A Forbidden Affair (Guieco Cl...

By LovieNot

35K 1.8K 237

Marciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to... More

BLURB
PROLOGUE
CHAPTER 1- SEDUCTIVE BOSS
CHAPTER 2- FORBIDDEN AFFAIR
CHAPTER 3- LETTING GO
CHAPTER 4- TERRITORY
CHAPTER 5- CHILDHOOD FRIENDS
CHAPTER 6- BATTLE OF LOVE
CHAPTER 7- CLASH OF CLANS
CHAPTER 9- FAVORITE CAR
CHAPTER 10- COMFORT ZONE
CHAPTER 11- GIVING IT UP
CHAPTER 12- ASHELL
CHAPTER 13- SYNTAX ERROR
CHAPTER 14- UNBEARABLE PAIN
CHAPTER 15- HATRED
CHAPTER 16- SUDDEN ATTACK
CHAPTER 17- LOST LIVES
CHAPTER 18- KARMA
CHAPTER 19-SNELLENN FAMILY
CHAPTER 20- SYSTEMS DEFENSE
CHAPTER 21- ROBOTS
CHAPTER 22- THANK YOU KISS
CHAPTER 23- NTH CHANCE
CHAPTER 24- START BUTTON
CHAPTER 25- RIGHT TIME
CHAPTER 26- OFFICIALLY
CHAPTER 27- LUCKY ONE
CHAPTER 28- FEAR AND DOUBT
CHAPTER 29- LIKE A STAR
CHAPTER 30- SILENCE MEANS YES
CHAPTER 31- DREAM
CHAPTER 32- CONFESSION
CHAPTER 33- FORBIDDEN LOVE
CHAPTER 34- FIGHT FOR LOVE

CHAPTER 8- REWRITE THE STARS

638 61 3
By LovieNot

Mataman na pinagmasdan ko si Percy na nakaupo sa sofa dito sa loob ng flat ko habang kinakalikot ang camera niya.

"I don't know kung saan ba kita nakita but you're so damn familiar," asik niya pa. Tapos napapakunot-noo pa nga. Kanina pa siya mukhang may malalim na iniisip.

"Sino ba 'yan?" Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na tanungin siya. Agad na napatingin siya sa 'kin at nakangiti nang umiling.

"Nothing. By the way, may sasabihin ka ba sa 'kin?" usisa niya pa. Natigilan naman at biglang kumalabog ang dibdib.

Gosh! Alam niya na ba? O nahahalata kaya niya? May nagsumbong na ba sa kaniya?

"H-Ha? Ano naman ang sasabihin ko?"

Napasandal naman siya at nanliliit ang mga matang nakatitig sa akin.

"C'mon, Marci, kaibigan mo ako, 'di ba? Ayaw na ayaw kong may sinisekreto ka sa akin, alam mo 'yan."

Tuluyang nag-derilyo ang sistema ko at napalunok ng pasimple pero dahil I am too good at pretending ay nanatiling kalmado ang expression ng mukha ko.

"Ano ba ang gustong mong malaman?"

"Ang about sa inyo ni JB ba 'yon?"

Nakahinga naman ako nang maluwag.

Ayan kasi, Marci. Huwag kang advance mag-isip at 'wag ka namang pahalatang guilty ka talaga.

"Wala naman. Hindi naman talaga kami masyadong close, eh."

Napatango-tango naman siya. Mukhang hindi ko na pa kailangan nang maraming satsat para mapaniwala siyang wala lang talaga sa akin si Sir JB. Mabait naman 'yong tao eh tsaka mukhang may special someone naman na iyon.

Ano? Forever na lang ba talaga akong third wheel? Zsss.

Napasinghap ako at naupo na rin sa tabi niya. Inipon ko ang lakas ng loob na meron ako sa oras na ito bago nagsalita.

"Eh, kayo ni Ash? Kamusta?"

Bahagya siyang napasiring sakin at mahinang natawa pagkuwa'y napailing. Kasunod niyon ay ang malalim na buntonghininga.

"We're okay. Nothing change. Kung ano ang pakikitungo niya mula noong naging kami ay gano'n pa rin hanggang ngayon. Napaka-protective niya sa akin at napakalaki ng respito. Feeling ko... parang magkapatid lang kami, eh. We're like a big brother and little sister to each other."

Sinabi niya iyon habang nakatitig sa camera niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang nakatitig sa kanya. Bakas sa mukha niya ang lungkot. Lungkot na ngayon ko lang ulit nasilayan mula nang araw na dinala siya sa bahay namin nina Dad.

"Dad, Mom, sino siya?" agad na tanong ni Gab nang makita ang batang babae na mukhang ka-edad-an lang din naman namin. Umiiyak siya at tila ba lungkot na lungkot. Nakakabasag puso ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Mga anak, Marci and Gab. This is Percylla Holland, anak ng kaibigan ko. Mula sa araw na ito ay dito na siya titira sa atin and ituring niyo na rin siyang kapatid."

"What? I mean, why? Where's her parents, by the way?" singit ko rin, napatingin naman sa akin ang Percylla na sinasabi ni Daddy .

Parang may mga karayom na tumutusok-tusok sa dibdib ko habang pinagmamasdan at pinapakinggan ang kanyang hikbi. Napatitig naman siya sa'kin, kita ko sa mga mata niya ang nakakalunod na lungkot at sakit.

Iyon na ang nagsasabi sa akin na may hindi magandang nangyari sa mga magulang niya.

"Nah! Forget it, Dad. Percylla, right?" saad ko ulit. Tumango naman siya at sinubukang ngumiti. Tila ba may humaplos sa puso ko nang masilayan ang ngiti niyang iyon.

Paano niya pa nagagawang ngumiti sa kabila ng lungkot na bumabalot sa pagkatao niya? This girl is quite admirable.

"I'm Marci and this is my twin, Gab. Starting from this day, hindi ka na iiyak ulit, ayokong umiiyak ka. Ayokong may umiiyak at nalulungkot sa bahay na ito. Maliwanag ba?"

"I can't help and stop myself from crying Marci. I'm sorry. It's... It's... Damn hurts. My p-parents d..died."

"Marci baby, intindihin mo muna si Percy ha?" saad ni Mommy. Umiling naman ako. The more na nakikita ko ang batang ito na umiiyak, the more na sumisikip ang dibdib ko.

"No. I said what I've said. Period."

"Marci..."

"It's fine Tita," putol niya sa sasabihin ni Mom.

"Ayaw ko rin naman na umiyak at malungkot eh. Sobrang hirap. Can you help me?" tanong niya sa akin.

"Help what?"

"To remove this pain I am feeling from here?" Itinuro niya ang kanyang dibdib.

"My god! My twin is not a doctor. How can she remove your heart's pain..."

"Gab," putol ko sa kapilosohan ng kambal ko.

"Eh? Sorry na, bal. Just saying," nakanguso pa nitong saad.

"Okay, tutulungan ka namin. Hindi lang ako kundi kaming apat. Dad, Mom, me and Gab." Dahil likas sa'kin na hindi pala ngiti ay nahirapan akong ngitian siya.

"You must be smiling to me if sincere ka sa sinasabi mo."

Nagtawanan naman sina Dad habang ako ay napakamot sa sentido.

"Sorry, I can't smile like you do coz I'm serious sa sinabi ko."

Ngumiti na naman siya but this time, pinunasan niya na ang kanyang luha.

"Gusto kitang maging best friend. Pwede ba 'yon?"

"Eh..."

"Of course, pwedeng-pwede, Percy." Si Dad na ang sumagot.

Niyakap niya na lang ako bigla at doon ko na nagawang ngumiti.

Siya ang pangatlong kapwa ko bata na yumakap sa'kin nang hindi ko nasasapak. Una ay si Gab, pangalawa ay si Ash at siya.

"But it's fine, Marci. Huwag mo na ngang itinatanong 'yan. Saka baka isumbong mo pa ako sa kaniya. Close pa naman kayo."

"Hindi naman. Bakit kita isusumbong, siya ba kaibigan ko?"

Napapatitig naman siya sa akin pagkuwa'y ngumiti at umiling.

"Ako, ako ang kaibigan mo," saad niya tsaka niyakap ako.

"I love you, Marci."

Napapikit ako. Ito ba? Ito ba ang babaeng sasaktan ko? Paano ko nga ba nagagawang lihiman ang babaeng ito? Paano ko nagawang mahalin at makipaglandian sa lalaking mahal niya?

Shit! I hate myself.

"I love you, Percy. Mapapatawad mo kaya ako?" Wala sa sariling naitanong ko iyon.

Napakalas naman siya. "Ha? Sa ano?"

Naalarma naman ako. Haduf talaga!

"K-kapag... Kapag sakaling may magawa akong mali sa'yo, Percy. Iyon ang ibig kong sabihin."

"Kapag magkaibigan Marci, kahit anong mangyari ay mananatiling magkaibigan, tandaan mo 'yan. Kahit pa gaano kasama o kasakit ang magawa natin sa isa't-isa kasi nga noon ko pa man sinasabi sa iyo na hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa hinahara, 'di ba? Isa lang ang nasisiguro ko... Ikaw at ikaw lang ang gusto kong maging best friend. Sa 'yo lang ako magtitiwala at sa 'yo lang ako makikinig."

Damn! Bakit nasasaktan ako sa mga pinagsasabi niya? Dahil ba hindi ako deserving sa tiwala niya? Hindi ko deserve na maging best friend niya?

Lord, bakit kasi sa dinarami-dami ng lalaki, bakit iisa lang yong minahal namin? Hindi ko po maintindihan kung bakit nangyayari ito sa amin.

"I don't deserve your trust..."

"Of course you do, Marci. Trust me, you're the best woman I've ever met. Well, next to my m-mom."

Muli na namang nalungkot ang mga mata niya.

"Siguro kagaya mo, ang bait din ni Tita Pearl. Sabi ni Dad, manang-mana ka raw sa kanya eh," nakangiti kong saad para pagain ang makiramdam niya.

"Yeah. Mana talaga ako sa kanya."
Mas malapad na ang ngiti niya. Mabuti naman.

"By the way, sinabi pala ni Ashmer na may pag-uusapan daw kayo? Baka hinihintay ka na niya sa office niya, you go na."

"Hindi ka ba sasama?"

"No. Ikaw lang naman kakausapin niya eh and baka confidential din uli. Dito na lang ako. Patambay muna rito."

"Okay. Papunta rin si Gab..."

"Hello, lady and lady! May makakain ba dito?"

Napangiwi na lang ako. Puro pagkain talaga ang hanap ng kakambal kong ito pero 'di naman tumataba.

"Wala, Gabriella..."

"Urgh! Percylla naman, eh! Huwag mo ng buuin pa ang pangalan ko."

Natawa naman ang isa. "Fine. I wonder why pare-parehong may 'lla' 'yong dulo ng pangalan natin, nagkataon lang ba?"

"Baka. Ewan sa mom ko at mom mo."

"Mom ko?" angil ko sa sinabing iyon ni Gab.

"Mom natin pala. Sorry naman Marciella Del Pilar," asar niya pa sa akin at sabay pa silang tumawa nan malakas ni Percy.

"Duh? Marcelo kaya 'yon not Marciella," asik ko.

"Ay? Marcelo naman pala, Gab."

"Kaya nga, sorry ulit, Ell... Oo nga pala, naalala ko, hinahanap ka ni Boss."

Saka ko pa lang naalala na papunta nga pala dapat ako sa office niya.

"Oo nga pala, papunta na dapat ako..."

"Palusot, bal! Palusot!"

"Hindi, ah? Tanong mo kay Percy."

"Yeah, totoo."

Napanguso naman ang selosa kong kambal, isa pa itong haduf na ito.

"Huwag nga ako! Magkaibigan lang kasi kayo kaya gano'n. Tse! Dapat pala kayo na lang ang naging mag kambal!" asik niya pa at tsaka nagdadabog na lumabas.

"Hay, naku, so childish." Sabay pa naming saad at parehong natawa.

"Siya, alis na ako."

Lumabas na ako ng flat at dumiretso na office ni Bossungit. Hindi naman na naka-lock ang pinto kaya pumasok na ako.

Nagmadali kong tinungo ang kinaroroonan niya at maagap na sinalo ang ulo niya na sapol sana sa kanyang glass table. Agad naman na napaayos siya ng upo.

"Antok na antok, boss?" nangungunot-noo kong tanong sa kanya.

"Oh... Nandito ka na pala. I'm sorry."

"Ayos ka lang?"

"Yeah, why?"

"Mukhang hindi eh. Naku, Ash, 'di ba sinabi ko ng 'wag na 'wag kang laging nagpupuyat? Marami naman kaming pwedeng tumulong sa iyo eh, di mo kailangang solohin lahat," sermon ko sa kanya.

"Hindi naman trabaho nakapagpapuyat sa 'kin."

Napataas-kilay naman ako. "Ano naman, aber? Mga libro na naman ba?"

"Iyong babaeng mahilig sa libro," nakangiti niya ng saad. Kunwaring wala akong pakialam sa sinabi niya.

"Ano nga pala pag-uuspan natin?" direktang saad ko.

"Future natin."

"Ash, umayos ka nga, busy ako," asik ko.

Napanguso naman siya. "You're so serious, Marciella."

"So, be serious also."

Napabuntonghininga naman siya.

"And now you're cold, zsss."

"No, I am not. I'm hot... I mean..."
Napangisi naman siya.

Buwisit ang isang ito! Kakagigil! Sarap isako.

"Forget it, Ashmer! Ano ba talaga pakay mo, ah?"

"About Polar Clan."

Napaupo naman ako nang maayos. Bigo sina Gab noon na makakuha ng impormasyon tungkol sa kanila kaya naman lagi kaming naka alerto. Kahit ang RAO ay wala ring nakuhang lead. Malinis ang naging kilos nila at mukha ngang layunin nila na ipaalam ang pangalan ng kanilang grupo, it's either para sindakin ang itinuturing nilang kaaway o para lang takutin ang lahat.

O baka both.

Napalunok naman ako dahil sa mas sumeryoso siya.

"Ash? Problema ba? Anong about sa PC, ha?" kinakabahan ko ng saad. Napahigpit pa ang kapit ko sa librong nasa mesa niya.

"Wa... wala pa rin tayong lead," aniya sabay kibit-balikat.

Awtomatiko na kumulo ang dugo ko sa kanya. Tumayo ako at ipinokpok sa ulo niya ang libro.

"Nyawa ka talaga! Pinakaba mo pa ako!"

Natawa lang siya at tumayo rin. Naglakad siya papunta sa gawi ko. Mabilis pa sa alas kwatro na napalayo ako sa kanya. Nasa may pinto ako habang siya ay nasa gilid ng kanyang mesa.

Lord, ayaw ko ng dagdagan pa ang kasalanan ko kay Percy kaya ilayo niyo ako sa lalaking ito, sa tuksong ito!

"At ngayon, takot ka na rin sa akin? Seriously, Marciella?" Naka-poker face pa talaga siya.

"Hindi ako takot. Nag-iingat lang ako."

Napakunot noo naman siya. "Ingat sa?"

"Sa kalandian mo."

Akmang magsasalita na siya ng padarag na bumukas ang pinto at iniluwal doon ang nakabusangot na mukha ni Kenshane.

"Bullshit!" malutong na mura nito. Nanlaki pa nang bahagya ang mata ko dahil first time yata na ganito siya kabadtrip, anong nangyayari?

"Shane? Problem?" usisa niya sa pinsan na pasalampak na umupo sa upuan.

"No! Hindi ako badtrip, Kuya Boss. Haduf! Bigyan mo ako ng dalawang misyon sa araw na ito. Isa mamayang afternoon and isa mamayang gabi."

Sabay kaming napangiwi ni Ash. Iyan ba ang hindi badtrip? Mas malakas yata ang sapak ng mga babaeng Guieco.

"That's impossible, Kenshane."

"Pero sabi nila nothing is impossible. Ano ba 'yan? Wala namang palang kwenta ang kasabihan na 'yan eh! Fine, kahit isa lang."

Okay, damayan time na naman dahil wala sa mood ang isang Kenshane Guieco.

"Okay, as you wish..."

"No! Don't give her a mission, boss."

Agad na asik ng lalaking kakapasok palang, bahagya pa akong nagulat dahil hindi man lang kumatok eh, alam na nasa may pinto ako, sarap nilang isako.

"Huwag kang makinig sa pa-fall na 'yan at mas malandi pa kaysa sa akin! Sige na, boss! Bigyan mo na ako..."

"I said hindi ka kukuha ng misyon, Shane!"

"Wala kang pakialam! Wala ka namang pakialam sakin, 'di ba?"

"Shane..."

"Stop!" sigaw na talaga ng dalaga. Napatakip pa ako ng tenga dahil sa tinis ng boses niya.

"What are you doing, Kenshane?!" asik na ni Ash na mukhang ikinagising ng diwa ng dalawa. Napakamot si Faller sa ulo na tila ba nahihiya habang ang isa naman ay napanguso.

"I'm sorry boss, pero kung ayaw mo talaga akong bigyan, di fine! Sorry ulit."

Walang sabi-sabing lumabas si Shane at agad naman na sinundan siya ng lalaki. Napanganga na lang ako na pinagmasdan ang pinto na nilabasan ng dalawa.

Whooa! That was tough!

I mean, ang magsagutan o whatever sa tawag ng ginawa nila sa harap ng Boss ng GC, sa harap ng bossungit na Ash. Lakas ng loob nila, ah? Sumakit bagang ko doon.

I turned slightly to glance at the sofa where Kenshane had been sitting earlier, but my eyes widened when my lips met his. He gently bit my lower lip and skillfully sought out my tongue.

Damn this man! I'm always drawn to his kisses.

"Ash," usal ko nang maghiwalay ang mga labi namin.

"Hanggang kailan tayo magtatago Ell?"

Napapikit ako dahil sa tanong niya. Tanong na nasa kukuti ko rin lagi.

"Hangga't... Hangga't..."

"Mahal ako ni Percy? At kung kailan niya ako titigilang mahalin, tsaka mo palang din ako ipaglalaban?"

"Ash, hindi madali ang sitwasyon natin. Alam mo bang nasasaktan din ako for Percy, ha? Bakit ganiyan ka? Hinayaan mong mahalin ka niya and now what?"

"Now, you're blaming me for this. Ikaw naman itong pinilit ako na piliin si Cylla. Sana man lang kasi iniisip mo ang consequences ng bawat desisyon mo."

"Hindi kita sinisisi, Ash, I'm just trying to say na lahat ng ito... Bunga ng maling desisyon at pride natin pare-pareho." Napabuga ako ng hangin. "Let's stop this Ash, please? Ayusin mo muna 'yong sa inyo ni Percy. At kapag okay na, tsaka mo na ako balikan, nandito lang naman ako eh, mahal kita at handa akong maghintay sa tamang pagkakataon. Don't do this to Percy. Huwag mo siyang saktan, 'wag natin siyang saktan sa paraang ito."

Hindi naman siya nakaimik pero nanatili siyang nakakatitig sa akin.

"Sana nakukuha mo ang punto ko. Hindi porke't hindi kita kayang ipaglaban sa kaniya ay hindi na kita mahal, sadyang nasa maling pagkakataon lang tayo dahil mali rin ang naging desisyon ko and I'm so sorry for that. Just help me clean this mess, please."

Marahan na napasinghap siya. "Yeah I get it. I'm sorry. Tama ka, may iba pang paraan."

Tumango ako sa kaniya at walang sabing linisan ang opisina niya.

Should I be proud of myself now? Ha! I hate me still.

I clenched my fist, realizing that what we're doing is undeniably wrong. Kissing and secretly sleeping together while he has a girlfriend? It's completely off.

And remember your promise, Marci? One last starry night, and you'd forget him, but here we are. Where is your determination? Where is the Marciella who stayed true to her word and pursued her dreams? Where is the old you?

Nailing na lang ako. Kung kami ay kami, naniniwala akong ang bawat nakatakda ay may perfect timing lagi. At mukhang lagi kaming nasa wrong timing. We should take it easy para kapag may nasaktan man at least hindi biglaan.

Napadaan ako sa isang bench kung saan nakaupo sina Gab and Jinro na mukhang may iminamaktol si Gab sa lalaki. Nang makita niya ako ay napaayos pa siya ng upo, at umirap sa akin.

Wait... Umirap siya sa akin? God, so childish. Nagtatampo na naman ito.

Imbes na ipagpatuloy ang aking paglalakad papuntang flat ko ay dinaanan ko na sila.

"Hi, beautiful Marci!" bati sa akin ni Jinro.

"Zsss. Pangit naman 'yan eh," asik ng haduf kong kakambal. Pabulong lang iyon pero dinig na dinig ko.

"Eh di pangit ka rin pala," natatawa kong saad para asarin siya.

"Hindi tayo magkambal..."

Pareho kaming natawa ni Jinro dahil sa hindi niya naituloy ang pangbabara niya sana sa akin.

"C'mon, Gab, magkambal tayo, alam 'yan ng buong mundo."

"Hindi tayo magkamukha, 'yon ang sinasabi ko."

"Yeah but still magkakambal at magkapatid tayo. Iisang genes lang tayo nanggaling kaya kung pangit ako ay mas pangit ka," bwelta ko at pinigilang matawa at baka madugakan niya na lang ako bigla.

"Kung nandito ka para mang-asar, just go! Puntahan mo na lang ang kaibigan mong paniguradong nag-aantay sa flat mo!"

"Selosang Silang!" sabi ni Jinro sabay sipol.

"Hindi, ah! Sinasabi ko lang ang totoo. Naghihintay sa kaniya ang isa niya pang kapatid."

"Isa lang ang kapatid ko at isa lang din ang kaibigan ko."

Napairap na naman siya.."See? You don't even consider me as your best... Na! Whatever," nakahalukipkip niya ng asik. Isip bata pa rin talaga ang isang ito. Minuto lang naman ang tanda ko sa kanya pero hindi naman ako kasing childish niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na hinila siya patayo.

"Ano ba, Marciella?!" angil niya pero hindi ako nagpatinag, ipinulupot ko ang kamay ko sa kanya.

"Libre kita ng ice cream."

Napangiwi naman siya.."Hindi ako bata at ililibre din ako ni Jin kaya no thanks."

Aba! May improvement naman pala siya kahit papano, dati ice cream lang ay napapasaya ko ulit siya.

"Eh? Ako naman manlilibre sa 'yo."

"Huwag na nga ssaka may pera ako Marciella! Hindi ako pulubi, sumbong kita kila Mom eh."

Sumbongera talaga. Zsss.

"Wala naman akong sinabing pulubi ka, eh. Mag-shopping tayo, fix yourself. Daanan kita sa flat mo after kong makapag-ayos din. Kapag wala ka doon, sinasabi ko sa 'yo. Sisilaban ko flat mo," pananakot ko sa kaniya at umalis na. Narinig ko pa ang tawa ni Jinro.

Kailangan ko ring mag-unwind. Masyado na siguro akong stress kaya nagma-malfunction na ang utak ko. Di na nakakapagbalanse ng tama at mali eh, bwiset.

Pagkarating ko sa aking flat ay tulog si Percy, ginising ko siya pero mukhang mahimbing ang tulog niya kaya hinayaan ko na lang siyang magpahinga. Akmang papasok na ako sa shower room ng magsalita siya.

"M...mom, Dad! No! Huwag niyo kong iwan!"

Dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap. Hanggang ngayon pala ay dala-dala niya pa rin ang pighati dulot ng pagkawala ng mga magulang niya.

Poor, Percy.

"Percy, Percy gising," yugyog ko sa kaniya. Hindi siya nagising pero mukhang kumalma na siya ulit. Nakita ko pang may luhang pumatak mula sa mga mata niya.

I'm sorry, Percy. I'm so sorry. Hindi ko alam kong paano ko ipagtatapat sa 'yo ang totoo pero alam kung darating ang araw na kinakatakutan ko. Walang sekretong 'di nabubunyag.

"Isa lang ang nasisiguro ko... Ikaw at ikaw lang ang gusto kong maging best friend. Sa 'yo lang ako magtitiwala at sa 'yo lang ako makikinig."

Sana nga Percy, sana hindi mawala ang tiwala mo sa akin at sana gugustuhin mo pa rin akong maging kaibigan sa kabila ng sakit na maaari kong maidulot sa' yo. Itatama ko ang lahat, bigyan mo lang ako ng panahon pa. Sinusubukan ko pa ring baguhin ang ating kapalaran.

"If only I had been given a chance to rewrite the stars, Percy, I would choose to be the one who disappears from this story rather than you. Because you truly deserve happiness," I whispered softly.

"Ikaw at ikaw lang ang gusto kong maging best friend."

Me too, Percylla. Kaya sana magawa mo pa akong patawarin. I don't know how to give up, Ash. I just don't know, and I'm sorry for that.

Vote. Comment. Follow.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
7.9M 236K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.1M 33.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...