PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
The Handsome Flower
AiTenshi
March 2, 2020
Part 5
"Anak, ayos ka lang ba? Baka naman tumaba ka ng husto niyan, ang lakas mong kumain at halos ikaw ang umubos ng lahat. Dipres ka ba? Bakit napaka takaw mo yata?" tanong ni mama na may halong pag tataka noong makitang namumuwalan ako sa pag kain.
"Ma, diba ang pangalang Blas ay isang magiting na mandirigma noong panahon ng Renaissance? Na ang ibig sabihin ay kahit na ilang beses akong dapurakin pababa ay babangon at babangon ako?" ang tanong ko habang puno ang bibig.
"Eh siguro anak, ang pangalang Blas ay galing lang sa lolo mo. Hindi ko alam kung saan niya iyon nakuha. Siguro ay pangalan ito ng isang malakas na mandirigma sa paborito niyang komiks noong kabataan niya." sagot ni mama.
"Mainam naman kung gaano ma, kailangan kong kumain at mag palakas ng katawan dahil nahaharap ako sa isang madugong digmaan!" ang sagot ko sabay lagok ng isang basong batas ng kalabaw pati naka lagay sa bote ay ininom ko na rin, gulat na gulat si mama at napa nga nga nalang ito.
Agad akong tumayo at nag tungo sa likod bahay, inilabas ko ang mga lumang gym equipment ni papa sa bodega at nag simula akong mag exercise. Sit ups, buhat ng barbel, push up, takbo dito takbo doon. Kailangan kong mag palakas ng katawan upang muling makasabak sa laban doon sa campus. Nanood rin ako ng mga videos ng self defense at inaral itong mabuti. Buo sa aking loob na lumaban at huwag mag pasindak sa anumang pang aapi nila. Ang lahat ng nakakatanggap ng red card ay hindi tumatagal ng isang araw at lahat sila ay umaalis. "Pwes! Ibahin nila ako dahil hindi ako mag papatalo! Lalaban ako sa huling patak ng aking dugo at pawis!" ang sigaw ko sa aking sarili sabay sipa ng malakas gate ng campus dahilan para mapatingin sila. Hindi na rin ako nakasuot ng uniform dahil abala lang ito.
Walang guard sa tarangkahan kaya malayang nakakalabas ang mga estudyante. Pag pasok ko sa hallway ay nakatingin na sila sa akin at nag bubulungan. "Natagpuang duguan sina Mang Bill at Gerry noong isang gabi sa eskinita dahil sa kanya. Delikado pala ang isang iyan, kaya nga ang bitiw na ko sa pagiging participant dahil baka magaya ako sa kanila na naospital." ang wika ng isa.
Humarap ako sa kanila at tiningnan sila ng masama. "Isa pang bulungan ninyo babasagin ko ang bibig niyo." ang seryoso kong salita kaya natakot sila ay nag tatakbo palayo.
Ang lahat ng mga estudyante ay lumalayo kapag ako ay palapit na, ang iba ay natatakot, ang iba ay naka sunod sa akin hawak ang kanilang pang hampas pero kapag tinitingnan ko sila ng masama ay napapa atras sila lahat na parang mga asong bahag ang buntot.
Kahit sa classroom ay ganoon ang eksena, ang lahat ay ilag sa akin, kung minsan ay binato nila ako ng papel at sukal pero hindi ko sila pinapansin. Nakikinig pa rin ako sa guro dahil kailangan kong matuto at maimaintain ang aking grado para hindi mawala ang aking scholarship. Wala namang pinapanigan ang mga grupo dito, basta naka salalay pa rin sa husay ng estudyante ang kanilang pag pasa.
Habang nasa ganoong pakikinig ako ay napansin kong dumaan sa bintana ang F4 sa pangunguna ni Yuji, naka suot pa ito ng complete uniform na animo santong nag papakitang tao sa mga mag aaral. Pero ang totoo ay isa siyang halimaw na bumangon mula sa hukay.
Pumasok ang grupo nila sa isang susyal na coffee shop na pag aari ng campus.
Tahimik..
Nag taas ako ng kamay na ikinagulat ng lahat, pati guro ay nagulantang. "Yes Mr. Herera?" tanong nito.
Tumayo ako. "Kailangan kong mag banyo." ang wika ko sabay lakad sa pinto. Nakatingin pa rin sila sa akin kaya naman inambaan ko sila lahat na kanilang ikinagulat..
Ang totoo noon ay hindi naman talaga ako sa banyo pupunta dahil ang pakay ko ay mag tungo sa coffee shop kung saan pumasok ang grupo ng F4. Ito ang pag kakataon para ipakita sa mga gung gong na iyon na hindi ako takot sa kanila! Na hindi nila ako maaaring tapak tapakan dahil lalaban ako! "Mag kamatayan naaa!" ang sigaw ko sa aking sarili at malakas kong binuksan ang pinto dahilan para mapatingin sa akin ang lahat kabilang na ang F4 na naka upo sa gilid at nag tatawanan pa.
Nahinto sila sa pag uusap..
Lumapit ako sa kanilang grupo..
"Woah! Ano ang ginawa ng fighter of the year dito? Gusto mo ba ng kape? Para kabahan ka?" ang tanong ni Gavin, natatawa ito at walang bakas ng galit sa mukha.
Si Kiro naman ay walang paki alam, nag babasa lang ng libro at si Erjun ay nag bbrowse sa kanyang cellphone habang natawa ng tawa sa mga nakikita niya. "Tingnan mo pare, laki ng suso! Nakaka lunod." ang wika nito sabay pakita larawan sa kanyang cellphone.
Tumingin sa akin si Yuji at umirap ito. "Aba't buhay ka pa pala." ang wika niya sabay subo ng cake sa kanyang bibig.
"OO! Buhay ako at kahit ilang participants ang ipadala mo para itumba ako ay hindi ka mag tatagumpay! Huwag mo akong itulad sa mga biktima mo na umaalis at nag papa api ng walang kalaban laban. Ibahin mo ako dahil lalaban ako at hindi ako mag papatalo sa iyo!!" ang sagot ko.
"Aba't talaga bang kinakalaban mo ako? Hindi mo ba kilala kung sino ang binabangga mo? Gusto mo bang basagin ko na ngayon iyang mukha mo? Kahapon pa kating kati itong kamao ko sa iyo. Kung alam ko lang na susugod ka dito ngayon ay kahapon pa kita binaril ng shot gun noong makita kitang tumatakbo na parang isang basang daga na hinahabol ng mga pusa. Huwag mo akong subukan dahil lalo ka lang mahihirapan." ang wika niya habang dinidikit ang katawan at mukha sa aking harapan na parang nang hahamon ng away at isanasabing mas matangkad at mas matikas siya sa akin.
Pero hindi ako natinag at lalong hindi ako nag pasindak sa kanya. "Lahat ng klaseng hirap ay naranasan ko na kaya hindi mo na ako matatakot. Huwag mo rin ako pag babantaan dahil hangga't humihinga ako ay hindi mo ako maitutumba!" ang sagot ko sabay dukot ng itim na card sa aking bulsa at idinikit ito sa kanyang noo!
Nagulat siya at napaupo sa kanyang sila.
Nagulat rin ang kanyang mga kasamhan pero sa halip na magalit ay natawa ang mga ito pero ipinigil nila ang pag tawa upang damayan ang kanilang pinuno na napanganga nalang sa pag kagulat.
Agad niyang kinuha ang papel na nakadikit sa kanyang ulo. "Ano naman ito?" tanong niya na may halong pag tataka.
Hinablot ko sa kanyang kamay ang card at muling ipinakat sa kanyang noo! "Makinig ka sakin piggy 4, simula ngayon ay mag kakaaway na tayo! At isinusumpa ko na kahit kailan ay hindi mo ako maitutumba!" ang dagdag ko pa.
Kinuha ni Gavin ang card sa noo ni Yuji at tumawa ito. "Ginawa mo rin pala tong black card? Ang panget ng drawing, si Yuji ba ito na may sungay at buntot?!" tanong niya
Tawanan silang tatlo..
Kinuha ko ang card sa kanilang kamay. "Akin na iyan!" ang pag hablot ko dito at muling ipinakat sa noo ni Yuji na noon ay nakatulala at naka tingin sa akin. "Tandaan mo lahat ng sinabi ko sa iyo!" ang pag babanta ko pa sabay labas sa coffee shop naiwan silang pinag tatawanan ang kanilang leader.
"Tatlong beses na ipinakat sa noo ni Yuji pare!" ang pag tawa ni Gavin na aking narinig.
At iyon ang unang pag kakataon sa campus na mayroong isang ordinaryong mag aaral na humamon sa kapangyarihan ng F4. Noong araw din iyon ay itinala ang pangalan ni Blas Herera bilang mortal na kaaway ng pinaka tanyag na grupo sa Empire University.
KINABUKASAN..
Pag pasok ko sa campus ay wala pa ring pag babago, mas naging ilap na lalo ang mga mag aaral. Kahit si Jay na aking ipinag tanggol sa laban sa kamay ni Yuji ayaw na rin akong lapitan at kapansin pansin ang pag yuko kapag ako ang nakaka salubong. Hindi ko malaman sa kanya kung talaga bang umiiwas, nahihiya o natatakot na madamay siya sa aking magiging black list sa grupo ng F4.
"Jay, sandali!" ang pag tawag ko sa kanya pero bigla itong nag tatakbo palayo sa akin dahilan para ako ay malungkot.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay may narinig akong tawa sa aking likuran. Pag harap ko ay nakita ko si Yuji naka tayo suot ang kanyang branded at mamahaling damit na parang isang modelo. "Nakaka awa ka naman, yung taong pinag tanggol mo ay hindi ka na malapitan ngayon, ni hindi ka man lang dinadamayan. Ang mga ganyang tao ay hindi tunay na kaibigan." ang wika nito
Tumingin ako sa kanya. "Wala kang paki, bakit ba nandito ka? Bumalik kana doon sa hawla mo at baka isuklob ko pa sa iyo itong basurahan."
"Naparito ko para ibigay sa iyo ang good news at bad news."
"Ano nanaman iyan?" tanong ko.
"Ang good news ay tumagal ka ng isang linggong patakbo takbo, paiwas iwas at palukso lukso na parang isang tipaklong sa bukid sa mga participants ko na humahabol sa iyo. Ikaw palang ang kauna unahang mag aaral na naka tagal kaya pinahanga mo ako. At nag badnews naman ay mas lalo pa kita pahihirapan kaya ihanda mo ang sarili mo!" ang wika nito habang naka ngisi.
Tumingin ako ng masama sa kanya pero hindi ako kumibo. Tuloy tuloy akong pumasok sa aming silid at dito ay nakita kong pinag bubulungan nanaman ako ng aking mga kaklase na parang may mali sa aking mukha. "Blas, totoo ba iyon?" tanong ng aking isang kaklase sabay turo sa isang papel na nakapaskil sa pisara. Agad ko itong nilapitan at tiningnan dito ay nakasulat print ang aking larawan na naka hubad na halatang inedit lang at may caption na
"Ang maitim na sikreto ni Blas. Siya ay isang pakantot na alter sa twitter at gabi gabing nag papabook para maliit na halaga. Lumabas na rin siya sa mga cheap na porn movies at napariwara ang sarili."
Pinunit ko ang papel at humarap sa kanila. "Sino ang gumawa nito?" pasigaw kong tanong pero wala ni isa sa kanila ang kumibo.
Dito ay pumasok sa aking isipan na iisang tao lang ang gagawa nito at iyon ay si...
"Yujjiiiiii!" ang sigaw ko at dito ay mabilis akong lumabas sa classroom at hinabol ang leader ng F4 na noon ay lumalakad pabalik kanilang marangyang gusali.
Itutuloy..