The Side Chick Woman✓

De Badmindchixxx

223K 4.8K 579

WARNING: This story contains matured contents and languages that is not suitable for young readers. But if yo... Mais

PROLOGUE
Disclaimer
1; The Second Woman
2; The Invitation
4; Honeymoon's Intruder
5; Mistress role
6; What if
7; The Meeting
8; Hurtful Truth
9; Almost Caught
10; Befriend of His Friends
11; Picture
12; Play Safe
13; Cross Paths
14; Enemy's Kindness
15; Meeting his Family
16; Out of Town
17; Date
18; Memories to keep
19; Assumption
20; The Masquerade Party
21; The Show
22; Backfire
23; Late Gift
24; Mistress vs. Wife
25; Meeting Him
26; Dangerous Voice
27; Hangover
28; More Better
29; Threat
30; Caught
31; Again
32; Video Scandal
33; So Called Side Chick
34; The Evil Sister
35; Truth Behind Plans
36; In exchange of..
37; Missing You
38; Meets the Stepmother
39; The Mistress's Wrath
40; He changed
41; Looked a like
42; Distant
43; Revenge
44; Never see it coming
45; Secret Out
46; Betrayal
47; Her last ace
48; Mistress' revelation
49; His Anger
50; Broken Pieces
51; Her Choice
52; I Love You Not
53; I Love You Goodbye
54; New Beginning
55; Unexpected Proposal
56; Kidnapped
57; Memories Bring Back Feelings
58; Stalker
59; Rejection
60; Side Chick No More
The End
Author's Note

3; The Wedding

4.8K 109 4
De Badmindchixxx

"What?! Imbitado ka sa kasal ni Logan?"

Umikot ang mata ko. "Paulit-ulit naman kayo. Sinabi ko na nga 'di ba?" naiinis na wika ko. Bumagsak sa tabi ko si Kim at kumuha ng chips sa table.

"Tutuloy ka pa din ba?" tanong niya.
Sumandal ako sa couch at tinignan sila Lianne at Tanya na naghihintay.

"Of course. Umulan man o bumagyo tuloy na tuloy pa din ang pagpunta ko." nakangising sabi ko.

"Mag-ingat ka pa din, Marie. Alalahanin mo ang mga rules na dapat sundin." seryosong sabi sa'kin ni Tanya.

"I know. Hindi ko nakakalimutan ang mga rules na'tin, okay? I know what I'm doing." Umikot na naman ang mata ko sa hangin.

"Balitaan mo na lang kami. Tawag ka lang sa'min 'pag may problema." sabi ni Lianne. Tumango ako at nagpaalam na sa kanila. Sa condo ko na lang itutuloy ang pagg-gym ko.

Pagdating ko sa condo, sabi ni Manang may nagpadala daw ng package sa'kin galing kay Luigi.

"Manang, pakitawagan naman po si Manong Silverio. Magpapahatid lang ako sa Parlor."

"Oh, siya, sige."

Dinala ko ang malaking kahon sa kwarto ko at binuksan 'yon. Pinadala na pala ni Luigi ang susuotin ko para sa kasal mamaya. Isa iyong tube dress na color beige. Papunta na ako ngayon sa Salon na pagmamay-ari ni Maia para magpaayos.

"Hi, baks!" Ngumiti ng malawak si Maia nung makapasok ako sa Salon niya.

"Hi." Nakipagbeso muna ako sa kaniya. Maraming lumapit sa'kin na mga customer at nagpapicture.

"How are you? Ilang araw na kitang hindi nakikita. Wala man lang paramdam, ha!" sabi ko. Iginiya niya ako sa Office niya.

"You know, gusto ko ng makalimot sa pagkakamaling ginawa ko. I'm sorry kung pati kayo naaapektuhan." Napayuko siya kaya lumapit ako at niyakap siya.

"Napatawad ka na ni Misty. Tinatanong ka nga niya sa'kin palagi. She wants to see you actually." I smiled at her.

Nagkaalitan kasi sila ni Misty dahil sa iisang lalaki. They are my high school bestfriends. Misty, Kim and her. Pero kami lang ni Kim ang mahilig talagang sumabit sa may asawa.

Maia knows our secret pero si Misty hindi. Iba kasi ang ugali ni Misty. Masyadong spoiled brat at madaldal ang babaeng 'yon kaya mahirap pagkatiwalaan sa mga sikreto.

"Saan lakad mo bakit ka magpapaayos? Hindi ba keri ng assistant mo na ayusan ka?" Tanong niya.

Napairap ako. "Hindi marunong si Celeste magmake-up. Like, duh? Hindi ko nga alam kung babae ba 'yun, eh. Ni buhok ko nga di marunong ayusin." sabi ko. As if on cue, nagpakita ang pinag-uusapan namin dala ang mga gamit ko.

"Excuse me? Ako na naman pinag-uusapan niyo." maangas na wika niya.

"See? Kilos pa nga lang niya, mas lalaki pa sa driver ko." sabi ko. Tumaas ang kilay ni Celeste.

"So.. saan nga ang lakad mo?" tanong ni Maia kaya hinila ko siya palabas ng Office niya.

"I'm attending a wedding." Hininaan ko ang boses ko para walang makarinig na iba.

"Oh? Kaninong kasal?"

Lumapit ako sa kaniya at bumulong. "Kasal ni Logan." Nakita ko kung paano siya magulat at mapatitig sa akin.

"Ikakasal na siya?" Humina ang boses niya. Tumango ako. "Imbitado ka? Seryoso?"

"Yes, pero hindi si Logan ang nag-imbita sa'kin, 'yung kapatid niya." I flip my hair. "And Maia, walang asawa ang iimbitahan ang kabit sa mismong kasal nila." sabi ko.

"Alam ba niya na inimbita ka ng kapatid niya?"

Umiling ako. "Alam mo nase-sense ko na may malaking alitan ang magkapatid na 'yon." Naalala ko 'yung nangyari sa bar. Kung magtitigan ang dalawa parang nagpapatayan na.

"Siguro tungkol sa family nila. Sa pagkakaalam ko kasi hindi tunay na anak ni Mr. Mcford si Luigi."

Nagulat ako nang malaman na kilala niya si Luigi. Oo nga pala, nililigawan siya ni Austino ngayon. Austino is Logan's bestfriend.

"Ayusan mo na ako." Umupo ako sa bakanteng stool at humarap sa malaking salamin.

"Ano bang ayos ang gusto mo?"

"Gusto ko ako 'yung pinakamaganda sa lahat ng nandoon." Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at tumingala kay Maia.

"Ay, bongga! Sige pagagandahin kita lalo, baks." Ngumisi si Maia.

"Yung mas maganda pa sa bride ha." Napangisi ako nang makita ko ang paghanga sa mata niya dahil sa sinabi ko.

Magpapatalo ba ang kabit?

Of course not.

Sa Samuel Hotel gaganapin ang kasalan. Sinundo ako ni Luigi sa Salon ni Maia, at hindi ko makalimutan ang naging reaskyon nito nang makita ang ayos ko.

"Wow. You look like a Goddess." manghang sabi niya.

"See, baks? Kahit iyang kapatid ni Logan nabighani sa ganda mo. Paano pa kaya kung mismong si Logan na-" Pinanlakihan ko ng mata si Maia na bumubulong sa tabi ko. Baka marinig siya ni Luigi!

"Ganda ng bestfriend ko 'di ba?" Baling niya kay Luigi na nakatingin pa din sa'kin.

"Y-yes."

Ngumiti lang ako sa lalaki at tinanggap ang kamay nitong nakalahad sa harapan ko. Dahil dala ko ang kotse ko hinabilin ko na lang kay Celeste muna.

Pagkababa namin sa Hotel sobrang daming press sa labas. Inayos ko muna ang buhok ko at tumingin kay Luigi na nakatingin pa rin sa'kin.

"Baka matunaw na 'ko niyan." sabi ko sa binata kaya nagulat ito at napaiwas ng tingin.

"Sorry. Ang ganda mo kasi."

Pinigil ko ang ngiti sa labi ko at niyaya na siya lumabas. Siya ang unang lumabas at binuksan ang pinto sa gilid ko. Humigop muna ako ng hangin bago tanggapin ang kamay niya. Pagkatapak ko pa lang agad na pinalibutan kami ng mga press.

"Ms. Marie!"

Panay ang tawag ng mga press sa pangalan ko. Buti na lang may mga men in black ang lumapit sa amin at hinarangan ang mga nagtatangkang lumapit sa akin.

"Hold on. Huwag kang bibitaw sa'kin."

Tipid na ngumiti ako kay Luigi. Kung si Logan ang nagsabi niyan, sigurado akong baka hinimatay na ako sa kilig. But no, malabong mangyari 'yon lalo na ngayon.

Sa dulo kami naupo ni Luigi. Pinuntahan niya lang saglit ang magulang niya kaya ako na lang naiwan mag-isa. Secure naman sa loob dahil madaming mga men in black sa paligid.

"Marie Alvarez?"

Lumingon ako sa Ginang na lumapit sa'kin at ngumiti. Nagpapicture ito sa akin bago ako iniwan. Nilibot ko ang mata sa loob ng Hall. May iilan akong nakilalang mga bigatin na imbitado. Ang ilan ay hindi pamilyar sa paningin ko.

"Ang ganda mo naman, Ate. Pwede papicture?" Lumapit sa akin ang isang staff yata ng Hotel.

"Sure." I smile at the camera. Nagpasalamat ang babae bago umalis.

Naiwan na naman akong mag-isa. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa bulaklak na nasa gilid. Hanggang sa dumating na si Luigi at sinamahan ako.

"Hindi pa ba mag-istart?" tanong ko sa kaniya.

"May kaunti yatang problema. I don't know what it is."

Tumango ako. Excited? No. Sino ba ang ma-eexcite na ikakasal ang lalaking mahal mo sa iba? Tapos imbitado pa ako. How nice is that?

Ilan saglit pa nagsimula na ang kasalan. Dahil nasa dulo ako at medyo tago, hindi ako nakita ni Logan habang naglalakad ito papunta sa harap. Hindi ko maiwasan ang hindi masaktan.

Bakit ang daya mo, Logan? Bakit hindi ako ang pinakasalan mo?

Nakatitig lang ako sa harap, sa kaniya. Pigil ang luha na gustong kumawala.  Naantala lang ang titig ko kay Logan nang pumasok na ang hinihintay na bride.

Hailey Samuel

She's pretty, I admit that. Medyo maliit lang ang babae ng kaunti sa akin pero mas maganda pa rin ako. Ngiting ngiti siya habang naglalakad sa red carpet.

Matalisod ka sana!

Ngumiti ako ng mapait nang paupuin na kami ng pari at nagsimula na ang kasalan. Kahit ayokong panoorin ang pag-iisang dibdib nila, nanatili pa din ako sa upuan ko.

-

"The mistress is invited to the wedding of his man."

Napalingon ako sa nagsalita at napataas ang kilay.

"Anong ginagawa mo dito, Gina?" tanong ko sa kamiyembro ko sa Org.

"Don't you know? Magpinsan kami ni Hailey." sagot ng babae.

Napaayos ako ng upo habang blangko ang mga matang nakatingin sa kaniya.

"Don't worry, secret is secret. Hindi ako magsusumbong sa pinsan ko dahil magkatulad lang tayo. 'Pag ginawa ko 'yon malalagay sa alanganin ang M.O." Tumabi siya sa upuan ko. Saglit na nagpaalam si Luigi dahil tinawag siya ng kaniyang ama. "Nakita na kita kanina. Akala ko nga tututol ka sa kasal nila n'ong magtanong ang pari." sabi pa niya.

Napangisi ako. "Hindi ako kagaya ng mga kabit sa mga napapanood mong teleserye sa tv. Behave lang ako."

Gustuhin ko man na tumutol, pinigilan ko ang sarili kong huwag mag-eskandalo. Kapag ginawa ko 'yon, ako ang mapapahiya sa maraming tao. Hindi porke naikasal na siya, susuko na ako ng basta basta. No. Giving up is not my thing. Hindi pa nga nagsisimula ang tunay na giyera susuko na ako? Nah. Never.

"Kiss! Kiss!" sigaw ng mga guests.

Pinaikot ko ang hawak na kopita habang nakatingin sa direksyon ng bagong kasal. Kitang kita ko kung paano rumehistro ang saya sa mukha ng babae habang si Logan ay seryoso lang ang ekspresyon.

Kiss? Yuck! Kanina pa sila kiss ng kiss. Nakakaumay! Saktong lumapit si Logan kay Hailey, dumating si Luigi kaya napaiwas ako ng tingin.

"Inip ka na ba?"

Napalingon ako sa kopita ko at umiling. Sumimsim ako ng kaunting wine bago ibinaba ang hawak sa maliit na table.

"Saan ang cr dito?" tanong ko. Sukang suka na ako sa mga napapanood kong sweetness nila.
Kanina ko pa gustong magbanyo pero wala akong matanungan kung nasaan ang restroom.

"Ah, wait." May tinawag siyang isang staff na palakad-lakad at sinabing samahan ako sa restroom. Iniwan ko muna si Luigi at sumunod na sa babae.

"Thank you." Nakangiting pasasalamat ko dito nang huminto kami sa girl's restroom.

"Walang anuman po, Ma'am. Ang ganda niyo po. Lagi ko po kayong nakikita sa mga commercial."

Ngumiti na lang ako. Inayos nito ang suot at nagpalinga sa paligid. Lumapit pa ito sa'kin at bumulong,

"Mas maganda pa nga po kayo kay Ma'am Hailey, eh. Totoo po ang sinasabi ko, Ma'am."

Napangisi ako matapos marinig ang sinabi niya. Umalis na rin ang babae at iniwan na ako.

Mas maganda naman talaga ako sa asawa ni Logan. Ewan ko ba kung bakit 'yung babaeng iyon ang pinakasalan niya.

Kung hindi nga ako tinago ni Luigi sa bandang dulo ng upuan eh 'di sana ako ang napagpiyestahan ng mga tao imbes na ang nagaganap na kasalan.

Naghugas muna ako ng kamay at naglipstick. Isang beses pa akong tumingin sa salamin bago lumakad sa pinto. Saktong pagbukas ko nabunggo ko ang taong hindi ko inaasahan na makita.

Parehas pa kaming nagulat pero ako ang unang nakabawi. Tumabi ako para makadaan siya.

"Sorry!" sabi nito at pumasok sa isang cubicle. Halos matalisod siya dahil sa suot na gown. Kumuha agad siya ng tissue sa lababo.

Sorry?

Did she say sorry?

Hindi ba dapat ako ang magsabi n'on sa kaniya? I pity her. Wala siyang kaalam-alam na nakasalubong na niya ang kabit ng asawa niya.

Ang kabit na sisira sa pamilya niya.

I smirk and leave the place.

Continue lendo

Você também vai gostar

25.7K 1.1K 25
Amadeus Costiño, a soldier who is like his father, a dedicated server of the country, found his love to a very sweet, soft and kind Janiella Cyrish M...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
32.7K 1.1K 25
Leyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na anak. Lumaki siyang hindi nakilala ang...
62.9K 1.3K 51
Virgin Man Duology #2 (UNEDITED) Cricia Carl Kabinini and Mc Larren Herrer Story.