When I Die|COMPLETED

By LittleCreepHeart

12.2K 849 69

Nagulat ang pamilya at kaibigan ni Kiona Reyes nang mabalitaang patay na ang dalaga. Hindi nila alam kung pap... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
LETTERS 1
LETTERS 2
TO MY READERS
MY WORKS

EPILOGUE

831 45 20
By LittleCreepHeart

EPILOGUE


5 YEARS LATER

"Daddy is it okay if we'll go later to grandpy's house?"  Zion asked him with please-say-yes look.  Namimiss nanaman nito ang grandparents nito.

"Sure, son. But, eat your breakfast muna okay?" Sagot ni Zelo sa anak. Nakaupo siya sa living room habang nanonood ng news.

"Okay daddy!" Tuwang tuwa nitong tugon sakaniya at tumakbo na ito sa Dining Room kasama ang yaya. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang anak.

Habang lumalaki ang anak niya ay unti unting mas nagiging kahawig niya ito. Mag aanim na taon na ito sa makalawa. Parang kailan lang nung baby pa ito, sadyang kay bilis nga naman ng panahon. Sa limang taon na lumipas, maraming nagbago. Maraming hirap, sakit at saya ang kanilang naranasan.

Ngayon, isa na siyang ganap na arkitekto, may sariling hardware at isa naring contractor. Nakapagpagawa ng bahay at nakabili ng auto. Pinasok na rin niya si Zion sa isang nursery school.

Simula noong umalis siya sa bahay nila, 5 years ago, natuto siyang maging independent. Nagtagal siyang tumira sa parents ni Kiona habang nag woworking student siya para kahit papano may pang allowance siya at may panggatas ang anak. Mahirap, pero nakaya niya. Pilit niyang kinaya.

Hindi parin siya tanggap ng parents niya at ng simbahan. Ganon sila katigas. Pero ayos na iyon sakaniya, ginawa naman niya lahat para lang mapatawad siya.

"Daddy!" Napalingon siya sa kaniyang anak.

"Yes son?"

"Im done!" Tuwang tuwa pa nitong saad. "Can we go now?"

"Later son, maliligo pa si Daddy. Mag play ka muna sa room mo okay?"

Tumango naman ang anak niya. Masunurin ito at mabait. Siguro nakuha nito ang ugali ng kaniyang mommy. Sweet ang anak niya, magalang at masiyahin.

Inilibot niya ang paningin sa sala at nadako ang tingin niya sa isang painting. Gawa niya iyon. Family picture nila.

Buhay na buhay ang painting. Para bang totoo na nangyari ang nasa imahe. Ipininta niya si Kiona at isinama ang mukha nilang dalawa ng kaniyang anak. Ang painting na ito ay punong puno ng inspirasyon at pagmamahal.

Si Kiona parin talaga ang nasa puso niya magmula noon hanggang ngayon. Para bang ayaw na niyang mag asawa pa, gusto niyang inaalagaan nalang si Zion hanggang lumaki.

Maya maya pa ay umakyat na nga siya sa kwarto at nag bihis na. Talagang pupunta sila sa bahay ng parents ni Kiona ngayon. Bukod sa namimiss ni Zion ang lolo at lala niya, e ifafinalized na rin nila ang tungkol sa 6th birthday party ng anak.

Nalulungkot siya dahil sina Tito Tante at Tita Gressie lang ang kilalang grandparents ni Zion. Hindi pa kasi nito nakikita ang parents niya at ayaw rin ng mga ito na makita ang apo. Nakakalungkot dahil ang titigas ng mga puso ng parents niya.



***



"ZELO hijo, ano na? kailan ka mag aasawa?" Natawa si Zelo sa tanong ng tito Tante niya.

"Nako tito, yung puso ko, hawak parin ng anak niyo." Sagot niya. Totoo naman. Parang wala na siyang balak mag asawa pa.

"Hijo, huwag mong hayaang tumanda ka mag isa." si tita Gressie. Okay lang naman sakaniya iyon.

"Andiyan naman ho si Zion." Sagot niya. Napatingin siya kay Zion na mahimbing na natutulog sa sofa. Nakaunan ito sa mga hita ni tita Gressie. Napagod ito sa kakalaro.

"Tatanda rin si Zion at magkakaroon ng sariling buhay, hijo. Bata ka pa Zelo, hayaan mong buksan ang puso mo sa iba."

"Tita, kahit na anong bukas ko sa puso ko kung may nagmamay ari na nito, wala talaga e. Sinubukan ko naman po pero hindi nag work. Ang mommy lang talaga ni Zion ang nagpapatibok nito." Turo pa niya sa puso niya.

Mahal na mahal pa rin niya si Kiona hanggang ngayon. At ang mga videos ni Kiona ang nagpapa alala sakaniya sa lahat ng pinagsamahan nila.

"Ikaw ang bahala, hijo. Pero sana balang araw makatagpo ka ng babaeng para sa iyo. Gwapo ka, may pinag aralan may bussiness, asawa nalang ang kulang, eh." Natawa muli siya sa sinabing ito ng tito tante niya.

Five years ago kasi ay binuksan nila ang kwarto ni Kiona kasama ang ate Kianne nito. Iyon daw kasi ang bilin ni Kiona. Yung after 6 months mula nung mabasa nila ang letter saka lamang bubuksan ang kwarto. Wala namang kakaiba sa kwartong iyon. Malinis. Pero may nakalagay sa ibabaw ng kama. Isang letter at maraming flash drives.

Sabi ni Jhay na bunsong kapatid ni Kiona, ito raw ang naglagay ng mga iyon sa kama. Iyon daw kasi ang bilin ng ate Kiona nito. Kasama ng sulat na bigay ng ate Kiona nito ay ang mga flashdrive at sulat. Palihim siyang dumaan sa bintana at pumasok sa kwarto ng yumaong ate. Naalala ulit ni Zelo ang pangalawang sulat na iniwan sakaniya ni Kiona. Ito yung sulat na naiwan sa kama, oo ang sulat ay para sakaniya kasama ng mga flashdrive.

---
Dear Zelo,
When I die
I'll let you know, how much I love you
When I die
Don't cry too much
When I die
Take care of our son
When I die
I know you will always think about me
When I die
You will love me forever
When I die
Please be happy
When I die
Please don't be lonely
When I die
Cherish our memories
When I die
Don't forget me
When I die
Let me hold your heart
When I die
Still, you are mine
When I die
You'll love me more
When I die
Your gonna miss me
When I die
I will wait for you
When I die
I always love you, my only Zelo.
Loves, Kiona
---

Nagkaroon ng matinding impact kay Zelo ang letter na ito ni Kiona. Hanggang ngayon kasi ay kabisado niya parin lahat ng nakasulat. At natatandaan bawat linya nito. Siyam na flash drive ang naroon. Ang bawat flashdrive ay naglalaman ng mga video. Video diary ni Kiona. Ginagawa niya ito na para bang kausap siya nito. Walang araw na hindi sinasabi ni Kiona na mahal na mahal siya nito.

Nagsimula itong mag video diary noong isang buwan palamang ang tiyan niya hanggang sa araw kung kailan siya namatay.

At dahil sa mga videong iyon at sa sulat ni Kiona ay hindi nga nawawala ito sa isip niya. Buhay na buhay si Kiona sa isip niya. Kaya papano siya mag aasawa ng ibang babae kung ang laman ng puso at isip niya ay si Kiona lamang?



***



"HAPPY BIRYHDAY TO YOU~ HAPPY BIRTHDAY TO YOU~HAPPY BIRTHDAY OUR DEAR ZION~HAPPY BIRTHDAY TO YOU~"

Sabay sabay kinanta ng mga bisita bago nagsimula ang party ni Zion. Anim na taon na ang anak niya. Sa isang events place ginanap ang party ng anak. Pinadalhan pa rin niya ng invitation letter ang magulang niya kahit hindi pa sila okay.

Naroon ang mga dating kaibugan ni Kiona, sina Cally, Esrel at Dave. Naroon din ang mga tropa niya hanggang ngayon sina Vico, Zan, Dreik at Narj.
Mga ninong at ninang rin ang mga ito ng kaniyang anak. Naroon din ang mga classmate ni Zion sa nursery kasama ang mga magulang nito. Kumpleto ang buong mag anak ni Kiona. Napaluha nalamang si Zelo dahil ang parents lamang niya ang wala sa party.

"Anong wish mo Zion?" Tanong ni Cally.

Hihipan na ni Zion ang kandila kaya naman lumapit siya sa anak.

"Make a wish baby." Saad niya. Tiningnan siya ng anak at saka ngumiti bago magsalita.

"My wish is..." nag isip pa ito bago ulit magsalita. "I wish, daddy will find me mommy soon. Because I know that mommy Kiona wants him to be with someone who will take care of him and me." Natulala siya sa sagot ng anak. Hinipan na niya ang kandila.

Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid at nagpalakpakan. Lalo na ang mga kaibigan niyang naroon. Niyakap nalamang niya ang anak. Matagal na itong sinasabi sakaniya, na gusto na nga nito na mag karoon ng mommy.

"Soon baby." Bulong nalang niya sa anak. Ayaw niyang ma disappoint ang baby kung sasabihin niyang ayaw na niya magkaron pa ng katuwang sa buhay dahil sapat na ito. Sapat na ang anak niya at ang memories nila ni Kiona.

"Thank you, daddy..." sagot ng anak.

Alam naman ng kaniyang anak ang buong kwento tungkol sa mommy nito. Kahit bata palang ay madalas na niyang ikwento si Kiona sa anak. Pinapakita pa niya ang mga pictures nila noon.

"LET THE PARTY BEGIN!"

Biglang may lumabas na clowns kaya naman lahat ng bata ay tuwang tuwa. Lalo na si Zion na tumalon talon pa. Gustong gusto kasi nito ang mga clowns.

Nag uumpisa na ang party. Mga bata lang ang nag eenjoy kasama ang mga clowns at ang mga mommys naman ay natutuwa rin habang pinapanood ang kanilang mga anak.

Habang kasalukuyan ang party ay naisip niyang muli si Kiona.

"Love, 6 years old na ang baby natin. Do you think I am a great daddy to him?" Mahina niyang tanong sa hangin na para bang kausap lang niya si Kiona.

Paano niya matutupad ang hiling ng anak na magkaroon ng mommy kung hindi pa siya handa sa paghahanap ng asawa o mas mabuting ayaw na niyang magyari ito.

Dahil hawak parin ni Kiona ang buong puso at isip niya.










-THE END-

Continue Reading

You'll Also Like

432K 16.1K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
61.6K 1K 19
Apo sa isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas, mabuting anak at may pangarap sa buhay, this is Natalia. Naiba ang kanyang buhay ng nakilala niya ang...
627K 6.8K 57
The title says it all! This story is not suitable for all ages. there are scenes or chapters that may contain words or actions na hindi dapat sa mg...
12.7K 566 36
Masaya na si Violet sa buhay niya kasama ang asawa na si Adrian. Wala na siyang mahihiling pa. Adrian was almost a perfect husband. May magandang tra...