Carousel

By silentemo0190

219K 9.6K 4.3K

"Halika't gawin nating tama ang mundo kahit pa maraming tutol dito" Basahin nyo muna ito sa Realismo, bago di... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chpater 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Final Chapter

Chapter 54

3.7K 169 34
By silentemo0190

Jema's

Ilang segundo pa ang lumipas nakatingin lang kami sa isa't isa

Nagulat nalang ako nang abutin ng palad nito ang pisngi ko

Lumuluha na pala ako ng hindi ko namamalayan

Puno ng pag-aalala ang mga mata nitong nakatitig sakin

"Bakit ka umiiyak?" Malambing na tanong nito

Umiling ako at hinawakan ang mga kamay nitong nasa pisngi ko

"Masaya lang akong nakita kitang muli, hindi lang ako makapaniwalang nasa harapan na kita" ngumiti ito

"Masaya din akong makita ka, kamusta? Yong kambal? Si sir Gio? Kamusta kayo?"

Hindi ako makasagot sa tanong nya, alam nya kami parin ni Gio

I mean alam nya naging kami talaga ni Gio

Oo nagsama kami sa iisang bubong para sa mga bata

Pero hindi talaga kami, pinilit nya ako pero sinabi ko pag-iisipan ko

Hindi ko kayang ibigay ang sarili ko dito at tanging ang mga bata lang ang dahilan kung bakit kami nasa puder nya

Niligawan nya ko ulit pero hanggang makatakas kami sakanya ng mga bata hindi naging kami

At mukhang hindi yon alam ng babaeng ito

Siguro wala syang balita samin kasi nakablock nga pala sya sa fb ko

"Ok lang sila Jasper, grade 2 nadin sila at laging ka nilang hinahanap. Sobrang namimiss kana nila" sagot ko

"Namimiss ko na rin sila" ako ba hindi mo namiss?

Sabagay meron kana palang iba paano mo ako maaalala diba?

Tinuyo nito ang mga luha ko bago pakawalan ang pisngi ko

"Kung papayag si sir Gio, gusto ko sana makita yong mga bata. Di naman siguro kayo lumipat no? Sana madalaw ko sila, kung ok lang sana"

"Ano kasi Deans, hindi na kami dun nakatira......."

"Lumipat na kayo? Saan?" Putol agad nito sakin

Magsasalita na sana ako kaya lang may biglang tumawag dito mula sa likuran nya

"Babe" lumingon si Deanna kay Carly

"Let's go, magpakita lang muna tayo dun para maka-uwi narin tayo agad" matabang nitong saad

"Wait lang babe" saad ni Deanna at bumaling ito sakin

"Jessica, una na ako? Sana madalaw ko yong mga bata, sige ah? See you around!" Ngumiti ito ng tipid sakin

Agad nyang kinuha ang palad ni Carly pag-lapit nito sakanya

Bigla atang sumikip ang dibdib ko parang may gusto ulit kumawala sa mga mata ko

Kakatuyo lang ni Deanna ng luha ko pero heto basa na naman ang pisngi ko

Dapat ako yon, dapat ako yong kasama nito ngayon

Pero hindi kasi ang tanga ko, kasi pinakawalan ko yong kaisa isang taong nagmahal sakin ng totoo

Yong taong nagparamdam sakin kung paano respetuhin at pahalagahan ang sarili ko

Ang sakit lang na nakikita ko na sya ngayon masaya kasama ng iba

Napatingin ako kay Jasmine habang inaabot nito sakin ang panyo nito

"Iiyak mo lang yan, gagaan din yan kung ano man iyang nararamdaman mo ngayon"

Agad kong kinuha ang panyo nito at tinakip sa mukha ko

"Ramdam kita" naramdaman ko narin ang paghagod nito sa likuran ko

"Alam ko yong pakiramdam na marami kang what if's, yong pang-hihinayang. Pero wala ka ng magawa kasi nakapag-desisyon kana na akala mo yon yong tama. Tapos masakit lang kung kelan mo narealized na sya parin pala, pero huli na....."

"....kasi masaya na sya, at hindi na ikaw yong dahilan"

Napahagulgol nalang ako sa sinabi nito

Masakit! Masakit yong katotohanang tama sya, masaya na si Deanna

Masaya na ito sa iba

Masaya na ito sa piling ng taong talaga naman nababagay sakanya

Kung may magagawa lang ako para ibalik ang nakaraan

Gagawin ko para hindi kami umabot sa ganito

Pero sana kung may pag-asa pa ilalaban ko sya

Kahit mali pa! Kahit makasakit pa ako ng iba

Makuha at maibalik ko lang ito sakin

---

Deanna's

Tahimik lang akong naka-upo sa round table habang nakikipag-chikahan si Carly sa mga kabatch nito nung college sa tabi ko

Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Jessica sa five star na hotel nato

Ano kayang ginagawa nya dito? Napansin ko rin na parang pang-house keeping yong pants nito

Nakafitted shirt naman sya sa top, nagtatrabaho kaya sya dito?

Pero bakit? Hindi na nito kailangan magtrabaho sa laki ng kinikita ni sir Gio

Saka nakatapos na kaya sya? Malamang kung nagtatrabaho nga sya dito

Hindi lang ALS ang tinapos nito pati tesda

Napangiti ako sa isiping tinupad ni Jessica yong pangarap ko para sakanya

Tinupad nya yong kaisa isang hiling kong makatapos ito ng pag-aaral

Kahit sa ALS at tesda pa yan sobramg proud ako sakanya

Kasi nagkapag-bagong buhay talaga ito kahit hindi na ako ang kasama

Bigla napalitan ng paet ang pagkakangiti ko

Baka inincourage din ito ni sir Gio na tapusin ang pag-aaral nya

Malamang si sir Gio gumastos dun kasi medyo magustos din ang tesda

May project din kasing binabayaran dun bukod pa sa tuition mo depende sa course at buwan mong pag-aaral ito

"Babe" tawag sakin ni Carly kaya napalingon ako dito

"Ayos ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo?" Sabay ayos ng kwelyo ng long sleeve polo ko

"Ayos lang ako, wag mo akong intindihin. Sige lang kausapin mo lang yong mga kabatchmate mo" ngitian ko ito

"Sure ka ah?" Tila hindi naniniwalang tanong nito

Tumango lang ako dito tapos tumayo sya at pinagpagan ang red dress nitong fitted sa katawan nya

Ang sexy talaga ng girlfriend ko pero mas sexy parin si Jessica

Oh Shiit! Mali erase erase

"Wait lang babe, Cr lang kami ah? Dyan ka lang" paalam nito

Medjo nakaka-ilang din yong kasosyalan ng party na to

Reception pala ng kasal

Kabatch ni Carly yong babaeng kinasal at nakapag-asawa ng mayaman kaya sa five star hotel pa talaga ang reception

Ito rin pala yong sinasabi ni Gabo na-eextrahan nya hahaha ang liit talaga ng mundo

Akalain mo diba? Tapos nakita ko pa si Jessica dito

Sobrang curious na talaga ako sa mga nangyayari sakanya

Ang daming tanong na gusto kong malaman

Pero hindi ko alam kung paano?

Napatingin ako sa phone ni Carly naiwan pala nya to

Hinawakan ko ito at nagdadalawang isip kong bubuksan ko ito

Pagswipe ko deretso agad ako sa fb nya at sinearch ang name ni Jessica

Mukhang dito nga sya nagtatrabaho dahil may mga tag pictures sya dito na naka-uniform pa sya

Hinanap ko yong mga pictures nila ni sir Gio pero yong kambal lang ang nakita ko

Napangiti ako nung makita ko ang graduation pic nito sa tesda at ALS

Sana nandito ako, sana kasama ako sa mga achievements nito sa buhay

Napahinga ako ng malalim at pinapatuloy ang pag-stalk sa fb nito

Wala na akong nakitang latest picture nila ni sir Gio

Meron dito 6 months ago pa at kasama nila ang kambal sa mall

Napakunot ang noo ko, hindi na ba sila?

Ano kayang nangyari?

Lalo lang akong naguguluhan ngayon at lalo lang nadagdagan ang mga tanong ko

Pero teka bakit ko nga ba ginugulo ang isip ko sa mga bagay na wala na akong kinalaman?

Umayos ka nga Deanna!

May girlfriend kana!

Magfucos ka sa kasalukayan at kalimutan mo na ang nakaraan

Fuck!!!

Continue Reading

You'll Also Like

177 1 18
ahmmm hai po sa inyo ito po iyong first story ko dito...sana po kahit hindi to maganda ay may magbabasa parin nito.. THANK YOU PO And sorry po sa mga...
65.6K 1.1K 53
kakaibang Gawong Story to promise !!!
318K 9.1K 132
"A FAMILY STICKS TOGETHER, STAYS TOGETHER" "BUILD A HAPPY AND SOLID FAMILY!"
119K 4.3K 29
Kaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim
Wattpad App - Unlock exclusive features