Monasterio Series #3: One Mor...

By Warranj

4.5M 112K 17.2K

Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to pa... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 39 II
Chapter 40
Epilogue
Epilogue ll
Special Chapter

Chapter 32

72.7K 2.3K 376
By Warranj

Chapter 32


Lupaypay ang ulo kong pinasadahan ng tingin ang kisame sa living room namin matapos makatanggap ng tawag mula kay Abby. We are set to design a Mediterranean house today at exactly nine in the morning. Alas-otso na at medyo may kalayuan pa ang location ng bahay pero heto at narito pa rin ako, hindi kumikilos.

Hindi ako tinatamad. I am just bothered that I might see him there. Pero sabagay, bakit naman siya magpapakita roon? Mga supplier lang ang siguradong makikita ko roon at hindi siya kasama. Bosses like him doesn't deal with that kind of stuff. They only make orders and demands, at hindi kasama roon ang bantayan mo ang mga suppliers mo sa kung ano mang gagawin nila.

Sino ba kasing nagsabi na pupunta siya roon? Ano namang gagawin niya, tumunganga at panoorin ang mga tauhan niya na ibaba ang mga furnitures na inorder mo sa kanila? Eh, hindi ba at sa tuwing may kakailanganin ka sa kanila, puro manager lang naman ang nakakausap ni Abby? Even yourself didn't want to attend the appointments with them.

Huminga ako ng malalim. Kung bakit naman kasi pumayag pa akong tanggapin ang alok niya noon na kumpanya na lang nila ang gawin kong supplier ko sa mga furnitures. Kung sa bagay, sino ba ang magaakalang hahantong kami sa ganito?

Hindi bale. Isang project lang naman at maghahanap na lang ako ng panibagong supplier.

"Tate, I thought you have work at nine? Why are you still here?" si Mommy galing sa kusina bitbit ang isang baso ng tubig.

"Yes, My. Paalis na rin ako."

She stared at me for a long while. Whenever she does that kind of stare, I know that something's going on inside her head.

Naupo siya sa tabi ko. "Is everything okay?"

"Yup. Bakit, My?"

"I just notice that you're acting strange these past few days. Mukhang wala ka sa sarili at maging ang Daddy mo ay napapansin iyon." she sighed.

Natawa ako. "Akala niyo lang 'yon, My."

"Seriously, Tate. I want my old daughter back. If this is still about Zadriel-"

"This is not about him, Mommy. I'm not just feeling myself but I will surely be okay. Wait ka lang , My. Ma-i-stress ka na naman sa akin." natawa ako.

"I'd prefer being stressed because of your stubbornness rather than seeing you this silent and empty."

Natawa ako. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa kanya. I slouched a bit and hugged her.

"I love you, Mommy."

"Oh, gosh! You're really not okay!" she said hysterically that made me laugh.

Though, it's understandable because I seldom tell them how much I love them. I'm not that really showy and I admit it.  

Kumalas ako mula sa pagkakayakap mula sa kanya at tiningnan siya sa mukha. Worry can be seen through her sharp eyes. I winked at her just to show her that she doesn't have to worry too much about me. I'm not a little girl who just got dump by her crush.

"See you tonight, My."

Dumiretso na ako ng sasakyan ko at nilisan na ang bahay. Sa mismong location na ng bahay ako didiretso at hindi na dadaan pa sa office dahil wala naman na doon si Abby. Ang sabi niya ay didiretso na lang siya sa meeting place namin. Medyo nakakapanibago dahil nasanay akong palagi kaming sabay na pupunta sa kung saan man na may kinalaman sa trabaho.

Halos isang oras rin ang itinagal ko sa biyahe bago nakarating sa mismong lugar. Natanaw ko si Abby na nasa tapat ng gate at may kausap na matanda na sa tingin ko ay kasambahay ng kliyente namin. They both looked at my direction. Inilibot ko ang paningin at nakitang wala pang truck. Ibig sabihin ay wala pa ang mga suppliers.

I sighed heavily. Come on, Tate. Stop acting strange! Hindi iyon pupunta dahil abalang tao iyon. Sa mga nakaraang kumpanya na naka-deal mo, kailan ka ba nakasalamuha na sumasama ang mismomg may ari sa lugar na dinidisenyo mo? The same thing goes with Zadriel. Nagkataon lang rin talaga na hawak niya ang mga suppliers mo hindi kagaya noon na bukod ang suppliers sa kumpanya ng mga mismong gumagawa. He won't waste his time to be here and just watch you work with his people.

Inis kong kinamot ang aking ulo bago kinuha ang iPad sa tabi ko. Bumaba na ako ng sasakyan, ang paningin ay nasa sekretarya ko agad.

"Good morning, Ma'am Tate." bungad niya.

"Morning. W-Wala pa ang mga suppliers?"

"They're already on the way, Ma'am."

Pasimple akong bumuntong hininga. Sinulyapan ko ang kasambahay na may mainit na ngiti para sa akin.

"Magandang umaga, po." bati ko.

"Magandang umaga rin. Papalabas na rin po si Mrs. Tolentino. May inaayos lang po sa kusina. Gusto niyo po bang pumasok na muna?"

"No, thank you. We'll just wait for the suppliers to be here."

Tumango siya. "Sige, po."

Dahil sa pagiging makwento ng matanda ay hindi naman kami gaanong nabagot ni Abby mula sa paghihintay sa mga suppliers. Bente minutos pa ang lumipas bago namin tuluyan nakita ang dalawang truck na paparating sa gawi namin.

Mabilis na kumalampag ang puso ko nang mapasadahan ang salitang nasa gilid ng truck.

Monasterio World of Furnitures

Kailan pa ako nakaramdam ng ganito dahil lang sa simpleng pagkakabasa ng apelyido niya? Hell, I don't even have to care about it. It's just his surname! Hindi naman siya mismo ang makikita ko.

Huminto ang dalawang naglalakihang truck sa tapat ng bahay. It's just the right time when my client suddenly came out of the house.

"Hi, Miss Follosco! Pasensya na at medyo natagalan ako. Inaayos ko pa kasi ang mga pagkain na ipinaluto ko para sa tanghalian." maamo ang boses na wika ng matanda.

"Don't mention it, Mrs. Tolentino. Kadarating ko lang rin naman." I smiled.

"Mabuti kung ganoon. Shall we go inside?"

Bago ako sumagot ay nilingo ko ang mga suppliers na halos kabababa lang rin. Nasa lima sila at lahat ay nakatingin sa akin.

"Ready na kayo?" tanong ko.

"Yes, Ma'am!" saludo pa ng isa.

I nodded my head at them and glanced at Mrs. Tolentino.

"Pumasok na po tayo,"

"Mabuti pa nga."

Astang tatalikod na ang matanda nang mapansin namin ang paghinto ng isang itim na sasakyan sa tabi ng kotse ko. Dahil tinted ang salamin ay hindi ko makita kung sino ang driver. Maybe it's someone related to Mrs. Tolentino. Marahil ay anak na lalaki, sa ayos pa lang ng sasakyan ay halata nang may sinasabi sa buhay.

"Ayan na pala si boss..." dinig kong saad mula sa mga suppliers na ikinaagaw ng aking atensyon. Nang lingunin ko sila ay nakita kong nakatanaw ang lahat ng ito sa bagong dating.

"Boss?" pabulong na tanong ko.

Kasabay ng pagkalabog ng pinto ng sasakyan ay siyang paglingon ko rin doon. My heart almost jumped out of my throat when I saw Zadriel stepping out of his black car, face void of any emotions but coldness.

What the... hell?

Pakiramdam ko ay biglaang nanigas ang katawan ko kasabay ng pagbaon ng aking mga paa sa simento. I remained staring at the man who I haven't seen for almost a month now.

He's looking at his people, brows furrowed a bit. Hindi ko alam kung mas lalo ba siyang gumwapo o... talagang namiss ko lang ang mukha niya. He looks even more handsome and appealing in his white button down shirt, sleeves folder upto his forearm and paired it with a dark denim jeans and  brown leather low cut boots. Bagsak rin ang buhok niya sa kanyang noo, bagong gupit at literal na preskong tingnan.

He suddenly anchored his eyes on mine and I instantly looked away.

Where did your confidence go now, Tatiana? Anong nangyari sa'yo at para kang hindi mapaanak na pusa diyan!

"Oh! Is that Zadriel Monasterio? I didn't know that he will be here. He's that hands on to his business despite of his busy schedule, huh?" si Mrs. Tolentino, halata ang galak sa mukha.

"Is everything ready?" Zadriel's voice sent shiver deep down my spine. Alam kong may kalayuan pa siya sa akin pero pakiramdam ko ay nasa likod ko lang siya.

"Yes, boss. Hinihintay na lang po namin ang go signal ni Miss Follosco." dinig kong sagot ng isa sa mga supplier.

"Let's go inside. We're about to start." mabilisang sabi ko.

"Halina kayo sa loob. It's a pleasure to see you here in my house, Mr. Monasterio." si Mrs. Tolentino na may balak pa atang makipagtsismisan kay Zadriel.

"Thank you. Just wanna make sure that there won't be any failure in this project. I hate hearing complaints."

"Don't worry. You're well known in the furniture manufacturing industries as well as Miss Follosco here in interior designing. Siguradong maganda ang kalalabasan."

"Can we go inside so we can start now, Mrs. Tolentino? This is one hell of a busy day ahead." sabat ko at hindi na makagalaw pa.

Sa wakas ay pumasok na kami sa loob ng kabahayan. Una naming pinuntahan ang living room kung saan bakante at amoy pintura pa. The renovation has actually started last week. Kinumpuni ang dapat, kinulayan ang mga gustong ipabago. Ngayon ay ilalagay na lang ang mga kagamitan na napili niya.

Hawak ang iPad ay tiningnan ko ang disenyong nagustuhan ni Mrs. Tolentino. I looked at the window glass and saw the suppliers carrying the furnitures one by one. Zadriel is watching them, even saw his lips moving as if he's guiding them what to do, or how to take care the furnitures.

Is he this hands on when it comes to his business? Kailangan talaga kasama pa siya?

Binawi ko ang pagsilip sa bintana nang hindi sinasadyang tumingin siya sa gawi ko. Daig ko pa ang dalagang sumisilip sa crush niya at nahuli nitong nakatingin.

Uh, damn it! Why do I have to fall for him, too?! Puwede namang siya na lang! Bakit pati ako? Lintek na tadhana.

Nagsimula nang magpasukan ang mga suppliers sa loob ng sala bitbit ang mga furnitures. I keep on giving them instructions on where they should put it. I also keep myself busy just to ignore my heart that's starting to go insane.

"Pakilagay iyan sa may tabi nung puting couch—"

Natigil ang pagsasalita ko sa supplier nang biglang pumasok si Zadriel at magtama ang mga mata namin. Napakurap-kurap ako, biglang nawala sa sarili.

"P-Patagilid ang posisyon..." pagpapatuloy ko nang hindi na magawang alisin pa ang paningin sa kanya.

This time, it's Zadriel who first avoided my gaze and roamed his eyes around the area instead.

"What do you think, Mr. Monasterio? Are you liking the arrangement so far?" si Mrs. Tolentino.

Still looking around while hands slid inside his denim's pockets, he wetted his bottom lip and glanced at the old lady.

"You got an excellent interior designer here, Mrs. Tolentino..." he said and then looked at me. "Expect a good result. She's the best, anyway."

My heart clenched at his words. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng nangyari sa amin nang huli kaming magkita, kung paanong naghiwalay kami ng landas nang hindi na nagkibuan, heto at nakakatanggap pa ako ng papuri sa kanya.

Nagbaba ako ng tingin.

I suddenly wonder if he's somehow... angry at me?

"I know. She has the blood of Trinity Velarde."

Hindi na ako nakisali pa sa usapan nila at itinuon na lang ang atensyon sa ginagawa. I don't think I can strike a conversation with Zadriel in it. Kahit pa paunti-unting sagot ay ayokong sumali.

Sumapit ang tanghalian, ayaw ko man ay hindi na ako tumanggi nang yayain na kami ni Mrs. Tolentino na magtanghalian. All throughout the times that I was busy giving instructions to Zadriel's men, I couldn't help but to feel uncomfortable for I knew that he's looking at me.

Nawala na talaga ang kakapalan ng mukha ko. Naka-quarantine rin ata.

"Mr. Monasterio, I hope you won't mind but I heard that you're now engaged to Dianarra Asistores." si Mrs. Tolentino sa gitna ng pagkain namin.

Nanatili akong nakatingin sa aking plato, hindi nagaabalang mag angat ng tingin kahit pa ang naging tanong na 'yon ay naghatid ng pinong kurot sa puso ko.

"Our parents are just in the middle of planning it. No specific details yet," baritonong sagot ni Zadriel.

"Wow. It will be a grand wedding for sure. I remember your parents having the grandest wedding of all back then. Your father made your mother a literal queen. You will certainly do the same with your woman."

So, they're gonna get married soon, huh? Good for him. Good for Diarrhea. At least he has the balls to stand on his decision even if... even if it's against him.

Hindi ko na narinig pang sumagot si Zadriel dahilan para dahan-dahan akong mag angat ng tingin sa kanya. My heart skipped a bit when I found him staring intensely at me.

"Of course." he said, pitch black eyes drilling into mine.

Good for you then. Happy for the both of you. Glad that you will be able to find your ending with her. Sigurado naman akong babalik rin ang nararamdaman mo para sa kanya.

Lihim akong nagpasalamat at natapos na ang tanghalian. We have a one hour break before we proceed with our work. Nagtungo ako sa main door ng bahay, isinandal ang gilid ng katawan sa haligi ng pinto at pinanood ang tanawin sa labas habang magkakrus ang mga braso.

The backyard was surrounded by tall palm trees and fresh flowers. There's even a mini fountain in the middle, a table set that was made of steel and mini bench. Malamyos rin ang simoy ng tanghaling hangin dahilan para makaramdam ako ng antok.

"How are you?"

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko matapos marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Hindi ko na kinailangan pang lumingon para lang alamin kung sino 'yon. I've already memorized his voice. No need for a confirmation.

"I'm fine." I answered straightly.

"You seem to be very silent. Hindi ako sanay."

"I have nothing else to say,"

"I'm sorry if I'm here."

This time, I bore my eyes into him. He's standing straight while looking ahead of us. His face was serious like he's currently inside a deep thought.

"Why are you sorry? Narito ang mga tauhan mo kaya normal lang na narito ka."

He sighed, looking so weary. "You might think that I'm here because of you. The truth is yes. I have to be here because I want to see you. But don't worry, I mean no harm. Gusto lang talaga kitang makita."

Napigil ko ang pagdaloy ng hangin sa aking dibdib, hindi iyon ipinapahalata sa kanya. I remained my facial expression as stoic as I can. Tumingin ako sa kawalan muli.

"It's okay. Everybody wants to see my pretty face," I laughed fakely. "I understand you-"

"I miss you, Tate."

Agad bumaba ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pagkaseryoso. My hands balled into fist, couldn't be able to look at him again. 

"I miss our late night talks, your jokes and your smiles. I miss the way you lock your arms around my neck whenever you feel excited and overwhelmed. The way you scowl whenever I say something stupid," he chuckled softly. "I miss everything about you."

"Zad, please stop-"

"I'm trying to love her again, baby. You should be proud of me."

Pinakawalan ko na ang aking hininga na kanina ko pa pinipigilan. Nilingon ko siya at napansin ang mariing niyang pagkakakagat sa kanyang labi habang may hilaw na ngisi. It's obvious that he's really trying hard to shut every emotions that wants to come out of his soul.

But somehow, I think he failed.

Nilingon niya ako, mapungay ang mga mata at bakas roon ang pinaghalong lungkot at pangungulila.

"But I still need you to wish me luck," he whispered breathily. "Because I don't think I will be able to step back and walk away from you..." He slowly shook his head. "I just can't."

Continue Reading

You'll Also Like

90.1K 4K 39
(Monteciara Series 2: Claudine Leighrah Monteciara) "Why is it so easy to fall in love and yet so hard to be loved back?" *** Claudine Leighrah Monte...
826K 35.2K 50
El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows that loving someone like Gaston, who's bey...
2.4M 92.7K 44
Adrestia Lucinda Dela Cruz is a very hardworking young lady from Cebu. At a young age, she already knows what she wants to do and how she can achieve...
440K 21.8K 53
Cheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022