Their Chasing Souls

Af issawandablue

14K 898 151

"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple... Mere

Their Chasing Souls
Prologue
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 03 - 1
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 8: New friend
Chapter 9: After Party
Chapter 10: Midnight
Chapter 11: Birthday Party
Chapter 12: Catfight
Chapter 13: Tryout
Chapter 14: Test of Patience
Chapter 15: Luna
Authors Note
Chapter 16
Chapter 17: Glimpse of the past
Chapter 18: Proyekto
Chapter 19: Tadhana
Chapter 20: Naked
Chapter 21: The Return
Chapter 22: True friend?
Chapter 23: The meeting
Extra chapter: Meeting the Perez
Chapter 24: Unknown past
Chapter 25: Unexpected Reunion
Chapter 26: Photos
Chapter 27: Freshmen trip - Part One
Chapter 28: Freshmen trip - Part Two
Chapter 29: Freshmen trip - Part Three
Chapter 30: Freshmen trip - Part Four
Chapter 31: Freshmen Trip - Part Five
Chapter 32: Last day
Chapter 33: Encounter
Chapter 34: Another ecounter
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: The Visit
Chapter 37: Unexpected Gift
Chapter 38: Courage
Chapter 39: An Almost
Chapter 40: Misinterpret
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Extra Chapter
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Author's Note (01)

Chapter 01

1.9K 63 40
Af issawandablue

Chasing begins


Yna's POV

"Yna! Picture tayo, bilis!" sigaw ni Luna while running towards the stage kung saan nagpapakuha ng pictures ang mga kaklase namin.

Napangiti ako bigla as I rush towards her.

Today is our high school graduation at parang kailan lang rin noong first day namin as high school students. It feels so surreal!

Ito na yata ang isa sa pinakamalungkot man ngunit isa rin sa pinakamasayang araw ng buhay ko. I'm reaping the fruits of my hardwork for the past four years.

I had so many great memories but of course, oras na talaga para tanggapin na everything comes to an end.

"Ang ingay mo, sobra!" asar ko kay Luna pagkarating ko ng stage. Kanina pa kasi siya nakikipagdaldalan at parang bulate na hindi mapakali.

"Ang bagal bagal mo kasi eh no! Mamaya hindi pa ako makasama sa class picture sa kaka-antay sayo." Nakasimangot na sumbat niya.

I chuckled and napailing nalang. She's really hyper! Like literally.

Hindi ko alam kung paano ko siya naging kaibigan sa ingay niyang 'yan. Parang basuka ang bibig.

Luna and I are somehow polar opposites. She's very out going while I'm more lax and calm. Mas chill ako sa kanya. Ayoko ko kasi ng magulo at maingay.

I love peace and serenity. While Luna? She's born to be a chatterbox.

Siguro nga na-aapply rin sa friendship ang opposite attracts.

"Girls!" Isang malakas na hampas sa braso ang natanggap ko kaya napainda ako nang bahagya saka nilingon ang taong gumawa no'n.

I frowned but I wasn't able handle that long. Those sweet flashes of smile are such a traitor.

"Wow! Grabe kayo ha! Hindi niyo man lang ako tinawag." panunumbat ni Viel na agad naman akong niyakap pagkatapos niya akong hampasin.
The hugs are getting tighter at halos mawalan na ako ng hininga.

"Ooops! Sorry! Hehe." Unti-unti siyang bumitaw sa pagkakayakap and she innocently gave us an excited look on her face.

"Very brutal." sinamaan ko siya ng tingin. Meet the modern day Maria Clara.. uhh – as if.

Viel is the typical Maria Clara na tahimik, mahinhin, at halos hindi makabasag pinggan. She's very sweet and her face radiates kindness. Iyon nga lang, hindi naman lahat nabibiyayaan lang ng magagandang bagay.

Contrary to her reserved personality, hindi mo aakaling napaka-brutal nitong babaeng 'to. She can't control her emotions kasi. Kapag masaya siya hahampasin ka niya. Gaya nalang ngayon. Labo right? Ako rin hindi ko gets.

But I'm happy I found real friends.
Kumbaga ako ang 'in between' sa kanila.

Tama lang. Sakto. Chill. Neutral. And they are my extremes.

Kung ikukumpara sa kanilang dalawa, ako ang pinaka-normal. I guess?

Oh c'mon! You'll agree with me.

Walang kokontra! Madapa ang kumontra.

I immediately called Luna and Viel after the program facilitator called us to gather. We graced the red carpet wearing our white togas as we marched towards the front of the auditorium.

Habang naglalakad kami sa tila'y red carpet entrance namin, ay naaninag ko sila mommy at daddy sa audience. They kept on taking pictures of me and I know how proud they are right now.

Kasama nila mommy ang engot kong Kuya. Yes! Engot talaga! Who in their right mind would go to their sister's graduation at magdadala ng banner na may nakalagay na 'Congrats my monster baby sister!'?

Wow, just wow! I sighed in disbelief. Gusto ko magpakain sa lupa. Gusto ko nalang mag disappear!

He really knows how to ruin the mood! Nakakainis! Lord bakit mo naman ako binigyan ng isip batang kapatid?

Nang makaupo kami ay nag-umpisa na rin ang program. Ito ay sinimulan ng mga speeches ng mga school board of directors at ng mga importanteng taong dumalo sa graduation.

Maya-maya pa ay tinawag na isa-isa ang mga graduates kung saan naunang tinawag sila Viel at Luna.

Tuwang-tuwa ang dalawa kaya naman panay rin ang pagkuha ko ng pictures sa kanila habang umaakyat sila ng stage to get their diplomas.

"Georgina Denise C. Perez, batch salutatorian." it's my cue to go on stage as Ms. Trina called my name.

Dahan-dahan akong nagtungo sa stage at tinanggap ang mga medals and awards ko na isinuot naman nila mommy at daddy.

Sa kabila ng mga parangal ay may kaunting panghihinayang pa rin sa sarili ko nang tanggapin ko ang mga ito.

That is because I know I deserve better.

Kahit na ganoon ang nararamdaman ko ay masaya pa rin akong nagtungo sa kinauupuan ko together with my friends not until I heard the most annoying name ever created.

"Rigel Angelo G. Montemayor, batch valedictorian." as Ms. Trina called. Napangiwi ako at hindi ko alam kung ilang beses ko pinaikot ang eyeballs ko.

Naiinis talaga ako kapag naririnig ko ang pangalan niya. Pangalan palang niya 'yan. Paano pa kaya kung nakikita ko na yung mukha niya?

The crowd became very hyped. Masyadong matunog ang pangalan niya para hindi pagkaguluhan.

"Go Ely! We love you!" Sigaw ng mga tao, mapababae man o hindi. 

"Ang gwapo mo Angelo!"

"Ely, handa akong maging nanay ng mga anak mo basta't sagutin mo lang ako!"

"Rigel we will miss you. Be my boyfriend!"

"Love you, pre!"

The audience became rowdy. Rinig ko ang mga nagtitilian nang umakyat si Rigel sa stage. I even saw my mom giggle!

Seriously? Ganun ba talaga effect niya sa mga tao?

Nilingon ko siya at nakaramdam ako ng pagkainis. Mas tumindi ang inis ko nang sumulyap siya sakin at biglang ngumisi. Biglang napataas ang isang kilay ko.

Batch valedictorian? Tss. Kanya na, napakayabang!

It was so frustrating just seeing him today. And there's only one thing that can help me keep my cool.

"Lance Ezekiel A. Montemayor, batch second honorable mention and model student awardee." sunod na tawag ni Ms. Trina.

Ezekiel.

Maliban sa napakagwapo ng pangalan niya ay masyadong nakakasilaw ang kanyang presensiya.

Bigla tuloy ako nakaramdam ng maliliit na paru-paro sa tiyan ko!

I was in a moment of daydreaming nang may biglang bumulong sa gilid ko.

"Uy. Wag ka nga masyadong halata diyan, Yna." Viel slightly giggled. Siniko naman ako ni Luna na tila nanukso ang mga tingin.

Halata ba talaga ako? KJ lang 'tong mga katabi ko!

Going back to Ezekiel. I felt like a proud mom seeing him on stage lalo na at siya rin ang tumanggap ng leadership awardee because he's the president of the student council. He's also the batch representative kaya siya ang huling tinawag. He will also give the senior's speech. Iba pa yon sa salutatory at valedictory address namin ni Rigel.

Kung pwede lang magdala ng pompoms ay ginawa ko and I will definitely cheer for him. Everyone admired him. He's every woman's ideal man!

Lakas maka-proud! Nanay lang? Ako yata ang ina.

Nakatitig lang ako kanya habang di magkandamayaw ang sigaw ng mga babaeng kaklase at kabatch ko sa sobrang kilig. I don't blame them. He's really a catch.

Zeke is my first love, my first friend, my first playmate, and my first crush. Halos lahat na yata ng firsts ko so far ay kinuha na niya.

Nasa kanya na yata lahat. Gwapo, matalino, mabait, minsan nga lang suplado. He's also a leader and a gentleman. Full package! That's Lance Ezekiel we're talking about! Bonus nalang yung fact na he's freakin' rich.

Well, I've been in love with this guy since I was in fifth grade. In love ako sa kanya for more than five freaking years nang hindi nya nalalaman. Wag na kayo kumontra at alam ko iniisip niyo no! Well, I guess love really has no age. We are childhood friends, hindi maiiwasan 'yun.

Pero lately halos hindi kami nakakapag-usap — or more like hindi niya talaga ako pinapansin! Para kasing umiiwas siya. Hindi ko lang sure kung feelingera lang ba ako o ano.

Ang totoo ay kinakabahan ako dahil plano ko nang magtapat sa kanya. My five-year unrequited love na never nagbago all these years.

Nagpatuloy ang program hanggang sa magdedeliver na ng valedictory address si Ely. My mortal enemy.

Parang timang siyang nakatayo sa may rostrum habang nagdedeliver ng speech.

Halatang iritable siya at hindi niya gusto ang atensyon na binibigay sa kanya.

He's Rigel Angelo for goodness sake! He doesn't want that kind of attention. I know he's thinking of ditching the ceremony right now and then. He's probably thinking of going home instead and sleep.

He's not very sociable at ayaw na ayaw niyang nakikihalubilo sa mga tao.

Kung nakikita niya lang ang itsura niya ngayon. I could die of laughter.

Nakuha naman ang aking atensyon nang mahagip ng mga mata ko ang isang babae palabas ng audi. I think she's from another class. She's with someone. Which I think I know who.

It's Zeke.

I felt my heart skipped a beat. Anong gagawin nila? At saan sila pupunta?

Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa gilid ng mga nakahilerang upuan kung saan lahat ay abala na nakikinig sa valedictory speech ng who ever that freaking monster is!

Bago pa man na may makapansin na iba ay agad naman akong nagtungo sa labas upang sundan ang dalawa. Hanggang sa naaninag ko silang – magkayap?!

Kinalma ko ang sarili ko at pinigilan mag-assume ng mga bagay.

Tandaan. Maraming umiiyak sa pagiging assuming!

Mas lumapit pa ako sa kanila at nagtago sa mga matatayog na halaman para marinig ko ang usapan nila nang biglang sinampal ng babae si Zeke.

Ouch. That.. that freaking hurts.

Why did she do that? Is she aware na pwedeng may makakita sa kanila? She even slapped Zeke. Hindi ko nga hinahayaang madapuan 'yan ng lamok ta's sasampalin lang niya.

Lalabas na sana ako para sugurin siya nang biglang nagsalita si Zeke.

"I'm sorry Pia, but I can't." Zeke utterred in a cold voice.

"Why?! Ayaw mo ba sakin? May mali ba sakin?" tanong ni Pia na halos mangiyak-ngiyak na while pushing Zeke on his chest. "Y-You.. umasa ako Zeke."

I never expected that. Kinakabahan ako sa magiging sagot ni Zeke. I'm all ears kahit nakikichismis lang talaga ako.

"I'm sorry. I never intended it to be that way. I–" I heard him gasp. He's trying to keep his cool.

"You what?! Tell me Zeke!" halos sigawan na ni Pia si Zeke. Pinagpapalo pa niya ito sa dibdib habang umiiyak.

"I-I'm.." Panimula ni Zeke at nakailang beses pang bumuntong hininga. Parang humuhugot ng lakas masabi lang ang gusto niyang sabihin. "..I'm in love with someone else." finally, he said it.

I felt my heart out of my chest.

Parehong saya at kaba ang naramdaman ko. Masaya ako kasi alam ko nang wala siyang nararamdaman sa babaeng 'yun. Pero natatakot rin ako.

He loves someone else? Sino? Kilala ko ba?

Hindi ko alam ano ba dapat ang maramdaman ko dahil nalilito na rin ako. Natatakot ako. This will be the day na aamin ako sa kanya.

Pero may iba siyang gusto? Paano kung hindi ako? Hindi ko yata kaya malaman ang sagot.

There were so many "what if's" in my mind.

What if I confess and he would reject me? Or what if he would just take my confession as a joke? Or worse, stay in that friendzone? It would only makes things difficult and awkward for us.

Hindi ko yata kaya na marinig ang pangalan na sasabihin niya. Unless of course, pangalan ko ang sasabihin niya.. which would really be crazy! That's impossible! Kasi kung totoo man 'yun, matagal ko na dapat alam na may gusto siya sa'kin.

I think I'm not ready to level up our relationship.. from being friends.

I'd rather keep this feeling for myself.

For now.

Bigla akong natauhan nang bigla ko ulit narinig ang sampal kay Zeke. Bigla nalang humagulgol si Pia. Kumaripas ito ng takbo at iniwan si Zeke mag-isa.

I looked at Zeke and I'm not sure what he's thinking right now. I know he feels guilty about what happened. Umupo siya sa may bench at tulirong tumingin sa langit. Malalim ang iniisip.

Lalapitan ko na sana siya nang biglang may humila sa akin. Hinatak niya ako na para bang ang gaan-gaan ko.

Agad niya akong hinarap at sinandal sa pader para makita lang ang maamo–este, nakakainis niyang mukha.

I tried to escape from him ngunit hindi ako makaalis dahil sa braso niya na nakatungkod sa pader. His right hand is holding my other hand.

I tried to stare at him intensely. Furious and angry.

His brown smoky eyes is giving me death glares.
If I am his fan, I would have definitely melted right away. Aside from his eyes, no one can't deny that he really looks like the perfect guy from romance novels. A well-framed jawline, glossy pinkish lips, matangos na ilong, mahahabang pilikmata at pitch-black pero magulong buhok.. the typical bad boy hairstyle – too unreal right.?

In short. Oo, gwapo–este sakto lang! His face is normal for me. I'm used to it. Mas gwapo pa rin ang Kuya kong mukhang pinaglihi sa sama ng loob!

"What?!" Naiinis kong tanong.

I seriously glared at him. Akala niya ba siya lang marunong!

"You're so loud." iritable niyang niluwagan ang pagkakahawak sa braso ko. I heard him released a heavy sigh and tulyuan na akong binitawan.

"Whatever! Why are you even here? Tapos ka na ba magspeech Mr. Valedictorian?" I asked while crossing my arms.

"Yes. Masyado ka bang na-carried away sa speech ko at hindi mo kinaya so you chose to leave? Really George?"

"Bakit ba? Ikauunlad ba ng Pilipinas kapag pinakinggan kita?"

He looked at me with confusion. After a few seconds of silence he sighed at itinaas ang dalawang kamay. Tila sumusuko.

"Pwede ba? Sa totoo lang wala akong pakialam sa speech mo Ely so I chose to leave."

"Well then, do I have to repeat the last part of my speech for you? Might want to at least hear it George?"

Napangiwi naman ako. Sa tingin niya ba may paki ako? "No. I don't wanna hear anything."

Tatalikod na sana ako nang bigla niya akong hinila at iniharap sa kanya.

"George." his cold but soothing voice called my name.

Akmang tatalikuran ko siya ulit nang hilain niya akong muli. "Tch. Not so fast. I'm not yet done with you." aniya kaya napakunot ang aking noo.

Huminga ako ng malalim at nakipagtitigan sa kanya."Kung may sabihin ka, sabihin mo na. Nagmamadali ako." Kainis naman. Nagugutom na rin ako eh.

"Are you forgetting something?" he asked seriously.

Napaisip naman ako saglit? Alam kong makakalimutin ako pero parang wala naman akong maalalang may atraso ako sa kanya. Siya pa nga 'tong may atraso sakin!

"Yung sa yearbook ba? I-babank transfer ko nalang." Nakalimutan ko kasi magbayad for the miscellaneous fees for the graduation photoshoot. Siya kasi pinabayad ni Viel noong isang araw.

"You clearly know what I'm talking about." aniya at salubong ang mga kilay. "You better prepare yourself." Aniya at binitawan habang seryosong nakatitig pa rin sakin. Napasinghap ito bago niya ako talikuran.

Napakabastos talaga! Pagkatapos niya akong pigilan eh ako pa ang iniwan niya!

Kinalma ko ang sarili ko at nagpasya na bumalik nalang sa loob ng auditorium. Hindi pa naman tapos ang program. Baka hinahanap na nila ako sa loob.

Habang naglalakad ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina kay Zeke at ang higit sa lahat, yung sinabi ni Ely sa akin.

'You clearly know what I'm talking about.

You better prepare yourself.'

Ano ba pinagsasabi no'n? Hindi ko na alam ano ang unang iisipin ko.

Teka, ano bang prepare yourself na sinasabi niya na alam ko?

W-Wait.

...........

Three months ago...

It was Christmas Eve of last year.

"I love you Yna! I know di mo'ko matitiis." She hugged me tightly.

"Stop it Viel, sobrang cheesy mo na." Tawa ako nang tawa habang nakikita siyang sumimangot.

"Teka! Kukuha lang ako ng juice sa kusina." she rushed off to the kitchen.

Nagbasa-basa nalang muna ako ng books at magazines sa sala habang inaantay si Viel. Nasa bahay nila ako ngayon kasi may ibibigay raw siya sakin.

It takes five minutes to walk lang mula sa bahay namin papunta kila Viel kaya madalas ay nandito ako sa kanila. She's my childhood best friend kaya isang tawag niya lang sa akin ay pupunta agad ako sa kanya.

Aliw na aliw ako sa mga binabasa kong magazine maybe because it's all about photography. Hindi naman sa hilig ko iyon pero tuwang tuwa ako sa kahit anong may kinalaman sa arts.

Maya't maya pa ay may naririnig akong ingay sa may garden. May tumutugtog ng gitara.

He strums perfectly. Oh well, I dunno if it's a he or she. But anyway, the melody gives comfort to my heart while it tickles my ears.

I'm not a music genius to know if he's a genius himself. Basta alam ko lang magaling siya.

Lumapit ako sa pinagmulan ng tunog upang malaman kung sino ang tao sa likod ng magandang tugtuging iyon.

"Ouch!" namilipit ako sa sakit ng beywang ko.

Nadulas lang naman ako. Great! Ba't ba kasi ang dulas ng sahig?

Luminga-linga ako para tignan kung may nakakita sa akin.

Cleared!

Tatayo na sana ako pero hindi ko magawa dahil medyo nahihirapan ako maikilos ang beywang ko kaya nadulas na naman ako for the second time.

And now it really hurts. Like really.

Bigla namang may naglahad ng kanyang kamay upang alalayan ako. I-aabot ko na sana ang aking kamay ngunit nang nakita ko kung sino 'yon ay bigla nalang nagsalubong ang mga kilay ko.

It's the one and only Rigel Angelo.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan ha?" I asked nang nakita ko siyang bahagyang ngumiti.

"I'm not laughing." Aniya at nakangiti pa rin. I know he's not laughing pero ewan ko ba at naasar ako kahit minsan wala naman siyang ginagawa.

Naiinis ako pag nakikita ko siya. His presence always kills me.

Rigel's presence is equal to danger. Ewan ko ba sa magulang nito at Angelo pa pinangalan eh hindi naman mukhang anghel.

Lagi niya nalang akong pinagtitripan. Always. Walang araw na hindi. Walang mintis. Pinaprank niya ako whenever he wants. Feeling niya nakakatuwa 'yun pero hindi.

Hindi ko nga sure if ipagpapasalamat ko ba na naging madalang yung pang-titrip niya sakin when we reached our senior year in high school.

"Get up." inabot niya pa rin ang kanyang kamay.

"Kaya ko." giit ko na may halong pagtataray.

"You sure?" asking persistently. Pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

Kahit hindi ako pumayag ay medyo umaalalay pa rin naman siya. Marahan akong tumayo nang biglang nawalan ako ng balanse dahilan para pareho kaming mahulog sa sahig.

Napanganga nalang ako nang nakita ko siyang nakangisi at nakatitig sakin. Mukhang anghel ang itsura ng nasa harapan ko ngayon. Yun nga lang hindi naman siya anghel o kahit man lang asal anghel.

My eyes met his brown and hazelnut-like eyes kaya agad kong iniwas ang paningin ko at napako sa labi niya. I saw his lips arched a smile at one side kaya nag-iwas ulit ako ng tingin.

Masyado dominating ang features niya. Kung hindi lang to tarantado baka – ay ewan. Buti nalang masama ang budhi nito kaya hindi talaga ako magpapadala.

Nilingon ko ulit siya at tinatraydor talaga ako ng katawan ko dahil I felt like I was frozen. Isang pulgada nalang ang pagitan ng ilong ko sa ilong niya. I can't even take my eyes off him kasi nakatitig rin siya sakin. If this is a staring game then I have to win.

And if this is a love story, nakakakilig na sana. But it wasn't.

"Would you mind getting off? Medyo mabigat ka eh." Aniya at nakatitig pa rin sa akin.

Ano raw? Ako mabigat?

Mabilis ako na tumayo pagkatapos ay mabilis na pinagpagan ang damit ko.

"Shut up!" inirapan ko siya.

Tumayo na rin siya at pinagpag ang damit niyang akala mo ay nadumihan nang sobra.

"Care to say thanks?"

"Asa!"

Bakit naman ako magpapasalamat eh siya tong haharang-harang.

I regretted that I stared at him. Somehow I felt I was drawn by his eyes. I felt a slight of guilt.

"Okay, fine. Thanks. Okay na?" He glared at me in contempt. Iniwasan ko nalang siya kaysa makipagtalo.

Pabalik na ako nang bigla niya akong hinawakan sa kamay. Nakayuko siya at nakatingin sa kamay kong hawak niya.

What now, Ely?

Marahan niyang inangat ang ulo dahilan para magpantay ang paningin namin. "Tell me.. Do you like Zeke?" nagulat ako sa diretsong tanong niya habang diretsong nakatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko ay biglang namula ang buong mukha ko.

"A-Ano'ng sinasabi mo?" maang-maangan ko naman. Aba! May pagkachismoso rin pala ang isang 'to. Ayaw ko nga i-share!

He sighed and asked again. "May gusto ba kay Zeke?" Aba matindi at tinagalog pa!

Agad akong umiwas ng tingin. "Hindi ko alam 'yang sinasabi mo."

"Don't fool me George. I know you. You're lying."

"Manghuhula ka na ri–" hindi man lang niya ako hinayaang umangal at nagpatuloy lang siya sa kanyang sinasabi.

"Three months George. I'll make you turn your eyes on me." He's biting his lower lip at saka tumingala saglit at suminghap bago tumingin sa akin. "I"ll make you unlove him." Seryoso niyang sinabi. Umawang nalang ang labi ko sa gulat, iniintindi at pilit pinoproseso ang mga sinasabi niya. "I hope you can wait, until graduation."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Pero a part of me knows what he's talking about. A part of me feels something I shouldn't have.

Bumalik kami sa school after Christmas break. Hindi ko alam anong nakain ni Ely at biglang naging bibo sa klase. Halos lahat yata ng quizzes, exams at projects ay ginalingan. Ginawa nga yata ang salitang perfection para talaga sa mga katulad niya. Tingin ko talaga sa recitation lang siya sablay dahil hindi naman siya yung klase ng taong nagsasalita.

Nakakapanibago ang ugali niya at nag-aaral na siya. Hindi ko magets trip niya at ngayon pa siya nagseryoso. Alam kong matalino siya, actually kahit hindi siya nag-aaral. Puro tulog na nga lang yata ginagawa niya sa klase. Wala siyang paki sa kahit ano. Pero simula nung Christmas break eh ganyan na siya.

Running for valedictorian ako and Ely for salutatorian. Hindi man siya pabibo sa extra-curricular activities eh bawing-bawi naman sa acads. Pero syempre ako, ginalingan ko both.

Pinaghirapan kong maging top since first year. Not that I want to be an achiever, pero kasi gusto ko talaga makuha yung scholarship sa gusto kong Arts School sa London.

Tumatanggap lang sila ng students na may excellent performance both in academics and arts kaya mahalaga maganda ang academic records ng sino mang gustong pumasok sa arts school na iyon. Kaya kapag may recommendation letter ka galing sa high school niyo na madalas ay binibigay sa top student ng batch ay asahan mo na fifty percent na ang chance mong matanggap at mabigyan ng scholarship. Hindi siyempre mawawala ang art skills sa requisite pero saka ko na poproblemahin yun kapag okay na yung status ng acads ko.

It's not that we can't afford to enroll kaya naghahabol ako ng scholarship. It's because quota course iyon – a special course to be exact. Only fifty students will be enrolled in a year. Majority of them are from the recommmendation of schools. This is something money can't even buy. No entrance exam offered.

Actually, you can get in with money by taking an entrance exam. An extremely hard academic exam. But it wouldn't be easy. Once you fail, you can never enroll, ever. Kaya wala masyadong nangangahas mag take ng exam. It's literally a once in a lifetime opportunity.

Ayaw rin actually ng parents ko na mag-aral ako abroad dahil masyado pa raw akong bata to live on my own.

But I beg to disagree.

I'm turning 17 at kailan pa ba ako magiging handa sa mga ganoong bagay if hindi ko susubukan?

Talagang sinikap kong maging top sa class. Not because I want to show-off or something. I just want to get that scholarship.

Everything changed nung dumating na ang results ng awardees, days after our final exams.

Four years, ganun katagal ko inalagaan ang pagiging top ng class.

But I became the runner up, the salutatorian. Ely's on top.

Parang naglaho ang pag-asa na kinapitan ko. Not because I'm not the top, but because my dream of getting that only scholarship is gone. I don't blame him dahil pinaghirapan niya iyon.

Pero hindi ko lang matanggap agad na bakit ganun? Antagal kong umasa. Confident ako eh. Pero wala. I just have to move on. Kaya nga siguro mas naiinis ako lalo sa kanya dahil doon.

Hindi dapat ako cold sa kanya. Masama lang ang loob ko na sana kung walang Ely eh may scholarship ako.

.......

"Yna. Stop it. Move on na, okay?" bulong ko sa sarili habang pabalik sa auditorium.

'Three months George. I'll make you turn your eyes on me.

I"ll make you unlove him."

'I hope you can wait, until graduation.'

At hindi pa rin maalis sa utak ko ang sinabi niyang yon.

And there, my extraordinary life begins. The chasing begins.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...