Picture of You (season 1 and...

By aril_daine

4M 43.4K 5.1K

noong bata pa si Aldrin... may napulot siyang litrato ng isang babae. then he fell in love..... sinubukan niy... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: SANA TALAGA
CHAPTER 2: HUH????
CHAPTER 3: A DATE TO REMEMBER
CHAPTER 4: SPLIT PERSONALITY
CHAPTER 5: SPICY!
CHAPTER 6: WRONG MOVE
CHAPTER 7: I LOVE YOU RAW
CHAPTER 8: STUDY OR CONFESSION?
CHAPTER 9: Trouble
CHAPTER 10: Nakakapagtaka
CHAPTER 11: Ang Gulo
CHAPTER 12: The Truth
CHAPTER 13: Kailangan ba talaga?
CHAPTER 14: Na-miss lang kita
Chapter 15: Anino
CHAPTER 16: I LOVE YOU
CHAPTER 17: Handa nga ba?
CHAPTER 18: Problema
CHAPTER 19: Hindi ko man lang nagawa
CHAPTER 20: One Hour
CHAPTER 21: TIME MACHINE
CHAPTER 22: LETTER
CHAPTER 23: The real one
CHAPTER 24: Somebody's Heart
CHAPTER 25: Trouble
CHAPTER 26: Daga
CHAPTER 27: Smile
Chapter 29: Wedding day
EPILOGUE
~~~NOTHING FOLLOWS~~~
Chapter 33: Forbidden
Chapter 34: ~____~
Chapter 35: Last day with her
Chapter 36: time machine
Chapter 1 (season 2)
Chapter 2 (season 2)
Chapter 3 (season 2)
Chapter 4 (season 2)
Chapter 5 (season 2)
Chapter 6 (season 2)
Chapter 7 (season 2)
Chapter 8 (season 2)
Chapter 9 (season 2)
Chapter 10 (season 2)
Chapter 11 (season 2)
Chapter 12 (season 2)
Chapter 13 (season 2)
Chapter 14 (season 2)
Chapter 15 (season 2)
Chapter 16: season 2
Chapter 17: season 2
Chapter 18 (season 2)
Chapter 19 (season 2)
Chapter 20 (season 2)
Chapter 21 (season 2)
Chapter 22 (Season 2)
Chapter 23 (season 2)
Chapter 24 plus ending plus epilogue plus AN

CHAPTER 28: The runaway Lena

57.1K 573 38
By aril_daine

CHAPTER 28

"The runaway Lena"

Kanina pa ako tingin nang tingin sa orasan. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng makita si Lena.

Goodbye.

Bakit paulit-ulit ko itong naririnig sa utak ko? Bakit ba parang ang lalim talaga ng ibig niyang sabihin sa salitang ito? O baka naman nag-iisip lang talaga ako masyado?

"Hoy Aldrin! Tulala ka nanaman dyan." Sinubukan akong gulatin ni Aireen pero hindi naman gumana. Hindi naman ako magugulatin.

Muli kong tinignan ang oras. Parang hindi umandar.

"Kung alam mo lang." kako.

"Problema?" Tanong niya saka tumabi saakin.

"Hindi naman pero parang."

Huminga siya nang malalim. Tingin ko ay aburido na siya saakin.

"Alam mo Aldrin, hindi naman ako against sainyo ni Lena pero isipin mong mabuti 'yang ginagawa mo hah? Bata pa naman kayo, tayo. Marami ka pang makikilala. Alam ko seryoso ka sakanya pero sana intindihin mo rin ang sitwasyon niyo. You're young. You'll do bold things and get into situations that you've never been. Huwag mong itali sakanya ang buhay mo."

Hindi ko siya sinagot. Naiintindihan ko naman ang sinasabi niya kaya sana maintindihan din niya ako. Hindi lang naman basta mahal ko siya e. Hindi ko alam. Siguro nga masyado akong seryoso kay Lena.

"Huwag mong mamasamain kaya lang sana isipin mo rin ang mommy at kapatid mo. Kaya mo ba siyang buhayin? Gusto ko naman si Lena para saiyo kaya lang gusto ka ba ng pamilya niya?"

Hindi.

Kailan man siguro ay hindi nila ako matatanggap para kay Lena. May fiancé na nga siya. Isang lalaking tinatakasan niya. Nakaraan na iniiwasan niya.

Nakaraan? Mali. Ako itong nakaraan na bigla nalang sumulpot sakanya. Hinintay ko siya dahil naniwala akong babalik siya at hindi naman ako nabigo. Okay naman kami ni Lena. Okay pa rin naman ang kinikita ko sa ngayon. Sapat pa naman yung ipon ko.

"Hindi madali mabuhay Aldrin. Isipin mo na muna ang sarili mo bago si Lena."

"Kung anu-ano nanaman ang sinasabi mo kay Aldrin. Hayaan mo siya. Pinaninindigan lang niya ang desisyon niya. Isa pa mahal niya yung tao. Hayaan mo lang." Seryoso ang pagkakasabi ni Jolo. Alam kong loko-loko si Jolo pero kung pananaw lang din siguro sa buhay, alam kong magkakasundo kami. Kaya nga kaibigan ko siya.

"Pwes para saakin layuan na niya si Lena hanggat maaga pa. Face the reality Aldrin. She won't live long. Kahit pa may bago siyang puso. Irereject at i-rereject pa rin iyan ng katawan niya. Hindi mo alam kung hanggang kailan siya mabubuhay."

"Aireen hindi ko kaya. Kapag nilayuan ko siya, hindi ko kakayanin."

"Ang akin lang, ngayon hindi niyo pa ramdam yung mga pwedeng maging problema dahil sa pagsasama niyo pero kapag tumagal hindi na natin masasabi."

Napatingin ako sa paalis naming prof. Kahit kailan talaga ay wala siyang pakialam sa ginagawa ng klase niya. Basta titignan lang niya ang progress sa thesis.

Lumabas na rin ako pagkaalis nung prof namin. Dumiretso na ako kaagad sa klase niya ngayon. Kalat-kalat sila. Ang iba ay lumalabas. Ang iba naman sakanila ay nag-aaral.

"Miss, si Lady?" Tanong ko sa isang kaklase niya.

"Naku kakaalis lang niya." Sagot niya saka tinalikuran na ako.

Naman! Ang sabi ko sakanya sabay kami uuwi. Hindi pa naman tapos ang klase nila ah.

Tumakbo ako papunta sa gate dahil nagbabasakali akong maabutan ko siya kaya lang wala siya. Pakalat-kalat lang ang mga estudyante ngayon dito sa labas. Ang iba sakanila ay uuwi na at iba naman papasok palang.

Nakakainis. Nasaan na ba siya? Bakit ba ako kinakabahan?

Naglakad-lakad ako para hanapin siya. Umaasa na sana ay nandyan lang siya sa tabi. Alam kong hindi naman niya ako iiwanan.

Bakit ba ang paranoid ko?

Baka bumalik na siya sa klase nila. Tama. Bumalik na siguro siya.

"Aish! Bakit ba ako kinakabahan?"

Naglalakad na ako pabalik sa building namin nang mapansin ko ang isang magarang sasakyan. Napatigil ako nang mapansin kong si Lena ang nasa loob nito.

Sh*t!

Walang sabi-sabi kong sinundan ito pero hindi ko na ito naabutan. Ni hindi man lang niya ako nakita at narinig!

Pero sigurado ako. Si Lena ang nakita ko. Si Lena ang babaeng nakasakay doon. Pero bakit?

"LENA!" Sigaw ko pero nagmumukha lang akong tanga ngayon. Nakaalis na yung sasakyan. F*ck! Ano bang nangyayari?

Hindi lang siya ang nakasakay kanina. Si Raymond. Yung fiancé niya. Tama. Siya nga iyon. Sh*t! Bakit siya sumama sakanya?

Aish!

"Bakit ba hindi ko napansin na kakaiba siya nitong nakaraan? Takte!"

Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage na. Hindi rin sumasagot si Lady sa mga tawag ko ngayon. Leche talaga.

Nagmadali akong umuwi sa apartment. Umaasa akong hindi si Lena ang nakita ko kanina kung hindi si Lady. Pero Sh*t lang! Wala talaga siya!

Maayos ang bahay pero pagtingin ko sa cabinet ay wala na ang mga damit niya. Lumabas ako sa kwarto at napansin ko ang isang kapirasong papel.

I'm sorry Aldrin. Mahal kita kaya ako umalis.

Alam kong humiling ako na huwag mo akong iwanan.

Pero hindi ko kayang masaktan ka nang dahil lang saakin.

I'm sorry.

Napamura nalang ako nang mabasa ko ang sulat na iniwan niya.

Nyeta talaga! Ano bang iniisip niya?

Hindi ko alam kung anong sumagi sa isipan ko pero hindi ko siya sinundan. Hindi ko maintindihan ang sitwasyon. Ayokong magpadalos-dalos. Alam kong hindi babalik si Lena kaya naman napagdesisyunan ko munang umuwi saamin. Disappointed ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit kay Lena o sa sarili ko.

Ngayon nasa harapan na ako ng bahay namin. Hindi kaya sampal ang aabutin ko nito sa nanay ko? Pero taliwas sa inaasahan ko ay niyakap ako ni mama.

"Thank God Aldrin, you're safe."

"Ayos lang naman ako ma."

"Sigurado ka? Hindi ka ba nasaktan?"

"Ma, okay ako. Bakit naman ako masasaktan?"

"Paano kung awayin ka nung fiance ni Lena? Anak naman don't involve yourself anymore, please."

Huminga nalang ako ng malalim at niyakap ang nanay ko. Sa totoo lang tama naman siya. Kahit lalaki ako ay nasasaktan naman ako sa desisyong ginawa ni Lena ngayon.

***

Tinawagan ako ni Lady kanina. Nakikiusap siya na huwag akong magalit kay Lena. Hindi naman ako galit. Nakakainis lang na parang walang tiwala saakin si Lena. Siya ang nagsabing huwag ko siyang iwanan pero heto nanaman siya at iniwan ako.

"Aish! Bakit ba kasi kailangan naming maranasan ito?" Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at lumabas na muna ng bahay.

Para ngang may sariling buhay ang mga paa ko dahil dinadala ako sa kung saan. Hindi naman sa hindi ko alam kung saan ako papunta. Sadyang ang lugar na iyon lang yata talaga ang gusto kong puntahan.

"Lena." Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong malaman ang lahat. Kung bakit niya ako patuloy na iniiwan at babalikan. Takte. Hindi naman laging bukas ang bahay ng isang tao.

Pasakay na ako sa bus ngayon at talaga namang wala akong balak tumigil.

"Mr. Santiago?" Tanong saakin ng isang babae nang makaupo na ako. Hindi ko siya kilala pero kilala niya ako?

"Bakit?"

"Ah! I thought mali ang taong tinawag ko. Patabi ako ah." Umusog nalang ako at hinayaan ko siyang tumabi saakin. Tinignan ko ang oras, alas dies y media na nang gabi. Hindi ba niya alam na delikado para sa mga babae ang umuwi nang ganitong oras?

"Saan ka papunta? Gabi na ah. Kung ayaw mong sagutin ayos lang naman." Napailing lang ako.

"Sa bahay ng girlfriend ko." Sagot ko nang hindi nakatingin sakanya.

"Nang ganitong oras?" Parang nabigla niyang tanong.

"May problema lang." Bakit ba ako sagot nang sagot sakanya?

Matagal kaming natahimik at nabasag lang iyon nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Lady.

"Lady? Bakit?" Napansin kong napatingin saakin yung babaeng katabi ko.

"Aldrin, wala kasi si Lena dito. Kasama mo ba?"

"Hah. Hindi. Anong nangyari?" Heto nanaman siya, Bakit ba kailangan nawawala siya lagi? "Hindi ba niya sinabi sayo kung saan siya pupunta?"

"Actually hindi naman ako tatawag kung alam ko e. I thought kasama mo siya. Kanina kasi bigla siyang umalis at hindi ko alam kung saan siya papunta baka kasi—"

Hindi ko na siya pinatapos pa. Agad akong tumayo at pinahinto ang bus para bumaba na. Shete naman kasi kung kailan naman pupuntahan ko na siya.

Lagi nalang niya akong pinag-aalala. Hindi pa sumasagot sa mga tawag ko. Pucha ano bang nasa isip niya? Mabilis lang akong naglalakad dahil ni hindi ko alam kung saan ko siya unang hahanapin at nakakafrustrate na hindi ko alam kung saan ko ba dapat siyang hanapin!

Matagal din akong naglalakad lang hanggang sa narinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"A-Aldrin." Nilingon ko ang pinanggalingan ng tumawag saakin. Sa boses palang ay halata nang nag-aalanganin siyang tawagin ako at masasabi ko ring sa boses palang ay kilala ko na ito. "Aldrin." Madilim ang lugar pero sigurado akong kilala ko siya.

"Aldrin." Hindi ko makita ang buong mukha niya pero palapit na rin naman siya saakin.

"Ikaw yung kanina." Matabang kong sagot sakanya. "Anong kelangan mo?" Napakamot nalang ako ng ulo ko dahil dapat may pupuntahan ako pero hindi ko alam kung saan. Pangalawa ay kumakausap ako ng tao na hindi ko naman talaga kilala.

"W-wala naman." Nauutal-utal niyang sagot saakin kaya naman tinalikuran ko nalang siya. Bahala sya.

"Kung wala ka naman palang sasabihin ay aalis na ako." Isa pa ay hindi ko naman siya kilala.

Kung kelan naman kasi ako pupunta kina Lena ay doon pa niya naisipang maglayas. Aish! Ilang beses muna akong huminga nang malalim. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon. Sinusubukan ko ulit siyang tawagan pero cannot be reached naman siya.

Lena naman!

"Aldrin." Muli akong napatigil dahil sa babaeng kanina pa nangungulit. Badtrip na ah!

"Pwede ba? Wala akong panahon ngayon na makipag-usap sayo."

"Fine! Akala ko pa naman hinahanap mo si Lena." Tinalikuran niya ako at nag-umpisa na siyang maglakad papalayo saakin. Doon lang nagregister sa utak ko na may alam siya tungkol kay Lena! Takte!

"Teka! Anong nalalaman mo." Pigil ko sakanya.

"Nalalaman? Marami. Sobrang dami." Familiar talaga siya. Ang alam ko ay naging kaklase ko siya. Pero kailan yun?

"Sino ka ba talaga?" Tanong ko sakanya pero kahit na madilim ay nakita kong ngumisi siya.

"Pwedeng kaibigan pero pwede ring hindi." Simpleng sagot niya sa tanong ko na nakapagpagulo naman saakin. Dapat ko bang kausapin?

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"Well, kasama ko si Lena. Alam ko ang lahat tungkol sakanya. Kaya naman kung gusto mo siyang makita ay sumama ka nalang saakin."

"Bakit naman ako maniniwala saiyo?"

"Hindi pa ba sapat na alam ko ang pangalan ni Lena? Na kakambal siya ni Lady? Na ikaw ang boyfriend niya at higit sa lahat ay ayaw niya kay Raymond?" sa huling sinabi niya ay parang nalilinawan na ako na nalilito pa rin. Bakit alam niya ang mga iyan?

"Nalilito ka na ba? I'll tell you, naging kaklase mo ako noon pero sandali lang iyon."

"Just go straight to the point." Napapunas pa ako ng mukha ko dahil gusto ko na talagang malaman.

"I'm Lena's friend and pinsan ko si Raymond, ang fiancé niya."

Hindi na siya nagsalita pa at hindi na rin naman ako nagtanong sakanya. Sapat na ang mga narinig ko para maniwala ako sakanya. Sinundan ko nalang din siya dahil kahit papaano ay gusto ko pa ring malaman ang lahat. Pinsan siya ni Raymond kaya malamang ay marami siyang nalalaman.

Nasa taxi na kaming dalawa nang maisipan kong tanungin ang pangalan niya.

"Mary." Sagot niya saakin at doon ko palang nga napagtanto na may naging kaklase nga akong Mary ang pangalan. "Masyado kang nagfofocus lang sa mga bagay-bagay kaya kung sino lang ang kilala mo noong una ay yun na rin ang kilala mo hanggang sa end ng semester."

"Anong alam mo saamin ni Lena?" Pagbabalik ko nung topic.

"Lahat." Huminto yung taxi sa isang condominium building. "Dito ako nakatira." Paliwanag niya nang bumaba kaming dalawa. "Nandito ngayon si Lena at huwag kang mag-alala, hindi alam ni Raymond dahil hindi ko naman talaga pinsan si Raymond. Wala na kasing pamilya ang taong iyon."

"H-hah? Pinaglololoko mo ba ako? Akala ko ba---"

"Hindi ko nga siya pinsan. Niloloko nga lang kita pero nandito si Lena." She explained to assure me.

Nang nasa elevator kami ay muli nanaman siyang nagpaliwanag. "Kaibigan ako ni Lena. Hindi ako related kay Raymond pero takbuhan ako ni Lena noon tuwing may problema siya. Ako ang takbuhan niya habang wala ka sa tabi niya. Doon sa U.S malaya siya bilang siya, bilang Lena pero bakit dito hindi? Lagi kong iniisip kung siraulo lang ba talaga ang pamilya nila."

Totoo ang sinabi niyang iyon. Kakaiba naman kasi ang tradisyon ng pamilya nila. Masyadong nakakasakit naman sa isang tao. Bawal ang kambal kaya itinatago nalang? Anong klaseng tradisyon yun?

Huminto ang elevator sa 26th floor at naglakad kami hanggang sa marating namin ang unit nila. Pagpasok palang namin doon ay agad ko nang napansin ang unggoy na ibinigay ko kay Lena noon.

"Dala-dala niya iyan kanina." Nakangiting sabi nung babae. "LENA? Lena?" Tawag pa nito kay Lena.

"Mary teka lang ah, nagluluto pa ako." Boses palang niya ang naririnig ko pero takte! Bumilis bigla yung tibok ng puso ko. Anak ng tokwa. Si Lena nga.

Agad kong sinundan ang pinanggalingan ng boses niyang iyon at pagbukas ko ng pinto ay nakita ko na siya. "Lena." Tawag ko sakanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako. Bakas sa mukha niyang maiiyak na siya pero mas nagulat ako dahil sa hitsura niya ngayon kaya naman nilapitan ko siya at niyakap nang sobrang higpit. "Takte. Sinong may gawa nito saiyo?"

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 152K 60
Zera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to...
378K 5K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
490K 18.8K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...