Straight-phobia (GirlXGirl)[C...

By angDiyosaNgBuwan

260K 11.9K 2.1K

"DON'T FALL FOR STRAIGHT GIRLS", iyon ang rule ni Brielle. Ngunit isang bagong kapit-bahay ang tila makapagb... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
1. Brielle
2. Lagring
3. Attempts
4. Fair
5. Argument
6. Casualty
7. "That will Never Ever Ever Happen"
8. Don't Fall for Straight Girls
9. Trish
10. The Hunt for Pen
11. Pen
12. Pagbabalik
13. Unang Tampuhan
14. Mario
15. Overprotective "kuya"
16. Tagu-taguan
17. Pag-usbong
18. Green
19. A Scary Thing
20. A Scarier Thing
21. Love is in the Air
22. Feelings
23. Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib
24. This is.... It!
25. Just do it
26. Opportunity Knocks Only Once
27. Break
28. Waiting For You
29. Mystery
30. "Mahal Kita"
31. Roller Coaster
32. Gone
33. The Moment of Truth
34. Kasal-Sakali-Saklolo
35. The Runaway
36. Official
37. Susô
38. "Tara, punta na tayo sa hell."
39. Ang Kasal
40. Ang Paghaharap
41. Ang Ganti ni Brielle
43. Ang Duwelo
44. Ang Debate
45. Ang Panibagong Simula
Author's Note
100k Reached

42. Tinik sa Daan

4.4K 267 48
By angDiyosaNgBuwan

NAKARAMDAM ng takot si Brie nang makitang hawak na ni Jace ang baril. Hindi niya mabasa ang mukha nito nang tumingin sa kanya.

"Ako nang gagawa," ang biglang sabi. Ikinagulat pa niya nang itutok nito ang baril kay Terrio. Sunod-sunod na putok ang ginawa.

Napapikit si Brie. Walang silencer iyon, dahil ang baril iyon mismo ni Jace. Ang kay Terrio ang mayroon. Basag na halos ang mukha ng matandang manyak nang tumigil si Jace. "That's for stroking me, bastard." Nakangiwi pa itong napahaplos sa leeg. Pagkatapos noon ay bumaling ito sa kanya.

Nagsimula na namang kabahan si Brie.

"There. All done. Kapag binuhay pa natin siya ay siguradong babalikan na naman niya si Lorraine. Walang kapaguran ang hinayupak na 'yan," gigil nitong saad.

Napatitig lang dito si Brie at sa hawak nitong baril. Hingal siya sa mga pangyayari. Unti-unti na ring bumabalik ang sakit ng kanyang katawan. Marami nang dugong nawala sa kanya at ramdam na niya ang panghihina. Hindi na niya kayang lumaban pa.

Napakunot naman si Jace sa paraan ng pagtitig niya. Napatingin ito sa hawak na baril. "Ano bang iniisip mo? Na babarilin din kita?"

"Hindi ba?" tanong naman ni Brie. Sa kabila ng lahat ay wala pa rin siyang tiwala rito.

Bahagyang napatawa si Jace. "I'm just in-love with Lorraine, but I'm not obsessed with her like that a-hole."

Skeptical pa rin si Brie. Kanina lang ay gusto nitong kunin si Lagring. "Talaga ba? You can kill me now and have Lorraine for yourself."

Mataman siyang pinakatitigan ni Jace. "Is that an offer? Kung gusto mo talagang patayin kita, gagawin ko."

Napalunok si Brie. Bahagyang napalayo. "Okay. Mabuti naman kung gano'n. Hindi ko na kayang makipaglaban," aniyang napahawak sa dibdib na may tama. Nakahinga na rin siya ng maluwag. "Bakit nga pala? Kanina lang gustong-gusto mo nang kunin si Lorraine," hindi niya naiwasang itanong.

Taimtim lang ang mukha ni Jace. "Mahal ka ni Rain. Ano bang laban ko ro'n? Isa pa, napatunayan mo na rin sa'kin na karapat-dapat ka sa kanya. Mas importante sa'kin ang kaligayahan ni Rain."

Nakaramdam ng pagkatuwa si Brielle sa sinabi nito. Nabaling ang tingin niya sa bangkay ni Terrio. Bigla siyang nanghinayang. "Dapat binuhay mo siya. He should be tortured first."

"I think you tortured him enough," ika naman ni Jace.

"Pero hindi sapat ang kamatayan para sa kanya," matigas na sabi ni Brielle.

Paismid na tumawa si Jace. "Ang tanong, kaya mo ba talaga siyang i-torture? Ni hindi hindi mo nga siya magawang patayin. Malambot ka. Baka hindi mo kayanin at pakawalan mo pa siya."

Hindi maiwasang mainsulto ni Brie. "Huwag mo 'kong minamaliit," inis niyang sabi. Napapadaing na siya habang nagsasalita. Sumisigid na naman ang kirot ng mga sugat niya. Napahigpit ang hawak niya sa dibdib na patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo. "P-Papatayin ko na talaga siya dapat, pero mas naisip kong mas maganda na pahirapan muna siya," pagdadahilan pa niya. Pero maging sa sarili ay hindi siya kumbinsido roon at alam niyang ganoon din si Jace.

"The police will be here any minute. Hindi mo sila mapipigilang kunin 'yan. Tapos ikukulong ulit nila. At pagkatapos maghahanap na naman siya ng paraan para makatakas. I am a living proof for that. At alam mo, hangga't nabubuhay ang gagong 'yan, mananatili ring nabubuhay sa takot si Lorraine. And do you really want to go that dark path? By torturing him?" Napaismid si Jace. "Let's see if it won't burn you too. You'll just get mad like that bastard. Mas kailangan ni Lorraine ang matinong ikaw, hindi ang demonyong kagaya niyan."

Natigilan naman si Brie sa sinabi ni Jace. He did make sense.

Habang nag-uusap ay hindi nila namalayang nakamasid na sa kanila si Lorraine. Mukhang natauhan na rin ito.

"I guess that's settled then," ani Jace. "Don't worry, it's on me." Itinaas nito ang baril. "Ako ang pumatay sa kanya. You don't have to worry about the police. But you have to remember one thing..." Tumigil muna ito at matiim siyang tinitigan. "If you fail to protect Lorraine... Ikaw na ang susunod sa taong 'yan," banta nito.

Just then, Jace earned Brielle's respect. Mali pala lahat ng iniisip niya tungkol dito.

Pumihit na itong patalikod, ngunit biglang natigilan nang makitang nakatitig si Lorraine.

Umiiyak ang huli. Bakas ng pasasalamat ang mukha.

Ngumiti lang dito si Jace.

Bigla namang bumagsak sa lupa si Brielle. Hindi na kinaya ang nararamdamang panghihina. Napadaing siya. "Ah, fuck..."

Napalingon muli sa kanya si Jace. Imbes na daluhan siya ay amused pa itong napatawa.

Napabangon naman bigla si Lorraine. "Brie!" nag-alalang sigaw nito at agad siyang tinakbo.

Nawala bigla ang ngiti ni Jace, gumuhit ang paninibugho sa mukha. Humakbang na ito upang tuluyang umalis. Hindi na lumingon ulit.

Dinig naman nila ang mga papalapit na yabag sa paligid. Mabibigat iyon at nagmamadali.

"Brie..." Napapaiyak si Lorraine habang nakatingin sa kanya. "Don't you dare die on me, now."

Brielle laughed weakly. "Ngayon pa ba ako mamamatay?" Sobrang hina na lang niyon nang bigkasin niya. Napapapikit-pikit na siya sa labis na pagka-drain. Bigla siyang nag-alala kung mabubuhay pa siya. She felt like she was in a brink of death.

"Boss!"

Bago mawalan ng malay ay nakita pa niya ang papalapit na mga tauhan, kasama sina Kapitan Alfonzo.

"Brie! Gumising ka!"

Boses ni Lorraine ang huli niyang narinig.

TWO DAYS LATER...

Brielle felt herself smiling even with her eyes closed. It was like she was in a very cool place. Napakagaan ng pakiramdam niya.

"Hm..." Isang parang nasisiyahang tunog ang kumawala sa bibig niya. Tila ba nakahiga siya sa isang napakalambot na kama.

Nang imulat niya ang mga mata, pakiramdam niya ay kagagaling lang niya sa isang napakahaba at napakasarap na tulog.

Kulay-puti. Iyon ang unang sumalubong sa paningin niya. Parang alam na niya kung bakit ganoong kulay ang pintura ng lahat ng ospital. Malamig iyon at nakaka-relax sa mga mata. Ito rin ang kulay na hindi ka muna pag-iisipin. Iyong tipong mapatutulala ka na lang.

"Brie? Gising ka na!"

Napabaling siya sa pinanggalingan ng boses. Isang nakangiting anghel ang nalingunan niya sa kanang bahagi niya. Mukhang masayang-masaya ito, ngunit may namumuong luha sa mga mata.

Binalot ng saya ang dibdib niya pagkakita rito. "L-Lagring..." Nanibago pa ang lalamunan niya sa pagsasalita.

Hinawakan siya sa mukha ng kanyang anghel, dumukwang at dinampian siya ng sunod-sunod na halik sa labi.

Hindi niya maiwasang mapangiti. "Mm... Sarap naman. Isa pa nga," ungot pa niya.

Imbes na sundin ay napalo siya sa braso ni Lorraine.

"Ouch..." Napadaing siya dahil sa bandang may tama ng bala iyon. Noon niya naramdamang bigla ang hapdi ng mga sugat, pero hindi na ganoon katindi ang sakit.

Bigla namang nag-alala si Lorraine. Nag-sorry ito. "Nakakainis ka kasi, eh. Akala ko iiwan mo na talaga 'ko," naiiyak pa rin nitong wika.

"Puwede ba naman 'yon? Kung kailan nawala na lahat ng epal sa pagmamahalan natin," ika naman ni Brie. Ang sarap pala sa pakiramdam na nabunot na lahat ng tinik sa daraanan niya. Papunta kay Lorraine. "Nasa'n nga pala tayo?" Inilibot niya ang paningin. Pulos puti ang nakikita niya at mga aparato sa gilid. Tinanaw niya ang bintana at pilit inaninag sa labas.

"Nandito pa rin tayo sa Isla," tugon ni Lorraine. "Nasa ospital tayo. Mabuti na lang malapit 'to at naisugod ka agad."

Nang lingunin ito ni Brie ay nakita niya ang malungkot nitong mukha. "O, bakit?"

Lorraine fiddled with her fingers. "Ang useless ko. Ni hindi man lang kita natulungan do'n. You almost died because of me," guilty nitong sabi. "Ako dapat ang tumapos sa kanya. I didn't have the satisfaction to get my revenge. I have imagined so many ways to torture him. Wala man lang akong nagawa alin man sa mga 'yon."

Naawa naman dito si Brie. Oo nga naman, ang sakit siguro nang hindi mo man lang masaktan ang taong nang-agrabyado sa'yo. At hindi lang basta agrabyado ang nagawa ng hinayupak na iyon. Napakarami nitong ninakaw sa pagkatao ni Lorraine.

"Gustong-gusto ko siyang pugutan ng ulo kahit patay na siya," gigil pa nitong sabi, "kung hindi lang dahil sa pagpigil nina Mama."

Kinuha ni Brie ang kamay nito at pinisil iyon. "It would be useless though. He's dead anyway."

"I'm just upset I didn't get to hurt him. It would be really pleasurable to see him suffer in my hands," bakas ng matinding galit ang mga mata ni Lorraine. "Sinayang ko ang pagkakataon. That time... Bumalik sa'kin ang lahat. Kaya hindi kita nagawang natulungan. Pakiramdam ko, ako muli 'yong batang iyon. Wala akong ibang naramdaman nang sandaling iyon kundi takot."

"It's fine. 'Wag mo nang isipin 'yon. Naiganti na rin naman kita, eh," alo dito ni Brie. "Wala na siya. Hindi ka na niya magagalaw pa."

Tipid na ngumiti si Lorraine, bakas pa rin ang lungkot sa mga mata. "He's still in my head." Napatingin ito sa magkadaop nilang kamay. "But as long as you're with me, I know I will be fine. You make the fear go away."

Natutuwang hinaplos ni Brie ang ulo nito. "I'll always be here to protect you."

Noon na ngumiti si Lorraine. "Thank you."

May biglang naalalang itanong si Brie. "Ano nga palang nangyari kay Jace? Mapaparusahan ba siya?"

Umiling si Lorraine. "Hindi na. Self-defense lang naman ang nangyari kung tutuusin, 'di ba? Wala na ring plano ang mga pulis na kuwestiyunin ang bagay na 'yon."

"Mabuti naman." Nakahinga ng maluwag si Brie. Masaya siya para kay Jace. Malaki din ang isinakripisyo ng lalaki. "Naaawa rin ako kay Jace. At the same time napahanga niya rin ako. Akala ko talaga kukunin ka rin niya pagkatapos. Hindi ko inaasahang magpaparaya siya." Bahagya siyang napatawa bigla at tiningnan muli si Lorraine. "He's like your prince, right? Malas nga lang niya at na-inlove ka sa knight mo at hindi sa kanya."

Napangiti na rin si Lorraine. "He'll find the right princess for her."

"He surely will. Mabuti siyang tao kaya hindi malabong mangyari," sang-ayon naman ni Brie.

Tumango-tango si Lorraine. Napatitig sa kanya. "But most of all, I'm really happy you're alive. Na-missed kita, alam mo ba? Halos dalawang araw kang walang malay." Parang maiiyak na naman ito.

"Dalawang araw?" gulat pang ulit ni Brie.

Lorraine nodded cutely. Para itong bata.

Amused na napatawa si Brie. "Na-missed mo 'ko?"

"Oo na nga..." ika ni Lorraine na para pang nahihiya. Maya-maya ay lumungkot na naman ang mukha. "Nag-aalala talaga 'ko. Ilang oras kang nasa operating room. Mabuti na lang at walang natamaang vital organs sa puso mo. Masyado lang maraming dugo ang nawala sa'yo."

"Huwag ka nang malungkot. Gising na rin naman ako, 'di ba? Hinding-hindi kita iiwan. Kapag namatay ako, babangon ulit ako para masamahan ka," pagbibiro ni Brie.

"Yuck," ika naman ni Lorraine.

"O, bakit?"

"Ang baho kaya no'n."

"Porke mabaho, hindi mo na 'ko mahal?"

Biglang natawa si Lorraine. "Sira!"

"Isa pa nga uling kiss." Inginuso ni Brie ang bibig at pumikit. Hinintay niyang halikan siya nito, pero isang pitik sa noo lang ang nakuha niya. "Aray naman! Ang damot neto. Sige na."

"Hindi ka pa kaya nag-t-tootbrush. Dalawang araw kang tulog, 'no," ika ni Lorraine na may halong panunudyo.

"Ay, grabe... Matapos ang lahat ng sakripisyo ko para sa'yo, pagdadamutan mo pa 'ko? Ang unfair mo talaga, Lagring. Pampalubag-loob man lang, sige na." Inamoy pa ni Brie ang hininga. "Hindi naman mabaho, ah!"

Natatawang umiling si Lorraine. "Ayoko. Saka na 'pag nakapag-toothbrush ka na."

"Ang dugas talaga neto, eh," reklamo ni Brie.

Tinawanan lang uli siya ni Lorraine. "At magpagaling ka rin muna. Mag-h-honeymoon pa tayo, 'di ba?"

Nawalang bigla ang pagkasimangot ni Brie. Napakagat-labi. "Exciting 'yan, ah!"

Napalo siyang muli ni Lorraine. Namumula ang mukha.

"Gagawa tayo ng maraming anak, ah," ika pa ni Brie.

"Oo ba... Ilang anak ba ang gusto mo?" pakikisakay naman ni Lorraine.

"As much as possible. Saka gusto ko, araw-araw tayong gumawa ng anak."

Lalong namula si Lorraine. Naitulak na siya. "Tumigil ka na nga..."

Nasa ganoong pagkukulitan sila nang biglang may tumikhim.

Agad namang lumipad ang paningin nila sa pinto at parehong natigilan nang makita kung sino ang naroon.

Napalunok si Brie. Oo nga pala... May isa pang tinik na kailangan niyang malampasan...

Ang mga magulang ni Lorraine.

"Nakakaistorbo ba kami?" Ang ama ni Lagring ang nagsalita.

Pinilit tumawa ni Brie kahit kinakabahan. "A-Ah... Hindi po, ‘Pa. Okay lang."

Tumalim ang tingin sa kanya ni Louis sa narinig na itinawag niya.

Napakamot na lang si Brie.

Si Amor naman ay paismid na nakahalukipkip.

Biglang nagsalita si Lorraine. "‘Ma, ‘Pa... Sabi ko naman sa inyo, bumalik na kayo ng Maynila, 'di ba? Hindi ako aalis dito hangga't nandito pa si Brie."

Mababakas ang disgusto sa mukha ng dalawa.

"Dahil sa babaeng 'yan ay natuto ka nang sumuway sa'min," ika naman ng ina. "Hindi mo na ba talaga pinapahalagahan ang mga salita namin, ha?" ang tanong pa. Halatang masama ang loob.

Lorraine sighed in exasperation. "‘Ma... Uulit na naman ba tayo sa usapang 'to? Hindi ba puwedeng hayaan niyo na lang ako kung saan ako masaya?"

"Kung talagang wala na kaming halaga sayo, ay sige..." si Louis. "Luluwas na kami ng Maynila ngayon din. Kalimutan mo na ring may mga magulang ka pa." Nag-anyo na itong aalis at bumaling sa asawa. "Halika na, Amor. Mukhang ang tomboy na 'yan na lang ang mahalaga sa kanya."

Napapiksi si Brie sa itinawag sa kanya. How she hated that word!  Bigla siyang na-badtrip. Napahaplos na lang siya sa likod ng ulo.

Malungkot namang nakatitig ang inang si Amor kay Lorraine. "Naiintindihan naming matindi ang pinagdaanan mo, pero hindi mo kailangang gawing dahilan 'yon para pumanig ka sa isang kampo ng demonyo, at para ilihis mo ang paniniwala mo."

Maang na napatitig si Lorraine sa ina. "Wha—" hindi na nito naituloy pa ang sasabihin. Napahawak na lang sa sintido at bahagyang napapikit.

Gusto namang matawa ni Brie at iikot ang mga mata. 'How ridiculous.'

"God, ‘Ma," napapailing na turan ni Lorraine, "hindi ko naman po minahal si Brie dahil sa nangyari sa'kin!"

"Ano pa bang dahilan? Ha, Lorraine?" sumabat ang ama na napapihit muling paharap. "Nabubulag ka lang dahil sa nangyari sa'yo noon. You are defying God just because of what happened to you!"

"Ano po bang kalukuhan ang pinagsasabi niyo??" Napatayo na si Lorraine.

"Naiintindihan namin..." ang ina naman ang nagsalita, "siguro nga ay wala na rin kaming karapatang maging mga magulang mo dahil hindi ka namin nagawang maprotektahan. Dahil doon ay ayaw mo na ring makinig sa'min!" Emosyonal na ang ina. Nauna na itong mag-walkout.

Si Louis ay napailing pa muna bago sumunod sa asawa.

Napamaang na lang muli si Lorraine. Nasapo ang noo at umungol ng malakas. "Ugh... Gosh...!" Pasalampak na naupong muli ito sa visiting chair, sapo pa rin ang noo.

Si Brie naman ay hindi na napigilang ilabas ang pinipigilang tawa. Hanggang ang tawang iyon ay naging halakhak na.

Tiningnan siya ng masama ni Lorraine. Nahampas siyang muli ng palo. "Tumatawa ka pa talagang baliw ka!"

Hindi pa rin natigil si Brie. Napahawak na sa tiyan sa lakas ng tawa. Pilit niyang inayos ang sarili nang makita ang inis na mukha ni Lorraine. Tumikhim siya upang kumalma. "I'm sorry... Sobra lang kasing nakakatawa ang mga magulang mo, eh." Muling lumabas ang tawa sa bibig niya. "Grabe... Sa lahat yata ng na-meet kong homophobic, sila 'yong top 1." Itinaas pa niya ang kamay.

Inangilan siyang bigla ni Lorraine. "Kailangan mo pa talagang pagtawanan 'yon?" inis nitong tanong.

"Sorry naman..." Napakamot si Brie. "Kasi naman... Ganon ba talaga 'yong mga magulang mo? No offense ha... pero grabe 'yong kakitiran ng utak nila. Ipit na ipit ako. Ngayon, alam you na kung kanino ka nagmana."

Inirapan siya ni Lorraine. "Dati 'yon. Sumasakit na nga ang ulo ko sa kanila."

"‘Wag kang mag-alala. Ako'ng bahala," nakangiti pang sabi ni Brie.

Pinagtaasan siya ng kilay ni Lorraine. "At ano namang balak mong gawin, ha?"

"Liligawan ko ang mga magulang mo."








----
Dedicated to: ArteMo_oPakyu ganda kasi ng profile name. Habang nag-i-scroll ako ng notifications, siya umaangat sa lahat. 😅😂

Kunting tiis pa, guys... Daming nagsusulputang epals 😁

Continue Reading

You'll Also Like

618K 22.7K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
8.4K 423 39
Iisang bagay ang dahilan kung bakit nainlove si Annie kay Mindy. Ang isang bagay na ito kaya ang magiging dahilan din para di niya mahalin ang dalaga...
88.1K 1.4K 33
What a small world para kay Carlo (a girl) at Bridgette (a woman) na unang nagkakilala sa Perri's Point Club (isang bar) Saturday Night na ginanapan...
622K 18K 51
*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come Louise enjoyed that kind of thing sa tao...