Damn, This Love Ain't Simple...

By Yiimiyam

238 17 0

Emellie doesn't know what it feels like to have a date, to have her first kiss taken, and to have a guy that... More

!
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 2

36 3 0
By Yiimiyam

~• Chapter 2 - First Day •~
-

"Emellie?" rinig ko.

"hm?" sabi ko habang papikit pikit pa. Tinanggal ko yung earphones ko sa tenga ko at pinatay yung phone ko na kanina ko pa hawak.


"Nasa school na tayo." sabi ni manong Ben.


"A-ah, sige po. Thank you." sabi ko at akmang baba na. Tumango ito,  bumaba ako't isinara ko na ang pinto ng kotse at umalis na ito.


"Asan na sila Iris? Masyado ba akong maaga?" bulong ko sa sarili, tinignan ko ang wristwatch ko. 6:30 na pero wala pa rin sila, napagtanto ko na lagi pala silang late.


Pumasok ako sa luob ng gintong gate ng school at nakita ang mga estudyanteng masaya nag sasama-sama. Isinuksok ko ang earphones sa tenga ko at nag hintay sa tabi ng gate. Maya maya ay may naramdaman akong yumakap sa likod ko.


"Emiee~." sabi ni Allia habang mahigpit na nakayakap sa'kin. Muntik ko na siyang masiko dahil sa gulat. Tinanggal ko yung earphones ko at humarap sakaniya.


"Allia! wag mong gawin yan ulit, muntik na kitang masiko." sabi ko habang nakatingin ng seryoso sakaniya.


"Ako lang naman ang gumagawa niyan sa iyo." kunot nuo niyang sabi sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.


Nakita kong kasama niya na si Iris at wala pa rin si Samantha kaya habang nag hihintay kay Samantha ay naririnig ko na ang mga bulungan ng mga estudyante dito.


"Ang ganda nila." - Girl1.

"Bago na namang magaganda ang pumasok sa school." - Girl2.

"Kaka-glow up ko lang may bago na naman?" - Girl1.

"Damn!" - boy1.

"Hey, beautiful!" - boy2.


"Ang tagal ni Samantha." sabi ni Iris na halatang naiinip na habang may pahawi pa ng buhok.


"Hintay lang." sabi ko habang nakangiti. Napansin kong tumingin si Allia sa 'kin, tinaasan ko siya ng kaliwang kilay bilang sagot ko.


"Bakit hindi mo matry mag contact lens?" tanong ni Allia habang nakangiti. 


"Ayoko, takot ako." sagot ko habang nakangiti sakaniya. Na gulat ako nang dahan dahan niyang inialis ang salamin ko.


"Bagay naman sa 'yo walang glasses." sabi niya sabay thumbs up.


Kunot nuo ko siyang tinignan. "Kakasabi ko lang na takot ako eh." maypagka irita na sagot ko sabay kinuha yung salamin at sinuot. Tinawanan niya lang ako sabay akbay sa'kin.


"Guys!" sigaw ni Samantha. Lumingon kami at nginitian siya. Habang siya ay papalapit, halos lahat ng estudyante napapatingin sa taglay na kagandahan nito. Mas lalong dumami ang nakatingin nang mag simula kaming mag lakad papunta sakaniya.


"Yung ang Ganda mo na nga may mga magaganda ka pang kaibigan." - Girl1.

"Nag sama-sama yung mga magaganda!" - Boy2.

"Buti na lang at lumipat ako rito." - Boy3.

"Sana hindi lang sila puro ganda." - Girl3.


Napabuntong hininga ako dahil sa mga narinig ko, expected ko naman na magiging ganto ang reaksyon ng mga estudyante dahil parang halos lahat ng biyaya na ibinigay ni Papa God nasalo nila.

Talented, Beauty, Brain nasa kanila. Baka nga naligaw lang ako ng landas, hindi ata dapat ako kasama sakanila eh.


"Tara na, baka mangyari ulit ang nangyari nuon pag nag stay pa tayo dito sa labas." sabi ni Allia at ngumiti. Halatang pilit ang ngiting iyon at naiintindihan namin 'yon, sumunod kami sakaniya at pumunta sa room kung saan kami naka assign. Nangunang nag lakad sila Allia at nasa likod lang ako, pagbukas ng pinto, ramdam ko ang mga matang nakatingin sakanila.


"Good morning!" sabi ni Allia habang papasok ito sa luob.


Hindi pa si Allia nakakaupo ay agad na siyang pinalibutan ng mga estudyante. At kami? Deretso lang kami sa likod para umupo dahil dun na lang ang may bakanteng upuan. Rinig namin ang mga hiyawan at harutan sa harap dahil kay Allia.


"Famous." sabi ni Iris habang nakangiti't nakatingin sa harapan.


"E-excuse me, pwede ko bang malaman name mo?" tanong nung isang lalake kay Samantha.


"Hi!" sabi nung isa pang lalake kay Iris.


Yung tatlo ay busy sa pakikipag-usap at ako ay nakatingin lang sakanila. Nakaramdam ako nang pagkailang dahil nasa tabi lang ako ng bintana at walang nakakapansin sa'kin. Inilibot ko ang aking paningin at napatigil ito sa isang lalakeng nakatingin sa direksyon namin, Kunot nuo ko siyang tinignan at balak pa ngang makipag eye contest sakaniya pero may narinig akonf kumatok sa lamesa ko.


"Hello?? Emie? Are you there?" rinig kong sabi ni Allia. Takang nakatingin ako sakaniya. "Bat kunot yang nuo mo? sino naman tinitignan mo?" tanong ni Allia habang seryosong nakatingin sa'kin.


"Wala, bakit ba?" tanong ko sabay tawa.


"Ngiti naman diyan!" sabi niya habang pinipisil ang pisngi ko.


"Itigil mo nga yan." sabi ko't sinamaan siya ng tingin. Tumigil siya at ngumiti.


"Famous ka ghorl?" sabi ko sabay ngisi sakaniya.


"Hindi noh." sagot nito habang umiiling .


"Sus, Kilala ka talaga nila." sabi ko at pinanlakihan siya ng mata.


"Itong section lang." sagot niya.


Tumango ako at ngumiti. Habang patagal nang patagal mas lalo akong naboboringan dahil puro pagpapakilala lang naman. Nang mag break na kami nag-aya si Allia na ilibot kami rito sa school dahil hindi kami natuloy kahapon.


"Eto yung library." sabi ni Allia at binuksan ang malaking pinto.


Puno ng tao ang library at lahat ng table ay occupied na. Nag libot pa kami nang nag libot hanggang sa umabot kami sa Garden.


"Eto na yung last destination natin, Ang Everglow." sabi ni Allia.


Ang Everglow ay isang famous garden sa Mirai University. Hindi 'to normal na school garden lang, malaki ito kung saan pwede mag ikot-ikot ang mga estudyante para matanaw ang iba't ibang bulaklak. Pumasok kami rito at tinignan ang mga bulaklak.


"Mahilig sa bulaklak mama mo, right?" tanong ni Samantha habang dahan dahang hinahawakan ang isang bulaklak.


"Yeah, kaya sinuggest ni papa kay Lola na palakihin itong garden." sagot ni Allia habang nakapamulsa ang kanan niyang kamay.


"Pumayag agad Lola mo?" tanong ko at nilingon siya.


"Hindi, kase walang budget, pero dahil gusto nga ni papa para kay mama siya na lang ang nag pagawa. Regalo niya nuong 7th Anniversary nila mama." sagot ni Allia.


"Nice." sabi naming tatlo.

-

Kian's point of view

Ngayun ay nasa cafeteria ako kasama ang bagong transfer kong pinsan na si Alexandré na nakaabay ngayun sa akin. Hindi ko alam kung maiinis ako o masisiyahan sa nangyayari ngayun, I'm in between dun sa dalawang feelings na yun.


"Hindi ko inakala na sa first day ko agad-agad akong paglilibutan ng mga girls." sabi nito sabay ngisi.


Inirapan ko siya sabay sabing "Pwede ba? mag hinay-hinay ka sa charm mo. Baka gusto mo sa first week mo dumugin ka na agad ng mga babae."


Halata ang irita sa boses ko at ito ang dahilan nang pagtawa ni Alexandré sa'kin.


"Don't worry insan, sanay na ako." sabi niya sabay kindat sa akin.


Kinalibutan ako at na cringe dahil sa ginawa niya, gusto ko siyang sakalin dahil dun. I'm Kian Silvestre a.k.a Kei, I'm not cold I'm actually hot at yan ang rason kung bakit ako madalas makakuha ng mga love letters at 'tong kasama ko naman na sobrang hangin ay ang pinsan ko na si Alexandre Nam, Ang masiyahin at malandi kong pinsan.


"Guys!" sigaw ni Cody.


And that's Cody Dalton, ang childhood friend kong athletic at mabait pero marupok.

Taas kilay ko siyang tinignan habang papalapit ito sa'min, Inilapag niya yung plato niyang may dalawang kanin at puno ng gulay sa lamesa.


"Dalawang kanin na naman?" tanong ni Alex na halata ang mangha sa mukha. Tumango naman si Cody sabay subo ng kanin. 


"Bakit ganto? Nag sama-sama ang mga ideal type ko!" - Girl1.

"Please, be careful with my heart!" - Gitl2.

"First day na first day ito makikita ko? thank you!" - Girl3.


Namuo ang irita sa puso ko nang marinig ang mga babaeng nag kwekwentuhan. Hindi ko mapigilan ang pag irap ko dahil sa narinig ko.


"Asan si Jiro?" tanong ko kay Cody, nagkibitbalikat ito sabay subo ng kanin.


Lastly si Jiro Mendez, ang old friend ni Alexandré na nag iisang nag tagal sa ugali niya. He's like a thug but in reality, he is kind and soft.


"Tara!" aya ni Cody pagtapos ubusin yung tubig.


Tumayo ako't nauna nang mag lakad sakanila hindi ko kinaya ang titig ng mga babae sa canteen. Papunta na kami sa room nang may naramdaman akong pamilyar na presensya, na gulantang ako dahil sa naramdaman ko dahilan ng pagtigil ko sa paglalakad.


"Hoy!" rinig kong sigaw ni Alex. Napalitan ng inis ang nararamdaman ko dahilan nang pagtingin ko nang masama sakaniya.


"Pasok na." sabi niya sabay ngiti.


Ipinagwalang bahala ko na lang iyon at pumasok na sa luob ng classroom.

******
Emellie's pov

"Pakagat--ahh~." sabi ni Sam sabay ibinuka ang bibig, sinubuan naman nito ni Allia ng isang pirasong mansanas na hiniwa ni Iris.


Nasa kwarto kami ngayun kung saan makikita mo yung babaeng nasa painting in other words yung kwartong pinayagan kaming tumambay. Break time namin ngayun at dahil wala akong magawa ay biglaan akong napatanong sa isip ko kung bakit restricted area 'to sa mga estudyante maliban sa 'min ay dahil yung value ng painting is sentimental, baka siguro bigay yan ng yumaong lolo ni Allia sa kaniyang lola or somewhat bigay ng kung sinong importante sakanila.


"Guys, may sha-share ako sa inyo about sa kwartong 'to." sabi ni Allia sabay baba ng isang pirasong mansanas na kinuha niya sa plato.


"Alam niyo yung painting na yan? I hate that painting."

Continue Reading

You'll Also Like

16.6M 721K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
86.1K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
15.3K 292 39
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
1.9M 94.8K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...