!
---End----
“All of me loves all of you”
Yii tumawag pa ang buset!
Callingg 092621*****….
“Yah! Who the hell are you?!” sabi ko agad sakanya.
[Hello the handsome man you meet last night]
*Tibok tibok*
Wahhhhhhhh! Si jake ba yon? Kalerke bakit biglang tumibok ng mabilis ang puso bakit kaya huhu.
“Hondsome? Yuck lang ah”
[Weh? If I know nung una mo ako nakita naging crush mo na ako]
“Yuck kapal ah! Mahangin dito”
[hahahahahahahahahahahaha. Taray mo talaga]
Baliw ata to tatawa nalang ano nakakatawa
“Tsk. Carzy man”
Biglang may sinabi siya, hindi ko narinig
“Ano sabi mo?”
[Nothing, sabi ko labas ka]
“Ah why? Gabi na”
[Nandito ako sa harap ng house niyo]
Hala ano ginagawa niya dito, sinilip ko naman siya sa bintana ayun nandito nga siya, nakita naman niya ako nakasilip, ngumiti naman ang baliw.
“What are you doing here?!”
[Basta labas kanalang, nilalamok na maganda ko katawan oh! Bye]
“Teka----“
*Toot Toot*
Baliw ng lalaking to gabi na nandito pa, bago ku siya pinuntahan nag-ayos mu na ako syempre dapat maganda diba hehe,. Tapos pumunta ako sa kusina at nagpahanda ng pagkain para saming dalawa, si mama kasi wala sila sa bahay pumunta sila japan may business meeting daw kasi si papa, papa na daw tawag ko saknya ayaw niya ng tito hehe.
“Tsk tagal naman!” reklamo ng baliw
“Ano ba kasi ginagawa mo dito?! Gabi na eh”
“Pwede papasukin mu na ako?”
“Oo na pasok na! tara sa garden tayo”
Sumunod naman ang baliw, shemay naman parang ang gwapo niya ngayon, tapos bigla ko hinawakan ang puso ko hindi siya mapakali, bakit kaya kainis naman oh.
“Sabin a eh naiinlove kana saken”
“Hindi noh! Hindi ikaw type ko!”
“Talaga lang ah! Tignan natin”
“Talaga!”
Ako maiinlove sayo iww never hindi ikaw ang type ko. Hindi nga maganda katawan mo eh, ni hindi ka nga gwapo bat ako maiinlove sayo!
“Mam heto na po yung pinahanda niyo” sabi ni manang.
“Sige po ate thankyou po”
Umalis na si manang, at si baliw ayon nagswimming ba naman. Sira ulo nun pumunta dito para magswimming, may pool kasi dito kaya ayun nagswimming si baliw.
“Sunget tara dito” yaya niya saken.
“Ayoko malamig na!”
“Tara na!”
“Ayoko!”
“KJ mo naman!”
Ayoko nga baka ano pa magawa ko pag sinabayan kita hehe. Paano ba nakashort lang siya nag-swimming, may abs din pala ang baliw na to.
“Hoy! Tama na nga yan! Gabi na malamig na oh!”
“Teka lang!”
“Loko ka noh! Pumunta ka ditto para lang magswimming! Tama nay an! Nagpahanda ako kay yaya ng makakain oh saying naman!” sigaw ko sakanya.
“Heto na ms sunget!”
Wahhhh. Pandesal may pandesal na humahon sa tubig, yummy…………..
“Hoy tulala ka dyan?!”
“Wala! Kapal mo dito kapa nagswimming talaga!”
“Sorry ah. Balak ko lang naman na kumustahin ka. Kaya lang may pool kayo kay ayan nagswimming na hehe.”
“Oh eto kainin mo yan! Tsaka mag damit ka nga!”
“Susa yaw mo nakikita mo abs ko!”
“Abs ka dyan baka taba!”
“Kunwari kapa”
“Hilig mo siguro ang lumanggoy noh?” tanong ko sakanya.
“Oo, simula bata pa ako, lumalanggoy na ako. Ang sarap kasi sa pakiramdam eh. Fashion ko na hehe. So kumusta? Mukhang okay na lahat ah.”
“Oo okay na lahat at dahil sayo yon. Thankyou pala ah”
“Wala yon, may kapalit yon eh” ngisi sabi niya
“Ano nanaman yon ah?”
“Simple lang”
“Ano nga?”
“Dapat hindi kana masunget saken”
“Manigas ka noh!”
Sus bakit naman hindi ako magsusungit sa kanya close ba kami.
“Mukhang mapapalaban ako sayo ah”
“At bakit naman?”
“Kasi sa dinami-rami ng gusto lumapit saken nagiging masunget ako sakanila tapos ang swerte mo ako pa lumalapit sayo”
“Kapal ah! Sino ba may sabi lumapit ka saken?”
“Ako. Kasi “
“Kasi?”
“Natatawa ako sa tuwing inaasar kita eh!”
“Cheee! Umuwi kana nga para makapagdamit kana! Tsupiiiii!”
“Eto na nga po oh aalis na! thankyou !”
“Chee! Ingat.”
Tinulak ko siya palabas ng gate namin. Ang kulit talaga ang hyper ng baliw na yon, sabagay baliw nga naman siya.
“Goodnight Ms. Sunget”
“Baliw. Ingat ka!”
Pumasok na ako sa bed ko. Hindi matanggal ang ngiti sa aking mga labi dahil sobrang saya ko ngayon. As in wala na mapaglagyan ang sobrang saya ko.
Im super lucky this day. Lord thankyou sa lahat ng to.
Hay! I’m Happy again.
---------------------------------------------------------------------
An: Sorry LATE UD ah. Tapos ang panget pa ng ud ko hehe. In love si ate trixia hehe. Leave a comment guys! Vote din pag may time! Thankyou! Hope you enjoy this chapter. Godbless Everyone! :)
Like FANPAGE ACCOUNT https://www.facebook.com/ImmabyAuthor para updated ka lagi!