Belle Ame: A Beautiful Soul (...

Da FGirlWriter

530K 21.7K 11.3K

Delos Santos Family Series - Auxiliary: Sa huling taon ng buhay niya, may pag-asa pa bang magpatawad at mapat... Altro

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven (Part 1)
Chapter Eleven (Part 2)
Chapter Eleven (Part 3)
Chapter Twelve (Part 1)
Chapter Twelve (Part 2)
Chapter Twelve (Part 3)

Epilogue

38.4K 1.6K 924
Da FGirlWriter

Epilogue

"I give all my thanks to God, for His mighty power has finally provided a way out through our Lord Jesus, the anointed one!

So if left to myself, the flesh is aligned with the law of sin, but now my renewed mind is fixed on and submitted to God's righteous principles."

- Romans 7:25 (TPT)

***

Santino Pierre Oleastro Delos Santos

1954 - 2007

"Take heart, my son. Your sins are forgiven." Matthew 9:2

A son, a husband,

a father, a beautiful soul.

       Hinaplos ko ang nakaukit niyang pangalan sa lapida. Napangiti ako...

       "It's been a decade, Mr. Delos Santos..." nasambit ko. "Ang bilis! Kumurap lang ako, 2017 na!"

       Pumikit ako at huminga nang malalim. May kirot man akong nararamdaman dahil sampung taon na rin ang lumipas nang mawala siya... Pero hindi iyon mapapantayan ang ligayang nasa puso ko ngayon.

       Alam kong pulos saya at galak din ang nararamdaman ng asawa ko. Sa langit, puro pagmamahal na lamang ang mayroon.

       "How's your everyday talk with Jesus? I bet you know the reasons and answers now to all your why, my handsome love. It all made sense, for sure..."

       Sa balintataw ko, nakikita ko pa rin ang mga ngiti ni Santino. Naririnig ko pa rin ang mga pigil niyang pagtawa...

       "I will be with you soon, Mr. Delos Santos." Idinilat ko ang mga mata ko. "I just don't know how soon. I'm still waiting for Blair to come to Christ. Pero huwag kang mag-aalala. Katulad ng pangako ko sa'yo, hinding hindi ko rin susukuan ang mga bata. Ngayon pa ba?

       "Anyway, I just came to visit because I suddenly missed you. Nagta-trabaho ako ng payapa sa opisina mo, tapos ginugulo mo 'ko, eh." I chuckled. "I love you, handsome!"

       Nagdasal ako ng taimtim sa Diyos. Pagkatapos ay tumayo na 'ko.

       I still have a lot of story to tell. I still need to do a lot of things...

       And I was able to accomplish it all, actually. I died in peace and full of joy.

       Natupad ko ang lahat ng pangako ko kay Santino bago kami nagkita sa langit.

       Although, that's another story to tell.

***

Year 2019.

       "DADDY, shell!" Pinulot ng dalawang taong gulang na anak ko ang isang maliit na kabibe. "Look, Daddy!"

       Ngumiti ako at binuhat si Elijah. "Shell! For you, Daddy..."

       "Thank you, son." I kissed his forehead and took the shell. "This is beautiful..."

       Tumingala ang anak ko sa kalangitang napupuno ng mga bituin.

       "Stars!" Tinuro niya iyon. "Daddy, stars!

       Napatingala ako at nakita ang laging maningning na gabi ng Tierra Fe.

       Napangiti ako nang maalala si Papa... Ngayong ama na din ako, batid ko na ang pagmamahal na kayang ibigay ng isang tatay para sa kanyang anak.

       It was true after all, when you see your own child for the first time, they will instantly owe your whole heart...

       Nginitian ko si Elijah. "Let's go inside? Mommy's waiting for us..."

       Umiling ito. Tumingala... "Stars!"

       Niyakap ko ang anak ko nang mahigpit. "Alright, we'll stay longer. Just one minute."

       "Yes, Daddy..." Yumapos ang munti nitong mga braso sa leeg ko. "Ganda stars! Ganda!"

       I looked up, again.

       "When the blue night is over my face, on the dark side of the world in space..." mahina kong pagkanta...

       Para kay Papa... "When I'm all alone with the stars above, you are the one I love..."

       I love you, Papa.

       Kuminang ang isang bituin kasabay nang pag-ihip nang malamyos na hangin.

       Elijah giggled. Napatingin ako sa kanya. "What's funny, my boy?"

       His lips landed on my cheeks. "I love Daddy more! I love Daddy more."

       "Sshh... Maririnig ka ni Mommy."

       He playfully laughed and kissed me, again.

       He's a fool for me as I am for this little boy.

       By the way, Elijah got your eyes, Papa.

***

"WHAT DO you want to show me, then?" tanong ko sa asawa kong maaga akong binisita sa kulungan ngayon.

       Kami pa lang ang tao sa buong visitor's area.

       "Wait." Naglabas si Patricia ng laptop mula sa laptop bag niya. Mabilis niyang binuksan ang laptop at sinaksak ang isang USB. "Mama Bella and Kuya Bari told me that you should watch this..."

       Hinintay ko na matapos si Patricia sa pagse-set-up. Maya-maya ay may mga pinindot lang ito sa laptop.

       Napakurap ako nang bumalandra ang mukha ni Papa sa screen.

       "Si Papa?" napatingin ako kay Patricia.

       Tumango siya. "Gumawa pala si Papa Santi ng video para sa'yo bago siya namatay. Ayaw mo daw kasi siyang kausapin noon..."

       "Yes..." ani ko. "I was really mad. Hindi ko pa mapatawad si Papa noon."

       Isa siguro iyon sa mga ipinagdasal ko pa rin sa Panginoon hanggang ngayon. Malaking pagsisisi na hindi ko binigyang kapatawaran si Papa bago ito pumanaw.

       Ngayon, napatawad ko na si Papa.

       I'm hoping that my forgiveness reached him in heaven...

       "Your father understood, mahal, sabi ni Mama Bella. Kaya nga ginawa na lang daw nila itong video noon. Baka daw puwede mong mapanood kapag handa ka na."

       "Bakit ngayon lang?" nagtataka kong tanong dahil ilang taon na rin nang mapatawad ko na ang lahat.

       "Ngayon mo daw kasi mas maiintindihan ang mga sasabihin ni Papa Santi dito sa video, sabi ni Mama Bella." Tiningala ako ni Patricia. "Are you ready to watch it, mahal?"

       Humugot ako ng malalim na hininga. I'm really curious about what my late father wants to tell me...

       Marahan akong tumango. Patricia dearly smiled and clicked the play button.

       Mula simula hanggang dulo ng video ay bumuhos ang mga luha ko. But still, I felt the warmth of my father's love throughout the video.

       Papa, matagal na kitang napatawad. I love you so much, that's the truth behind all the things we've been through...

       Someday, Papa... Naniniwala akong mayayakap din kita.

(Detailed chapter in Noah Alessandro Book)

***

"KEEP pushing!"

       Malakas akong umire kahit isang oras na 'kong umiire! Damn it, I'm so tired! Damn it! Damn it!

       I'm crying, but I have to be strong for my baby. Umire ako nang malakas. Sigaw ko ang bumalot sa buong delivery room.

       "One last, Misis!"

       One last push. I pushed as I scream, again

       Umalingawngaw na ang iyak ng sanggol sa buong kuwarto.

       Napangiti ako sa kabila ng pagod. I did it!

       I did it!

       Nandito na ang anak ko... nandito na...

       Agad na hiniga sa dibdib ko ang sanggol.

       "My son..." I whispered. "I-I love you..."

       Seeing this little and wonderful human, the pain was all worth it... Nandito ka na, anak...

       May kakampi na 'ko... Inangat ko ang kamay ko at marahan siyang niyakap...

       I fed him while the doctor stitches me up. Nahinto na 'ko sa pag-iyak at natulala na lang sa pagtitig sa anak ko.

       I won't sleep until he was delivered to my room, later...

       "Ma'am Blair, ano pong ipapangalan natin sa baby niyo?" tanong ng isang nurse.

       Napangiti ako at masuyong hinaplos ang bumbunan niya. He enjoys my milk and that makes me so happy...

       Bigla akong nakaramdam ng kakaibang lakas.

       "Santino..." I whispered.

       "Po?"

       I looked at the nurse. "Santino Pierre Delos Santos...That's my baby's name."

       Ngumiti ito. "Ang guwapo po ng pangalan, Ma'am. Bagay na bagay."

       Papa, this is for you. I love you. I miss you so bad...

       "Iyon po ba ang last name, Ma'am? Delos Santos?"

       Napalunok ako. "V-Valleroso. The father is Valleroso."

       Sinulat iyon ng nurse. "Santino Pierre Delos Santos Valleroso." Idinikta nito ang spelling. Nang tama lahat ay tumango ako.

       "Misis, we'll just take baby Santino for a while," the doctor said. "Ihahatid namin siya mamaya sa kuwarto mo, pagkatapos namin siyang malinisan at masigurong wala siyang kahit anong komplikasyon."

       "Okay..." I kissed his soft forehead lightly. "Mommy loves you, Santino Pierre... I love you so much."

       Nang kunin siya pansamantala ay napapikit ako.

       Anak, ikaw na ang una at huling mamahalin ko ng ganito katindi. Ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat para sa'yo...

       Magbabago ako para sa'yo.

W A K A S

***

"Don't think that the Lord is too weak to save you

or too deaf to hear your call for help."

- Isaiah 59:1 (GNB)


***

Ibarra Delos Santos' Story

More Trilogy

The Master of Waiting by Bari Delos Santos 

Alessandro Delos Santos' Story

Deliverance

Noah Alessandro (Sandro's POV. Not posted online. Self-published 2019. To be reprinted under FGW Publishing Camp)

Blair Delos Santos' Story

Good Riddance

***

TO GOD BE ALL THE GLORY!

-033120-

Continua a leggere

Ti piacerà anche

4M 110K 33
Geoffrey Lucas "Geoff" Martin was forced to marry Zoey. Ngunit pursigido naman si Zoey na ma-in love sa kanya si Geoff. Kaya araw-araw ay pinapakita...
516K 14.9K 13
Paano maniniwala ang isang tragic writer na may happily ever after? Pag-ibig kaya ang muling magpapatunay sa kanya na ang buhay ay hindi laging malun...
10.7K 1.2K 20
06/13/2023 - 06/16/2023
9.2M 202K 42
Kyle Vincent Villacruz's story.