Begin Again

By marshmallow__

10.7K 283 23

My Version of an Ashmatt Love Story More

The note
Those eyes
My stalker side
The Search
Not this time
Moving On and Searching
One step closer
I'll Be Waiting
WednesDate
Friendship Matters
Coincidence Or Fate
Missing You
Moments

Gettin' to know each other (wednesdate part2)

812 29 1
By marshmallow__


Sarah's Pov

Hindi agad ako nakasagot nang magpakilala sa akin si Matteo.

"Sarah, right?" Dagdag nya sabay abot ng kamay nya

Ngumiti lang ako at nakipagkamay sa kanya.

"Pwede bang umupo Sarah?" Tanong nya

"Sure. Upo ka. Pasensya ka na ha matagal kasi akong natapos sa work." sabi ko

"Ok lang. Thank you nga pala ha at pumayag kang makipagmeet sa akin ngayon".

Ulit, ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.

"Kumain ka na ba? Umorder na pala ako para sayo. Baka kasi nagugutom kana." Sabi nya

"Ok lang, hindi pa na man ako gutom. Coffee na lang muna siguro".  Sabi Ko nang biglang damating ang waiter, yung inuutusan nyang magbigay ng notes. Inilagay nya sa mesa ang mga orders saka nag salita.

"Buti na lang at nagkakilala na kayo ma'am. Ilang araw ka na pong inaabangan nitong si sir dito,di na kasi kayo bumalik. Buti na lang hindi sumuko." Sabay tapik nito sa balikat ni Matteo

Nakita kong nabigla si Matteo sa sinabi ng waiter kaya't pinandilalatan nya ito ng mata. Pero nagsalita pa rin ulit si Waiter.

"Huwag kayong mag-alala ma'am mabait 'to, saka gwapo pa." Dagdag nito

Nakita kong pulang pula si Matteo sa sinabi ng waiter kaya't pinaalis na nya ito.

"Ang daldal mo naman, alis ka na nga" sabay tulak nya dito na tinawanan lang sya

"Pasensya ka na Sarah ha. Huwag kang makinig dun" sabi nito na pulang-pula pa rin

"Ok lang. Kaibigan mo talaga yun" tanong ko

"Ahmm..dito lang kami nagkakilala, naging kaibigan ko na rin."

"Dahil sa notes?" Tanong ko

Ngumiti sya sabay tango lang ang sagot sa akin.

Ilang minuto din ang nakalipas ay walang nagsasalita sa aming dalawa. Parang nakikiramdaman lang kaming dalawa sa isa't-isa.

Awkward... isip Ko

Nang bigla syang magsalita.

"Sarah , komportable ka ba dito? Gusto mo lipat tayong ibang Cafe?" Tanong nito

"Huh? Ok lang. Nandito na rin lang tayo eh. Bakit po mukha ba akong di komportable?" Tanong ko

"Hindi naman. Naisip ko lang. Baka sa akin  ka lang talaga hindi komportable...hehe". Sabi nito

"Hindi naman sa ganun. Nahihiya lang siguro ako, hindi kasi ako sanay." Sabi ko naman

"Ahh..Sarah pwede bang magtanong?"

Tumango lang ako.

"Natakot ka ba notes ko kaya hindi ka na bumalik dito?" Tanong nito na ikinagulat ko

"Hindi. Actually, parang nakatulong pa nga yun sa akin ih.." sagot ko

"Talaga? In what way naman?."

"Ahmm..akin na lang muna yun ha. Medyo personal kasi." Sagot ko

"Sorry, I understand. Sarah, how about this, to break the ice between us, ikaw na lang ang magtanong. Ask me everything you want to know, about the notes, about me, maybe, ikaw ang bahala" sabi nya sabay ngiti na naman nito

Nakatingin lang ako sa kanya matapos nyang sabihin 'yun. Ilang minuto din akong walang sinabi. Nag-iisip kung ano ang itatanong.

"Ok, wag na lang." Sabi nito na parang may halong lungkot

Napangiti lang ako sa pagkasabi nyang yun saka nagsalita.

"Ok, tell me everything. The notes, bakit mo naisipan bigyan ako nun?" Tanong ko na ikinabigla nya. Akala nya kasi wala akong itatanong

" I don't know. The first time I saw you kasi I thought you were crying. Napansin kita kasi ikaw lang mag-isa that time. Napansin ko kasi malungkot ka, so naisip ko bigyan ka ng chocolate cake along with the note. Kala ko kasi mapapasaya ka ng chocolate cake diba ,co'z I thought everybody loves chocolate pero hindi yata lahat."

"Bakit ka hindi nagpakilala?" Tanong ko

"I was with my friends then, tapos parang may pinagdadaanan ka. Tapos dumating pa si Shin." Sabi nya

Tumango lang ako.

"Buti pa huwag na nating pag-usapan yan. Ang importante magkakilala na tayo diba?!"  Sabi ko na medyo iniba ko ang mood para kahit konti mawala anG awkwardness sa aming dalawa

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano, pero halos tungkol sa kanya ang pinag-uusapan namin, tanong kasi ako ng tanong.

Galing pala sya sa magandang pamilya at napansin ko sa mga kwento nya ay close sila. Sa kwentuhan naming yun, narealized kong isang positive na tao si Matteo.

"Kaw naman mag-kwento. Nasabi ko na ata lahat about me eh". Sabi nya

"Ano gusto mong malaman?" Tanong ko

"Okay, start with the basic. Work, family, i dont know, kaw ang bahala" sabi nito

Kinwento ko sa kanya ang tungkol sa trabaho ko, pamilya, at si Shin. Nang biglang magtanong sya ng isang bagay na hindi ko inaasahan.

"Sarah? Is it because of a guy?"

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko

"Yung reason kung bakit ka umiiyak dito for a long time. Naka move on ka na ba?" Explain nya

"Ummm...Matteo sorry ha, hindi ako komportableng pag-usapan yan lalo sa ibang tao." Sabi ko

Nakita kong nabigla si Matteo sa isinagot ko.

"Im sorry sarah. I didnt mean to intrude. Im really sorry..really really sorry." Paulit ulit siyang humingi ng paumanhin sa akin na parang akala mo ang laking nagawa nyang kasalanan.

"Huwag mo sanang isipin na nanghihimasok ako sayo. Baka kasi ayaw mo na makipagkaibigan sa akin ih." Dagdag nya

"It's okay, hindi lang talaga ako komportable." Sabi ko

"Dont worry, I'll do everything until you'll feel comfortable with me. I' m a good person naman eh". Sabi nya sabay ngiti nitong napakalaki

Hanggang alas-otso ng gabi ay panay pa rin ang kwento ni Matteo. Nararamdaman ko talagang pinipilit nyang maging komportable ako, infairness panay ang tawa ko sa mga jokes nya, hindi dahil sa nakakatawa ito, kundi ay dahil ang ko-corny.

8:45, nagpaalam na ako kay Matteo.

"Ummm...Matteo uwi na siguro ako, magda-drive pa kasi ako." Sabi ko

"Talaga? Pwede ba kitang ihatid? Tsaka Matt na lang itawag mo sakin. Masyadong formal ang Matteo ih."

" Haha.. Ok sige Matt. Pero okay lang may kotse naman ako ih, tsaka may kotse ka rin di ba? " tanong ko

"Oo nga pala. Pero pwede ba tayong magkita ulit?" Nahihiyang sabi nito

Ngumiti lang ako sabay tango sa kanya.

"Ahmm Sarah, ahmm can I get your number?" Nauutal nyang sabi

Ibinigay ko ang number ko sa kanya saka inihatid nya ako palabas ng Cafe.

"Bye Matt" Paalam ko ng makapasok na ako ng kotse

"I'll see you tomorrow!" Sabi nya na ikinabigla ko

"Tomorrow?" Tanong ko

"Yep!" Sabay sara nya ng pinto ng sasakyan ko at ningitian ako ng napakalaki

Pag-uwi ko ng bahay ay naabutan ko si Shin na naka pajamas at hinihintay ako.

"Wow! Ang sarap ng ngiti natin ah. Anyare?" usisa nito

"Bakit ka naka pajamas?" Hindi ko pinansin ang tanong nya sa akin

"Bakit bah! Dito ako matutulog. Nagpaalam na ako kina tita". paliwanag nya

"Ahh..ok goodnight Shin!" Dumiretso na ako sa taas at iniwan siya sa sala matapos batiin sila mommy at daddy na nanonod ng tv

"Anak kumain ka muna!" Habol na sabi ni mommy

"Tapos na po my!"

"Sis! Ano ba kwento ka na please!" Sabi nya habang hinahabol ako


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Happy 2015 !!!

Continue Reading

You'll Also Like

82.4K 2.2K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
289K 432 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
368K 551 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
30.4K 457 89
Sabina Maliari is a woman with an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smar...