Chapter 16

3.4K 149 34
                                    

Jema's

Tinakip ko ang mga palad ko sa bibig ko pag-pasok ko sa isang mamahaling restaurant

Tila isa akong princesa na naglalakad sa pulang telang nakalatag sa gitna ng kainan na ito

Bagay naman sa aking kasuotan na parang pang-princesa rin

Naka-yellow gown ako na lagpas tuhod lang

Mabagal ako nag-lalakad patungo sa aking prince charming este princess charming pala hahaha

Nag-hihintay lang sya sa dulo ng restaurant na nakangiti

Ang simple lang ng suot nya pero kitang kita parin ang kagandahan nya

Naka plain white long-sleeve polo lang ito na naka-tack in sa black maong pants nito

Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko habang papalapit na ako sakanya

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko

Lahat ng pina-pangarap at napapa-naginipan ko

Tila nang-yayari na ngayon

Yong pakiramdam na para ba akong tunay na princesa

Hindi nga lang lalaki ang princepe kundi babae

Pero yong pakiramdam na naranasan ko na ngayon ang isa mga pangarap ko na maging princesa mula pa nung pagkabata ko nangyayari na ngayon

Hindi ko namalayan na umaagos na pala ang luha ko sa pisngi ko

Hindi dahil nasasaktan ako kundi sobrang saya ko lang ngayon

Agad pinunasan ni Bea ang magkabilang pisngi ko upang pawiin ang luha ko

Inabot nya sakin ang isang Bouquet of sunflowers

Naiyak na naman ako, ngayon lang ako nakatanggap ng ganto kagandang mga bulaklak

Niyakap ko iyon at walang sawang inamoy iyon hahaha

"Masaya ka ba?" Tumango ako at niyakap sya

"Thank you, sobrang akong nasupresa kahit na alam ko na panandalian lang ito" hiniwalay nya ko sa pagkakayakap namin

"Sino naman nag-sabi sayo na panandalian lang ito?" Kumunot ang noo ko

Alam ko naman na hindi sya magtatagal sakin at ibabalik din nya ko sa putik na kinakasadlakan ko oras na magsawa na sya sakin

"Jema, hindi ko gagawin ang lahat ng ito kung hindi ako seryoso sayo" napa-atras ako sa sinabi nya

"Handa na ako sumugal, basta samahan mo lang akong lumaban"

"Pero Bea" lumapit syang muli sakin

"Hindi ko alam paanong nang-yari Jema, pero nung nalaman kong may babaeng handa mag-mahal sayo ng totoo kahit ganyan ka" aray naman ah? Parang alam ko naman ibig nyang ipahiwatig

Pero ngumisi lang itong gagang kaharap ko

"Na-treatened talaga ako, hindi na ko pinatulog ng pag-iisip na baka mag-bago isip mo at iwan ako at sumama ka sakanya dahil gustong gusto sya ng pamilya mo"

"Alam ko para sayo trabaho lang to, binabayaran kita para sa needs ko, akala ko ganun din ako eh, pero iba na tong nararamdaman ko Jema" hinawakan nya ang kaliwang dibdib nito

"Hindi ko na ata kayang mawala ka sa sistema ko nababaliw na ako" napangiti sya

"Pero Bea, may mga anak na ako. Hindi ako deserving sayo, alam ko naman na hindi ako matatanggap ng pamilya mo dahil ganto ako! Lalo pa't may mga anak ako" nag-aalang tanong ko sakanya

"Wala na akong paki-alam sa sasabihin nila, please bigyan mo ko ng chance? Please bigyan natin to ng chance?" Sakop na nya ngayon ang mag-kabilang pisngi ko

"May magagawa pa ba ako? Ikaw nag-papakain samin" ngumuso sya

"Ah ganun?" Natawa ako at pinisil ang magkabilang pisngi nito

"Basta ikaw na bahala sakin ah? Lalo na sa pamilya ko" tumango sya

"Gagawin ko lahat promise para sayo, alam ko hindi mo pa ako gusto o mahal pero gagawa ako ng paraan para magustuhan mo lang at mahalin" nginitian ko nalang sya

Napapikit nalang ako nang dumampi ang labi nya sa labi ko

"I love you, Jema" tumango nalang ako at niyakap sya

---

Deanna's

"Happy Valentines self" mapait akong ngumiti

"Masaya ka ba ngayon Jema?" Tanong ko sa sarili ko habang nakikipag-titigan sa beer na hawak ko

"Siguro naman masaya ka ngayon, siguro nasa mamahalin kang restaurant. Tapos walang tao kundi kayo lang ng mayaman mong syota"

Napangisi ako at tinungga ang bote ng beer, inubos ko iyon at walang tinira ni isang patak

"Mala-princesa ka siguro ngayon no? Sobrang ganda mo siguro sa gown na suot mo o dress"

Natawa ako ng malakas buti nalang tulog na sila mama

Kaya nakaka-pagsenti ako dito sa likod bahay namin

Dinadam-dam ang malamig na hangin sa buong katawan ko

"Sobrang lamig ng hangin" tinaas ko pa ang mga kamay ko

"Tulad kung gaano kalamig ang pakikitungo at pag-tingin mo sakin" natawa na naman ako

Lasing na ba ako? Natatawa ako na wala naman nakakatawa

Yumuko ako, pumipikit pikit na din ang mga mata ko

Lasing na nga siguro ako, bukod sa nahihilo na ako

Tila gusto ko narin tumawag ng uwak ang sama ng tyan ko parang hinahalukay

Tumayo ako at medyo gumwewang at dun na ako inabutan ng pag-tawag ng uwak

Arrrrrggggggg ang sakit sa lalamunan at ang pakla ng lasa ng sarili kong suka

Ayoko ng uminom

Napa-upo ako sa damuhan habang hawak ang sikmura ko

Natatawa akong nahiga sa damuhan

Inaatok na ako

"Tulog na Deanna" bulong ko sa sarili ko

"Baka sakaling magising ka na sa katotohanang hinding hindi ka magugustuhan ni Jema" sigaw ko

"Kasi isang hamak na service crew lang ako? Dahil hindi ko kayang mabigay lahat ng panga-ngailangan ng mga anak mo?"

"Hindi pa ba sapat na mahal ko sila? Tulad ng pag-mamahal ko sayo?" Natawa na naman ako

"Sabagay, hindi ko nga naman kayo mapapa-kain ng pagmamahal ko lang"

Pinikit ko ang mga mata ko

"Siguro tama na to, ayoko na, magiging masaya nalang ako dahil magiging ayos na ang buhay nyo ng mga anak mo"

"Sure naman ako mamahalin ka nya pero sana wag nyang kalimutan mahalin din ang mga anak mo"

"Namimiss ko na sila"

"Yong pag-tawag nila sakin na tita, yong mga tawa nila at yong kakulitan nila hahaha lahat yon namimiss ko na"

Pero kailangan ko narin tanggapin na hindi talaga ako ang kailangan nyo

Kaya nag-papasalamat ako na kahit papano nakilala at napasaya ako ng mga anak mo

CarouselWhere stories live. Discover now