I Got You (Complete)

By UrielaYin

60K 2.8K 1.7K

Kapag single at trenta anyos na bakit parang tinataningan na? Gaya ni Reg na huli na sa biyahe. Edad ay beint... More

Simula
1. Da Moves
2. Hide And Seek
3. Substitute Date
PUBLISHED IN DREAME
4. Luck vs Love
5. Unwanted Guests
6. Chaos
7. Let's Stop and Fight Awhile
8. Take Me Home
9. Cornered
10. Surprised Visit
11. If This is Love
12. Face-off
13. The Rapunzel Hair
14. Meet The Parents
15. Dog Fight
16. A Sudden Turn
17. Ice candy or Eye Candy
18. Where Do Broken Hearts Go?
19. Bring It On!
20. Getting To Know Each Other
21. I'll Make Love To You
22. The Call, The Lake And Us
23. I Got You
24. High and Numb
25. One Ceiling, One Bed
26. Goodbye and Surrender
27. May The Best Man Win
28. Substitute Kuya
29. Stalkers
30. Pretty Woman
31. Peculiar, Familiar Voice
32. Push On
33. Fake
34. Raining Men
35. Imaginary Kiss, Real Hug
36. She's Waiting
37. Different Worlds
38. Lover or Friend
39. Sunsets And Moving on
40. Rebooting Memories
41. Almost Kiss
42. Clashmates' Reunion
43. Can I Kiss You?
44. Best Gift
45. That's What Love Can Do
46. I Love You, Goodbye
47. That Kiss Was Mine
48. That Girl In The Coffee Shop
49. Wrong Kiss Right Love
50. NBSB No More
52. Change Status
53. Stealing His Girl
54. Love Me, Fool Me
55. Mine Completely
56. Always A Woman
57. End: Her Happy Ever After
Special Chapter

51. Love On The Line

636 14 0
By UrielaYin

Chapter Fifty One
Love On The Line

NAGTAMBAK ang mga kinuhang gamit ni Candice sa condo ni Becky sa Cavite.

Nasa isang sulok ang mga ito at nagmistulang kalat. Dalawang lampshade, dalawang suitcase, mga libro, toiletries, at kung ano-ano pa habang ang tatlong magkakaibigan ay nakaupo sa sofa. Napapagitnaan si Candice na sapo ang sariling mukha ng dalawang kamay. This time ibang Candice na ang kaharap ng mga ito. Mahina at umiiyak.

"Okay ka lang, besh! Kanina ka pa umiiyak eh," may pag-aalalang tanong ni Becky.

"The mere fact na nag-alsa balutan na s'ya that means she already accepts her defeat. Tama ba, besh?" si Lexie ang sumagot.

Sa narinig ay lalong lumakas ang pag-iyak ni Candice at lalong tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay. Umeko ang hikbi niya sa buong living room.

Hindi pa ito nakunteto.

Dumapa s'ya sofa upang isubsob doon ang mukha. Ito ay upang takpan ang mukha dahil sa kahihiyan at upang hindi makita ng mga kaibigan na luhaan s'ya at talunan. Bagay na ngayon lang nangyari.

Napaalis ang dalawa sa tabi n'ya nang s'ya ay dumapa. 

"Tahan na, besh." Hinagod ni Becky ang likod n'ya.

Dinig pa rin ang malakas n'yang paghikbi.

"I'll go get some water. This ain't good. Baka pa s'ya himatayin," ani Lexie na nagmamadaling tumayo na at nagtungo sa kusina.

Makaraan ang ilang sandali finally ay nahimasmasan na si Candice.

Naka-indian sit s'ya sa sofa habang umiinom ng tubig. Pinunasan n'ya muna ang magkabilang pisngi gamit ang likod ng mga palad bago nagsalita.

"Thank you, guys. I've never been this weak my entire life." At naiyak na naman s'ya.

"Shhh!" Lumapit si Becky sa kanya at pinunasan ang luha n'yang dumausdos na naman sa kaliwang pisngi n'ya.

Ang luhang kasing lamig ng pakiramdam n'ya ngayon at ng gabing  totoong nakipaghiwalay na sa kanya si Brent. She never imagined that one day it could really happen.

"I went there just to piss him off and eventually who knows I might seduce him and take him back. Ginawa at sinubukan ko iyon bago ko gawin ang huli kong plano...but..." aniya sa basag na boses. "But what happened is just the other way around," tuluyan na naman s'yang bumigay at napaiyak na naman.

Tinulungan naman s'ya ni Lexie na iangat ang kamay na hawak pa rin ang baso ng tubig upang s'ya ay muling makainom.

"Nainis kasi ako nang malaman kong nagpapapasok na s'ya ng ibang tao sa bahay namin. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nagwala ako."

"Andie..." niyakap na s'ya ni Becky.

"Whatever have had happened is nothing. The humiliation, that's nothing. Compared to the feeling I am  feeling right now. He already broke up with me. He said we're over right in front of my face. Pagkatapos ay hinabol na n'ya ang babaeng 'yon."

"So, what will you do now?" tanong naman ni Lexie na naupo na sa tabi n'ya.

"Yes, I may be defeated now but not for long..."

"What do you mean?" si Lexie ulit.

"I still have one more attack before I finally say it's over," sagot n'ya kay Lexie sabay tingin dito. "Maaring tapos na para kay Brent o tapos na ang laban ko sa kanya but with that girl. Still, I am not yet done," buong tapang na saad n'ya.

Humigpit pa ang pagkakahawak n'ya sa basong kanya nang inangat para sa huling lagok niya ng tubig.

~~

TUMAYO si Mrs. Rios. Nagsalin ng kape sa isa pang tasa.

"Come, join me."

Dito lamang parang bumalik ang ulirat ni Reg at dali-daling lumapit sa nag-alok.

"Thank you po," aniya matapos kunin ang saucer na kinalalagyan ng tasa.

Humigop s'ya ng kape kasabay ng ginang. Sinabayan din n'ya ito sa pag-upo.

Grabe! Ang ganda at ang prim ng Mama n'ya. Parang hindi ako uubra sa kanya. Ibang-iba s'ya. Pero gaya ni Brent mukha naman s'yang mabait kahit sopistikada. Pero nahihiya ako kay Brent. Noon, alak ang sumalubong sa kanya sa bahay samantalang ako ngayon, kape.

Tinitignan n'ya mula ulo hanggang paa ang ginang habang pasimpleng humihigop ng kape.

"Aray!" tarantang reklamo n'ya nang mapaso.

Nahihiyang nagyuko s'ya ng ulo ngunit nang marinig ang mahinang pagtawa ng ginang ay ngumiti na rin s'ya at nag-angat ng ulo.

Natatawa s'ya sa kanyang iniisip.

Ano ba mangyayari ngayon? Interview ba ito na parang nag-aapply ako ng trabaho?

Napapa-slouch siya sa pagkakaupo.

"Hi!" nating pambasag nito sa kanyang pagmumuni-muni. Ikinagulat n'ya 'yon at the same time ikinahanga dahil sa ganda ng ngiti nito sa kanya na animo'y walang bahid ng pagkakasala. Para itong si Virgin Mary sa paningin n'ya.

"Hello po," bahagyang inangat pa n'ya ang kanang kamay para mag-wave. Naupo na rin siya ulit nang tuwid.

Ina ito ng taong mahal n'ya kaya dapat lang magbigay galang s'ya at magpa-impress. Pero sa dalawa iyong sa huli s'ya mukhang olats. Hindi n'ya alam paano magpa-impress. Naalala tuloy niya ang sinabi sa kanya ni Brent noon.

"You don't know you're beautiful and that what makes you even more beautiful."

Napasulyap s'ya rito at nang makitang nakatingin sa kanya ang ginang ay tinukom niya ang bibig saka muling yumuko.

Nakakahiya ka, Reg. Ano ka ba?

"It's nice meeting you."

Tiningnan na niya ulit ang katabi.

"By choosing you I know he'll be very happy. I believe in his taste. I trust his guts." Hinawakan nito ang kamay n'ya. "And I trust you."

"Ma'am?"

"I love my son so much and whoever he choses I will love her the same."

Ang bait naman n'ya talaga. Ganito lang? Walang exam?

"I was worried then, although natutunan ko nang mahalin si Candice pero dahil nakikita kong nahihirapan ang anak ko minsan naidasal ko, na kung sana..."

Nakita n'yang umiiyak ito habang pisil-pisil ang kamay niya.

"...sana may iba ay ibigay na N'ya. Sana may iba pa s'yang makilala na mag-iiba ng pananaw n'ya about love..."

Pinahid nito ang luha kaya nakawala ang kamay n'ya sa pagkakapisil nito.

"And then you came. I'm glad you came." Sa wakas ay ngumiti na ito. "Thank you for coming into Brent's life. Thank you ginulo mo ang isip n'ya. Thank you because you opened another door of his heart. Thank you nag-pickup line ka sa kanya."

Naluluha na rin sana s'ya. Papahiran na sana n'ya ang kanang mata pero nagulat s'ya sa huli nitong sinabi.

"Po?" takang tanong n'ya.

Umayos ng upo ang ginang.

"Um, sorry about that. But someone told me about it. Hindi ko na maalala kung sino. But, anyway, you're that girl, right? Ikaw ang nag-pick up line sa kanya?"

Pilit ang ngiti na napatango s'ya.
"A-ako nga po." Napakamot s'ya ng ulo.

At ikinagulat na naman n'ya ang pagyakap nito sa kanya. Hindi pa nga niya naibababa ang kamay. Nananatili tuloy itong nakapatong sa kanyang ulo.

"Thank you, Reg. You saved my son, alam mo ba 'yon? That pickup line really created a love line between you and my son at hindi na kayo tinigilan ng linyang iyon mula noon."

Humiwalay na ito sa kanya kaya naibaba na rin n'ya ang kanyang kamay. Pero labis pa rin s'yang nagtataka sa mga sinasabi nito.

"Oh, well. That's just my tought. Don't mind those what I said."

Tumawa ang ginang kaya lalong sumingkit ang mga mata nito bago humigop muli ng kape.

Gano'n na rin ang kanyang ginawa. Inubos na niya ang laman ng tasa dahil kailangan niya iyon. Kailangan niya ng tapang.

~~

SAMANTALA.

Hindi mapakali si Brent sa labas ng Library. Pabalik-balik s'yang naglalakad sa harap ng pintuan.

Sinubukan niyang itapat ang tainga sa pinto pero wala s'yang marinig hanggang malalakas na halakhak mula sa loob ang maulinigan n'ya.

Tila masayang nagkukwentuhan ang Mom at girlfriend niya sa loob.

Dito'y nakampante na s'ya. Nakangiti habang nakahalukipkip na umalis na siya sa tapat ng Library.

~~^^ Chapter 51

Continue Reading

You'll Also Like

386K 7.9K 55
Stalker turns to a loyal lover that she'd ever have. Story of Veronica "Venia" Laurencio and Callie Gabriel Rivera.
109K 1.2K 43
Si alexandra ay isang ordinaryung babae masiyahin ,happy go lucky na babae pero ng makilala niya si kurt dylan anderson nag bago lahat at bumuo cy...
4.7K 311 13
❝My pain was enough reason to change and choose myself this time.❞ Triumph University College Series 01 [COMPLETED] *** Date Published: May 16, 2021 ...
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...