I've Been With My Old Man

Від Kesikey_

321 25 0

Yherie is married to a man 14 years older than her, named Kelvin. There's no affection, care and love between... Більше

CHAPTER 1 ~ I'm leaving
CHAPTER 2 ~ Don't comeback
CHAPTER 3 ~ Hate
CHAPTER 4 ~ We've met again
CHAPTER 5 ~ Headline
CHAPTER 6 ~ Wake up
Author's Note
CHAPTER 7~ You're weird
CHAPTER 8 ~ Stop your old ways
CHAPTER 9 ~ New side
CHAPTER 10 ~ Opening
CHAPTER 11 ~ Weird Feelings
CHAPTER 13 ~ Bank Card

CHAPTER 12 ~ Ash gray

6 2 0
Від Kesikey_

Yherie POV

"Pwede ba Yherie,  sabihin mo na nga."

Hinila ko si Lily para umuwi nalang kami. Nandito kami sa kompanya ni Kelvin at kanina pa ako pinipilit ni Lily na ipakilala ko na daw ang sarili ko kung sino talaga ako para papasukin na kami.

"Excuse me manong guard,  baka di mo kasi kilala ang kaibigan ko.  Siya lang naman..hmm hhmm."

Tinakpan ko ang bibig ni Lily para di niya masabi,  nakakahiya kasi. Muka kasing wala talagang alam ang mga tao dito na may asawa ang boss nila. Siguro ganun talaga baka bawal malaman.

"Ano ka ba, tama na uwi nalang tayo."

Alok ko ulit kay Lily,  pero di talaga siya natinag pinilit niyang makalusot.

"Oh my gosh,  Lily. Are you okay?"

Nadapa siya dahil kasi tumakbo siya, tanga kasi. Madulas yong sahig kaya na out of balance. Tinulungan siya ng guard na makatayo pero ayaw niyang magpatulong.

"Kaya ko."

"Hay nako Lily,  sabi ko na ngang umuwi na tayo nakakahiya kaya,  daming nakakita sayo,  pinagtitinginan na tayo."

Tumayo na siya, halatang bad trip din. It's a silly thing that a rich girl like Lily end up like this. Pag nalaman to ni Tito siguradong maiipit ang kompanyang to. Oh wait! Ay Kelvin nga pala to.

"Lily, okay ka na ba. Are you hurt.  Tara sa clinic."

"OA mo naman,  clinic agad. Pero prend masakit."

Tiningnan niya pa ang tuhod niya na ngayon ay namumula pa. Pag nalaman talaga ni, Tito to malalagot talaga si Kelvin.

"Oyh Lily, ahm alam mo naman si Tito Harry."

"Ano ka ba don't worry. Dad will never know about this, ikaw naman masyado mong pinagtatakpan ang asawa mo,  ayeeeh oyy. "

Iyan na naman, pinagtatakpan agad. Ayaw ko lang ng gulo.

"What are you two doing here?"

Napatingin kami ni Lily kay Kelvin na ngayon ay nasa harapan namin.

"Say it."

Tiningnan ko si Lily. Sasabihin ko ba? pwede ko naman sigurong suyoin si Daddy.

"Tara na lang."

Hinila ko na siya para makaalis na pero pinigilan niya ako.

"Ha?"

Naguguluhan niyang tanong. Nako naman. Aalis nalang nga kasi ayaw kong magkautang na loob kay Kelvin. Baka hingan pa ko ng kapalit.

"No Yherie, nandito na tayo. Nadapa na nga ako eh. Para saan pat pumunta tayo dito?"

"Inaabala ka ba nila Sir? Pasensya na Sir,  kanina ko pa sila pinipigilang makapasok, mapilit po eh. Tara na ma'am."

Hinawakan ako ng guard at inaya nang lumabas. Pero pinigilan siya ni Kelvin.

"Hey,  don't touch her. Hindi naman nakaka abala ang asawa ko sakin."

Napatingin ako sa mga mata niya na tinititigan ako, kahit singkit siya ay nakikita parin ang ash gray na kulay ng mga ito. Mabilis niya akong nginitian. Langyang puso to,  ang bilis na naman.

"Asawa niyo po?"

Gulat na tanong ng guard. Tumango lang si Kelvin sa kanya.

"Ay nako sorry ma'am, hindi ko po sinasadya. Sorry po talaga"

"Oh,  diba. I told you so, papasukin mo kami,  kasi kilala kami ng boss mo. Paano kung nalaglag ang baby nila dahil na stress sayo."

Kinurot ko bigla si Lily sa pinagsasabi niya,  anong baby? Pagiging exaggerated talaga nito, nagiging out of reality.

"Aray naman, joke lang eh. It's a joke manong guard. Pinapagising lang kita ng kaunti. Kasi alauna na ng hapon, nakakaantok ang ganitong oras. At tiyaka,  walang baby ang friend kong ito kasi ewan ko sa boss mo,  ang dali-dali lang naman gawin yon diba?"

Tumalikod ako kasi baka makita ako ni Lily. Alam kong namumula ako ngayon,  ang init ng pisngi ko. Nakakahiya talaga siya. Bakit ba kasi ako pumayag sa plano niyang to.

"What's the matter? Let's talk in my office."

Bago paman kami makapunta ng office ni Kelvin ay may sinabi ang secretary niya, mahina kaya hindi ko narinig.

"My wife is here."

Sagot ni Kelvin sa secretary niya. Tumango lang ito at saka umalis na rin. Nasa 15th floor ang office ni Kelvin, ngayon ko lang din nalaman kasi yon ang pinindot niya sa elevator. This is my first time to enter his company that's why his employees doesn't know me at expected ko na yon.

"Take a sit."

Offer niya samin. Nilibot ko ang paningin ko sa office niya,  may pagka minimalist din pala siya. May side lang na nandon ang mga picture frames ng family nila at mga awards na natanggap niya.

Binigyan niya kami ng tubig at kape. Si Lily naman,  expected ko narin na hindi mag bi behave dito. Kung ako hanggang libot tingin lang. Siya pinuntahan niya at hinahawakan. Hay nako. Umupo lang si Kelvin sa upuan niya at hinihintay lang kaming magsalita.

"Is there any problem?"

Siguro nainip narin siya kaya nagtanong na siya. Alam kong maraming nakahilirang meeting na na postponed dahil samin.

"Oh Yherie sabihin mo na."

Paano ba sasabihin? Nahihiya ba ako? O ayaw ko lang talagang sabihin kasi pwede ko pa naman pakiusapan si Daddy,  di naman ako matitiis non.

"Na ano?"

"I'm going to talk to Daddy about this Lily, so let's go."

Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Lily.

"No no no, galit ang Daddy mo sayo,  do you think he will talk to you again?"

Napakamot na ko sa ulo ko,  kung bakit ba kasi napunta ako sa sitwasyong to eh.

"Hey people, can you make these things clear to me? What's the problem?"

"Bakit galit ang Daddy mo sayo?"

Sinenyasan ako ni Lily na magsalita na.

"Ayaw mag salita ng kaibigan mo. Ikaw na lang ang sumagot."

Utos nito kay Lily. Umayos ng pagkakaupo si Lily at handa ng magsalita,  sana naman walang siyang idagdag na kung ano pang di naman kailangan pang malaman.

"Kasi itong asawa mo, na block yong atm card niya. We're about to get the car,  we're buying it na sana."

"A car?"

Nagugulohang tanong ni Kelvin. Kukuha nga sana ako ng bagong sasakyan kasi natatakot akong mag commute.

"Oo,  paulit-ulit?  Tulongan mo naman sana tong asawa mong naghihirap na,  wala na yang pera,  hindi nga maka widraw."

Tiningnan ako ni Kelvin,  yong tingin na kung ano na naman bang trouble pinasok ko. Ni hindi ko rin nga alam eh,  kung bakit block yong card ko.

"Sinong nag block?"

Tanong ni Kelvin.

"Hindi ba ikaw?"

Napakunot noo naman si Kelvin sa balik tanong ni Lily. Kay Daddy ako humingi ng tulong about this problem,  na kung pwede siya muna magbabayad ng sasakyan hanggang hindi ko naaayos yong sa blocked card ko.

"Oyh yherie,  diba sabi mo baka si Kelvin tong nag block ng card mo?"

Ha? Oo nga pala. Siya yong inisip ko ka agad na may pasimuno nito. Ayaw niya kasi akong umaalis at pumupunta ng bar, kaya siya ang mayroong dahilan na gawin ito.

"Why would I?"

"Diba ayaw mo kong umaalis,  kaya may motibo karin."

Sagot ko,  siya lang naman eh. Saka may power siyang gawin yon kasi nga asawa niya ako.

"That's your money and I don't even touch that. So why would I block your card if that's the way you can access your money?"

Tinapik ako ni Lily,  tiningnan ko naman siya,  ano na naman ang plano nito.

"So if it is not you,  who else can do that?"

"I don't know."

Sagot ko, napatingin ako kay Kelvin ng tumayo siya. Nagbasa siya sa cellphone.

"So ano Goro. What's your plan?"

Tumingin siya kay Lily,  close sila ni Lily ng kaunti kaya casual lang sa kanya makapag usap ito.

"Let's resolve it next time. I just need to go, I have meetings to attend."

"Lily,  ihatid mo nalang si Yherie sa bahay at doon nalang natin to pag usapan."

Dagdag niya, nauna na siyang lumabas ng office. Siniko ako ni Lily kaya napatingin ako sa kanya.

" Oyh titig na titig sa asawa,  aminin mo na kasi na attracted ka sa kanya."

Heto na naman po tayo sa panunukso ni Lily. Lumabas na kami ng office ni Kelvin at sumakay ng elevator.

"Ihahatid lang kita sa bahay niyo ha, kayo nalang mag usap. Kung sa bagay,  usapang mag asawa naman iyan eh,  hay nako kinikilig ako sa inyo."

"Ayukong makigulo sa bonding time niyo,  malay niyo mabuo na ang aking future inaanak."

Tumawa pa siya,  anong pinag sasabi nito,  yong mga pangarap niya suntok sa buwan.

"Ewan ko sayo Lily, nangangarap ka ng imposible."

"Hoy,  sabi nga nila.  There's nothing impossible because the word itself says im possible."

"Bahala ka na nga."

A/N Sino nag block ng card ni Yherie,  si Kelvin kaya?  Baka tinatanggi lang niya.  Let see,  let see.









Продовжити читання

Вам також сподобається

18.4K 621 28
روايه اماراتيه تتكلم عن مثايل وحيده امها وابوها الي عانت من الم الانفصال الام : نوره الاب : محمد تاريخ الكتابه : 19/3/2023 تاريخ التنزيل : ..
335K 19.3K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
38.3K 2.5K 61
𝐭𝐡𝐞 𝟐𝐧𝐝 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐨𝐟 𝐬𝐡𝐨𝐫𝐭 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐨𝐥𝐢𝐯𝐢𝐚 𝐫𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐝 𝐲/𝐧'𝐬 𝐦𝐞𝐞𝐭-𝐜𝐮𝐭𝐞𝐬/𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢�...
41.3K 70 14
🤍 if u're not interested, don't report, just dont read!! 🤍