CHAPTER 1: SANA TALAGA

444K 3.6K 337
                                    

CHAPTER 1: SANA TALAGA

Limang taon na ang nakalipas simula noong mapulot ko ang larawan ng isang babae na may maamong mukha at napakatamis na ngiti ngunit. Sa tuwing tinititigan ko ang kaniyang ngiti ay gumagaan ang pakiramdam ko.

Limang taon na ang itinanda ko pero hindi pa rin nagbabago ang litratong ito. Katulad pa rin ito noong araw na napulot ko, parang hindi niluma ng panahon. Ilang taon na kaya siya? Anong pangalan niya? Saan siya nakatira? Ang dami kong tanong na hanggang ngayon ay wala pa ring sagot. Hindi ko rin alam kung bakit ko pa rin ito itinatago. Sinubukan ko naman siyang hanapin noon pero nabigo lang ako. Siguro napadaan lang siya sa lugar namin.

"Hoy! Hawak mo nanaman 'yang litrato na yan!" Ani Jolo. Kahit kailan talaga ay magulo 'tong sira-ulo kong kaibigan.

"Pakialam mo ba?"

"Para ka kasing ulol d'yan. Ma-iinlove ka na lang, sa litrato pa talaga! Daming magagandang babae na nakapalibot d'yan oh!" Isa-isa niyang itinuro ang mga bago naming kaklase. Oo, magaganda nga sila pero mas nagtataka pa rin ako kung bakit masyado akong attached sa litratong napulot ko.

Siguro nga tama 'tong gag*ng 'to. Baka nga mahal ko na talaga 'yung babae sa litrato.

Alam ko namang imposible na makita ko siya. Hindi ko naman alam ang edad niya, kung saan siya nakatira at mas lalo naman ang pangalan niya. Ang tanging alam ko lang ay 'yung mukha niya. Baka nga matanda na siya at nawala lang niya itong litrato niya.

"Hoy Aldrin! Na-miss kita!" Hindi na ako nagulat nang bigla akong yakapin ng best friend ko mula sa likuran ko, si Aireen. Katamtaman lang ang tangkad niya at maputi siya. Mahaba rin ang kanyang buhok at medyo singkit ang mga mata. Kadalasan ay napagkakamalan nilang girlfriend ko siya dahil touchy siya. Isa na rin siguro sa mga dahilan kung bakit wala akong girlfriend ngayon. Mabuti nga't para na rin siyang lalaki kung umasta minsan. Kaya siguro hindi ko siya nagustuhan bilang isang babae. Best friend lang talaga.

"Bitiwan mo na nga ako. Mamaya niyan ay mapagkamalan nanaman nilang girlfriend kita. Ang gaganda pa naman ng mga babae dito."

"Babae ka ng babae d'yan pero hindi mo naman mabitiwan 'yang picture ng babaeng hindi mo naman kilala. Mukha ka tuloy pervert sa ginagawa mo."

Sapul! Tama siya. Hindi ko nga mabitiwan ang picture ng babaeng 'to. Nagkaroon naman ako ng girlfriends noon kaso tuwing nakikita nila 'yung wallet ko ay lagi akong nasasabihan na cheater. Muntik pa ngang mapunit ito noon pero dahil sa insidenteng iyon, natuto na akong mag-scan para lang hindi mawala sakin ang litrato niya. Para bang ayaw kong makalimutan.

***

First year college na kami nina Jolo at Aireen. Pare-pareho kaming accountancy ang kinuhang kurso. Hindi naman kami matatalino. Masisipag lang. Kaya siguro laking tuwa rin ng mga magulang ko saakin dahil napakabait ko raw. Parang hindi rin naman.

Ang boring! Walang prof. ngayon kaya nakasubsob lang ang ulunan ko sa kamay ng upuan ko. Nakatingin lang ako sa labas ng klase at pinapatay ang oras nang biglang may mahagip ang mga mata ko— isang babaeng may pamilyar na mukha ang dumaan sa hallway. Kaagad akong lumabas upang kumpirmahin kung sino man iyon pero wala na siya.

"Oh? Saan ka pupunta?" Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Jolo palabas.

"Wala..." umiling ako at tamad na sumagot. "Akala ko kasi nakita ko na siya." Napailing na lang siya at pinagtawanan ang sinabi ko- walang kwentang kaibigan talaga. Kaya bumalik na lang ako sa upuan ko para matulog ulit.

Nagising lang ako nang kalabitin ako ng kung sino mang siraulong maninira ng tulog nang may tulog!

"Ano bang problema mo?" Hindi pa rin ako umuupo ng maayos dahil nakakaleche talaga ng tulog ang kung sino mang nanggising sa'kin.

"Gumising ka nang ugok ka!" Si Jolo lang pala.

"Panira ka ng tulog. Ano bang problema mo?" Nagkakamot ng ulo kong tanong sakanya.

"We saw her! Freaking goodness, Aldrin! Kanina ka pa namin ginigising!" makailang ulit akong kumurap. Nanlalabo pa rin ang paningin ko at inaantok pa ako. Si Aireen pala ang isa pang istorbo.

"Hoy Aldrin! Ano na? Gising ka na ba? Sabi ko we saw her!" Matagal ko siyang tinitigan. Anong gusto niyang i-react ko? Hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy niya.

"Sinong her?" Wala pa rin kaming prof. Parang nagsasayang lang kami ng tuition kung patuloy na hindi papasok ang mga professor.

"Yung babae!"

"Isa pa 'tong kumag na Jolo na 'to. Natural babae kaya nga her!" Sabi ko kaya natikman ko nanaman ang mahiwagang kamao ni Aireen. "Sino ba kasi?" Medyo naiinis na ako. Iba rin kasi trip ng mga lokong 'to. Anong akala nila saakin? Manghuhula?

"Sino pa edi 'yung Ms. Picture mo!" Sabay pa nilang sabi. Napaayos bigla ako ng upo dahil sa sinabi nila. Nagpabalik-balik pa ang tingin ko sa kanilang dalawa. Totoo nga? Nandito siya? Hindi. Baka nantitrip lang ang dalawang ito. Malabo 'yun. Alam nilang masarap bwisitin ang bagong gising.

"Kung totoo 'yan edi kanina ninyo pa dapat ako ginising."

"E baliw ka pala, e! Ginigising ka namin kanina pa. Pumasok nga siya sa room." Nakangisi pang sabi ni Aireen. Sa hitsura ni Aireen ngayon ay parang natutuwa pa siyang hindi ako nagising. Posible kayang nagseselos siya? Nagugustuhan na ba ako ng best friend ko? Teka, imposible. Si Aireen 'yan, ang babaeng hindi inasam magka-boyfriend.

"Ano namang ginawa niya dito sa room? Dito rin ba siya?" Tanong ko para lang maiba na ang nasa isipan ko. Hindi ko yata kayang patulan ang best friend ko.

"Hindi! Itigil mo na 'yung ilusyon mo doon sa babae, Aldrin. May boyfriend na yata, e."

"Seryoso?"

"Oo nga!" Ano ba 'yan? Hindi ko pa nga nakikilala tapos may boyfriend na pala. Sana hindi totoo. Sana talaga.

Picture of You (season 1 and 2) (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon