Wanted: Mommy for hire [COMPL...

By Lady_LightAmethyst

581K 13.1K 698

NO SOFT COPIES | NO COMPILATION | NO TO PLAGIARISM Written by: Ayriveneuy De Guzman Uy ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chaster 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26 - Part 1 -
Chapter 26 - Part 2
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Final Chapter
What's Next?

EPILOGUE

12.4K 267 32
By Lady_LightAmethyst

Stephanie/Julia's POV

Nagising ako dahil sa lalaking panay ang halik sa mukha ko. "Good morning, wife." Yumakap ako sa kanya at ng hahalikan niya ko sa labi ay agad akong humiwalay at nagtakip ng bibig.

Bumakas naman ang pagtataka sa mukha ni Eziekel. "Di pa ko nagto-tooth brush." Ani ko dito na ikinatawa naman niya. Umupo siya tabi at niyakap ako ng mahigpit.

"I don't care give me my kiss." He pouted na agad ko naman tinampal ng pabiro.

"Pwes. I care!" Umalis ako sa kama at patakbong tinungo ang banyo. Agad akong naghilamos at nag-tooth brush.

Nakita ko naman si Eziekel sa repleksyon ng salamin na nakasandal sa gilid ng pinto. "You look hot." Ani niya sabay pasada ng tingin sa katawan ko. I rolled my eyes at him.

Pagkatapos kong magmumog ay naramdaman ko ang pagyakap ni Eziekel. Sinalubong ko ang mga tingin niya sa salamin. "Damn! Ang swerte ko talaga na ikaw ang naging asawa ko." Kinalas ko naman ang pagkakayakap niya sakin at hinarap siya.

"Talaga? Hindi ka naghanap ng iba kahit wala ako?" He nod. "Suus eh bakit engaged kayo ni Lilaine?"

He kissed my forehead. "I need to keep her by my side hanggang sa makita kita. I knew she's up to something. I got her investigated." Tumango tango ako. Naipaliwanag naman na niya sakin lahat ng nangyare.

He knew from the start na ako si Julia, hindi niya lang masabi dahil masyado pang delikado ang sitwasyon namin. Hindi naman din niya alam na nag-iimbestiga na din ako dahil sa nangyayare sakin at sinabi sakin ni Alice. Pati yung doctor na kasabwat ni Lilaine ay nahuli at nawalan ng lisensya bilang doctor. Nang malaman ni Eziekel na ang bangkay na nakuha sa sasakyan ay hindi nag match sa DNA ko ay agad na siyang umaksyon.

Kaya pala ang loko panay ang dikit sakin.

"Pupuntahan mo ba siya?" Tiningala ko siya at mabilis na tumango. "Okay. Take a bath at hihintayin kita sa baba, okay? I love you."

"I love you too." Pagkasara ni Eziekel ng pinto ay agad naman akong naligo at nagbihis lang ng maong at tinernohan iyon ng puting v-neck.

Pagkababa ko ay abala ang mag-ama ko sa pagkain ng almusal. "Good morning baby." Siniil ko ng halik ang noo ni Noah bago tumabi sa kanya.

"Good morning mommy!" Masigla niyang bati habang nguya nguya ang pancakes.

"Don't you need me there?" Pinaling ko ng tingin si Eziekel habang sumasandok ng fried rice saka marahang umiling.

"Okay lang. Diba sabi mo aasikasuhin ka?" Tanong ko pabalik sa kanya. Sumubo ako ng kanin habang pinagmamadan ang asawa ko.

He smiled at me. "Yeah." Ani nito na para bang may masamang binabalak.

Pagkatapos namin kumain ay hinatid na ako ni Eziekel sa pupuntahan ko. Parehas ko naman siniil ng halik ang mag-ama ko bago bumaba at magpaalam.

"Yung towel at yung spare clothes niya nasa ibabaw lang ha. Kapag pinagpapawisan punasan agad para hindi ubuhin." Pagpapaalala ko.

"Yes ma'am, you already mentioned it like four? Five times?" Parehas nila akong tinawanan ni Noah kaya pabiro ko siyang kinurot sa tagiliran.

"Kayong mag-ama talaga. Sige na, ingat!" Paalam ko saka bumaba na ng kotse. Pinauna ko na silang umalis bago pumasok sa loob.

Sinalubong lang ako ng pulis doon at sinabi ang pakay ko. Pinapasok naman ako sa isang kwarto at umupo don habang hinihintay ang pakay ko. Maya maya'y bumukas ang pinto at inuluwa non si Rose bahagya pa itong natigilan ng makita niya ko.

"S-stephanie." I smiled at her.

"Julia" sambit ko. Umupo naman siya sa harapan ko. "Julia Javier yung full name ko."

Bahagya siyang tumango. "A-ahh."

"I brought foods. Yung favorite mo." Tumingin siya sakin na para bang tinatanong kung anong ginagawa ko.

Nawala naman ang ngiti sa labi ko at malamnam siyang tinignan. "Thank you, Rose. Thank you kasi hinayaan mo kong mabuhay. Thank you dahil iniligtas mo ko, thank you kasi dinala mo sakin si Noah." Hinawakan ko ang kamay niya at parehas naming binitawan ang mga luha namin. "Naiintindihan naman kita eh kasi anak din naman ako, kung ako din naman yung nasa posisyon mo lahat din naman ng oportunidad kukunin ko. Pero diba iniligtas mo naman ako. Thank you kasi inalagaan mo ko—niyo ko ni Damien. Ang laki pa nga ng utang na loob ko eh."

"P-pero di mo nakasama sila Eziekel at Noah ng limang taon." Sambit niya habang humahagulgol.

"Marami pa kaming taon para magkasama. Kasi ginawa mo yung tama, hindi lang isang beses ha. Dalawa kaya."

"J-Julia sorry. Sorry talaga!" Tumayo ako at lumapit sa kanya saka ko siya niyakap. Ganon lang ang posisyon namin hanggang sa parehas kaming kumalma.

"Ang haggard na ng bestfriend ko." Parehas kaming tumawa habang pinupunasan ko yung luha niya.

"Ikaw ang blooming mo. Nadiligan ka 'no?" At mas lalong lumakas ang tawa namin. Siguro kung may nakakakita samin ay baka isipin takas kami sa mental. Umupo ako sa tabi niya at inabot ang paper bag.

Nagk'kwentuhan lang kami habang kinakain ang dala kong pagkain at hindi alintana na nasa police station kami. "Si Lilaine ba nakausap mo na?" Tanong niya na nakapaghinto sa ginagawa ko.

"Oo pero she's still blaming us. Wala naman na akong kontrol sa bagay na 'yon. Siguro ngayon hindi niya pa naiintindihan, binibigyan lang namin siya ng time." Sagot ko sa kanya na totoo naman. Hindi ko naman kakalimutan na kapatid ko pa din si Lilaine kahit hindi talaga kami magkadugo, kapatid ko pa din siya.

Maya maya ay kinatok na kami ng pulis at sinabing tapos na ang oras ko sa pagdalaw. Niyakap ko lang siya ng mahigpit.

"Makakalabas ka din dito ha? Gagawin ko lahat." Inuurong ko na ang kaso kay Rose pero kahit gawin ko yon ay kasabwat pa rin siya. Kaya ang mangyayare mapapababa lang ang hatol sa kanya.

"Okay lang mababait naman yung kasama ko eh. Saka mabilis lang ang panahon." Alam kong pilit lang ang sinasabi niya. Hindi madali ang buhay sa kulungan.

Nagpaalam na ko at ganon din siya. Paglabas ko ay tumawag na agad ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Pagpasok ko ay inaasahan ko na ang mag-ama ko pero tahimik ang buong bahay. Si mang Leon lang ang naroon pati ang dalawang kasambahay.

"Nasan po sila?"

"Ay ma'am sabi po ni Sir Eziekel eh ihatid na lang daw kita sa kanya at bawal ka daw po magtanong." Nagtataka man ay pumasok na ko sa loob ng kotse.

30 minutes na kaming nasa biyahe at sa tingin ko'y malayo pa ang destinasyin namin kaya nagpasya na lang akong matulog. Mabigat din ang talukap ng mata ko marahil sa pag-iyak namin kanina ni Rose.

Nagising ako ng bahagyang pagtapik sakin ni Mang Leon. "Nandito na po tayo ma'am." Nagpasalamat ako dito bago bumaba ng sasakyan. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko 5:30 na ng hapon at papalubog na rin ang araw. Naglalakad lang ako sa isang direskyon don ng matanaw ko ang isang bulto ng tao at ang kabayong si Elysia.

"Magandang araw ho ma'am Julia. Sakay na ho kayo." Nagtataka pa rin ako sa nangyayare pero panay pa din ang sunod ko. Inalalayan ako ni Juan kung tama ang pagkakaalala ko ay anak siya nila Mang Nestor.

Nasa Pangasinan ako at kung naaalala ko pa ang tinatahak naming daan ay patungong burol kung saan din kami pumunta ni Eziekel noon. Maya maya'y natatanaw ko na ang tuktok noon at hindi ko alam kung ano ang una kong dapat maramdaman.

Our whole family is here. Both our parents are here even Alice and Damien, pati ang buong trabahador ng hacienda. Naramdaman ko ang paghinto ni Elysia at inalalayan ako ni Juan na makababa.

"A-anong meron?" Tanong ko ng makalapit ako kay Eziekel.

"Hi." Bungad sakin ni Eziekel. "Happy 6th wedding anniversary, wife. Alam ko madami kang pinagdaanan nung panahong nawala ka samin. And I am so sorry for that. Hindi ko na hahayaan na mawala ka pa ulit sakin at kung mangyare man ulit yon hahagilapin kita kahit na saang sulok ka man ng mundo. Pero sisiguraduhin kong hinding hindi na mangyayare yon, kase nakakabaliw na wala ka. Salamat at na sakin si Noah kasi baka di ko kayanin nung nawala ka. Thank you because you came back, thank you dahil nabangga mo yung kotse ko." Huminto siya saglit at tinawag si Noah, lumapit naman samin ang anak namin at may inabot kay Eziekel. "Thank you, son." Sambit niya pa bago tinuon ulit sakin ang tingin niya.

"I know that you're mine already, but I want a new start." Onti-onti siyang lumuhod sa harap ko. "Stephanie Julia Javier, my life, my heart, my soul and my wife. Will you marry me again?"

Kahit anong punas ko sa luha ko hindi na ata siya mauubos sa sobrang sayang nararamdaman ko. Nang di ko pa makapa ang hoses ko tumango ako ng ilang ulit. "Of course. Kahit ilang beses pa!" Hindi ko napigilan ang pagsigaw ko at ganon na lang din ang reaksyon ng mga tao sa paligid namin.

Tumayo si Eziekel at binigay ko naman sa kanya ang kamay ko para isuot ang singsing sakin. "Thank you, I love you so damn much."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at siniil ako ng mainit, matamis na halik.

"I love you too, asawa ko."

We finally found again our happily ever after.

The end.

Continue Reading

You'll Also Like

27.4K 716 23
"All people can change, even Lynn Loud Junior." When 15 year-old Ryland Kittson moved out of her home, everything changed. She had to go to her old...
103K 2.4K 16
(Completed!) Writing oneshots has been pretty fun so here's a Haikyuu onehsot collection! These are x reader scenarios, and I try to keep the reader...
98.1K 4.3K 14
No one knows that behind that cold expression, hides a very soft person called "TaeTae" named by none other than, Mr Kim's boyfriend, Jeon Jungkook...
43.9K 2.8K 32
"When LOVE feels like Magic, you call it DESTINY. When DESTINY has a Sense of Humor, you call it SERENDIPITY." Genre: Romantic Comedy Author's Note: ...