all about chances

By niickblack

16.8K 1.5K 309

"Ilang chances pa ba ang kailangan mo para maramdaman kong tayo talaga ang para sa isa't isa?" - Eunice Book... More

Disclaimer
All About Chances | Part 1
Prologue
1. Is That Him?
2. The Picture
3. Seryoso Ba 'To?!
4. Cousin
5. Phone Number
6. Good Morning!
7. Are You Single?
8. You Missed Out Someone
9. With A Stranger
11. Clarification
12. Sermon
13. Escape from Sadness
14. Harry
15. Text Message
16. Tuliro
17. Lagnat
18. Tayo na? Agad?
19. Daddy?
20. Dikitan Challenge
21. Secret Relationship
22. A Simple Date
23. You Are Not Allowed
24. Nanglalamig
25. Waiting
26. This Is Too Sudden
27. I'll Give You Something
28. Let Me Think About It
29. Naamin Ko Na, Sa Wakas!
30. I Want To Kiss You
31. Finally Saw Their Intimacy
32. What?!
33. I Just Can't Control Myself
34. Sorry From Cessa
35. Explain Yourself
36. 5 Year Gap
37. My Head Gets So Confused
38. Balang Araw
39. Amanda?
40. Let's End This
41. About Him
42. Do You Still Love Him?
43. Heart or Mind?
44. Cry Into His Chest
45. Sacrificing My Happiness
46. Unregistered Number
47. Apology Letter
48. Sketch
49. Ex-Boyfriend
50. Start Over Again | End of Book 1
Nick's Note
Book 2 | All About Chances

10. I Found You Again

241 34 14
By niickblack

Chapter 10: I found You Again

Eunice

"Let me see your phone," mahinahon ngunit may diin kong utos kay Alfie. Sinusubukan kong maging mahinahon kahit nabubuhay na ang galit sa loob-loob ko. Pero 'yong kaba ko, tumotodo.

Kita sa mukha niya ang takot at pagsisisi habang itanatago sa likuran niya 'yong phone niya. Nang lumipas ang ilang segundo, nagulantang kami ni Lenard nang magsimula itong tumakbo palayo sa amin, walang pagdadalawang-isip siyang hinabol ni Lenard kaya nakihabol na rin ako. As long as the video has not been deleted, nasa kapahamakan pa rin ang sarili ko. Puwede niya iyon ikalat sa publiko. Ang tang*-tang* ko, nagtiwala agad ako sa lalaking iyon.

Nauunang humahabol si Lenard kaysa sa akin kay Alfie. Marami na kaming nababanggang mga tao ngunit hindi na namin ito binibigyang pansin pa dahil ang mahalaga kasi ngayon ay ang mahabol namin iyong Hayop na iyon. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring hindi maganda sa akin dahil sa video. Masisira ang buong pagkababae ko. Bakit hindi manlang niya inisip bago gawin iyon? Wala ba siyang respeto sa isang babae? Wala manlang konsensiya?

Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong nahabol ni Lenard si Alfie. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Lenard sa kaniyang kamao sa mukha nito. Napahiga si Alfie sa semento dahil sa lakas na puwersa ng suntok. Nasa medyo tagong lugar kaming nakarating kaya maunti lang ang taong nakakasaksi sa mga nangyayari.

Hinawakan ni Lenard ang kuwelyo ni Alfie. "Give me your phone!" inis na utos nito. Hindi iyon sinunod ni Alfie dahil iniinda nito ang sakit ng suntok ni Lenard. Wala akong magawa kun'di panoorin sila. Ibang-iba si Lenard, compared sa mga nakasanayan ko tuwing maiikling araw na nakasama ko siya, puno siya ng galit at sobrang nakakatakot talaga ang awra niya.

Gaya ng sabi kong hindi sinunod ni Alfie ang utos ni Lenard kaya ang sunod na nangyari, si Lenard na lang ang kusang humablot ng phone sa bulsa nito. Binuksan niya iyon pero nakita niyang may lockscreen ito. Instead to delete the video, he smashed it to the floor and cracking it like a cockroah. "Tol, ipirmi ang magiging manyakis, ha? Kung ayaw mong basagin ko ulit iyan phone mo at iyang mukha mo!"

Tumingin sa akin si Lenard, hawak pa rin niya sa kuwelyo si Alfie para hindi ulit ito makatakas. "Say sorry to her," utos ulit ni Lenard kay Alfie.

"S-sorry."

"Sabi ko kanina, mukha kang mabait. 'Yong pala, may itinatago kang kahayupan sa katawan. Grabe. Pasalamat ka, mabait ako. Kung hindi, hindi ako mag-aatubiling i-report ka sa mga pulis. Napakamanyak mo! Huwag na huwag mo na itong uuliting sa kahit kaninong babae," galit kong pagkakasabi. Nangangati ang mga palad ko para sampalin siya pero ayaw ko gawin 'yon. Tumango ito bilang tugon.

"Sorry ulit."

Pagkatapos, niluwagan na ni Lenard ang pagkakahawak niya rito, senyales na puwede na siyang umalis. "Alis na!" utos nito. "At itigil ang pagiging mangyakis!" habol na sigaw pa ni Lenard habang tumatakbo na paalis si Alfie.

Nagtama ang paningin namin ni Lenard. Nanghina ako bigla at hindi napigilan ang sarili para lumuha. "Thank you," sabi ko rito. "I just can't really imagine what will happen next if you haven't come back. Baka kung ano pang gawin sa akin ng gag* na iyon!" Napa-facepalm na lamang ako dahil sa inis.

"Tapos na. Don't cry." Lumapit siya sa akin and wiped the tears falling down at my cheeks.

-

4 PM na. Kasalukuyan na kaming naglalakad ngayon pauwi ni Lenard. Naglakad na lang ulit kami para mabigyan pa namin ng oras ang isa't isa para mag-usap. Meron pa rin kasi akong kaunting trauma sa nangyari pero tinutulungan naman ako ni Lenard para mawala rin iyon agad.

"Bakit ka nga pala, hindi umuwi kanina?" tanong ko.

"Wala lang. Wala kasi akong tiwala kay Alfie kaya naisipan kong sundan kayo. Mukha pa lang niya, mukha nang gag*."

"Ahh. Salamat talaga," sabi ko. "Alam mo, sa halos tatlo taon kong naghahanap ng lalaki, marami na akong mga nakilala at lahat sila, matitino at may mga respeto. Kaya hindi ko inaakala na mamanyakin ako ng Hayop na iyon kanina. First time lang 'to. Ang inosente at ang amo ng mukha niya pero may kahayupan pala sa katawan. Mabilis kasi akong magtiwala. Alam mo na, ganoon kasi akong klaseng tao kaya hindi ko rin masisisi ang saliri ko."

"Bakit ba kasi naghahanap ka pa ng mga lalaki? 'Di ba, it's better to wait until you finally met the right one? Kaysa, mapahamak ka kakahanap sa kaniya?"

I barely smiled. "Ganito kasi iyan, I believe kasi na I should be the one to find who's destined to me. From 21 of my existence, pagod na akong maghintay nang maghintay ng lalaki para sa akin. Matagal ko nang gustong maranasan ang magmahal or should I say, magka-boyfriend. 'Yon lang naman ang gusto ko, eh. Actually, hindi ko nga alam kung paano kiligin sa mga lalaki. Except sa mga love story movies na napapanood ko, of course. Saka, sa iyo ba talaga nangggaling iyong line na it's better to wait than blahblahblah? Eh, as far as I know, same lang tayo ng ginagawa."

Napakamot siya ng sintindo niya. "Sabagay . . . Oo nga, 'no?" Napangiwi siya. "Pero wala ba manlang nagtangkang mangligaw sa iyo kaya desperada kang magka-boyfriend agad?" curious nitong sa akin.

"Meron naman. Do you want to know how many they are?"

"Ilan?"

"They were 25, actually. Kaya huwag kang maniwala kanina na sa sinabi ko na si Alfie lang 'yong unang taong kumuha ng phone number ko. Niloloko lang kita. At hindi lang din ikaw 'yong pinakauna. But take note, lahat ng nangligaw sa akin ay basted. Hindi nila ma-reach 'yong sign or standard na hinahanap ko if they really the right one whose meant for me. May nakikilala rin ako through dating apps. May nirereto rin mga kaibigan ko sa akin kaso wala talaga sa kanila ang tipo ko."

"25?! Meron naman pala, eh." Hindi makapaniwala nitong tanong. "Wala ka manlang nakatuluyan doon? Bakit?"

"Kasasabi ko nga lang, 'di ba? Wala. Sinubukan ko naman silang i-date lahat kaso hindi ko sila magawang magustuhan, eh. Kahit anong pilit ko. Wala akong makapa. Wala talaga akong maramdaman para sa kanila kahit okay naman sila halos pero parang may hinahanap pa akong iba, eh."

"Ano bang sign 'yong hinahanap mo?"

"Sunod-sunod mga tanong mo, ah? Bakit ka ba curious sa akin? Nanood ka ba talaga ng mga vlogs ko? Nag-upload na ako ng video para doon, ah."

"Hindi ko alam. Minsan lang naman kasi ako manood sa iyo kasi palagi akong busy."

"Okay lang," sambit ko. "Ganito kasi 'yong sign na hinahanap ko sa isang tao. Pero uunahan muna kita, hindi talaga ako naniniwala sa mga sign na iyan pero dito lang sa kaisa-isang sign na 'to, ang pinaniniwalaan ko kasi ako mismo ang gumawa nito noon, eh. Gusto ko, sa una naming pagkikita, alam ko na agad sa sarili ko na siya talaga ang hinahanap ko. Paano? Kapag nahulog na agad 'yong damdamin ko sa kaniya. That's so simple, right? Naniniwala kasi ako sa love at first sight. But from that 25 guys I met, wala. Hindi pa counted diyan 'yong mga nilandi ko noon," nakasimangot kong sabi. "Do you still have a follow-up question? Don't worry, I'll still answer it for you. Kung wala na, sana may nalaman kang bago tungkol sa akin kahit papaano."

"Ang dali lang pala ng sign mo." Bahagya itong tumawa. Pinili ko na lang manahimik kasi 'yong sign na tinutukoy ko ay siya pa lang ang nakakaabot. "Wala ka bang gustong malaman sa akin?" tanong niya.

"Of course, meron. I heard na same content lang daw 'yong mayroon sa mga videos natin. Naghahanap ka rin pala ng pag-ibig? At bakit ka nga ba naghahabap ng lovelife?"

"Yep. Nakanood ka na ba sa mga video ko kahit isang beses?"

"Hindi pa, eh. Sorry. Hindi talaga kita kilala. Lately lang."

"I see . . . " tugon nito. "Hindi talaga ako naghahanap ng mga babae. Hindi ako katulad mo. Meron kasi akong specific na taong pinatatamaan o pinaparinggan mula sa mga videos ko . . . Ikuwento ko muna sa 'yo 'yong pinakauna. Bata pa lang ako, nahulog na agad ako sa isang tao kaso no'ng tumanda ako, hindi ko na siya nakikita kaya naghanap na lang ako ng ibang babae. Kaso 'yong nahanap ko, hindi pala para sa akin. Nagkahiwalay din kami agad. Bumalik ulit ako sa babaeng nagustuhan ko noong bata ako, bumalik rin 'yong feelings ko para sa kaniya, palagi siyang nasa isip ko kahit hindi ko alam kung nasaan na siya. Sinubukan kong pumasok sa Youtube para mag-video lang ng kung anu-anong mga bagay na gusto kong gawin. Mga kalokohan lang. Hindi ko planadong gawin 'yong mga ginagawa ko na ngayon. But eventually, I finally found her and unexpectedly, sa iisang platform pa. Mabuti't namukhaan ko rin siya agad, since bata pa lang no'ng huli ko siyang nakita. Medyo matagal na rin pala siya nag-ba-vlog at sobrang hindi ko rin inakala 'yong laman ng mga content ng mga videos niya. Nga pala, isang buwan pa lang ako sa Youtube no'ng makumpirma kong siya nga 'yong taong hinahanap ko. Nahihiya kasi akong i-approach siya kaya ang ginawa ko, gumawa rin ako ng mga videos na may kinalaman din sa mga videos niya. Kahit papano, pumatok siya sa mga tao. At inakala yata nila na naghahanap din ako ng lovelife kahit ang totoo, nahanap ko na talaga. Sadiyang nagpaparinig lang ako at umaasang mapansin ako ng taong ito. I really missed her kahit hindi niya ako kilala. Actually, ibang-iba na 'yong hitsura niya ngayon. Mas lalo na siyang gumanda." Nakikitaan ko siya sa mukha niya ng kakaibang kulay habang nagsasalita. Tila, halatang hulog na hulog siya sa taong tinutukoy niya.

"Medyo naguguluhan ako," sambit ko. "May nagustuhan ka no'ng bata ka pero hindi ka kilala? Kawawa ka naman, kung ganoon."

"Oo."

"Nays. Paano mo siya nagustuhan no'n?"

"Hindi ko nga rin alam, eh. Basta, kapag nakikita ko siya noon, there's a something strange I felt inside of my chest. Napapasaya niya ako kahit hindi niya alam. Akala ko, puppy love lang iyon kasi bata pa lanag ako pero hanggang ngayon, hindi pa rin maalis-alis 'yong affection ko sa kaniya. Mas lalo akong nahuhulog no'ng nakita ko siya ulit ngayon."

Hindi na ako umimik pa at unti-unting bumababa ang ngiti sa akin labi. Napahawak ako sa aking dibdib nang makaramdam ako ng kaunting kirot dito. Sino kaya 'yong tinutukoy ni Lenard sa mga sinasabi niya?

"May sasabihin nga pala ako sa iyo." Tumigil ito sa paglalakad niya kaya tumigil din ako. A soft but audible why escaped from my lips. "Itigil na natin ang paghahanap sa tamang tao na para sa atin. Hindi na ako mahihiyang sabihin ito sa iyo ngayon na . . . "

"Ha? Alin?"

"Kasi nandito na ako para sa 'yo at nand'yan ka na para sa akin. Huwag na natin pahirapan pa ang mga sarili natin. You found me and I finally found you again, we meant for each other. That's a destiny dictated for the both of us. Masaya akong nakakasama na kita ngayon. Hindi na ako hanggang tingin na lang sa malayo katulad noon."

Napaawang ako ng bibig. Hindi magawang tanggapin ng isipin kong ipasok iyong mga sinabi niya sa akin.

Kinikilig ako sa sinabi niya.

-------

Continue Reading

You'll Also Like

56.6K 3K 28
Highest rank # 1 in HORROR STORIES Pitong magkakaibigan, magkakasama na nag bakasyon, masaya ang naging paglalakbay nila, sa bandang huli kaya ano a...
1.2K 121 43
an epistolary ; dulce & jake
6.3K 825 104
[Epistolary] Vincent is a well known cheater while Frankie is a low-key cheater. In short they're both a cheater. And what happens if a cheater meets...
28.3K 2.3K 59
"Aayusin ko muna ang sandata ko. Aayusin ko muna ang ngiti mo dahil 'yon ang magiging sandata ko sa laban ko." - Landon Date Started: April 14, 2020 ...