Enduring the Pain (Surigao Se...

By oblivionpen

255K 5.1K 1.1K

Engr. Atlas Maximus C. Del Prado More

Enduring The Pain
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 13

5.5K 112 11
By oblivionpen

Kabanata 13


Palawan


Ang sabi ng iba'y kapag nakabilang ka na sa iyong isip ng isang daang tupa ay makakatulog ka na pero hanggang ngayo'y gising pa din ako.


Pagkabalik ko kanina sa kwarto'y halos sampung minuto lang ang lumipas ay iniluwa na din ng pintuan si Atlas. Tinanong niya lang ako kung may kailangan ba ako pero hindi ko siya pinansin kaya't wala siyang nagawa kundi ang umalis.


Nang gumabi na ay siya ang nagdala ng hapunan ko ngunit hindi ko pa din siya pinansin. Nanatili lang ako sa kama ko at hinintay siyang makaalis bago ko kainin ang dala niya. Naglinis din ako ng aking katawan kahit na hirap na hirap ako para maging presko ang aking pakiramdam at makatulog ng mahimbing pero baligtad ang nararanasan ko ngayon.


"I want to sleep," sambit ko sa aking sarili at saka ako nagtalukbong ng kumot, umaasang makakatulog na din ako paglipas ng ilang minuto.


Naka ilang biling din ako sa kama bago ako tuluyang dalawin ng antok.


Kinabukasan, nagtungo na nga kaming dalawa sa hospital at halos dalawang oras lang ay natapos din ang test na kailangang gawin sa akin.


Para akong batang nagmamasid sa lahat ng makikita ko sa labas. Sayang at nag-aya na kaagad akong umuwi dahil biglaang sumama ang pakiramdam ko.


"Are you alright?" he asked me.


Tumango lang ako at sinubukan kong maging komportable sa pag-upo. I just tried to take a nap, baka kulang lang ako sa tulog.


Nagising na lamang ako na malambot na ang aking hinihigaan. Nahirapan akong tumayo dahil sa bigat ng aking nararamdaman. Nilalagnat yata ako.


Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto at saktong kakalabas lang din ni Atlas sa kwarto niya.


His eyebrows furrowed when he saw me struggling to walk. Bumilis ang lakad niya para tawirin ang distansya sa pagitan naming dalawa.


"Nilalagnat ka," bungad niya kaagad matapos ilagay ang kaniyang palad sa aking noo.


Nawawalan ako ng balanse kaya't hinapit niya ang bewang ko papalapit sa kaniya. His musky and fresh scent started to linger on my nose. Mukhang kaliligo niya lang pala.


"Tatawagan ko ang doktor mo. Let's go back to your room," baritono niyang aya sa akin at inalalayan akong pumasok sa kwarto.


"Ah!" napasigaw ako ng bahagya dahil sa biglaan kong pag-upo. Ibinaba niya kaagad ang kaniyang telepono para tingnan kung anong nangyari sa akin.


"Nasaan ang masakit? Alin?" nag-aalala niyang tanong kaya't napatingin ako sa kaniyang mga mata.


His eyes are telling me how worried he is right now, kahit na nilalagnat lang naman ako. Siguro'y nabigla lang ang katawan ko dahil sa pag-alis namin kanina.


"I'm fine," I replied.


"You're not fine," kontra niya sa akin bago niya ulit tinawagan ang doktor.


He started talking to the doctor while I am just here, sitting on my bed, watching him losing his mind because I have a fever.


"Thank you, Dr. Rosales," paalam niya sa kaniyang kausap bago muling ibaling ang kaniyang atensyon sa akin.


"Your doctor is on his way now. Nakuha na din niya ang resulta sa mga ginawang test sayo kanina," baling niya sa akin at nakinig lang akong maigi.


"Kaya ikukuha muna kita ng pagkain," biglaan niyang dagdag.


Pagkabalik niya'y kasama niya na si Manang. May dala itong mga basang towel at siya naman ang may dala ng pagkain.


"Here," sambit niya habang nasa tapat ng bibig ko ang kutsara.


Anong plano niya? Susubuan niya ako? Hindi naman ako baldado para hindi magawang kumain mag-isa.


"Kaya ko na," sabi ko at akmang aagawin ko na sa kaniya ang kutsara pero inilayo niya ito sa akin.


He glared at me and I just rolled my eyes at him as my response. Tinulungan ako ni Manang na makasandal sa headboard ng kama at unti-unting pinupunasan ang mukha ko ng tuwalyang binasa ng maligamgam na tubig.


"Manang Dely, ako na," singit ni Atlas.


Binigay naman sa kaniya ni Manang at napangiti ito habang pinapanood si Atlas na marahang hinahaplos ang aking mukha ng basang towel. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala alam ang pangalan ni Manang. Kung hindi pa sinasabi ni Atlas ay hindi ko pa malalaman.


Maya-maya'y tumigil siya at kinuha na ni Manang ang mga atuwalyang nagamit na.


"Bababa na muna ako. Mukhang nandiyan na rin si Berto sa klabas," sambit nitoo at tumango lamang si Atlas bilang pagsang-ayon. Buti na lang at alam ko na ngayon ang pangalan nina Manang at Manong.


"Open your mouth, kid," utos naman bigla ni Atlas sa akin.


Napairap na lang akong muli ngunit sinubo ko pa rin naman ang kutsara na may lamang lugaw.


"I am not a kid, Atlas," reklamo ko ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay habang patuloy akong pinapakain.


Nakakalahati ko ang lugaw nang dumating si Dr. Rosales na mabilis namang tiningnan ang lagay ko.


"Nabigla ang katawan mo kaya't nilalagnat ka ngayon, Mrs. Del Prado,"


"It's Eris. Call me, Eris," putol ko sa kaniya.


Napatingin naman sa akin ang nurse ngunit nag-iwas lamang siya ng tingin nang makitang nakatingin din ako sa kaniya.


May iba pang sinabi si Dr. Rosales bago niya ako tuluyang turukan ng gamot. Napapikit ako dahil sa biglaang kirot dahil sa karayom.


Atlas is just staring at me kaya pinilit kong ibalik sa normal na ekspresyon ang aking mukha. Baka isipin niya na ang duwag ko naman sa karayom.


May mga inilabas na papel si Dr. Rosales bago siya magsalita.


"Naging maganda naman ang mga naging resulta ng test mo. Wala naman na akong nakitang mga komplikasyon. Ang problema na lang natin ay ang amnesia mo sa ngayon,"


"May mga naaalala ako pero hindi po masyadong malinaw," biglaan kong pag-aanunsyo.


"Kung ganoon, baka araw o ilang buwan lang ang bilangin at unti-unti ng babalik ang mga ala-ala mo because in most cases, amnesia resolves itself without treatment pero hindi mo kailangang pilitin ang utak mo na makaalala kaagad dahil mas makakasama 'yon" payo niya sa akin at nagsimula siyang magreseta ng gamot.


"I need you to buy these medicines, Atlas. May malamit na botika diyan sa bayan. Doon ka na lang bumili," sambit nito at ibinigay kay Atlas ang reseta. Bumaling naman siya sa akin at ngumiti.


"Huwag matigas ang ulo baka mabaliw na ang asawa mo sa pag-aalala," pagbibiro niya pa sa akin bago tuluyang magpaalam.


Hinatid sila ni Atlas palabas kaya't naiwan ako dito sa kwarto para ubusin ang lugaw na kinakain ko kanina. Pagkatapos ko'y uminom na ako ng tubig.


Nilalamig pa din ako pero nakaginhawa naman ako dahil sa tinurok na gamot sa akin. Pagbalik niya dito sa kwarto'y may hawak na siyang susi.


"Where are you going?" tanong ko naman sa kaniya.


He is just wearing a grey fitted shorts and white fitted v-neck shirt kaya tumaas ang kilay ko. Hapit na hapit sa kaniyang katawan ang suot niya ngayon. Hindi ito ang suot niyang damit kanina kaya bakit nagpalit pa siya?


"Sa bayan. Bibili ako ng gamot mo. May gusto ka bang ipabili?" malumanay niyang tanong sa akin.


"Sasama ako," wala sa sarili kong sabi.


"No, you'll stay here. Nilalagnat ka diba?" putol niya kaagad sa akin.


Napairap naman ako dahil halata naman na hindi niya ako papayagang sumama. Sinubukan ko lang baka bigla kasing pumayag.


"Bibili din ako ng pagkain. Ano ang gusto mo?" tanong niya ulit. Napaisip ako saglit bago ako sumagot sa kaniya.


"Japanese foods," kumunot naman ang noo niya. May mali ba sa sinabi ko?


"We're in Palawan now, baby. Wala akong mahahanap na japanese resto sa malapit,"


Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang nalaman na nasa Palawan pala kami. Bakit nga ba hindi ko naitanong sa kaniya kahapon kung nasaan kami?


"Eris?" tawag niya sa akin at nagulat naman ako dahil nasa harap ko na siya. Kanina'y malapit lang siya sa pinto.


"Fine, umalis ka na para makabalik ka din kaagad," pagtataboy ko sa kaniya pero nanatili lamang siya sa harap ko.


Mas napansin ko tuloy ang suot niya na nagpapairita sa akin ng wala sa oras. Masyadong hapit!


Teka nga, bakit ba pinoproblema ko ang suot niya? Ano naman kung nagpalit pa siya tapos ang pinalit niyang damit ay hapit na hapit na parang pinapangalandakan niya kung gaano kaganda ang kaniyang katawan?


"Aalis na ako," paalam niya at akmang maglalakad na palayo pero napahawak na naman ako sa dulo ng kaniyang t-shirt. Naiirita talaga ako.


"Aalis ka talaga na ganiyan ang suot mo?" I asked him coldly. Kumunot naman ang kaniyang noo dahil sa sinabi ko.


Napatingin siya sa suot niya at muling bumaling sa akin. Humarap siyang muli para mas makita niya ang reaksyon ng mukha ko.


"Maayos naman ang suot ko, Eris," sabi niya na siyang kinainis ko lalo.


"Magbihis ka," iritado kong utos sa kaniya. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at nanatili lamang siyang nakatitig sa akin.


"Fine! Umalis ka na!" naiinis kong sigaw sa kaniya dahil naiirita na ako sa kaniyang mga titig.


"Calm down, baby. I am all yours," panunuyo niya at akmang hahawakan niya ako pero tinulak ko siya palayo.


"Get out of my room!" utos ko sa kaniya kaya't napailing na lamang siya habang pinipigilan ang ngisi.


"Tone down your voice, little devil. Magpapalit na ako. Kumalma ka na," inirapan ko na lamang siya bago kumuha ng isang unan para maibato ko.


Tumatawa siyang umalis sa kwarto ko habang ako'y nanggagalaiti. Talagang may gana pa siyang pagtawanan ako. Ang sa akin lang naman kasi ay hindi dapat siya nagsusuot ng ganoon!


"Peste!" iritado kong sigaw bago ako nagtabon ng unan sa aking mukha.


Pakiramdam ko'y pinagpapawisan na ako, dahil yata sa pagkairita ko sa kaniya'y nawawala na ang lagnat ko.


"Kumalma ka, Eris. Hindi ka dapat umaastang ayaw mong may umagaw o magnasa sa lalaking sinasabing asawa mo. Tandaan, hindi ka siguradong asawa mo siya," sabi ko sa aking sarili.


Inayos ko naman ang buhok ko at kinuyom ang aking mga kamao. Hindi dapat ako maging komportable kaagad sa kaniya. Dapat ay alamin kong mabuti kung sino talaga siya at kung sino ba talaga ako.


Kapag nagising ka na ni pangalan mo ay hindi mo matandaan, hindi ka dapat magtiwala sa kumupkop sayo kahit na gwapo, matangkad, o mayaman at lalo na kapag sinasabing niyang siya ang asawa mo.


Pumasok naman bigla si Manang na may dalang mga damit na mukhang para sa akin kaya't napaayos ako ng upo.


"Salamat po," sambit ko naman at ngumiti siya habang inaayos sa kabinet ang kaniyang mga dinala.


"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya naman sa akin.


"Medyo gumagaan na po," magalang ko namang sagot. Magsasalita pa sana ako pero biglaan na lamang akong nagulat dahil sa biglaang pagsigaw ni Manang.


"Yung niluluto ko nga pala!" natataranta niyang sabi at patakbong lumabas ng kwarto ko.


Natawa na lang ako bago ako tumayo sa aking higaan. Gusto ko na munang maligo. Hindi naman nila ako pinagbawalan kaya pwede naman siguro saka dalawang buwan na akong walang ligo!


Nanguha ako ng pares ng pajama at tuwalya bago ako dumeretso sa banyo. Kumpleto ang mga kailangan ko dito pati na ang silyado pang toothbrush.


Naligo na ako at sinigurado kong malilinis ko ang aking buong katawan. Bakit ba kasi nakatulog ako ng dalawang buwan? Halos ubusin ko na ang sabon, shampoo at conditioner. Apat na beses yata akong nagsepilyo bago ako tuluyang nagbihis.


Inabot siguro ako ng halos dalawang oras sa paliligo dahil sinuri ko pa ng maigi ang sarili kong katawan dahil sa mga sugat na natamo ko sa aksidente. It looks awful. Kung susubukan kong magbikini ay makikita 'to panigurado.


Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko siyang nakaupo sa kama ko. Mukhang kanina pa siya nandito. Ang suot niya ang una kong napansin. Magpapalit pala, ha? Bakit iyan pa din ang suot mo?


"Ang tagal mo sa banyo," panimula niya ngunit dumiretso lamang ako sa lalagyanan ng suklay.


"Bumaba na ba ang lagnat mo?" tanong niya naman kahit na halatang hindi ko siya pinapansin.


"Eris, I am talking to you," baritono niyang usal kaya't lumingon ako sa kaniya. Nakita ko naman ang isang tray na naglalaman ng mga nakahiwa ng prutas na mukhang siya ang nagdala rito.


"Magaan na ang pakiramdam ko," tipid kong sambit na siyang kinatayo niya.


Papalapit siya sa akin kaya't inabala ko kaagad ang sarili ko sa pagsusuklay. Huwag kang lalapit! Huwag kang lalapit sa akin!


Naghuhurumentado na ang puso ko ng maramdaman ko ang presensya niya sa aking likod, lalo na ng bigla niyang kunin ang suklay sa akin at siya na ang nagpatuloy sa ginagawa ko sa aking buhok.


"Kanina pa ako nakauwi kaya nakapagpalit na ako ulit," he explained, but I remained silent.


"Do you want me to change my clothes again, hmm?" he asked me with his baritone voice.


Hindi ako nakasagot at tiningnan ko lamang ang repleksyon namin sa salamin.


"Magpapalit na ulit ako," sambit niya at itinigil ang pagsusuklay sa akin. Napaharap ako ng wala sa oras sa kaniya dahil doon.


Hindi ba siya naaawa sa maglalaba? Pang-ilang palit niya na ngayon?


"Huwag na," I said with finality in my voice.


Ibinalik niya naman sa lalagyan ang suklay bago muling titigan ang aking mga mata. His arms slowly claimed my waist, making our body touched each other.


"You're still so selosa," malambing niyang sabi bago ayusin ang mga takas kong buhok na humaharang sa aking mukha.


"I'm not selosa," pagtatanggol ko sa aking sarili.


Bakit naman ako magseselos kung hindi naman ako naniniwala na asawa ko siya?


"Whatever you say, baby," he said before smirking.


Sinamaan ko siya ng tingin at akmang itutulak ko na naman siya palayo pero hindi niya ako hinayaang magawa 'yon. Mas hinigpitan niya lang ang hawak sa aking bewang kaya't mas napadikit ako sa kaniya.


Pakiramdam ko'y biglaang nagkaroon ang aking tiyan ng mga paru-paro. Hindi dapat ako kinikilig dahil lang sa simpleng mga galawan niya. Hindi ako marupok, hindi ako mahuhulog sa bitag niya.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 138K 53
Jessica Claire is the one and only daughter of Mr. and Mrs. Travieso. She was born with a silver spoon in her mouth, she's filthy rich and can get an...
97.4K 1.5K 43
Ar. Apollo Maximus E. Del Prado
346K 10.5K 38
Gillian Haidee Seminiano dreams of being a Cruise Ship Stewardess. With full of nothing but self-doubt, Archibald Benjie Trinidad believed in her. It...
2M 58.3K 38
COMPLETED | UNDER REVISION The Eleanors are well known as the richest and the most powerful clan among the people of La Cuevas, Cebu. Azale...